Celeste's POV
Hindi ako makahinga. Parang biglang huminto ang mundo ko matapos marinig ang sinabi ni Ninong Chester. “We will raise that child and you need to marry me!” It felt like a forceful command, an inescapable fate that he had already decided for me. Bago ko pa maproseso ang lahat, bigla siyang lumapit. His towering presence made my legs weak, and before I knew it, his firm grip was on my wrist—hindi marahas, pero matigas, sapat para maramdaman kong wala akong kawala. "P—Paano mo nalaman?" mahina kong tanong, pilit na nilalabanan ang kaba. Tumigil siya sa paggalaw at tinitigan ako ng matalim. His cold, assessing eyes bore into mine, as if reading every thought inside my head. Damn it, Celeste. Bakit mo ba naisipang harapin siya ngayon? “You think I wouldn’t know?” bumaba ang boses niya, bahagyang lumapit pa sa akin. “You’ve been avoiding me for weeks. I had someone follow you—siyempre hindi mo naisip ‘yon dahil masyado kang busy sa kakaiwas sa akin. Masyado kang masunuring bata.” My blood ran cold. “You… had me followed?” Hindi siya nagsalita, pero sapat na ang tingin niya para kumpirmahin ang lahat. Napakapit ako sa bag na hawak ko, feeling utterly trapped. I should’ve known—hindi ko dapat minaliit ang isang tulad ni Chester Villamor. Isang billionaire na doktor, may sariling ospital, may koneksyon kahit saan. A man like him? He always got what he wanted. At ngayon, ako ang gusto niyang makuha. No, not me… our child. Pero bakit ako ang nakakaramdam ng takot? “Celeste,” he said my name with a tone that sent chills down my spine. “You’re pregnant. With my child. Do you think I’d let you handle this alone?” Sinubukan kong hugutin ang kamay ko mula sa hawak niya, pero hindi siya bumitaw. “I—It’s my body,” pilit kong depensa. “Ako ang magdedesisyon kung ano ang gagawin ko sa—” “No,” putol niya sa akin, mas matigas na ngayon ang boses niya. “Walang kasalanan ang anak natin.” Napapikit ako nang mariin, trying to steady my breathing. Anak natin. Ang bigat ng mga salitang iyon sa pandinig ko. “You will not abort our child,” he continued, his voice unwavering. “We will raise that child together. And you need to marry me.” His words slammed into me like a wrecking ball. Biglang bumalik sa akin ang lahat ng iniwasan kong katotohanan—ang isang gabing hindi ko dapat maalala, ang kahihinatnan ng isang pagkakamali, at ang matinding implikasyon ng pagbubuntis ko. At ngayon, gusto niya akong pakasalan. I let out a hollow laugh. “Marriage? Ninong, are you serious? Inaanak mo ako. Ano na lang ang iisipin ng pamilya natin? Dudungisan mo ang mga pangalan at reputasyon natin dahil lang sa batang nasa sinapupunan ko?” He didn’t even blink. “Do I look like I’m joking?” Napailing ako. “We don’t even have feelings for each other! And now you’re telling me to marry you?” “It’s not about feelings,” aniya, as if emotions were insignificant. “It’s about responsibility.” Parang may humigpit na gapos sa dibdib ko. I stared at him in disbelief. “Responsibility?” His gaze darkened. “I don’t take fatherhood lightly. At hindi ako papayag na lumaki ang anak ko nang walang ama.” His child. Not mine. Not ours. His. Sa mga sinabi niya, doon ako tuluyang naputol. Napaatras ako. Hindi ko alam kung dahil sa kaba, takot, o galit. “So what, ikakasal tayo para lang magkaroon ang anak natin ng ‘buong pamilya’? Para lang masabing may tatay siya? Para lang sa panlabas na imahe mo?” Nagtagilid ang ulo niya, studying me. “Isn’t that how it should be? Isn’t that better than raising a child alone?” I let out a bitter chuckle. “Wow, ang simple para sa 'yo. Pero ako? Ako ang babae rito. Ako ang may katawan na nagdadala ng batang ‘to. At higit sa lahat, ako ang may karapatang magdesisyon kung paano ko haharapin ‘to.” His jaw clenched. “You think kaya mong palakihin ‘yan nang mag-isa?” “I will, if I have to,” sagot ko agad. For the first time, nakakita ako ng bahagyang pagkagulat sa mukha niya. Pero agad ding nawala. Napakuyom siya ng kamao at bumuntong-hininga. Then he