共有

Drew Chapter 25

作者: Docky
last update 公開日: 2026-07-23 22:32:54

“Alessandra,” malamig na tawag ni Ahma ngunit hindi ito nakinig sa kaniya.

“Mas matagal tayong nagmahalan! Mas ako ang nararapat! Drew! Sabihin mong biro lang 'to!”

“Alessandra.” Mas lumamig ang tinig ng matriyarka ngunit patuloy pa rin ito sa pagsigaw. Hanggang sa…“UMUPO KA!”

Napatalon sa gulat ang lahat. Maging si Alessandra ay natigilan. Ngayon lang nila narinig si Ahma na sumigaw nang ganoong kalakas.

“D-Doña...” ani Alessandra.

“Umupo ka.” Mahinahon na ulit ang boses ni Ahma ngunit mas nak
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター
コメント (1)
goodnovel comment avatar
Gal Gabrielle
Next please author hehe, paki damihan naman PO ang chapter hahaha
すべてのコメントを表示

最新チャプター

  • One Hot Night to Forever   Drew Chapter 27

    Huminga muna ng malalim si Drew bago niya binasag ang namumuo na namang katahimikan sa loob ng sasakyan. “Hindi naman kasi isang business proposal ang paggawa ng baby. Once a baby is released into this world, those who made him will be obligated to do the responsibilities and duties of a parent.”"T-Tama ka. Hindi basta-basta ang magkaroon ng anak. Malaking responsibilidad iyon.” Napangiti si Iya. Pero unti-unti ring nawala ang ngiti niya. “Drew.” “Hm?” “Natatakot ako.”Hindi agad sumagot ang binata. “Bakit naman? Hindi naman kita pipiliting paligayahin ako sa kama at bigyan ako ng tagapagmana." “Sira ka talaga!” Napatigil si Iya sa pagsasalita nang maalala niyang boss pa rin niya ang kausap niya. "Ay sorry. Ikaw naman kasi eh!" “Ikaw naman. Masyado mo kasing sineseryoso ang mga bagay-bagay. Sige ka, madali kang tatanda niyan." Huminto saglit si Drew. “Pero seryoso na. Bakit ka ba natatakot? Dahil ba kay Ahma? Don't worry. Mukha lang siyang masungit pero mabait iyon.”“Hindi tun

  • One Hot Night to Forever   Drew Chapter 26

    Tahimik sa loob ng sasakyan. Matapos ang nakakagulat na hapunan sa Revamonte Mansion, walang ni isa kina Iya at Drew ang nagsalita.Nakatutok lamang si Drew sa kalsada habang mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. Nakatitig naman si Iya sa singsing na nasa kaniyang palasingsingan. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyari sa buong araw niya. Ilang oras pa lamang ang nakalipas, isa lamang siyang sekretarya ng Revamonte Group. Ngayon... fiancée na siya ng pinakabatang CEO ng bansa!Kahit alam ni Iya na bahagi lamang iyon ng kasunduan, hindi niya mapigilang haplusin ang singsing. Napakaganda. Napakamahal. At higit sa lahat... si Drew mismo ang nagsuot noon sa kaniya.Muli na namang bumilis ang tibok ng puso ni Iya. Napailing siya. ‘Iya, tigilan mo na ang kakaisip. Kontrata lang 'to. Huwag kang mahulog nang sobra dahil sa bandang huli, masasaktan ka lang!’ paulit-ulit niyang pinapaalala sa sarili. Ngunit sa tuwing naaalala niya ang mga salitang binitiwan ni Drew sa harap ni Ahm

  • One Hot Night to Forever   Drew Chapter 25

    “Alessandra,” malamig na tawag ni Ahma ngunit hindi ito nakinig sa kaniya.“Mas matagal tayong nagmahalan! Mas ako ang nararapat! Drew! Sabihin mong biro lang 'to!”“Alessandra.” Mas lumamig ang tinig ng matriyarka ngunit patuloy pa rin ito sa pagsigaw. Hanggang sa…“UMUPO KA!”Napatalon sa gulat ang lahat. Maging si Alessandra ay natigilan. Ngayon lang nila narinig si Ahma na sumigaw nang ganoong kalakas.“D-Doña...” ani Alessandra.“Umupo ka.” Mahinahon na ulit ang boses ni Ahma ngunit mas nakakatakot iyon.Dahan-dahang naupo si Alessandra. Hindi niya maintindihan ang nangyayari.Kasunod noon, pumalakpak si Ahma. Isa. Dalawa. Tatlo. Palakas nang palakas. Nagkatinginan sina Drew at Iya. Naguguluhan na rin ang lahat.Maya-maya ay mabilis na tumakbo ang matriyarka patungo sa kinaroroonan nina Drew at Iya.“Ahma?” nagtatakang tawag ni Drew. Ngunit sa halip na siya ang yakapin, dumiretso ang lola niya kay Iya at mahigpit itong niyakap.“A-Ahma?” gulat na sabi ni Iya.“Salamat!” masaya

