Maraming salamat po sa mga nagbigay ng gems. Sana dumami pa kayo. Hahaha.
Tahimik ang biyahe pauwi.Nasa likod ako ng sasakyan, kasama ang mga bata. Tahimik silang natutulog, parehong nakasandal sa magkabilang braso ko. Si Drako naman ay tahimik lang din sa driver’s seat, pero ramdam ko ang bigat ng kanyang mga buntong-hininga. Hindi ko alam kung dahil ba sa stress ng buong araw o dahil sa akin.Nilingon ko siya. Napatingin din siya sa rearview mirror. Saglit kaming nagtagpo ng tingin, pero agad ko ring ibinaling ang paningin ko sa labas ng bintana.Pagdating sa bahay, dahan-dahan naming inilipat ang mga bata sa kwarto. Maingat kong hinaplos ang buhok nina Camila at Calliope habang inaayos siya sa kama. Si Dax naman ay mariin ang yakap sa stuffed toy niyang si “Woofie.” Anghel ang mga mukha nila habang natutulog. Paglabas ko ng kwarto ng quadruplets, nabigla ako nang makita si Drako sa hallway, nakasandal sa pader, naghihintay.He looked exhausted. Disheveled in the most beautiful, devastating way."Can't sleep?" tanong ko habang iniiwas ang tingin.“Not w
Nakapikit pa rin ako habang ang mga labi niya ay dumuduyan sa akin. Sa pagitan ng bawat halik, ramdam ko ang kabog ng puso kong tila ba hindi na alam kung lalaban pa ba o susuko na.Naramdaman ko ang kamay niya sa baywang ko, mainit, parang apoy na gumagapang sa balat ko. Pinipigilan ko ang sarili kong humawak sa kanya, pero nang bahagya akong mapasandal sa dibdib niya, kusa nang bumalot ang mga braso ko sa batok niya—parang muscle memory na matagal nang inilihim ng katawan ko."You’re trembling," he whispered, halos kasabay ng paghalik niya sa gilid ng aking tainga. "Are you scared… or excited?""I don’t know," mahina kong sagot habang nakapikit pa rin, boses ko ay nanginginig. "I don’t know anything when I’m with you."“You don’t have to know,” he said, brushing his nose gently against mine. “You just have to feel.”At iyon ang nakakatakot. Kasi sa kanya—lagi akong nakakalimot.Humigpit ang yakap niya, at unti-unti kaming gumalaw. I felt the cold marble of the bathroom counter behin
Sa bawat hakbang papasok sa grand ballroom ng Valderama Real Estate, ramdam ko ang kabog ng dibdib ko. Lahat ng mata nakatingin sa amin—kay Drako, sa akin, at sa apat na batang nakaayos ng pormal sa aming likuran. Ilang kamera agad ang kumislap, kasunod ng mga bulungan at gulat na reaksyon mula sa mga bisita. Sa gitna ng engrandeng pagdiriwang na ito—kung saan kinikilala raw ang "CEO's glorious return"—tila kami ang hindi inimbita. Pero iyon mismo ang gusto ni Drako. Sa bawat hakbang niya, ramdam kong hindi lang niya binabawi ang kaniyang pangalan, kung 'di tinutuldukan na rin niya ang kasinungalingang matagal nang bumalot sa paligid niya. “You okay?” mahinang tanong niya sa ’kin habang hawak ang aking kamay. “I should be asking you that,” pabulong kong tugon, kahit ako mismo ay halos hindi makahinga sa kaba. Pagkarating namin sa gitna ng ballroom, tumigil ang lahat. Pati ang emcee ay napatigil sa pagsasalita, at ang mga waiter ay nanlamig habang bitbit ang mga tray. Then someone g
Tahimik naming tinahak ang daan patungo sa ospital na pagmamay-ari ng pamilya ko. Bibisitahin namin ang magulang ko dahil nagtatampo na raw si Daddy sa akin. Hindi ko kasi tinanggap ang alok niyang mamahala sa ospital namin. Gusto ko lang ng tahimik na buhay at ayaw kong madawit ang pangalan ko sa kung anuman ang meron sa pamilya namin. Ayaw ko rin iasa sa pamilya ko ang mga sarili kong gastusin kaya mas pinili ko ang magtrabaho. Pagkakita pa lang ni Mommy kay Drako nang pumasok kami, agad na kumuyom ang mga palad niya. "You shouldn't have come here," malamig at matalim ang tinig niya. "Mom, please…" mahinahon kong sabi, pilit siyang nilalapit sa kama ni Daddy. Nakaupo roon si Daddy Chester, naka-dextrose, pero nakangiti pa rin sa amin. Nang makita si Drako, bahagyang nag-iba ang ekspresyon niya. Hindi ko alam kung dismayado o nalilito. "Dad, he just wants to visit. Gusto niya lang makabawi," paliwanag ko kahit ako mismo ay hindi sigurado sa nararamdaman. Pero si Mommy Celeste,
