Share

Chapter 7

Author: Deigratiamimi
last update Last Updated: 2025-03-05 16:20:55

Celeste's POV

Hindi ko alam kung ilang segundo akong nakatayo lang doon, nakatitig kay Ninong Chester habang unti-unting bumibigat ang bawat salita niya sa utak ko.

"Then I’ll make sure you have no choice, but to say yes. And trust me, Celeste, I always get what I want."

Hindi ito usapang normal. Hindi ito usapang magaan lang na puwede kong tawanan o talikuran. Ito ay ultimatum.

Huminga ako nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili ko. No, Celeste. Huwag kang magpaapekto. Ninong mo siya at inaanak ka niya.

“Ikaw lang naman ang may gusto nito, Ninong,” sabi ko, pilit na pinapalakas ang loob ko. “Hindi ibig sabihin na buntis ako, kailangan ko nang pakasalan ka. Hindi ko rin naman sinabinsa iyo na kailangan mo akong panindigan. Hindi mo kami obligasyon o responsibilidad. Ang batang nasa sinapupunan ko ay bunga ng pagkakamali natin.”

Nagtaas siya ng kilay. “At paano kung sabihin kong kailangan mo akong pakasalan alang-alang sa anak natin?”

Napairap ako. “Dahil ba mayayaman tayo? Dahil ba isang eskandalo kung malaman ng iba? Nag-iisip ka pa ba ng mabuti? Akala ko ba matalino ka? Bakit nagiging bobo ka pagdating sa ganitong bagay?”

Napansin kong saglit siyang napatigil, parang tinatantya kung sasagutin niya ako. Pero sa huli, he simply said, “Dahil gusto kong palakihin ang anak ko ng tama. Apelyido ko ang dadalhin niya.”

Ang bigat ng mga salitang iyon.

“You say that like you actually care.” I rolled my eyes.

His jaw tightened. “I do.”

Natawa ako, pero walang sigla iyon. “Alam mo, Ninong Chester, mas nakakagulat pa na kaya mong sabihin ‘yan nang seryoso kaysa sa mismong katotohanang buntis ako.”

“I don’t joke about things like this,” he said firmly. “I never have. Seryoso ako, Celeste. I will marry you as soon as possible."

“I know.” I let out a sharp exhale. “Dahil hindi ka rin nagbibiro pagdating sa pagkuha ng gusto mo.”

Matagal siyang tumingin sa akin, then he sighed. “You’re making this harder than it has to be. It's just a contract marriage. An arranged marriage for us and for the baby."

“Because it’s not supposed to be easy,” sagot ko agad. “Wala ka bang pakialam sa nararamdaman ko? Ako ang nabuntis, ako ang magiging ina ng batang ‘to. And yet, ikaw ang nagdedesisyon ng lahat.”

“I am trying to do the right thing,” aniya. “If you can’t see that, then I don’t know what else to tell you.”

Napalunok ako.

Malamig siya. Matigas. Walang bakas ng pagdadalawang-isip.

At sa totoo lang… doon ako lalong natakot.

Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nakaupo lang sa loob ng kotse ko, staring each other down like two opposing forces waiting for the other to break.

Pero alam kong kung may aatras sa laban na ito, hindi iyon si Ninong Chester.

He never backs down. He never loses.

Pero ako? Handa ba akong sumuko?

Wala akong balak pakasalan siya. Pero wala rin akong balak ipalaglag ang bata. At kung ipipilit niya ang kasal, paano ko siya lalabanan?

Paano ko siya tatanggihan?

Paano ko ipaglalaban ang sarili kong desisyon kung alam kong kaya niyang baliin ang buong mundo para lang mapapayag ako?

Napalunok ako. “Kung ikakasal tayo, paano natin ipapaliwanag ‘to sa pamilya natin?”

His eyes flickered with something unreadable. “They won’t know.”

Napasinghap ako. “What?”

“Hindi ko kailangang ipaalam sa kanila,” he said. “Kung gusto mong itago ito sa ngayon, I will respect that. We’ll get married quietly. No media, no announcements, no grand celebrations. Just a contract, binding us together.”

Parang may bumagsak na yelo sa loob ko.

A contract. A cold, heartless, logical solution.

Ganoon ba ang tingin niya sa kasal?

Ganoon ba niya gustong itali ako sa kanya?

Hindi bilang asawa, kundi bilang isang obligasyon lang.

Napangisi ako. “Of course. Kasi iyon lang naman ang importante sa 'yo, ‘di ba? Ang pormalidad. Ang pagiging maayos sa mata ng ibang tao.”

“I don’t care about what other people think,” sagot niya. “Ang iniisip ko ay ang anak natin. Kung gusto mong ipaglaban ang karera mo, fine. Pero hindi mo ipagkakait sa bata ang isang buong pamilya.”

Umigting ang panga ko. “Kahit hindi totoo?”