straightened up, as if regaining his control. “We’re getting married, Celeste. Whether you like it or not.” What the hell? “Excuse me?” “My lawyer will prepare the contract,” he continued, ignoring my furious reaction. “We’ll keep this between us for now. A secret marriage, if that’s what you prefer. Pero walang makakaalam na hindi totoo ‘to.” Napahawak ako sa sentido ko. I felt like my world was spinning. “Ninong, I don’t want to marry you! Bakit ba ang dali para sa 'yo ang mga bagay na ‘to? This isn’t just some business transaction!” His eyes flickered with something unreadable. “You don’t have a choice.” Oh, I definitely had a choice. Pero ang problema…kaya ko bang ipaglaban ang pagpili sa sarili kong landas? O matatalo ako sa laro ni Ninong Chester… at mapipilitang tanggapin ang buhay na siya ang nagdikta? Tahimik akong nakatingin sa kanya, while my mind screamed in frustration. Nasa loob kami ng kotse ko kasi biglang bumuhos ang malakas na ulan. Ninong Chester was a man who never lost a battle. At kung papatulan ko ang laro niya, alam kong wala akong laban. I swallowed hard. “And what if I say no?” His eyes turned colder. Damn it. Hindi ko gusto ang titig niyang ‘yon. “Then I’ll make sure you have no choice, but to say yes,” aniya. “And trust me, Celeste, I always get what I want.” His words were a warning. A threat. A promise. At doon ko naramdaman ang mas matinding kaba. I wasn’t just fighting for my freedom. I was fighting against a man who never accepted defeat. Author's Note: Hello! Thank you for reading this book. I really appreciate it! Anyway, pwede kayong mag-iwan ng comments (positive or negative) about the book. I'm open to criticism naman makakatulong iyon sa aking pagsusulat. Please bear with me kung may typographical at grammatical errors. Hindi po uso sa akin ang proofreading minsan. Hahaha. Hope you will continue supporting me as your underrated GoodNovel Writer! Don't forget to follow me, leave a comment, gem votes, and rate this book dahil may give away ako minsan sa mga readers ko.Pagkapasok namin sa hotel lobby, ramdam ko ang paninigas ng panga ni Killian. Halata sa mukha niya ang galit at inis na kanina pa niya pinipigilan. Nasa harapan namin si Larkin, nakaupo sa lounge area kasama ang dalawang bodyguard. Nakatitig lang siya kay Killian, parang nanunukso pa.Humigpit ang hawak ni Killian sa kamay ko.“Stay here, Claudette. Don’t get involved,” mahinahong sabi niya pero ramdam kong nanginginig ang boses niya sa galit.Umiling ako. “Killian, I can’t just watch. I need to hear this too.”Lumapit si Killian kay Larkin. Tumayo naman ang ex-husband ko at ngumisi.“Well, look who decided to finally come home. The forgotten grandson.”Hindi nagpatinag si Killian. “Cut the crap, Larkin. Alam nating pareho kung anong ginawa mo. You think you deserve Nicolaj Group?”Umiling si Larkin, tumawa ng mahina. “Deserve? Killian, don’t fool yourself. Ikaw lang ang gustong-gusto ng Lolo mo pero ngayon? He chose me. Ako ang may hawak ng lahat ngayon.”“Because you manipulated hi
Pagkalapag ng eroplano sa Pilipinas, ramdam ko ang bigat sa dibdib ni Killian. Tahimik lang siya buong biyahe, kahit ilang beses ko siyang kinakausap. Nasa mukha niya ang pagkadismaya at galit. Hindi ko na kinulit, alam kong may mabigat siyang iniisip.Pagdating namin sa bahay, agad siyang naupo sa sofa, hawak ang ulo at parang hindi makapaniwala.“Clau,” mahina niyang sabi, halos bulong, “pinamana lahat kay Larkin. Wala akong nakuha. Lahat ng shares, lahat ng properties under Nicolaj Group... nasa pangalan niya na.”Umupo ako sa tabi niya, hinawakan ang kamay niya. “Paano nangyari ‘yon? Akala ko nakasequester ang mga ari-arian ni Don Rafael.”“'Yun din ang iniisip ko. Pero apparently, bago siya tuluyang nakulong, naayos niya lahat ng papeles. He made sure na kay Larkin mapupunta. Legal daw lahat, at may mga board members na pumayag. Kahit galit sila kay Loli Rafael, pumirma sila dahil may mga kapalit.”“Killian, this doesn’t mean na wala ka na,” sabi ko. “Hindi mo kailangan ng mga ar
