Pitong taon na ang lumipas… Kadarating lang ni Yvee sa Grand Hotel matapos ang mahabang biyahe. Ilang taon siyang nanirahan sa ibang bansa, at ngayon, napagdesisyunan na niyang harapin ang mundong iniwan niya. Ito ang mundong araw-araw na nagpapaalala sa kaniya ng pagkawala ng isa niyang anak. Sa dami ng pinagdaanan niya, mas naging matatag siya. At ngayong nakauwi na siya, mas buo na ang loob niyang hanapin ang anak na matagal nang nawawala. “Mom, it’s so hot here!” reklamo ni Atticus, ang anim na taong gulang na anak ni Yvee, habang pinapaypayan ang kaniyang sarili gamit ang maliit na sombrerong dala niya. Napangiti si Yvee kahit pagod, sabay tingin sa anak. “I know, sweetie. Pero kailangan mong tiisin. You know why we’re here, right?” Tumango si Atticus, seryoso ang kaniyang mukha. “For my twin.” “That’s right.” Hinaplos ni Yvee ang buhok ni Atticus. “Kaya tiisin mo na lang ang init, okay? At saka, may aircon naman sa loob ng hotel. Promise, hindi ka magtatagal na maiinit
Last Updated : 2026-02-06 Read more