=Ciana’s Point Of View=
Sumapit ang ala-sais nang gabi at nakapaghanda na ako, buhok na lang ang aayusin ko while Mateo is fixing his hair and coat. He looks so manly, he looks so professional. “Are you done?” tanong niya, kaya naman huminga ako nang malalim. Magpapashort hair na talaga ako next month para no need to style. Nang matapos ay tumayo na ako at naglagay ng konting pabango. Tumayo ako at hinarap si Mateo, napansin ko naman ang mga mata niya sa akin habang nakaharap siya sa salamin, kaya napalunok ako. Nakataas ang buhok niya at nakahati pa ‘yon sa gitna. Hindi ko agad naiiwas ang tingin dahil naaliw ako sa mukha niya. Napakagwapo. “Let’s go then,” aniya pa. Kinuha ko ang maliit kong pouch, tapos naglakad na. Medyo hindi ako kumportable sa takong, pero ayos na rin. “Wala ka na bang naiwan, Ciana?” tumango ako. “Wala na, Sir. Everything is ready.” Tumango siya, tapos sinenyasan niya akong sumunod. “Sa rooftop ng hotel ang venue.” Tumango na lang ako at sumunod na. Dahil nga mataas ang takong ko, medyo dumikit ako sa pader in case of katangahan. ‘Hindi man lang ako alalayan ng isang ito…’ Nang makarating ay agad na hinanap ng mata ko si Miyu. Nang makita ko siya ay napangiti ako. She looks so gorgeous and hot. Ang tangkad niya rin kasi. “OMG! Hi, Ciana!” Agad ko silang nginitian ni Vince. Sila na kasi ang lumapit. Nagyakap kami ni Miyu at nagbeso. “Sup, Ciana.” Nagyakap rin kami ni Vince, syempre yung friendly lang. “Sup, hahaha. So kamusta naman? Wala bang new baby?” Nakangiting tanong ko sa kanila. Napangiti ako nang magulat si Miyu. “Ano ka ba, ikaw ang dapat. Malapit ka na sa thirties.” Ngumiti naman ako sa sinabi niya. “I’m cursed, wala pa ring nanliligaw ngayon,” pagpaparinig ko. “Hi, Mr. Martinez.” Nagkamay si Mateo at Vince, tapos si Miyu at Mateo. “Good evening, Mr. and Mrs. Sandoval,” bati ni Mateo sa kanila. “Kamusta? The last time we met was last year, right? Same event?” aniya ni Miyu kay Mateo. “Yeah,” he answered. Kumuha naman kami ng drinks at pumunta sa isang bilog na table. Habang umiinom ay nag-uusap sila tungkol sa last year. “Bakit wala pa ring nanliligaw sa’yo, Ciana? Ayaw mo ba kay—” “Stop it, Vince! Aasarin mo na naman ako sa kaniya,” naninitang sabi ko, tinutukoy ang katrabaho at kaibigan namin sa Maldives. “Ayaw mo ’yun? Mabait naman siya—” “Babaero,” sagot ko. Natawa si Vince at Miyu, bukod sa katabi ko. “Oo nga pala, I heard from Sasha, you like someone named… ano na ’yun, hubby?” tanong pa ni Miyu sa asawa. “Miyu, never mind. Wag na, hahaha. Hindi ko rin nama—” “Ah, I remember, it’s Matthew, ata.” Napalunok ako nang mapansing sinulyapan ako ni Mateo. “Ah, yeah, hehehe…” sagot ko na lang. “Magkatunog kayo ng name, ah. Mateo, Matthew.” Pwede mambatok? Kahit paisa lang kay Miyu, nakakahiya. “Miyu, tama na, okay?” Ngumisi si Miyu at kinindatan ako, batid kong nang-aasar siya at alam niya kung sino talaga ang lalakeng ‘yon. ’Lintek na Sasha ‘to, lumaking chismosa.’ “So you are the famous Ciana Vion. I didn’t expect your article… sobrang ganda. Perfect output, kahit na yung nilalaman,” pagpuri sa akin ni Miyu, kaya ngumiti ako. “Someone helped me,” sagot ko. “Kahit na, sobrang perfect, as in! Niyanig ang interes ko, kahit ang panganay ko ay nabasa niya ‘yon. Balak ata n’on maging businesswoman rin,” nakangiting kwento pa nito. “Maganda ‘yan kung gano’n. Namimiss ko na rin ang mga bata. Hindi ko rin kasi gaano nakikita si Luke. Mukhang busy sa college life niya,” nakangiting kwento ko rin. “Start a family, Ciana. Mahirap nang magkababy pag lumagpas ka ng 30.” Medyo nailang ako kasi nakikinig lang si Mateo. “Oo nga, eh. But everything takes time naman. Ayoko mag-rush,” ani ko pa. “Sabagay. What about you, Mr. Martinez? Wala kang girlfriend ngayon?” tanong ni Miyu rito. “I’m busy working. But I have someone… special someone.” Sinulyapan naman ako ni Miyu. “Talaga? Nasaan siya?” Ngumiti si Mateo. “I guess busy rin…” sagot niya. Napanguso ako. Si Carmelle siguro ang tinutukoy niya. Asa namang ako, di ba? Kasama niya nga ako, punyemas. Sabagay, hindi pa naman sila. May chance pa ako. “Ahh, busy… ilang taon ka na ulit?” Si Vince na ang nagtanong. “29 years old.” Yeah, right. While I am 28 years old, it would be a perfect couple kung hindi ako umalis. Maya-maya ay tinawag sila Miyu kaya naman naiwan kaming dalawa ni Mateo sa table hanggang sa may lumapit sa akin at mga nagpakilala. Nakipagkamay sila kay Mateo, mas maraming gustong maging partner siya at mag-invest sa company niya. May nakitable rin sa amin at nakipagkwentuhan habang umiinom kami ng alak. Keri ko naman uminom ng hard drinks at makipagsabayan sa kanila, kaya walang naging problema. Ininterview nila ako kaya naman panay sagot lang ako. “So, wala kang boyfriend, Ms. Vion?” Tumango naman ako habang nakangiti. “That’s odd. Bibihira sa babaeng maganda ang single at the age of 28,” aniya pa ng lalaki, kaya ngumiti ako. “It’s fine. May almost naman na, but end up getting wasted,” nakangiting sagot ko, tapos muling uminom, tinutukoy ko ang sa amin ni Mateo. “Aw, that’s awful.” “It’s my fault naman, kaya wala akong ibang dapat sisihin kundi ang sarili ko. Alam niyo na, girls will be girls. Pag takot, takot na.” Tumango naman ang iba at sumang-ayon sa akin. “Ganun rin naman kami ng husband ko, noh. But in the end, wala naman kaming magagawa kundi magpatawad.” Ngumiti ako sa kwento niya, giving me hope. “Then both of you are lucky,” nakangiting sabi ko pa. “I can say that. May isang anak na rin naman kami.” Bigla ay nakaramdam ako ng inggit. Tama naman sila. Dapat sa age ko ay nagse-settle down na ako with my soon-to-be. Pero wala, eh. May nanligaw man sa akin noon, pero si Mateo lang talaga ang gusto ko. ‘Mayaman si Mateo, kaya naman ginusto kong magpayaman rin para hindi ako pandirian ng family niya.’ “Ikaw, Mr. Martinez? Kamusta kayo ni Ms. Devilla?” Nangunot ang noo ko. Who’s Ms. Devilla? “Still, we’re both working. She’s known as the famous designer now. May successful store na rin siya.” Nang malaman ko na si Ms. Carmelle pala. “That’s very nice, then. Dati ay date mo pa siya, noh. Pakatatag kayo, Mr. Martinez.” Napalunok ako, tapos agad na tumayo. “E-excuse me, magpo-powder room lang,” paalam ko sa kanila. Mabilis akong umalis nang pumayag sila, kaya naman tinuwid ko pa rin ang lakad at pumunta sa powder room. Nang makapasok ay agad akong napaharap sa sink. ‘Alam kong unfair ako dahil ako ang nang-iwan, tapos ngayon hindi ko kayang tanggapin ang mga naririnig?’ ‘What a fool, Ciana. You’re stupid.’ Huminga ako nang malalim at nag-retouch na lang, tapos inayos ang suot ko. Sa malamig na panahon, sana naisipan kong magdala ng blazer. Nang makapag-ayos ay lumabas na ako ng powder room, pero agad na napaayos nang makita kong naghihintay si Mateo sa labas. Nilingon ako kaagad nito. ‘Bakit gano’n siya makatingin?’Ang ngiti sa labi ko ay hindi nawala nang sunduin ako ni Mateo at hawakan ako sa kamay.“I want to curse so bad. You’re so beautiful, honey,” aniya, kaya mahina akong natawa.“Ang gwapo-gwapo mo rin, hon,” sabi ko sa kaniya.“Pinaghandaan ko ’to,” sagot niya habang nakangiti.Nang marating namin ang pinakaharap ng aisle, ngumiti kami kay Father nang lumabas siya mula sa pinanggalingan niya. Dinasalan muna kami, at tumagal iyon ng ilang minuto bago niya kami hinarap upang simulan na ang kasalan.The wedding proceeds at this point.“Sebastian Mateo Martinez, do you take Ciana Vion to be your lawful wedded wife?” Magkaharap kami ngayon. Ngumiti si Mateo at nilingon si Father.“I do,” he answered.“Ciana Vion, do you take Sebastian Mateo Martinez to be your lawful wedded husband?” the priest asked me.Ngumiti muna ako. “I do, Father.”“Do you promise to love and cherish her/him, in sickness and in health, for richer or poorer, for better or worse, and forsaking all others, keep yourself o
Wedding Day“Oh, hija, don’t cry na. I’m sure your parents are happy for you,” nginitian ko si Mom, ang mother ni Mateo. Pinunasan nito ang luha ko.“Aayusan ka na oh. Huwag nang iiyak, baka pumanget ka niyan.” Natawa ako sa sinabi ni Mom at ngumiti.“Grabe naman po,” tumawa rin sila ni Dad.“At dahil ikakasal na ang anak namin, masayang-masaya kami para sa inyong dalawa, hija.” Ngumiti ako at tumango-tango.“Salamat po, Mom, Dad.” Yumakap ako sa kanila bago pa man sila umalis, at sinimulan na akong ayusan ng make-up artist.Habang inaayusan, huminga ako ng malalim. Matatapos na. Hindi ko mawari kung bakit ako sobrang kinakabahan. Dahil siguro ikakasal na ako? Ang matagal kong pinakahihintay, eto na.“Ma’am, finish na po.” Nang sambitin niya iyon, sobra-sobra talaga ang kaba kong tumayo.“Gaga!” Nalingon ko si Sasha.“OMG, this is it!” nakangiti niyang sabi, kaya tumango-tango ako.“Eto na nga,” aniya ko.“Hinihintay ka na ng groom mo! Gaga, spoil na kita ha—ang gwapo niya!” Natawa ak
Ciana’s Point of View Dumating ang araw na pinakahihintay naming dalawa, ngunit dahil matoyo ang mga kaibigan namin, sa mismong araw ng kasal ay hindi nila kami pinagkitang dalawa. Ayon sa kanila, baka raw hindi matuloy ang kasal kung magkikita kami bago ang seremonya. Sila rin daw ang nag-asikaso ng venue. Si Viera naman ay iniwan muna sa pangangalaga ng kanyang lolo at lola. Kasama ko ngayon sina Sasha at Sonya, pati na rin ang kanilang mga anak, dito sa bahay ng mga magulang ni Mateo. Kahit ang mga asawa nila ay nandoon rin. “Bakit ba kasi tayong tatlo lang? Sana nandito na rin si Viera,” reklamo ko habang nagmumukmok sa kanila. Inabutan naman nila ako ng wine habang magaganda ang kanilang ngiti. “May nangyari ba ulit sa inyo netong nakaraan?” tanong ni Sonya, kaya naman agad na umawang ang labi ko. “Wala. Busy kami eh,” sagot ko, pilit na iniwasan ang usapan. “Kailan yung last?” tanong ulit ni Sonya, nakangisi pa. “Matagal na… three years ago,” pag-amin ko, sabay tingin sa
