Celeste's POV
"Buntis ka, Celeste." Those words echoed in my head like a relentless storm. Nakaupo ako sa harap ng doktor, pero pakiramdam ko sy lumulutang ako sa isang mundo kung saan walang tunog at walang galaw—parang huminto ang oras. Ang tanging naririnig ko lang ay ang malakas na tibok ng puso ko na parang gusto nang kumawala mula sa dibdib ko. Napahawak ako sa tiyan ko. May nabubuhay sa loob ko. My mind raced, trying to grasp the reality of what was happening. Buntis ako... buntis sa anak ng sarili kong Ninong. Hindi ko namalayan na nanginginig na pala ang mga kamay ko. "Ms. Rockwell?" Napatingin ako sa doktor na may mahinahong ekspresyon. Hindi siya mukhang shocked sa balitang ito, pero halata sa mata niyang nag-aalala siya sa reaksyon ko. "N—Nagkamali ba kayo, Dok?" mahina kong tanong, pilit na kumakapit sa kahit anong piraso ng pag-asang baka maling resulta lang ito. Ngumiti siya ng mahinahon. "We ran both urine and blood tests. Both came back positive. Almost five weeks pregnant ka na, Ms. Rockwell." Muli akong napahawak sa tiyan ko, parang hindi ko matanggap na may isang bagong buhay na nabubuo sa loob ko. That one night. Ang gabing hindi dapat nangyari. Ang gabing pilit kong kinalimutan. Nagbunga ng buhay ang pagkakamaling iyon. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatulala, pero nang magsalita ulit ang doktor, nagising ako mula sa pagkatulala ko. "Hindi kita pipilitin kung hindi mo pa kayang tanggapin, Ms. Rockwell," aniya. "Pero I highly suggest na bumalik ka for prenatal check-ups. Importante ang first trimester sa development ng baby mo." I swallowed hard. Baby ko. Baby namin ni Ninong Chester. Bigla akong napatingin sa doktor. "May ibang nakakaalam ba nito?" Umiling siya. "Wala. Confidential ang medical records mo. Ikaw lang ang may karapatang sabihin ito kaninuman." Nakaramdam ako ng bahagyang ginhawa. Kung ganoon, may oras pa ako para isipin kung anong gagawin ko. Pagkatapos ng check-up, naglakad ako palabas ng ospital na parang wala sa sarili. Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa sasakyan ko, pero ang alam ko lang, nanginginig ang kamay ko habang hawak ang manibela. Hindi ko ito kayang sabihin kay Ninong Chester. No. I couldn't. Mula noong huli naming pagkikita, sinigurado kong hindi kami magkikita ulit. Iniiwasan ko ang kahit anong family gathering kung saan maaaring andoon siya. Kahit ang pagpunta sa ospital niya, tinangka kong iwasan hanggang sa wala na akong choice kung 'di rito magpa-check-up. Pinilit kong i-focus ang isip ko sa pagmamaneho pauwi, pero sa bawat minutong lumilipas, palakas nang palakas ang katotohanang hindi ko kayang takasan. I was pregnant. Sooner or later… malalaman ito ni Ninong Chester. Pagkauwi ko sa condo, agad akong dumiretso sa kwarto at nagkulong. Hindi ko na nagawang magbihis o mag-ayos. Hinayaan kong bumagsak ang katawan ko sa kama, habang nakatitig sa kisame. Doon ako tuluyang binalot ng emosyon. Hindi ko alam kung paano tatanggapin ng mundo ang sitwasyon ko. I was a successful corporate lawyer, just months away from becoming a senior partner. I worked hard to build my reputation, to prove myself in a male-dominated industry. At ngayon? Isang scandal na puwedeng ikasira ng lahat ang bumalot sa buhay ko. Paano kung malaman ng firm? Paano kung malaman ng pamilya ko? At higit sa lahat… paano kung malaman ni Ninong Chester? Napapikit ako nang mariin. I could already imagine his cold, piercing gaze. He was a man of control, power, and logic. Wala siyang puso pagdating sa emosyon. Kung malaman niyang buntis ako sa anak niya? Ano ang gagawin niya? Pipilitin ba niya akong ipalaglag ito? O mas malala… kukuhanin niya ang bata at palalayuin ako? Napahawak ako sa tiyan ko. A small, fragile life was growing inside me, and already, I felt the need to protect it. Buong gabi akong hindi nakatulog. Nagpapalit-palit ako ng posisyon sa kama, pero kahit anong gawin ko, hindi ako mapakali. Walang kapayapaan ang isip ko. Ang