Share

Chapter 321

Penulis: Deigratiamimi
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-20 02:27:22
Kinakabahan akong nag-aayos ng sarili sa salamin habang nasa loob ng dating kwarto ko sa bahay nina Mommy. Simpleng white dress lang ang suot ko, pero parang hindi ito sapat. Pakiramdam ko, bumalik ako sa panahong tinawag ako ni Mommy sa study room dahil mababa ang grade ko sa isang exam.

Pero ngayon, iba ang dahilan.

May dinner kami kasama si Killian. At ito ang unang beses na pormal siyang ihaharap sa pamilya—kay Mommy.

Pagkababa ko sa hagdan, bumungad sa akin ang dining table na puno ng paborito naming ulam. Nandoon na rin si Killian, maayos ang bihis at mukhang hindi man lang ninenerbiyos. He's too calm, too composed. Nakangiti pa habang kinakausap si Mommy.

“Good evening po, Atty. Rockwell,” bati niya nang tumayo si Mommy para salubungin ako.

“Killian, please. Call me Tita Celeste ot Mommy,” sagot ni Mommy. “Hindi na ako nasa court, huwag mo akong gawing masyadong pormal.”

“Noted, Tita,” aniya sabay abot ng wine na dala niya. “This one’s from a vineyard in Spain. I thought y
Deigratiamimi

To be loved by Killian Nicolaj 🥹 🦋 Sana makahanap tayo ng tamang taong tatanggapin tayo ng buo at hindi magsasawang ipakita at iparamdam sa atin kung gaano nila tayo kamahal. Mahanap sana ninyo ang kagaya ni Killian. Sa inyo lang in love at obsess.

| 8
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (3)
goodnovel comment avatar
Deigratiamimi
salamat po 🫶
goodnovel comment avatar
Sima
masaya ako na tanggap ni atty kung sino man gustuhin ng mga anak nya hindi kailangan mayaman hindi kailangan powerful .........
goodnovel comment avatar
Deigratiamimi
Chapter 321 🥹
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 358

    Killian Nicolaj’s POVAlas-nueve ng umaga nang maglakad ako papasok sa Nicolaj Group headquarters. Nakasunod sa akin ang ilang tao na noon pa man ay hindi ako iniwan—mga board members, senior executives, at ilang managers na may tapang na ipakita sa publiko kung kanino sila papanig. Ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang, pero hindi na ako nagdalawang-isip. Kung hindi ako kikilos ngayon, tuluyan nang malulugmok ang kompanyang itinayo ng pamilya ko.Pagdating namin sa top floor, walang kahit isang staff ang naglakas-loob na pigilan kami. Lahat ay nakatingin lang habang dumadaan ang grupo ko. Diretso kami sa dating opisina ko—opisina na ngayon ni Larkin.Binuksan ko ang pinto nang hindi kumakatok. Bumungad agad sa akin ang eksenang hindi na ako nagulat nang makita si Larkin na nakaupo sa swivel chair ko noon, habang may babaeng nakaupo sa ibabaw ng mesa, mahigpit siyang hinahalikan. Nang napansing bumukas ang pinto, nagulat sila. Agad tumayo ang babae at inayos ang suot niyang dress. Hind

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 357

    Pagkauwi namin mula sa hotel, hindi agad nakatulog si Killian. Halata sa kanya ang bigat ng desisyon na ginawa niya. Ako man, ramdam ko ang kaba pero pinipilit kong maging matatag dahil alam kong mas kailangan niya ng lakas ng loob ngayon.Nakaupo siya sa sala habang hawak ang laptop at ilang dokumento. Ako naman ay nasa tabi niya, hawak si Baby Alessandro na mahimbing na natutulog.“Claudette,” mahina niyang sabi, “hindi ko alam kung handa ba talaga ako sa giyerang ‘to.”“Killian,” sagot ko agad, “kung hindi mo gagawin, tuluyan nang mawawala ang Nicolaj Group. At hindi lang iyon—masisira ang pangalan mo, ang pangalan ng pamilya mo. Gusto mo bang lumaki si Alessandro na ang nakatatak sa pangalan ninyo ay kasinungalingan ni Larkin?”Napabuntong-hininga siya at tumango. “You’re right. Hindi ko kayang hayaan.”Maya-maya, dumating na ang mga board members at ilang loyal investors para sa isang private meeting dito sa bahay. Sinigurado ni Killian na walang makakaalam maliban sa mga taong p

