Share

Chapter 253

Penulis: Deigratiamimi
last update Terakhir Diperbarui: 2025-05-13 21:46:49

Paglabas ko ng hotel café, sinalubong ako ng malamig na presensiya ng isang taong hindi ko inaasahang makita sa ganitong lugar.

Claudine Morris.

Nakatayo siya sa gilid ng hallway, suot ang isang mamahaling beige dress na halatang kinustomize para sa kanya. Walang bahid ng gulat sa mukha niya nang magtagpo ang mga mata namin. Pero sa likod ng perpektong ngiti niya, nakita ko ang liit na hindi kayang itago ng kahit gaano ka mamahaling lipstick.

"Well, well..." she started, her voice sweet but razor sharp. "Look who's back from the dead."

Nanigas ako sa kinatatayuan. Hindi ko alam kung dahil ba sa galit, o sa kung paanong walang kahit isang bakas ng guilt sa mukha niya.

"Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung anong ginagawa ko rito?" tanong ko, pilit pinakakalma ang sarili.

She tilted her head. "What for? You're not supposed to exist, remember?"

Humigpit ang pagkakahawak ko sa bag ko. Pilit kong nilunok ang bumubukal na inis.

"Seven years, Claudine. Pitong taon akong nagdusa. Pitong ta
Deigratiamimi

Stay tuned for more updates. Maraming salamat po. 🫶

| Sukai
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 253

    Paglabas ko ng hotel café, sinalubong ako ng malamig na presensiya ng isang taong hindi ko inaasahang makita sa ganitong lugar.Claudine Morris.Nakatayo siya sa gilid ng hallway, suot ang isang mamahaling beige dress na halatang kinustomize para sa kanya. Walang bahid ng gulat sa mukha niya nang magtagpo ang mga mata namin. Pero sa likod ng perpektong ngiti niya, nakita ko ang liit na hindi kayang itago ng kahit gaano ka mamahaling lipstick."Well, well..." she started, her voice sweet but razor sharp. "Look who's back from the dead."Nanigas ako sa kinatatayuan. Hindi ko alam kung dahil ba sa galit, o sa kung paanong walang kahit isang bakas ng guilt sa mukha niya."Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung anong ginagawa ko rito?" tanong ko, pilit pinakakalma ang sarili.She tilted her head. "What for? You're not supposed to exist, remember?"Humigpit ang pagkakahawak ko sa bag ko. Pilit kong nilunok ang bumubukal na inis."Seven years, Claudine. Pitong taon akong nagdusa. Pitong ta

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 252

    Hindi ko alam kung tama bang tanggapin ko ang volunteer offer na ito. Pero nang malaman kong may sakit si Daddy, wala na akong nagawa kung 'di pirmahan ang kontrata para lang makauwi sa Pilipinas. Kailangan ako roon. Kailangan ko rin ng closure.Dinala ko ang mga bata sa hotel kung saan kami makikipagkita sa contact ko para sa medical volunteer program. Simple lang ang lobby pero elegante. Malinis, mabango, at napaka-pamilyar. Masyadong pamilyar.Hanggang sa mapansin ko ang logo sa dingding. Valderama Real Estate. Napakuyom ako sa hawak kong bag. Bakit ngayon ko lang napagtanto?"No... this can't be," bulong ko sa sarili habang mabilis na itinago ang mukha sa likod ng shades at buhok ko."Mommy, can we go to the restroom?" sabay tanong nina Dax at Camila.Tumango ako. "Yes, but don’t take too long, okay? Stay together."Tumakbo na sila papunta sa CR habang ako naman ay nanatiling nakaupo sa lobby, pilit na nagkukubli. Lumingon ako sa paligid at doon ko siya nakita si Drako.Matangkad

