Share

#12

ILANG oras lang din ay sumikat na ang araw. Umuwi si Auntie Levi pasado alas nuebe na ng umaga. Nilagay ko ang pinagkainan ko ng almusal sa lababo at pagkatapos ay sinalubong siya.

"Auntie!" tawag ko sa kanya nang makita itong naghuhubad ng sandals pagkapasok palang ng pinto.

Binaling nito ang tingin sa akin. Namumula ang mga pisngi nito at namumungay ang mga mata. Naamoy ko ang alak sa kanya at base sa ngisi siya sa akin, hindi makakailang lasing ito at wala sa sarili.

"Nandito na pala ang pinakamaganda kong pamangkin!" bulalas niya.

Nagulat ako nang mabilis itong yumakap sa akin. Ilang beses niyang hinalikan ang mga pisngi ko at para bang tuwang-tuwa na makita ako.

"Auntie, bakit naman po kayo naglasing?" nag-aalala kong tanong sa kanya at inalalayan siya para makatayo nang maayos.

"Because I'm happy!" Bumungisngis ito. "Alam mo ang dami ko talagang natatanggap na swerte sa buhay simula nang dumating ka rito, Elle! Ikaw na yata ang lucky charm ko, e. Yayaman ako nang bon
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status