  • One Hot Night to Forever   Drew Chapter 24

    Tahimik ang buong hardin. Lahat ng mata ay nakatuon kina Drew at Iya.Patuloy na nakaluhod si Drew habang mahigpit na hawak ang maliit na velvet box. Sa loob nito ay kumikislap ang isang napakagandang diamond ring na tila sumasalamin sa bawat ilaw ng hardin.“Iya...” Mahina ngunit matatag ang boses niya. “Will you marry me?”Nanginginig ang mga kamay ni Iya. Hindi siya makasagot. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin. Hindi... Hindi ito ang napag-usapan nila. Wala sa kontrata ang proposal. Lalo nang wala sa usapan ang kasal.Napalunok si Iya bago yumuko nang bahagya upang tanging si Drew lang ang makarinig. “Drew...” mahina niyang bulong. “Bakit mo ginagawa 'to? Hindi ito kasama sa kontrata.”Bahagyang ngumiti ang binata. “Hindi nga pero kailangan natin itong gawin.”Napakurap si Iya. “Ano?”Mahina ring bulong ni Drew. “Naniniwala si Ahma na hindi kita mahal. Kung tatanggi ka ngayon... wala nang maniniwala sa relasyon natin.”Napapikit si Iya. May punto si Drew. Pero... Pr

  • One Hot Night to Forever   Drew Chapter 23

    Biglang napalunok nang sunod-sunod si Iya. Unti-unting bumilis ang tibok ng puso niya. Pakiramdam niya ay hindi na siya makahinga nang maayos. "Drew..." mahina niyang tawag ngunit hindi siya pinansin ng binata. Nakatingin lamang ito kay Ahma. "Ahma, sabi mo noon sa akin, kapag nahanap ko na ang babaeng gusto kong makasama habang buhay…ipakilala ko siya agad sa'yo." Bahagyang ngumiti si Drew. "Ahma...Nahanap ko na siya." Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Iya. "At wala na akong ibang gustong makasama habambuhay kung hindi si Iya." Nanlaki ang mga mata ni Iya. Parang may sumabog sa kaniyang dibdib. Kung hindi lamang niya alam na bahagi iyon ng kanilang pagpapanggap, marahil ay naniniwala na siyang totoo ang lahat. Hindi niya napansing namumuo na pala ang luha sa kaniyang mga mata. Samantala, si Alessandra ay halos maputol ang mga kuko sa sobrang higpit ng pagkakakuyom ng kaniyang kamao. Hindi siya makapaniwalang ipagtatanggol at ipaglalaban ni Drew sa ibang babae kay Ahma! Hindi n

  • One Hot Night to Forever   Drew Chapter 22

    Natigilan si Iya. Maging si Alessandra ay napangisi. Napakunot naman ang noo ni Drew. "Ahma, she's my girlfriend. Bakit ayaw mong maniwala? Ikaw itong hamit na hamit na magkaroon ulit ako ng nobya tapos ngayong naiharap ko na siya sa'yo, ayaw mo namang maniwala." Umiling ang matanda. "Hindi ako naniniwala na walang pangalang babae ang napili mo, Drew. Sa dinami-rami ng mga tagapagmanang dilag na inireto ko sa'yo, sa dinami-rami ng mga nagkakandarapa sa iyo, sa kaniya ka nahulog? Sa isang ordinaryong babae? Hindi ko alam na gan'yan pala ang taste mo." Bumaling siya kay Iya. "I'm sorry, hija. Si Drew na lamang ang natitirang apo ko at mahal na mahal ko ang pilyong batang ‘yan. I only want the best for him.”“Ahma—”"Drew, tigilan mo na ang kasinungalingang ito,” dismayadong turan ni Ahma."Ahma naman. Bakit ba ayaw mong maniwalang girlfriend ko nga si Iya," pagmamatigas ni Drew."Dahil kilala kita. Kung totoong girlfriend mo siya, dapat noon mo pa siya ipinakilala. At isa pa..." Tumin

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status