Celeste's POV
Isang buwan matapos ang gabing iyon, hindi ko pa rin matakasan ang bigat sa dibdib ko. Ginawa ko ang lahat para bumalik sa normal ang buhay ko—nag-focus ako sa trabaho, iniiwasan ang anumang usapan tungkol kay Ninong Chester, at sinubukang kalimutan ang nangyari. Pero kahit anong gawin ko, may isang bagay na hindi ko maintindihan… "Celeste, are you okay?" tanong ni Mia, isa sa mga closest colleagues ko sa law firm. "Mukhang matamlay ka lately." Napangiti ako kahit pakiramdam ko’y hindi ito umabot sa mga mata ko. "I’m fine. Medyo napupuyat lang sa work." "Are you sure? Kasi ang payat mo na, tapos lagi kang parang lutang," sabad naman ni Henry, ang isa pa naming kasama sa team. "Hindi kaya may dinaramdam ka?" Umiling ako. "Stress lang ‘to. Huwag niyo akong alalahanin." Pero kahit sinasabi kong okay ako, hindi ko maitago sa sarili kong may bumabagabag sa katawan ko. Una, mas madali akong mapagod. Dati, kaya kong magpuyat nang dalawang araw nang walang problema. Pero ngayon, kahit ilang oras pa lang akong nagta-trabaho, pakiramdam ko ay parang nauubos na agad ang energy ko. Pangalawa, wala akong gana kumain. Kahit ang mga paborito kong pagkain, bigla na lang akong nasusuka sa amoy pa lang. At pangatlo… ang mga biglaang pagkahilo. Lunes ng umaga. Nakaupo ako sa harap ng vanity mirror habang inaayos ang sarili ko para pumasok sa trabaho. Suot ko na ang aking eleganteng black blazer at pencil skirt, pero habang sinusuklay ko ang buhok ko, bigla na lang lumabo ang paningin ko. Napakapit ako sa gilid ng mesa, pilit na pinapakalma ang sarili. Bakit parang umiikot ang paligid? Huminga ako nang malalim, sinubukang pigilan ang pagduduwal. Ilang segundo akong nanatiling nakapikit, hinihintay na humupa ang hilo. Nang bumalik sa normal ang pakiramdam ko, dahan-dahan akong bumangon, pero sa bawat galaw ko, ramdam ko ang panghihina ng katawan ko. Ano ba ‘to? Pilay-pilay akong naglakad papunta sa kusina para kumuha ng tubig, pero pagdating ko roon, naamoy ko agad ang brewed coffee na iniwan ng kasambahay namin sa lamesa. Parang biglang bumaliktad ang sikmura ko. Mabilis akong tumakbo sa banyo at sumuka. Napakapit ako sa lababo, hinihingal at nangangatal. Ramdam ko ang pawis sa noo ko at parang lalong bumibigat ang katawan ko. "Bakit ganito ang pakiramdam ko?" bulong ko sa sarili ko. Matapos ang ilang minuto, bumalik ako sa kwarto at napaupo sa kama, hawak ang noo ko. "Hindi… imposible." Pinilit kong isipin na na baka epekto lang ito ng stress sa trabaho—sa puyat, sa pressure, sa lahat ng nangyayari sa paligid niya. Pero sa loob-loob ko, hindi ko maalis ang bumabagabag sa akin. May mali. May hindi tama. Kahit anong gawin ko, hindi ko maitatanggi ang takot na unti-unting gumagapang sa dibdib ko. *** Tatlong linggo na akong hindi dinatnan. Noong una, inisip ko na baka epekto lang ito ng stress. Sobrang dami kong iniisip—ang trabaho, ang nangyari sa amin ni Ninong Chester isang buwan na ang nakalipas, at ang mga pagbabago sa katawan ko. Sinubukan kong kumbinsihin ang sarili kong normal lang ito, pero habang lumilipas ang mga araw, lalo lang akong kinabahan. Ilang beses akong nagising sa madaling araw na pinagpapawisan, kinakabahan sa ideyang baka may nangyayari sa katawan ko na hindi ko maintindihan. Lalo na sa tuwing nakakaramdam ako ng hilo, panghihina, at pagkaduwal. Ngayong lampas na ako sa normal kong cycle… wala na akong ibang pagpipilian. Kailangan ko nang malaman ang totoo. Napilitan akong mag-file ng half-day leave sa trabaho para makapunta sa ospital. Hindi ko alam kung anong dahilan ang sinabi ko sa assistant ko, pero wala na akong pakialam. Pagdating ko sa ospital, agad akong nagpunta sa OB-GYN department. Ayoko sanang pumunta sa ospital na pagmamay-ari ni Ninong Chester, pero masyado nang huli para umatras. Naupo ako sa waiting area, kinakabahan at pinagpapawisan kahit malamig ang aircon sa paligid. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa kaba o sa init na bumabalot sa loob ng katawan ko. Pagkalipas ng ilang minuto, tinawag ako ng nurse. "Ms. Rockwell, pasok na po kayo sa consultation room." Dahan-dahan akong pumasok at naupo sa harap ng doktor—isang matandang babae na mukhang mabait at mahinahon. "Ano pong ipapakonsulta natin, Ms. Rockwell?" tanong niya. Huminga ako nang malalim bago sumagot. "Dok… tatlong linggo na po akong delayed." Hindi ko alam kung bakit nanginginig ang boses ko, pero ramdam kong bumibilis ang tibok ng puso ko. Napansin ng doktor ang pagkabahala sa mukha ko kaya ngumiti siya nang mahina. "Okay, we'll run some tests to be sure. May iba ka pa bang nararamdaman?" Nagkibit-balikat ako. "Madali po akong mapagod. Minsan po nahihilo at parang ang bilis kong masuka sa amoy ng pagkain." Tumango ang doktor, tila ba alam na niya ang maaaring maging resulta. "Gagawa tayo ng urine test at blood test para makasigurado, ha? Stay here for a while." Tumango ako, pero hindi ko maiwasang pigilan ang kaba na unti-unting sumasakal sa dibdib ko. Matapos ang test, pinabalik ako sa consultation room at pinaupo ulit sa harap ng doktor. Wala pang isang oras ang lumipas, pero pakiramdam ko ay parang isang habambuhay na ang paghihintay ko. Hindi ko maigalaw ang kamay ko dahil nanginginig ito. Ayokong isipin ang posibilidad at marinig ang resulta, pero wala na akong magagawa. Pagkatapos ng ilang minuto, bumukas ang pinto at bumalik ang doktor, may hawak na papel. Pinagmasdan niya ako nang mabuti, saka siya ngumiti ng mahina. "Ms. Rockwell," mahina niyang sabi. "Positive ang resulta ng test mo. Buntis ka." Gumuho ang mundo ko. Bigla akong natulala. Buntis ako. Hindi ko alam kung paano ko ire-react ang narinig ko. Parang biglang lumabo ang paligid ko. Parang biglang naging slow motion ang lahat ng tunog sa paligid ko. Ang tanging naririnig ko lang ay ang malakas na pagtibok ng puso ko. Hindi ko namalayan na nanlalamig na pala ang mga kamay ko. "Ms. Rockwell?" tawag ng doktor. Dahan-dahan akong napatingin sa kanya, pero hindi ako makapagsalita. "Buntis ka, Celeste," ulit niya. Ngumiti siya sa akin. "Almost five weeks pregnant." Napahawak ako sa tiyan ko, pero hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hindi ko alam kung matatakot ako, magagalit, o malulunod sa emosyon. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ito lalo na't ang ama ng batang nasa sinapupunan ko ay si Ninong Chester.Pagkapasok namin sa hotel lobby, ramdam ko ang paninigas ng panga ni Killian. Halata sa mukha niya ang galit at inis na kanina pa niya pinipigilan. Nasa harapan namin si Larkin, nakaupo sa lounge area kasama ang dalawang bodyguard. Nakatitig lang siya kay Killian, parang nanunukso pa.Humigpit ang hawak ni Killian sa kamay ko.“Stay here, Claudette. Don’t get involved,” mahinahong sabi niya pero ramdam kong nanginginig ang boses niya sa galit.Umiling ako. “Killian, I can’t just watch. I need to hear this too.”Lumapit si Killian kay Larkin. Tumayo naman ang ex-husband ko at ngumisi.“Well, look who decided to finally come home. The forgotten grandson.”Hindi nagpatinag si Killian. “Cut the crap, Larkin. Alam nating pareho kung anong ginawa mo. You think you deserve Nicolaj Group?”Umiling si Larkin, tumawa ng mahina. “Deserve? Killian, don’t fool yourself. Ikaw lang ang gustong-gusto ng Lolo mo pero ngayon? He chose me. Ako ang may hawak ng lahat ngayon.”“Because you manipulated hi
Pagkalapag ng eroplano sa Pilipinas, ramdam ko ang bigat sa dibdib ni Killian. Tahimik lang siya buong biyahe, kahit ilang beses ko siyang kinakausap. Nasa mukha niya ang pagkadismaya at galit. Hindi ko na kinulit, alam kong may mabigat siyang iniisip.Pagdating namin sa bahay, agad siyang naupo sa sofa, hawak ang ulo at parang hindi makapaniwala.“Clau,” mahina niyang sabi, halos bulong, “pinamana lahat kay Larkin. Wala akong nakuha. Lahat ng shares, lahat ng properties under Nicolaj Group... nasa pangalan niya na.”Umupo ako sa tabi niya, hinawakan ang kamay niya. “Paano nangyari ‘yon? Akala ko nakasequester ang mga ari-arian ni Don Rafael.”“'Yun din ang iniisip ko. Pero apparently, bago siya tuluyang nakulong, naayos niya lahat ng papeles. He made sure na kay Larkin mapupunta. Legal daw lahat, at may mga board members na pumayag. Kahit galit sila kay Loli Rafael, pumirma sila dahil may mga kapalit.”“Killian, this doesn’t mean na wala ka na,” sabi ko. “Hindi mo kailangan ng mga ar