Habang tinatapos namin ang pagkain, patuloy ang pagpaplano at asaran. Halos kalahating araw na kaming abala sa mga detalye ng kasal, pero tila hindi pa rin tapos ang lahat ng kailangan ayusin. Si Sonya at Sasha ay nagsimula nang mag-discuss ng seating arrangement, habang si Mateo naman ay abala sa pakikipag-usap sa mga suppliers para sa mga huling detalye ng catering at iba pang aspeto ng reception.“Mommy, gusto ko po na malapit ako sa daddy sa reception,” sabi ni Viera habang hawak ang juice niya.“Syempre, anak. Doon ka sa tabi ko at daddy,” sagot ko, ngumiti kay Mateo na nandoon pa rin sa kanto, nakikipag-usap sa event planner.“Ako nga pala, hon, nakatanggap na ako ng tawag mula sa stylist. Naka-schedule na sila bukas ng hapon para sa fitting,” sabi ni Mateo, paglapit niya sa akin.“Wow, mabilis pala. Ayos, baka makauwi pa tayo nang maaga,” sagot ko, habang inaayos ang buhok ni Viera.“Oo, makakapahinga tayo pagkatapos ng fitting, para naman hindi tayo mabigla sa dami ng ginagawa
Pagkasabi ni Mateo na “Sa’yo kaya nangangalmot,” ay narinig naming bumalik si Sonya, bitbit ang ilang mga gown na pang-abay.“Ano bang pinag-uusapan niyo at ang iingay niyo?” tanong ni Sonya habang inilalapag ang mga damit sa sofa.“Wala! Nag-uusap lang kami ni Honey tungkol sa pagiging magaling niyang mangalmot,” sagot ni Mateo sabay tawa.“Ikaw talaga, Mateo! Grabe ka makapang-asar,” sagot ko, sabay kurot sa tagiliran niya.“Aray, ang sakit! Honey, easy lang!” reklamo niya, ngunit halata naman ang ngiti sa labi niya.“Mommy, mangalmot po?” inosenteng tanong ni Viera habang ngumunguya ng pagkain.Halos maiyak ako sa tawa, habang si Mateo ay biglang tumayo at nag-explain. “Hindi ‘yon literal, baby. Joke lang ni Mommy ‘yon. Mommy mo talaga, ang kulit!”“Bakit ba ako lagi ang nasisisi?” sagot ko, kunwari nagtatampo.Tumawa si Sasha at umupo sa tabi ni Sonya, hawak ang isang gown na kulay peach. “Ang cute niyo pa rin kahit nagtatalo! Ikaw naman, Ciana, hindi mo pa sinasabi sa akin kung a
“Hoy, gaga! Ikakasal ka na, aber! Mamili ka na ng cake mo!” sigaw ni Sasha. Kaya naman, inagaw ko ang brochure na hawak niya hanggang sa lumapit si Viera at kumandong sa akin.“Mommy, purple?” tanong niya, tinutukoy ang magandang cake na tatluhan.“Okay, this one, baby,” sabi ko sa anak ko. Masaya itong pumalakpak.“Asan po si Daddy?” tanong ni Viera.“Nag-aayos rin siya for the wedding, baby. Where are your friends?” tanong ko sa kaniya.“Mommy, lahat po sila guy. Masungit po si Klei, at naglalaro po sila ni Oliver ng games,” tila nalulungkot na sabi ng anak ko, sabay nguso.“Edi go and still play with them, baby,” sabi ko.“Klei, Oliver, let Viera join you,” utos ni Sasha sa kanila.“Tita, ayaw po niya ng car games,” sagot ni Klei.“Mommy, I really hate riding,” sagot ni Viera.“Yung mommy mo, mahilig sa pagsakay—aray! Gaga naman!” reklamo ni Sasha nang hilahin ko ang buhok niya.“Kung ano-ano na namang sinasabi mo,” inis kong sabi.“Totoo naman, ah. Hiya ka pa eh,” sabi niya, sabay