Hindi siya sumagot. At doon ko na-realize…wala na akong laban.

“You don’t have a choice, Celeste.” His voice was lower this time, as if he was trying to make me understand.

“I always have a choice,” I whispered. “Pero ikaw, Ninong Chester, hindi mo ba naisip na kahit minsan, hindi mo ako dapat pinipilit?”

For the first time, something flickered in his expression. But it was gone in an instant.

“You’re carrying my child,” aniya. “I won’t force you into something you truly don’t want, but if you accept this, I promise to give you everything you need.”

A part of me wanted to believe him. Pero ang mas malaking parte sa akin… hindi makakalimot sa katotohanang isang kasunduan lang ito.

Ito ba ang gusto kong buhay?

Maging asawa ng isang lalaking hindi ako mahal?

Maging parte ng isang relasyong walang damdamin, walang pagmamahal, kundi puro pormalidad lang?

Kaya ko ba iyon?

Kaya ko bang mabuhay sa anino ng isang kasunduang ako lang ang talo?

Napayuko ako, trying to gather my thoughts.

I had to make a choice. I had to decide. At habang tinitingnan ko ang lalaki sa harapan ko, ang lalaking nagbigay ng ultimatum, ang lalaking may hawak sa hinaharap ko…Alam kong wala akong magagawa kundi tanggapin ito.

Because Chester Villamor was a man who never lost. And now, I was just another pawn in his perfectly controlled game.

Author's Note:

Hello!

Thank you for reading this book. I really appreciate it!

Anyway, pwede kayong mag-iwan ng comments (positive or negative) about the book. I'm open to criticism naman makakatulong iyon sa aking pagsusulat.

Please bear with me kung may typographical at grammatical errors. Hindi po uso sa akin ang proofreading minsan. Hahaha. Hope you will continue supporting me as your underrated GoodNovel Writer!

Don't forget to follow me, leave a comment, gem votes, and rate this book dahil may give away ako minsan sa mga readers ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (23)
goodnovel comment avatar
Deigratiamimi
salamaaaat po
goodnovel comment avatar
Anna Arcelli Hermoso
ganda po paki update po
goodnovel comment avatar
Deigratiamimi
Salamat po
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 356

    Pagkapasok namin sa hotel lobby, ramdam ko ang paninigas ng panga ni Killian. Halata sa mukha niya ang galit at inis na kanina pa niya pinipigilan. Nasa harapan namin si Larkin, nakaupo sa lounge area kasama ang dalawang bodyguard. Nakatitig lang siya kay Killian, parang nanunukso pa.Humigpit ang hawak ni Killian sa kamay ko.“Stay here, Claudette. Don’t get involved,” mahinahong sabi niya pero ramdam kong nanginginig ang boses niya sa galit.Umiling ako. “Killian, I can’t just watch. I need to hear this too.”Lumapit si Killian kay Larkin. Tumayo naman ang ex-husband ko at ngumisi.“Well, look who decided to finally come home. The forgotten grandson.”Hindi nagpatinag si Killian. “Cut the crap, Larkin. Alam nating pareho kung anong ginawa mo. You think you deserve Nicolaj Group?”Umiling si Larkin, tumawa ng mahina. “Deserve? Killian, don’t fool yourself. Ikaw lang ang gustong-gusto ng Lolo mo pero ngayon? He chose me. Ako ang may hawak ng lahat ngayon.”“Because you manipulated hi

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 355

    Pagkalapag ng eroplano sa Pilipinas, ramdam ko ang bigat sa dibdib ni Killian. Tahimik lang siya buong biyahe, kahit ilang beses ko siyang kinakausap. Nasa mukha niya ang pagkadismaya at galit. Hindi ko na kinulit, alam kong may mabigat siyang iniisip.Pagdating namin sa bahay, agad siyang naupo sa sofa, hawak ang ulo at parang hindi makapaniwala.“Clau,” mahina niyang sabi, halos bulong, “pinamana lahat kay Larkin. Wala akong nakuha. Lahat ng shares, lahat ng properties under Nicolaj Group... nasa pangalan niya na.”Umupo ako sa tabi niya, hinawakan ang kamay niya. “Paano nangyari ‘yon? Akala ko nakasequester ang mga ari-arian ni Don Rafael.”“'Yun din ang iniisip ko. Pero apparently, bago siya tuluyang nakulong, naayos niya lahat ng papeles. He made sure na kay Larkin mapupunta. Legal daw lahat, at may mga board members na pumayag. Kahit galit sila kay Loli Rafael, pumirma sila dahil may mga kapalit.”“Killian, this doesn’t mean na wala ka na,” sabi ko. “Hindi mo kailangan ng mga ar

