Good evening. Stay tuned for more updates! đ©·
Tahimik ang paligid. Wala ni isang kaluskos kundi ang mahihinang halakhak ng mga bata at ang banayad na tunog ng cartoons mula sa iPad. Nasa sala kami nina Mama, Claudette, Larkin, at ng mga bataâlahat waring saglit na nakalilimot sa mundo sa labas ng bahay. Si Drako, nasa tabi ko. Tahimik lang, pero hindi mapakali. Ang mga mata niya, para bang laging may binabantayan. Or maybe⊠someone heâs expecting.Katatapos lang ng hapunan. Ang kambalâsina Calliope at Camilaâmasaya sa pagbuo ng Lego sa carpet. Sa kabilang gilid naman, sina Dax at Damon ay nakahiga sa fluffy na throw pillows, abala sa panonood ng Paw Patrol. For a brief moment, everything looked perfect. Parang isang painting ng ideal family. Peaceful.Pero sa likod ng katahimikan, may gumagapang na kaba sa dibdib ko. Something felt... off. Hindi ko maipaliwanag, pero parang may multong paparating.âTurn on the TV, love,â mahinahong utos ni Claudette kay Larkin habang inaayos ang mga pinagkainan. May bahid ng pagod ang boses niya,
Pagkarating namin sa ospital matapos ang pagbisita sa puntod ni Daddy, ramdam ko pa rin ang bigat sa dibdib. Para akong may dalang ulap ng alaalaâmabigat, malungkot, pero may konting liwanag. Wala mang luhang tumulo, parang kanina pa ako umiiyak sa loob.Pagbukas ng elevator sa floor kung saan naka-confine ang mama ko, agad kong naramdaman ang kakaibang presensya. Mula pa sa hallway, kita ko na ang mga siluetang nakatayo sa tapat ng private room ni Mommy. Isang pamilyar na katawan ang una kong napansinâang matangkad na lalaki na nakasuot ng beige suit, neat ang ayos ng buhok, at may hawak na bouquet ng white roses.Napakagat ako sa labi.Si Larkin.At ang babaeng nakatayo sa tabi niya, naka dusty rose na dress at may natural na classy aura sa bawat galawâwalang iba kundi ang kapatid kong si Claudette.âClaudetteâŠâ mahina kong bulong sa sarili ko, bago tuluyang bumilis ang hakbang ko.Nakita ko rin si Drakoânakatalikod siya habang nakikipag-usap kay Mommy. Nakataas ang isang kilay ko.
Tumitibok ang ulo ko habang pababa ako ng sasakyan. Parang may sariling buhay ang galit koâhumahampas sa dibdib, umaalab sa ugat, nilalamon ang katinuan ko.Hindi ko alam kung anong eksaktong nararamdaman ko. Galit? Poot? Paghihiganti?Lahat. Lahat âyon, sabay-sabay.Matagal ko nang hinintay âto. Ilang gabi na akong hindi nakatulog sa kakaisip kung paano ko siya haharapin. Paano ko siya sisigawan. Paano ko siya papatayin sa tingin pa lang.And now, finally, here he is.Nakasuot pa rin ng puting long sleeves, pero gusgusin na. Ang dating kinagigiliwang mukha ni Anthony Salvadorâna minsang pinagkatiwalaan ng buong ospitalângayon ay mukhang basurang nilumot ng kasinungalingan.Pinanood ko siyang hawak ng dalawang operatiba habang nakaupo sa interrogation room ng isang abandonadong safehouseâisa sa mga sikreto ni Leo na ginamit naming pansamantalang kulungan habang iniiwas sa media ang isyu.âBring me in,â utos ko sa agent sa tabi ko. Mabilis siyang tumango at binuksan ang pinto.Pagkapas
Nagmamadali akong tumakbo papuntang Room 306 ng ospital habang ramdam ko pa rin ang malamig na pawis sa aking likod. Bawat hakbang ay parang tinutusok ng kutsilyo ang dibdib koâmatalim, masakit, at walang pasabi.Pagbukas ng pinto, bumungad agad sa akin ang amoy ng antiseptic, ang puting ilaw na tila masyadong maliwanag para sa ganoâng klaseng sitwasyon, at ang katahimikang nakakabingi.Nakita ko si Drako.Nakasuot ng puting hospital gown, may benda sa noo, at mga tubo sa ilong niya habang mahina ang tunog ng monitor sa tabi niya.Parang hindi ko siya makilala.Parang hindi siya âyung lalaking yakap ko araw-arawââyung humihilik pa habang nakayakap sa 'kin sa kama.Lumapit ako nang dahan-dahan. Hindi ko napansin na tumutulo na pala ang luha ko.âDrako...â mahina kong tawag habang nilalapit ang sarili ko sa kama niya. âBaby... Iâm here.âUmupo ako sa gilid ng kama at marahang hinawakan ang kamay niyang malamig pa kaysa dati.âCome on... you promised me.â Napahikbi ako habang patuloy kon
Nakaharap ako sa salamin ng kwarto habang hawak-hawak ang cellphone koâwalang tumatawag, walang update. Ilang minuto, ilang segundo, parang buong araw na ang lumilipas habang wala pa ring balita mula kay Drako.Ang mga kamay ko, nanginginig. Buong katawan ko, malamig. Ang puso ko, tila nilulukot sa kaba.Nasaan na siya?Buhay pa ba si Mommy?Napaupo ako sa gilid ng kama, yakap ang sarili kong katawan, pilit na pinipigilang umiyak. Pero hindi ko na kaya."God, please..." bulong ko, halos wala nang boses. "Not again. Please don't take her away from me."Tulad ng dati, walang sagot ang katahimikan.Nasa isang safehouse daw si Drako kasama ang mga tao niya. Na-trace nila ang van na ginamit sa pagdukot. Armed men. Multiple targets. Ang sabi ni Leo, high risk ang operation.Wala si Drako sa tabi ko.Nasa panganib siya. Dahil sa âkin. Dahil sa Mommy ko.I couldn't breathe.Tumayo ako, naglakad paikot sa kwarto, walang direksyon. Napatigil ako sa harap ng balcony at marahas na binuksan ang sl
Kinabukasan. Mainit pa rin ang pakiramdam ng katawan ko, hindi lang dahil sa sinag ng araw na tumatagos mula sa sheer curtain ng kwarto namin, kundi dahil sa braso ni Drako na mahigpit na nakapulupot sa baywang ko. Ang hininga niya, malalim, mainit, dumadampi sa batok koâmahimbing pa ang tulog niya, tahimik, tila ba wala nang ibang problema sa mundo. Napangiti ako habang nakahiga lang doon, ninanamnam ang sandaling ito na parang isang panaginip. Gamit ang hintuturo ko, iguhit ko ang pamilyar na peklat sa balikat niya. Isa âyong paalala ng mga sugat ng nakaraanâmga lihim na ginawang armas, sakit na naging lakas. Pero ngayon, ang mga sugat na âyon ay hindi na lang alaala ng madilim na kahapon⊠kundi ebidensya ng paninindigan niyaâna kahit basag siya, pinili pa rin niya akong mahalin. Nagulat ako nang biglang kumilos ang katawan niya. Lumapat lalo ang braso niya sa katawan ko, saka siya huminga nang malalim. âAng tahimik mo naman diyan,â bulong niya, paos ang boses, halatang bagong gi