Pagod na pagod ako, pero masaya ang puso ko. Nasa private room na kami ng ospital, at katabi ko ngayon ang anak namin ni Killian — si Baby Alessandro. Katabi niya ang crib na kulay puti, may maliit na blanket na binili pa mismo ni Killian bago ako manganak.Tahimik sa loob ng kwarto. Si Killian ay nakaupo sa maliit na sofa sa tabi ko, pero hindi siya mapakali. Hawak niya ang bote ng gatas na hinanda ng nurse kanina, habang pinagmamasdan si Baby Alessandro na mahimbing na natutulog.“Babe,” bulong niya. “Grabe ka. Parang hindi ka lang nanganak.”“Killian, huwag mo akong simulan. Masakit pa ang tadyang ko.”“Hindi ko naman sinabing magpapagiling tayo, ‘di ba?” Ngisi niya. “Pero seryoso, Claudette... ang ganda mo pa rin kahit bagong panganak ka.”Pumikit ako sandali. “Pagod ako. Gusto kong matulog.”“Sige, matulog ka na. Ako bahala sa inyo ng anak natin.” Tumayo siya at inayos ang swero ko para siguraduhing hindi ito matatanggal.Pagkatapos ay lumapit siya sa crib ni Baby Alessandro at m
Claudette Aoife Villamor's POV ITALY "Killian, manganganak na yata ako!" sigaw ko habang hawak ang bandang puson at naramdaman kong may likidong lumabas sa pagitan ng mga hita ko. Nagulat si Killian. Kalalabas lang niya mula sa banyo, basang-basang buhok, nakasuot pa ng bathrobe. "Ano?" Nataranta siyang lumapit sa akin. "Baby, teka, kalma lang muna. Huminga ka." "Anong huminga lang? Killian! Ang sakit!" Halos mapasubsob ako sa sofa habang pinipigilan ang kirot. "Sige, sige. Sandali lang. Dito ka muna—no, no. Huwag ka munang tumayo!" agad niyang hinila ang wheelchair sa tabi ng pinto. "Upo ka muna, Claudette. Relax lang. I’m here, okay?" "Hindi ako makaka-relax! May lumalabas na sa akin!" "Oo na, oo na. Pasensya na, first time ko rin 'to, okay?" Hinawakan niya ang balikat ko habang pinapaupo ako. Nang makaupo na ako sa wheelchair, mabilis niyang binuksan ang pintuan, binuhat ako papasok ng kotse, tapos siya na mismo ang nagmaneho papuntang ospital. "Killian, bilisan mo! Baka d
Tahimik ang loob ng bahay. Tanghali na pero nakahiga pa rin si Killian sa kama, nakasandal sa headboard, may benda pa rin sa kanang balikat at paa. Halata sa mukha niya ang pagod pero hindi iyon naging hadlang para bantayan ang bawat kilos ni Claudette sa loob ng kwarto.Si Claudette ay abala sa pag-aayos ng tray na may pagkain. Kanina pa siya pabalik-balik sa kusina. Ayaw niyang tulungan siya ni Killian dahil gusto niyang magpahinga ito. Pero gaya ng dati, hindi pa rin talaga nagpapapigil ang binata.“Claudette,” mahinang tawag ni Killian.Hindi siya kaagad lumingon.“Pwede ba akong tumayo mamaya? Kahit saglit lang? Gusto ko lang maglakad kahit sa may hallway.”Napabuntong-hininga si Claudette bago sumagot. “Sabi ng doktor, huwag ka munang pilitin ang katawan mo. Hindi ka pa fully recovered.”“Sinasanay ko lang sarili ko. Ayoko naman maging pabigat sa'yo araw-araw.”Nilapitan siya ni Claudette habang hawak ang tray. “Hindi ka pabigat, Killian. Ginusto ko 'to. Gusto kong alagaan ka.”
Tahimik ang hallway ng korte habang hinahawi ng dalawang security personnel ang daan para sa isang lalaking nakaupo sa wheelchair. Matigas ang panga ni Killian habang tinititigan ang kahabaan ng daan papunta sa hearing room. Nakasando pa rin ang braso niya ng mga benda at may manipis na tubo na nakakabit sa kanang kamay niya para sa suplay ng gamot, pero hindi iyon hadlang para pigilan ang balak niyang pagpapatotoo laban sa sariling lolo.“Sir, dahan-dahan lang po tayo,” maingat na sabi ng nurse na sumasabay sa gilid niya.“Hindi ako papayag na makalaya ‘yung hayop na ‘yon sa pekeng medical condition,” malamig at matigas ang boses ni Killian. “Dapat niyang pagbayaran ang lahat.”Nang makarating sila sa hearing room, agad siyang sinalubong ni Claudette. Nilapitan siya nito at maingat na hinawakan ang kamay niya.“Okay ka lang ba? May sakit ka pa. Puwede naman akong magsalita sa ngalan mo,” mahinang sabi ni Claudette.Umiling si Killian. “Ako ang apo. Ako ang ginamit niya para sa lahat