Muli akong napaikot ang mga mata ko habang nakatingin kay Drako na mukhang walang balak tumigil sa kanyang mga manipulative antics nang malaman niyang niyaya ako ni Drugo na kumain sa labas. “Mommy!” sabay-sabay na sigaw ng apat na munting tinig mula sa likod. Agad akong napalingon at hindi ko napigilang mapangiti nang makita ko sina Camila, Calliope, Daemon, at Dax na patakbong papalapit sa akin. “Mommy, let’s play again! Please?” si Dax, sabay yakap sa hita ko. “Yeah! You promised we’d dance again after lunch!” reklamo ni Calliope, habang sabay na nagtatatalon ang kambal niyang si Camila. “Mommy, Daddy said you can’t leave,” bulong naman ni Daemon habang tinitingnan si Drugo, na nakatayo sa gilid at tahimik lang na pinagmamasdan ang nangyayari. Napatingin ako kay Drako, na nakaupo sa couch, kalmado, at tila walang kasalanan habang pinagmamasdan kaming lahat. Para bang wala siyang kinalaman sa pagdating ng mga bata—pero kilala ko siya. He planned this. Ayaw niya lang talaga ak
Nakatayo sa tabi ni Drako habang pilit niyang iniayos ang sarili sa kama. Hindi na ako kumibo nang pinilit niyang tumayo, kahit halatang nanginginig pa ang mga tuhod niya. Drugo crossed his arms, watching him with narrowed eyes. “You’re still weak. You shouldn’t be getting up.” “I’m not weak,” mariing sagot ni Drako, tumitig sa kanya. “I just need to remember.” “You need to rest,” sagot ko naman, pilit siyang tinutulak pabalik sa kama pero tinabig niya ng marahan ang kamay ko. Tumingin si Drako sa akin, para bang may gusto siyang sabihin pero hindi niya maiporma sa mga labi niya. “I’ll get her back,” he whispered, but loud enough for Drugo to hear. “I’ll remember everything. And I’ll make her fall in love with me again.” Nag-angat ng kilay si Drugo. “Then I guess I should tell you this now—” Tumigil siya saglit at lumapit sa akin, and without warning, hinawakan niya ang kamay ko. His touch was firm, claiming. “I’ll be courting her too,” deretsong sabi niya. “I won’t hold back t
Maliwanag na ang sikat ng araw nang magising ako, ngunit sa halip na karaniwang init ng liwanag ang sumalubong sa akin, malamig na kaba ang gumapang sa dibdib ko. Tahimik ang paligid. Walang maririnig kundi ang mahinang tik-tak ng wall clock at huni ng mga ibon sa labas. Bumangon ako mula sa kama, nagtataka kung bakit tila may kulang. Usually, naririnig ko ang hagikhikan ng mga bata o ang mahinang tunog ng piano na pinipilit tugtugin ni Drako kahit hindi pa niya ganap na naaalaala ang lahat. Pero ngayon, wala. Pagbaba ko ng hagdan, doon ko nakita si Drako. “D-Drako?” halos pabulong kong tawag. Nasa paanan siya ng hagdan. Nakahandusay. Duguan ang gilid ng ulo at walang malay. Parang may sumabog sa dibdib ko. “DRAKO!” Mabilis akong bumaba, halos madulas pa sa hagdan. Lumuhod ako sa tabi niya at marahang niyugyog ang katawan niya. “Drako, wake up! Hey—Drako!” nanginginig ang boses ko, nanginginig rin ang mga kamay ko habang pinipisil ang pisngi niya, sinusubukang pagisingin siya.
Pagkabukas na pagkabukas pa lang ng pinto ng mansiyon, agad akong napatigil. Isang pamilyar na melodiya ang tumambad sa akin. Clair de Lune. It was playing softly, with precise emotion, as if each note held a memory. Napalingon ako sa grand piano sa may sala, at doon ko nakita si Drako, nakaupo sa harap ng piano, nakayuko habang hinahaplos ng mga daliri ang mga ivory keys na tila ba iyon lang ang naiintindihan niyang mundo sa sandaling ‘yon. His profile looked calm... almost peaceful. But it was deceiving. Dahil ang bawat tugtog niya ay may kirot. May lalim. May hinahanap. “Mommy!” isang matinis na boses ang gumising sa pagkakatulala ko. “Liliane?” Napalingon ako at nakita ang matalik kong kaibigan, nakaupo sa sofa habang yakap-yakap ang apat kong anak. “Surprise,” ngumiti siya at kumindat. “We had a little playdate today.” Hindi pa man ako nakaka-react ay agad nang tumakbo ang quadruplets sa akin—sina Camila, Calliope, Daemon, at Dax. “Mommy!” sabay-sabay nilang sigaw habang yu
Habang inaayos ko ang maliit na medicine organizer ni Drako sa tabi ng nightstand, napansin ko ang kakaibang label ng isa sa mga gamot. Hindi ito pamilyar. Hindi ito kasama sa listahan ng maintenance meds niya base sa patient records na iniabot sa akin noong unang araw ko bilang personal nurse niya. Napakunot ang noo ko. I’ve never heard of this medication before. Agad akong tumayo, kinuha ang cellphone ko, at nagsimulang mag-search. I typed in: Side effects, purpose, classification of the medicine. Lumakas ang tibok ng dibdib ko habang binabasa ko ang description ng gamot. “A drug primarily used in experimental memory suppression. Often prescribed off-label for trauma-related anxiety, but may result in permanent or long-term memory loss if administered regularly over extended periods. Contraindicated for patients with amnesia or memory-recall therapy.” Napaupo ako sa gilid ng kama ni Drako. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. “Oh my God…” This can’t be right. Muli akong