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 356

    Pagkapasok namin sa hotel lobby, ramdam ko ang paninigas ng panga ni Killian. Halata sa mukha niya ang galit at inis na kanina pa niya pinipigilan. Nasa harapan namin si Larkin, nakaupo sa lounge area kasama ang dalawang bodyguard. Nakatitig lang siya kay Killian, parang nanunukso pa.Humigpit ang hawak ni Killian sa kamay ko.“Stay here, Claudette. Don’t get involved,” mahinahong sabi niya pero ramdam kong nanginginig ang boses niya sa galit.Umiling ako. “Killian, I can’t just watch. I need to hear this too.”Lumapit si Killian kay Larkin. Tumayo naman ang ex-husband ko at ngumisi.“Well, look who decided to finally come home. The forgotten grandson.”Hindi nagpatinag si Killian. “Cut the crap, Larkin. Alam nating pareho kung anong ginawa mo. You think you deserve Nicolaj Group?”Umiling si Larkin, tumawa ng mahina. “Deserve? Killian, don’t fool yourself. Ikaw lang ang gustong-gusto ng Lolo mo pero ngayon? He chose me. Ako ang may hawak ng lahat ngayon.”“Because you manipulated hi

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 355

    Pagkalapag ng eroplano sa Pilipinas, ramdam ko ang bigat sa dibdib ni Killian. Tahimik lang siya buong biyahe, kahit ilang beses ko siyang kinakausap. Nasa mukha niya ang pagkadismaya at galit. Hindi ko na kinulit, alam kong may mabigat siyang iniisip.Pagdating namin sa bahay, agad siyang naupo sa sofa, hawak ang ulo at parang hindi makapaniwala.“Clau,” mahina niyang sabi, halos bulong, “pinamana lahat kay Larkin. Wala akong nakuha. Lahat ng shares, lahat ng properties under Nicolaj Group... nasa pangalan niya na.”Umupo ako sa tabi niya, hinawakan ang kamay niya. “Paano nangyari ‘yon? Akala ko nakasequester ang mga ari-arian ni Don Rafael.”“'Yun din ang iniisip ko. Pero apparently, bago siya tuluyang nakulong, naayos niya lahat ng papeles. He made sure na kay Larkin mapupunta. Legal daw lahat, at may mga board members na pumayag. Kahit galit sila kay Loli Rafael, pumirma sila dahil may mga kapalit.”“Killian, this doesn’t mean na wala ka na,” sabi ko. “Hindi mo kailangan ng mga ar

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 354

    Pagod na pagod ako, pero masaya ang puso ko. Nasa private room na kami ng ospital, at katabi ko ngayon ang anak namin ni Killian — si Baby Alessandro. Katabi niya ang crib na kulay puti, may maliit na blanket na binili pa mismo ni Killian bago ako manganak.Tahimik sa loob ng kwarto. Si Killian ay nakaupo sa maliit na sofa sa tabi ko, pero hindi siya mapakali. Hawak niya ang bote ng gatas na hinanda ng nurse kanina, habang pinagmamasdan si Baby Alessandro na mahimbing na natutulog.“Babe,” bulong niya. “Grabe ka. Parang hindi ka lang nanganak.”“Killian, huwag mo akong simulan. Masakit pa ang tadyang ko.”“Hindi ko naman sinabing magpapagiling tayo, ‘di ba?” Ngisi niya. “Pero seryoso, Claudette... ang ganda mo pa rin kahit bagong panganak ka.”Pumikit ako sandali. “Pagod ako. Gusto kong matulog.”“Sige, matulog ka na. Ako bahala sa inyo ng anak natin.” Tumayo siya at inayos ang swero ko para siguraduhing hindi ito matatanggal.Pagkatapos ay lumapit siya sa crib ni Baby Alessandro at m

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 353

    Claudette Aoife Villamor's POV ITALY "Killian, manganganak na yata ako!" sigaw ko habang hawak ang bandang puson at naramdaman kong may likidong lumabas sa pagitan ng mga hita ko. Nagulat si Killian. Kalalabas lang niya mula sa banyo, basang-basang buhok, nakasuot pa ng bathrobe. "Ano?" Nataranta siyang lumapit sa akin. "Baby, teka, kalma lang muna. Huminga ka." "Anong huminga lang? Killian! Ang sakit!" Halos mapasubsob ako sa sofa habang pinipigilan ang kirot. "Sige, sige. Sandali lang. Dito ka muna—no, no. Huwag ka munang tumayo!" agad niyang hinila ang wheelchair sa tabi ng pinto. "Upo ka muna, Claudette. Relax lang. I’m here, okay?" "Hindi ako makaka-relax! May lumalabas na sa akin!" "Oo na, oo na. Pasensya na, first time ko rin 'to, okay?" Hinawakan niya ang balikat ko habang pinapaupo ako. Nang makaupo na ako sa wheelchair, mabilis niyang binuksan ang pintuan, binuhat ako papasok ng kotse, tapos siya na mismo ang nagmaneho papuntang ospital. "Killian, bilisan mo! Baka d

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status