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 354

    Pagod na pagod ako, pero masaya ang puso ko. Nasa private room na kami ng ospital, at katabi ko ngayon ang anak namin ni Killian — si Baby Alessandro. Katabi niya ang crib na kulay puti, may maliit na blanket na binili pa mismo ni Killian bago ako manganak.Tahimik sa loob ng kwarto. Si Killian ay nakaupo sa maliit na sofa sa tabi ko, pero hindi siya mapakali. Hawak niya ang bote ng gatas na hinanda ng nurse kanina, habang pinagmamasdan si Baby Alessandro na mahimbing na natutulog.“Babe,” bulong niya. “Grabe ka. Parang hindi ka lang nanganak.”“Killian, huwag mo akong simulan. Masakit pa ang tadyang ko.”“Hindi ko naman sinabing magpapagiling tayo, ‘di ba?” Ngisi niya. “Pero seryoso, Claudette... ang ganda mo pa rin kahit bagong panganak ka.”Pumikit ako sandali. “Pagod ako. Gusto kong matulog.”“Sige, matulog ka na. Ako bahala sa inyo ng anak natin.” Tumayo siya at inayos ang swero ko para siguraduhing hindi ito matatanggal.Pagkatapos ay lumapit siya sa crib ni Baby Alessandro at m

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 353

    Claudette Aoife Villamor's POV ITALY "Killian, manganganak na yata ako!" sigaw ko habang hawak ang bandang puson at naramdaman kong may likidong lumabas sa pagitan ng mga hita ko. Nagulat si Killian. Kalalabas lang niya mula sa banyo, basang-basang buhok, nakasuot pa ng bathrobe. "Ano?" Nataranta siyang lumapit sa akin. "Baby, teka, kalma lang muna. Huminga ka." "Anong huminga lang? Killian! Ang sakit!" Halos mapasubsob ako sa sofa habang pinipigilan ang kirot. "Sige, sige. Sandali lang. Dito ka muna—no, no. Huwag ka munang tumayo!" agad niyang hinila ang wheelchair sa tabi ng pinto. "Upo ka muna, Claudette. Relax lang. I’m here, okay?" "Hindi ako makaka-relax! May lumalabas na sa akin!" "Oo na, oo na. Pasensya na, first time ko rin 'to, okay?" Hinawakan niya ang balikat ko habang pinapaupo ako. Nang makaupo na ako sa wheelchair, mabilis niyang binuksan ang pintuan, binuhat ako papasok ng kotse, tapos siya na mismo ang nagmaneho papuntang ospital. "Killian, bilisan mo! Baka d

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 352

    Tahimik ang loob ng bahay. Tanghali na pero nakahiga pa rin si Killian sa kama, nakasandal sa headboard, may benda pa rin sa kanang balikat at paa. Halata sa mukha niya ang pagod pero hindi iyon naging hadlang para bantayan ang bawat kilos ni Claudette sa loob ng kwarto.Si Claudette ay abala sa pag-aayos ng tray na may pagkain. Kanina pa siya pabalik-balik sa kusina. Ayaw niyang tulungan siya ni Killian dahil gusto niyang magpahinga ito. Pero gaya ng dati, hindi pa rin talaga nagpapapigil ang binata.“Claudette,” mahinang tawag ni Killian.Hindi siya kaagad lumingon.“Pwede ba akong tumayo mamaya? Kahit saglit lang? Gusto ko lang maglakad kahit sa may hallway.”Napabuntong-hininga si Claudette bago sumagot. “Sabi ng doktor, huwag ka munang pilitin ang katawan mo. Hindi ka pa fully recovered.”“Sinasanay ko lang sarili ko. Ayoko naman maging pabigat sa'yo araw-araw.”Nilapitan siya ni Claudette habang hawak ang tray. “Hindi ka pabigat, Killian. Ginusto ko 'to. Gusto kong alagaan ka.”

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 351

    Tahimik ang hallway ng korte habang hinahawi ng dalawang security personnel ang daan para sa isang lalaking nakaupo sa wheelchair. Matigas ang panga ni Killian habang tinititigan ang kahabaan ng daan papunta sa hearing room. Nakasando pa rin ang braso niya ng mga benda at may manipis na tubo na nakakabit sa kanang kamay niya para sa suplay ng gamot, pero hindi iyon hadlang para pigilan ang balak niyang pagpapatotoo laban sa sariling lolo.“Sir, dahan-dahan lang po tayo,” maingat na sabi ng nurse na sumasabay sa gilid niya.“Hindi ako papayag na makalaya ‘yung hayop na ‘yon sa pekeng medical condition,” malamig at matigas ang boses ni Killian. “Dapat niyang pagbayaran ang lahat.”Nang makarating sila sa hearing room, agad siyang sinalubong ni Claudette. Nilapitan siya nito at maingat na hinawakan ang kamay niya.“Okay ka lang ba? May sakit ka pa. Puwede naman akong magsalita sa ngalan mo,” mahinang sabi ni Claudette.Umiling si Killian. “Ako ang apo. Ako ang ginamit niya para sa lahat

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status