bawat segundo, bawat minuto, may bumabagabag sa akin—ang katotohanang may isang buhay sa loob ko. Anak namin ni Ninong Chester. Napahawak ako sa tiyan ko. Sa loob ng halos isang buwan, wala akong kaide-ideya na nagbubuntis na pala ako. Sa loob ng panahong iyon, iniiwasan ko ang lalaking iyon na parang isang sakit na ayokong madapuan ako. Pero ngayon? Paano ko siya lalayuan kung ang isang parte niya ay nasa loob ko na? Pinikit ko ang mga mata ko, hoping that maybe, just maybe, when I wake up, everything will be different. That this is all just a dream. Pero alam kong hindi. Ito ang realidad at hindi ko ito matatakasan. *** Pagdating ng umaga, hindi ko na napansin na nakaidlip pala ako. Nagising ako sa malakas na tunog ng alarm clock. Napasinghap ako, parang hinihingal kahit wala akong ginawang mabigat. Mas lumakas ang kaba sa dibdib ko. I reached for my phone, checking the time. 6:30 AM. May trabaho pa ako. Napabalikwas ako ng bangon at naglakad papunta sa banyo. Pilit kong tinatanggal sa isip ko ang lahat ng bagay na bumabagabag sa akin. Pero kahit anong pilit kong magpaka-normal, ramdam kong may mali. Ang katawan ko mismo ang nagpapaalala sa akin. Nang bumaba ako ng kama, biglang sumakit ang ulo ko. Parang bigla akong nahilo. Napahawak ako sa pader, pilit na pinapatatag ang sarili. Nilabanan ko ang panghihina at pumasok sa banyo. Tumapat ako sa salamin, tinitigan ang mukha kong halatang puyat. Napansin kong medyo maputla ako, kaya't mabilis akong naghugas ng mukha. "Celeste, kaya mo 'to," mahina kong sabi sa sarili ko. I had to act normal. I had to pretend like nothing was wrong dahil ayokong may makahalata. Sa buong oras na nasa opisina ako, pilit kong iniwasan ang kahit anong bagay na makapagpapaisip sa nangyari. Sinubsob ko ang sarili ko sa trabaho, pero kahit anong pilit kong mag-focus, parang hindi ko magawang alisin sa isip ko ang isang bagay. Ano ang gagawin ko sa bata? I tried to drown myself in legal documents, case files, at kahit ano pang trabahong puwedeng makabaling sa isip ko. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko matakasan ang katotohanang nagbago na ang buhay ko. Paano ko ipagpapatuloy ang karera ko kung magiging ina na ako? Paano ko itatago ito kay Ninong Chester? Wala akong balak sabihin sa kanya. Hindi dahil gusto kong ilihim ito, pero dahil hindi ko alam kung paano niya ito tatanggapin. Iniisip ko ang reputasyon at career namin. Pero alam kong hindi ako forever makakapagtago. Lalo na kapag nagsimulang lumaki ang tiyan ko. At lalo na kung may isang taong makahalata. Pagkatapos ng halos isang buong araw na trabaho, napagdesisyunan kong umuwi agad. Gusto ko lang mahiga at kalimutan ang lahat ng iniisip ko. Pero paglabas ko ng opisina, parang biglang bumagsak ang mundo ko dahil sa tapat mismo ng building, nakasandal sa isang itim na sports car ang isang pamilyar na pigura. Tall. Regal. Cold. Si Ninong Chester. Muntik na akong mapahinto sa kinatatayuan ko. Mabilis akong napalinga sa paligid, siniguradong walang ibang nakakakita. Kahit pa alam kong walang may alam sa nangyari sa amin, hindi ko mapigilang kabahan. Nagtaas siya ng tingin at tumama ang matalim niyang mga mata sa akin. There was something unreadable in his expression—cold, calculating, but somehow… curious. Naglakad siya papunta sa akin. "Celeste." I swallowed hard, forcing myself to look composed. "Ninong. Anong ginagawa mo rito?" Nagtagilid ang ulo niya, his sharp gaze never leaves mine. "I was in the area. May gusto lang akong itanong sa 'yo." Bigla akong kinabahan. "About what?" Tahimik siyang tumingin sa akin bago dahan-dahang lumapit. Hindi ko namalayan na napaatras ako, pero hindi rin naman ako naglakad palayo. Nang magsalita siya, mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. "How are you?" Napigil ko ang hininga ko. "What?" "You haven't been attending family gatherings. You haven't been answering my messages." He tilted his head slightly, scrutinizing me. "And now that I'm