Share

Chapter 19

Author: Lyniel
last update Last Updated: 2022-11-04 12:13:25

Kinaumagahan maaga pa rin siya’ng nagising, medyo nagtaka pa siya bakit wala s’yang suot na saplot, nang lingunin niya katabi doon niya lang naalala ang lahat.

It’s not a dream! Bulalas niya sa isip. Totoong nangyari ang lahat at narito ngayon sa tabi niya ang asawa.

Gumalaw siya ng konti at malayang pinagmasdan ang payapang pagtulog ng asawa, hinaplos niya ang ulo nito at ginawaran ng isang magaan na halik.

Nagising naman ito at bigla siya’ng kinabig palapit dito, lumanding siya sa ibabaw nito!

“Ay! Ano ba! akala ko tulog ka pa?” natatawang sita niya, nagulat kasi dahil bigla siya nitong hinila at inibabaw sa kanya.

“Nagising ako sa halik mo, alam mo kasi hindi ganoon ang tamang paghalik sa asawa, dapat ganito,”

Hinalikan siya nito ng mariin sa lab

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • One Faithful Love   Chapter 41

    Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Damain, he is currently in his office here in Makati, abala ang isip niya tungkol sa asawang si Emy at sa sinabi nito sa kanya noong nagdaang gabi. Sa totoo lang kahit siya ay napapaisip na rin kung bakit siya na lamang ang hindi matandaan nito, ang mga memories nila together simula noong una hanggang sa bago ito mawala one year ago. Yes, isang taon na rin ang lumipas simula ng mawala ito, at mahigit tatlong buwan na rin silang mag kasama simula ng matagpuan niya ito sa Buenavista.Hindi niya lubos na maintindihan kung bakit hindi pa rin siya matandaan ng lubusan ng asawa. Kahit ang mga doctor ay hindi rin sila mabigyan ng wastong sagot sa tanong nilang iyon. Palagi niyang sinasabi kay Emy na mag hintay lamang at babalik din sa dati ang lahat, pero pakiramdam niya ay malabo na iyon mangyari."Why the long face, bro?" it was Albert their CFO and his friend. Pinatawag niya ito dahil gusto niy

  • One Faithful Love   Chapter 40

    Habang binabasa ni Emy ang mga nakasulat sa diary niya ay di niya maiwasang kiligin at mainis sa sarili. Totoo nga pala ang sinasabi ng damuhong Damian na iyon! siya pala talaga ang patay na patay dito noong high school pa siya hanggang sa mag kolehiyo siya. Ang dami niyang ginawang pag papapansin at kapilyahan dito lalo na sa mga nililigawan nito noong araw.Hmp! kahit pala noon napaka lapitin na nito sa mga babae! inis niyang sabi sa sarili.Tuloy tuloy pa rin niyang binasa ang nilalaman ng kanyang diary, habang si Damian naman ay tumigil na rin sa pangungulit sa kanya na buksan ang pinto, marahil naisip nitong bigyan siya ng oras para matapos basahin ang nilalaman ng tala-arawan niya na iyon. Kaso habang palayo ng palayo ang mga pahina ay lalong nadagdagan ang kahihiyang nararamdaman niya sa isiping n

  • One Faithful Love   Chapter 39

    "Emy?? ikaw nga ba iyan hija?" ang naluluhang tanong ng matandang pari na ngayon ay nakaratay na lamang sa kanyang higaan. Bumuhos ang masaganang luha sa kanyang mga mata ng muling masilayan ang paring nag-alaga sa kanya at nagbigay ng panibagong pag-asa sa kanya noon.Lumapit siya sa kama nito at sinalubong ng yakap ang matanda. Para na itong ama sa kanya, ang mga payo at gabay nito noon ang nag silbing tanglaw niya para mag patuloy sa buhay, higit sa lahat binigyan siya nito ng bagong tahanan noong mga panahon hindi niya alam kung saan siya pupunta. Bigla ang pag daloy ng alaala sa kanya sanhi para matigilan siya ng bahagya. Napahawak siya sa sariling ulo, at parang tila kidlat na gumuhit sa kanyang isipan ang isang sakuna noon sa buhay niya.Nakita niya ang sarili na nakabitin sa isang bangin at tila may isang

  • One Faithful Love   Chapter 38

    Pag dating nila sa hospital sa Maynila ay agad siyang inasikaso ng doctor na kilala at malapit sa pamilya nila Damian, Si Doctor Estevan. isa itong sikat na nuerosurgeon sa bansa.Isinalang kaagad siya sa mga series of test at sinabihan na kailangan muna nila manatili sa hospital na iyon at hintayin ang resulta ng mga examination na ginawa sa kanya. Maraming agam agam ang pumapasok sa isipin ni Emy, pilit niyang inaalala ang nakaraan nila ni Damian ngunit kahit anong pilit niya ay wala talaga siyang makapa kahit na anong munting memories na kasama ito.Batid niyang nag sasabi ng totoo si Damian sa kanya at maging ang mga tao sa paligid niya, ngunit kung bakit ang isip niya ay wala man lang mahagilip kahit kaunti na alaala nito."Doc, bakit wala akong maalala tungkol sa asawa ko? bakit ang ibang mga tao sa paligid ko ay

  • One Faithful Love   Chapter 37

    Isang marahang tapik sa kanyang pisngi ang nag pagising kay Emy, si Damian iyon, buong pagmamahal itong nakatunghay sa kanya habang marahang hinahaplos ang kanyang pisngi.“We’re here, nakatulog ka sa biyahe.”Pupungas pungas siyang nag mulat ng mata at marahang iginala ang tingin sa labas ng sasakyan. Nakahinto sila ngayon sa labas ng isang malaki at mataas na gate na bakal. Sa ibabaw niyon ay naka ukit ang “Haciena Dela Cuesta”.Inalalayan siya ni Damian na makalabas ng sasakyan ng ganap na silang makapasok sa loob ng solar ng malawak na hacienda. Napakaganda ng bahay ng mga ito, pinag-halong Spanish and filipino style. Matayog ang tindig ng Mansion nila Damian, ang matingkad na kulay puti nitong pintura ay mas lalong nag bigay ng ambiance ng Spanish st

  • One Faithful Love   Chapter 36

    Nakabalik na sila ni Damian sa bahay nila, sinamantala nila na medyo humina ang ulan ng mag pasya sila na umalis na sa kweba at umuwi sa bahay nila. Sinalubong agad sila ng kaniyang ina at binigyan sila ng tig-isang tuwalya.Naligo na rin siya dahil basa na rin naman sila ng ulan habang pauwi. Matapos maligo at makapag bihis ay nadatnan niyang nag uusap sa sala ang kanyang ama at si Damian, mukhang masinsinan ang pag-uusap ng dalawa. Nakapag bihis na rin si Damian ng tuyong damit.Ewan ba niya pero simula ng isalaysay ni Damian sa kanya ang nangyari noon, may kung anong mga imahe na ang nabubuo sa kanyang isip. Mga mukha ng tao na pilit niyang inaalala kung sino at kung ano ang kaugnayan sa kanya. Ang nakakapagtaka lang ay bakit hindi niya makita sa balintanaw niya ang mukha ni Damian.Batid niyang may

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status