Pagod na pagod ako, pero masaya ang puso ko. Nasa private room na kami ng ospital, at katabi ko ngayon ang anak namin ni Killian — si Baby Alessandro. Katabi niya ang crib na kulay puti, may maliit na blanket na binili pa mismo ni Killian bago ako manganak.Tahimik sa loob ng kwarto. Si Killian ay nakaupo sa maliit na sofa sa tabi ko, pero hindi siya mapakali. Hawak niya ang bote ng gatas na hinanda ng nurse kanina, habang pinagmamasdan si Baby Alessandro na mahimbing na natutulog.“Babe,” bulong niya. “Grabe ka. Parang hindi ka lang nanganak.”“Killian, huwag mo akong simulan. Masakit pa ang tadyang ko.”“Hindi ko naman sinabing magpapagiling tayo, ‘di ba?” Ngisi niya. “Pero seryoso, Claudette... ang ganda mo pa rin kahit bagong panganak ka.”Pumikit ako sandali. “Pagod ako. Gusto kong matulog.”“Sige, matulog ka na. Ako bahala sa inyo ng anak natin.” Tumayo siya at inayos ang swero ko para siguraduhing hindi ito matatanggal.Pagkatapos ay lumapit siya sa crib ni Baby Alessandro at m
Claudette Aoife Villamor's POV ITALY "Killian, manganganak na yata ako!" sigaw ko habang hawak ang bandang puson at naramdaman kong may likidong lumabas sa pagitan ng mga hita ko. Nagulat si Killian. Kalalabas lang niya mula sa banyo, basang-basang buhok, nakasuot pa ng bathrobe. "Ano?" Nataranta siyang lumapit sa akin. "Baby, teka, kalma lang muna. Huminga ka." "Anong huminga lang? Killian! Ang sakit!" Halos mapasubsob ako sa sofa habang pinipigilan ang kirot. "Sige, sige. Sandali lang. Dito ka muna—no, no. Huwag ka munang tumayo!" agad niyang hinila ang wheelchair sa tabi ng pinto. "Upo ka muna, Claudette. Relax lang. I’m here, okay?" "Hindi ako makaka-relax! May lumalabas na sa akin!" "Oo na, oo na. Pasensya na, first time ko rin 'to, okay?" Hinawakan niya ang balikat ko habang pinapaupo ako. Nang makaupo na ako sa wheelchair, mabilis niyang binuksan ang pintuan, binuhat ako papasok ng kotse, tapos siya na mismo ang nagmaneho papuntang ospital. "Killian, bilisan mo! Baka d
Tahimik ang loob ng bahay. Tanghali na pero nakahiga pa rin si Killian sa kama, nakasandal sa headboard, may benda pa rin sa kanang balikat at paa. Halata sa mukha niya ang pagod pero hindi iyon naging hadlang para bantayan ang bawat kilos ni Claudette sa loob ng kwarto.Si Claudette ay abala sa pag-aayos ng tray na may pagkain. Kanina pa siya pabalik-balik sa kusina. Ayaw niyang tulungan siya ni Killian dahil gusto niyang magpahinga ito. Pero gaya ng dati, hindi pa rin talaga nagpapapigil ang binata.“Claudette,” mahinang tawag ni Killian.Hindi siya kaagad lumingon.“Pwede ba akong tumayo mamaya? Kahit saglit lang? Gusto ko lang maglakad kahit sa may hallway.”Napabuntong-hininga si Claudette bago sumagot. “Sabi ng doktor, huwag ka munang pilitin ang katawan mo. Hindi ka pa fully recovered.”“Sinasanay ko lang sarili ko. Ayoko naman maging pabigat sa'yo araw-araw.”Nilapitan siya ni Claudette habang hawak ang tray. “Hindi ka pabigat, Killian. Ginusto ko 'to. Gusto kong alagaan ka.”
Tahimik ang hallway ng korte habang hinahawi ng dalawang security personnel ang daan para sa isang lalaking nakaupo sa wheelchair. Matigas ang panga ni Killian habang tinititigan ang kahabaan ng daan papunta sa hearing room. Nakasando pa rin ang braso niya ng mga benda at may manipis na tubo na nakakabit sa kanang kamay niya para sa suplay ng gamot, pero hindi iyon hadlang para pigilan ang balak niyang pagpapatotoo laban sa sariling lolo.“Sir, dahan-dahan lang po tayo,” maingat na sabi ng nurse na sumasabay sa gilid niya.“Hindi ako papayag na makalaya ‘yung hayop na ‘yon sa pekeng medical condition,” malamig at matigas ang boses ni Killian. “Dapat niyang pagbayaran ang lahat.”Nang makarating sila sa hearing room, agad siyang sinalubong ni Claudette. Nilapitan siya nito at maingat na hinawakan ang kamay niya.“Okay ka lang ba? May sakit ka pa. Puwede naman akong magsalita sa ngalan mo,” mahinang sabi ni Claudette.Umiling si Killian. “Ako ang apo. Ako ang ginamit niya para sa lahat