seeing you again, you look different." Parang bigla akong nawalan ng boses. His gaze flickered down to my stomach for a split second before meeting my eyes again. Hindi ko alam kung nagkataon lang iyon, pero pakiramdam ko ay nakahalata na siya. "Are you hiding something, Celeste?" His voice was calm, but there was an edge to it. Doon ako nakaramdam ng totoong takot. "Wala," agad kong sagot. "I'm fine, Ninong Chester. Kung wala ka nang ibang sasabihin, mauuna na po ako kasi medyo masama ang pakiramdam ko." "Are you sick?" nag-aalalang tanong niya. Napalunok ako nang bigla siyang humakbang palapit sa akin at hinawakan ang aking noo. "Y-Yeah." Mabilis kong inalis ang kaniyang kamay. Napatingin ako sa kaniya nang mapansin ang malalim niyang pagtitig sa akin. Mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kaniya at nagpasyang pumasok sa kotse ko para makauwi na, pero bago ko mabuksan ang pintuan ng aking kotse ay hinawakan niya ang aking braso. "A-Are you pregnant?" Bigla akong nanlamig sa tanong niya. Binawi ko agad ang aking braso at mabilis na umiling. "I'm not pregnant," sagot ko. Binuksan ko ang pintuan ng kotse ko at tumambad sa akin ang pregnancy examination results ko. Mabilis ko itong itinago, ngunit huli na dahil nakita ito ni Ninong Chester. Napakagat-labi ako nang kunin niya ang pregnancy examination results ko at tiningnan ito. Pakiramdam ko ay para akong binuhosan ng malamig na tubig nang magtama ang paningin namin. "You are pregnant?" matigas niyang tanong. Mahigpit niyang hinawakan ang braso ko habang hawak ang resulta ng aking pagbubuntis. Napapikit ako sa takot at dahan-dahang yumuko. "Ipapalaglag ko ang bata kaya huwag kang mag-aalala. Hinding-hindi ko sisirain ang reputasyon at career mo, Ninong Chester," paos ang boses ko. "No. Walang kasalanan ang anak natin," matigas niyang sabi, pero tanging ako lang ang nakarinig. "You will not abort our child, Celeste. We will raise that child and you need to marry me!"Pagkapasok namin sa hotel lobby, ramdam ko ang paninigas ng panga ni Killian. Halata sa mukha niya ang galit at inis na kanina pa niya pinipigilan. Nasa harapan namin si Larkin, nakaupo sa lounge area kasama ang dalawang bodyguard. Nakatitig lang siya kay Killian, parang nanunukso pa.Humigpit ang hawak ni Killian sa kamay ko.“Stay here, Claudette. Don’t get involved,” mahinahong sabi niya pero ramdam kong nanginginig ang boses niya sa galit.Umiling ako. “Killian, I can’t just watch. I need to hear this too.”Lumapit si Killian kay Larkin. Tumayo naman ang ex-husband ko at ngumisi.“Well, look who decided to finally come home. The forgotten grandson.”Hindi nagpatinag si Killian. “Cut the crap, Larkin. Alam nating pareho kung anong ginawa mo. You think you deserve Nicolaj Group?”Umiling si Larkin, tumawa ng mahina. “Deserve? Killian, don’t fool yourself. Ikaw lang ang gustong-gusto ng Lolo mo pero ngayon? He chose me. Ako ang may hawak ng lahat ngayon.”“Because you manipulated hi
Pagkalapag ng eroplano sa Pilipinas, ramdam ko ang bigat sa dibdib ni Killian. Tahimik lang siya buong biyahe, kahit ilang beses ko siyang kinakausap. Nasa mukha niya ang pagkadismaya at galit. Hindi ko na kinulit, alam kong may mabigat siyang iniisip.Pagdating namin sa bahay, agad siyang naupo sa sofa, hawak ang ulo at parang hindi makapaniwala.“Clau,” mahina niyang sabi, halos bulong, “pinamana lahat kay Larkin. Wala akong nakuha. Lahat ng shares, lahat ng properties under Nicolaj Group... nasa pangalan niya na.”Umupo ako sa tabi niya, hinawakan ang kamay niya. “Paano nangyari ‘yon? Akala ko nakasequester ang mga ari-arian ni Don Rafael.”“'Yun din ang iniisip ko. Pero apparently, bago siya tuluyang nakulong, naayos niya lahat ng papeles. He made sure na kay Larkin mapupunta. Legal daw lahat, at may mga board members na pumayag. Kahit galit sila kay Loli Rafael, pumirma sila dahil may mga kapalit.”“Killian, this doesn’t mean na wala ka na,” sabi ko. “Hindi mo kailangan ng mga ar