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 251

    Seven years later... Malamig ang simoy ng hangin habang papasok ako sa ospital. Bitbit ko ang aking stethoscope, suot ang puting uniform, at habang lumalakad sa makinis na sahig ng Florence Medical Center, napangiti ako sa sarili ko. Hindi ko akalaing makakarating ako rito. Pitong taon. Pitong taon ng pananahimik, ng pagpapakatatag, ng tahimik na pagbubuo ng sarili. Kung noong una, gusto ko lang makatakas—ngayon, natutunan ko na ring harapin ang buhay. Unti-unti kong pinulot ang mga piraso ng pagkatao kong winasak ng nakaraan. Nakagraduate ako bilang nurse sa tulong nina Mommy Celeste at Daddy Chester. Kahit wala akong pasabi noon, hindi nila ako pinabayaan. Sila ang tahimik na haligi sa mga panahong ayoko nang mabuhay pa. Hindi nila ako kinulit. Hindi nila ako hinatulan. They simply loved me, even from afar. Ngayon, narito ako sa Florence. Namumuhay ng tahimik. Isang registered nurse. May maayos na apartment, may magandang trabaho, at higit sa lahat—may dalawang anak na anim na t

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 250

    Nasa loob ako ng maliit na apartment sa Florence, Italy, ang mga mata ko ay napako sa makulay na sunset na tanging liwanag sa dilim ng aking buhay. Hindi ko alam kung anong klaseng buhay ang hinahanap ko—kung ito ba ay kapayapaan o isang pagkakataon na makalimot. Ang kambal, sina Dax at Camila, ay mahimbing na natutulog sa crib nilang malapit sa kama ko. Tatlong linggo pa lang silang ipinanganak, at halos hindi ko na matandaan kung kailan ko huling naramdaman na buo ang pamilya ko. Walang ibang makikinig sa akin, walang ibang magmamahal sa akin—tanging sila lamang. At siguro iyon na lang ang kailangan ko para magpatuloy. Hindi ko rin inisip kung ano ang iniisip ng mga magulang ko. Naiwan ko sila nang walang paalam. Gusto ko kasing magsimula ng mag-isa. Hindi ko kayang ipaliwanag kung bakit, pero wala akong nararamdaman kung 'di ang pangungulila sa mga bata at ang sakit na iniwan sa akin ni Drako. I’m trying to forget… trying to heal. Pero hindi ko magawa. Matapos ang ginawa ni Drugo

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 249

    Hindi ko pa man lubos na naaayos ang lakas ko, tinanggal ko na ang swero sa braso ko. Pinilit kong tumayo. Mahina pa ang tuhod ko, pero hindi ko alintana. Isa lang ang gusto kong puntahan—si Drako. Kailangang makita ko siya. Kailangang marinig niya ako. Baka sakaling kapag narinig niya ang boses ko, bumalik siya. "Ma’am, sandali lang po—" Hindi ko na pinansin ang nurse na pilit akong pinipigilan. Naka-hospital gown pa ako, naka-tsinelas, at may benda pa ang kaliwang braso ko, pero dire-diretso akong lumakad papunta sa ICU. Bawat hakbang ay may kasamang kirot, hindi lang sa katawan, kundi sa puso kong wasak na. Pero bago pa ako makalapit sa pintuan, may humarang sa akin. "Don’t take another step, Caleigh." Napatigil ako. Pamilyar ang tinig. Mabilis akong napalingon—si Drugo. Naka-itim siya, seryoso ang mukha, at hawak niya ang isang envelope. "Move, Drugo. I just want to see my husband," bulong ko habang pinipigilan ang pagbagsak ng luha ko. "You can’t. Not unless you sign these.

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 248

    Pauwi na kami ni Drako mula sa simbahan. Tahimik ang paligid ng sasakyan habang ang kamay ko ay mahigpit na nakakapit sa kaniya. Ang isa ko namang palad, nakapatong sa tiyan kong sobrang bigat na. Halos hindi na ako makahinga sa sikip. Ramdam ko ang bawat sipa, bawat galaw sa loob ng sinapupunan ko—apat silang lahat. Our miracle quadruplets. "Are you okay, baby?" tanong ni Drako, nakatingin sa akin sa rearview mirror. Puno ng pag-aalala ang boses niya, at mas lalong lalim ang mga kunot sa noo niya nang makita ang pamumutla ko. "I think… they’re coming," bulong ko habang pinipilit kong tiisin ang sakit. This one… it felt real. Intense. Parang may humihila sa buong kaluluwa ko pababa. Agad niyang binilisan ang pagmamaneho patungo sa ospital na pagmamay-ari ng pamilya ko. "I’m taking you to the hospital now. Hold on, love. Just hang on." Napakapit ako sa gilid ng upuan, halos mapunit ang kutson sa higpit ng pagkakaklamo ko. Hinihingal ako, pinipilit hindi mapahiyaw sa bawat panibagong