“Daddy, ang laki po ng house natin!” niyuko ko ang anak at nginitian.“Of course, baby. Do you want to see your room?” nakangiti kong tanong sa kaniya. Nandito na kami sa bahay namin sa city, at si Vion ay abala sa mga bagong paso na may mga bulaklak na nakatanim.“Hon! Ipapakita ko ang room ni Viera, sama ka!” malakas na sabi ko pa.“Kayo na lang! Nagdidilig pa ako eh!” balik-sigaw niya dahil nasa garden siya, at kami ni Viera ay nasa loob.“SIGE! Diligan rin kita mamaya!” sigaw ko pabalik.“Tumahimik ka!” sigaw niya, kaya tatawa-tawa kong binuhat si Viera upang maipakita ang kwarto niya na nasa second floor ng bahay. Nang makarating sa kwarto ni Viera ay halatang mangha na mangha siya sa nakita.“Ang ganda, Daddy!” masayang sabi ni Viera, kaya naman napangiti ako.“Mabuti naman at nagustuhan mo,” aniya ko.“Opo, Daddy! I love my bed po! It’s purple!” Tumalon siya doon at hinablot ang malaking purple bear na nasa kama niya.“Thank you, Daddy!” masayang sabi ni Viera.I asked Vion abo
Sunod ko pang tinignan ang mga pictures, ngunit gano’n na lang ang pagtataka ko nang makitang muli ang sarili ko sa account ni Vion. Parati ba kaming magkasama? Tinignan ko ang date ng picture at napansing kailan lang ito, halos buwan lang ang nakalipas. Sunod-sunod kong tinignan hanggang sa mamataan ko ang pamilyar na condo sa highlights niya sa story. “Bakit panay ako?” nagtatakang tanong ko sa sarili. “Sa pad ko ata ito, ah?” takang-taka ko pang sabi sa sarili. “Bakit ko naman siya paglulutuan? Baka best friends talaga kami? Hindi man lang ba nagseselos ang asawa nito sa ’kin?” Inis na inis akong naupo at saka tumingin muli. “Ako na naman? Crush ba ’ko nito?” Sa sobrang frustration ay pinatay ko ang laptop at niyakap na lamang ang unan. ‘Bakit naman ako apektado? Ano naman kung nasa highlights niya ako?’ Makalipas ang Ilang Linggo Makalipas ang ilang linggo, naisipan kong bumalik sa condominium ko dahil naiinis lang ako sa pakikitungo sa akin ni Mom. Ang laki-laki ng galit ni
Few Days After Nandito ngayon ang doctor ni Viera upang i-update kami sa lagay niya. Mahigit limang araw na hindi niya kailangan ng dugo, at bumalik na ang kanyang sigla at lakas. Natutuwa kami dahil ilang araw na rin na hindi dinugo ang ilong niya, at hindi na rin bumaba pa ang kanyang hemoglobin level. “Ang balita ko lang naman ay maaari na siyang lumabas,” aniya ng doctor. “Ngunit bibigyan ko kayo ng mga kakailanganin niya sakaling mahilo siya o duguin ang ilong. Hindi naman gano’n kabilis bumaba ang dugo ng isang tao, pero dahil sa kondisyon niya, nababawasan ito dahil sa sobra-sobrang white blood cells na napo-produce niya.” Nakinig kaming mabuti sa kanya. “Maaari niyo nang tawagan si Doctor L, dahil siya na ang bahala kay Viera,” dagdag pa niya. Napalunok ako at tumango na lang. “Hindi pa rin magbabago ang mga suhestiyon kong kainin niya ang mga berdeng gulay, at mga pagkaing rich in iron. Sa gatas, mag-ingat tayo dahil maaaring makaapekto sa kanya ang ibang klase ng gatas. A