Pagod na pagod ako, pero masaya ang puso ko. Nasa private room na kami ng ospital, at katabi ko ngayon ang anak namin ni Killian — si Baby Alessandro. Katabi niya ang crib na kulay puti, may maliit na blanket na binili pa mismo ni Killian bago ako manganak.Tahimik sa loob ng kwarto. Si Killian ay nakaupo sa maliit na sofa sa tabi ko, pero hindi siya mapakali. Hawak niya ang bote ng gatas na hinanda ng nurse kanina, habang pinagmamasdan si Baby Alessandro na mahimbing na natutulog.“Babe,” bulong niya. “Grabe ka. Parang hindi ka lang nanganak.”“Killian, huwag mo akong simulan. Masakit pa ang tadyang ko.”“Hindi ko naman sinabing magpapagiling tayo, ‘di ba?” Ngisi niya. “Pero seryoso, Claudette... ang ganda mo pa rin kahit bagong panganak ka.”Pumikit ako sandali. “Pagod ako. Gusto kong matulog.”“Sige, matulog ka na. Ako bahala sa inyo ng anak natin.” Tumayo siya at inayos ang swero ko para siguraduhing hindi ito matatanggal.Pagkatapos ay lumapit siya sa crib ni Baby Alessandro at m
Claudette Aoife Villamor's POV ITALY "Killian, manganganak na yata ako!" sigaw ko habang hawak ang bandang puson at naramdaman kong may likidong lumabas sa pagitan ng mga hita ko. Nagulat si Killian. Kalalabas lang niya mula sa banyo, basang-basang buhok, nakasuot pa ng bathrobe. "Ano?" Nataranta siyang lumapit sa akin. "Baby, teka, kalma lang muna. Huminga ka." "Anong huminga lang? Killian! Ang sakit!" Halos mapasubsob ako sa sofa habang pinipigilan ang kirot. "Sige, sige. Sandali lang. Dito ka muna—no, no. Huwag ka munang tumayo!" agad niyang hinila ang wheelchair sa tabi ng pinto. "Upo ka muna, Claudette. Relax lang. I’m here, okay?" "Hindi ako makaka-relax! May lumalabas na sa akin!" "Oo na, oo na. Pasensya na, first time ko rin 'to, okay?" Hinawakan niya ang balikat ko habang pinapaupo ako. Nang makaupo na ako sa wheelchair, mabilis niyang binuksan ang pintuan, binuhat ako papasok ng kotse, tapos siya na mismo ang nagmaneho papuntang ospital. "Killian, bilisan mo! Baka d
Tahimik ang loob ng bahay. Tanghali na pero nakahiga pa rin si Killian sa kama, nakasandal sa headboard, may benda pa rin sa kanang balikat at paa. Halata sa mukha niya ang pagod pero hindi iyon naging hadlang para bantayan ang bawat kilos ni Claudette sa loob ng kwarto.Si Claudette ay abala sa pag-aayos ng tray na may pagkain. Kanina pa siya pabalik-balik sa kusina. Ayaw niyang tulungan siya ni Killian dahil gusto niyang magpahinga ito. Pero gaya ng dati, hindi pa rin talaga nagpapapigil ang binata.“Claudette,” mahinang tawag ni Killian.Hindi siya kaagad lumingon.“Pwede ba akong tumayo mamaya? Kahit saglit lang? Gusto ko lang maglakad kahit sa may hallway.”Napabuntong-hininga si Claudette bago sumagot. “Sabi ng doktor, huwag ka munang pilitin ang katawan mo. Hindi ka pa fully recovered.”“Sinasanay ko lang sarili ko. Ayoko naman maging pabigat sa'yo araw-araw.”Nilapitan siya ni Claudette habang hawak ang tray. “Hindi ka pabigat, Killian. Ginusto ko 'to. Gusto kong alagaan ka.”
Tahimik ang hallway ng korte habang hinahawi ng dalawang security personnel ang daan para sa isang lalaking nakaupo sa wheelchair. Matigas ang panga ni Killian habang tinititigan ang kahabaan ng daan papunta sa hearing room. Nakasando pa rin ang braso niya ng mga benda at may manipis na tubo na nakakabit sa kanang kamay niya para sa suplay ng gamot, pero hindi iyon hadlang para pigilan ang balak niyang pagpapatotoo laban sa sariling lolo.“Sir, dahan-dahan lang po tayo,” maingat na sabi ng nurse na sumasabay sa gilid niya.“Hindi ako papayag na makalaya ‘yung hayop na ‘yon sa pekeng medical condition,” malamig at matigas ang boses ni Killian. “Dapat niyang pagbayaran ang lahat.”Nang makarating sila sa hearing room, agad siyang sinalubong ni Claudette. Nilapitan siya nito at maingat na hinawakan ang kamay niya.“Okay ka lang ba? May sakit ka pa. Puwede naman akong magsalita sa ngalan mo,” mahinang sabi ni Claudette.Umiling si Killian. “Ako ang apo. Ako ang ginamit niya para sa lahat