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 247

    Pagkatapos naming maghapunan, nagpaalam na ako kina Mommy at Daddy. Nagpahinga muna ako sa kwarto ko saglit, pero hindi ako mapakali. Kanina pa ako napapatingin sa phone ko, pero wala pa ring tawag o text mula kay Drako. Sabi niya isang linggo siyang mawawala. At dalawang araw pa lang ang lumilipas. Napabuntonghininga ako habang nakahiga sa kama. Kinabahan ako nang maalala ko na baka mahirapan siyang hanapin si Drevan. O baka naman… baka hindi na siya bumalik. My heart tightened at the thought. “Stop it, Caleigh,” bulong ko sa sarili. “He said he loves you. He chose you.” Pero bakit parang may kaba pa rin sa dibdib ko? Bigla akong napatayo nang may marinig akong malalakas na katok mula sa ibaba. “Caleigh...” tawag ni Manang Selya mula sa sala. “May bisita po kayo.” Napakunot ang noo ko. Sinong bibisita nang ganitong oras? Lumabas ako ng kwarto, hawak ang laylayan ng palda ko, at bumaba sa hagdan. At sa bawat hakbang ko pababa, unti-unting bumibilis ang tibok ng puso ko. Then

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 246

    Pagkababa ko ng kotse sa harap ng bahay nina Mommy at Daddy, agad akong nilapitan ni Manang Selya. Matagal na itong kasambahay sa bahay namin—halos parang pangalawang ina ko na rin. Napangiti siya nang makita ako pero agad ding kumunot ang noo niya nang mapansin ang medyo bilog na ang tiyan ko. “Caleigh, anak… buntis ka ba?” halos bulong pero punong-puno ng pagkagulat ang tanong niya habang nakatitig sa tiyan ko. Napangiti ako at marahang tumango. “Yes, Manang… I am,” sagot ko habang hinaplos ang tiyan ko. “Drako’s child.” Agad siyang napatakip sa bibig sa tuwa. “Diyos ko, magkakaapo na ang magulang mo! Halika’t pumasok ka. Siguradong matutuwa sila.” Pagkabukas ng pinto, si Mommy ang unang bumungad sa akin, may hawak pang tabo at plantsador. Napatigil siya sa paglalakad at halos malaglag ang hawak niya nang makita ako. “Caleigh? Anak!” mabilis ang hakbang niya papunta sa akin. “Oh my God... Anak, buntis ka?” Napaluha siya habang nakatitig sa akin, sa tiyan ko. Tumango ako, hind

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 245

    Hindi pa man siya tuluyang lumalabas ng kwarto, ramdam ko na ang bigat sa dibdib ko. Nakatayo ako sa may pintuan ng aming silid, nakasandal sa hamba habang pinagmamasdan si Drako habang inaayos ang itim niyang leather duffle bag. Suot niya ang simpleng grey shirt at dark jeans, pero kahit gano'n kasimple, hindi maitatanggi ang tindig at tikas niya. “Caleigh...” Mahina niyang tawag habang lumalapit sa akin. Napalunok ako, pilit na pinapakalma ang sarili. Ayokong magpahalata, pero hindi ko kayang itago ang kaba sa mata ko. He cupped my face gently. “I’ll be gone for a week. I need to talk to Drevan in person. He needs to know what his wife did to you.” “You don’t have to do this right away,” mahina kong sabi. “You just got me home, Drako. We just found peace again. What if… what if things spiral again?” His jaw tightened, eyes darkening. “No,” he said coldly. “She almost killed you, Caleigh. She almost killed our babies.” Hinaplos niya ang tiyan ko, para bang nandoon pa rin ang

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status