Compartilhar

Kabanata 151

Autor: Docky
last update Data de publicação: 2026-04-29 10:32:02

Dahan-dahang itinaas ni Atticus ang kamay niya. Hinawakan niya ang maskarang tumatakip sa kaniyang mukha. Sandali siyang nag-atubili, tila tinitimbang niya ang magiging kapalit ng gagawin niya. Pagkatapos, unti-unti niyang inalis ang mask na nagtatago sa totoo niyang mukha at pagkatao. Kasabay noon ang sabayang pagsinghap ng mga tao sa paligid.

“What?” gulat na wika ng matriyarka, napahawak siya sa dibdib niya. “Anong ibig nitong sabihin?”

Papalit-palit ang tingin ni Ereena sa dalawang bata. U
Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App
Capítulo bloqueado

Último capítulo

  • One Hot Night to Forever   Kabanata 257

    Habang ang kambal ay abalang-abala sa muling pagsusulat sa kanilang mga papel, si Drew naman ay unti-unti nang kumakalma mula sa kaniyang paghalakhak, bagamat may nakakalokong ngiti pa rin sa kaniyang mga labi."Alam mo, Atticus," untag muli ni Drew habang nakadungaw sa ginagawa ng pamangkin. "Hindi naman sa pinanghihinaan ko ang loob niyo, pero paano kung pag-uwi nina Kuya Gideon at Ate Yvee mula sa Maldives, ang pasalubong nila sa inyo ay hindi baby sister? Paano kung... baby brother pala ulit?"Muling napatigil ang dalawang bata. Parang sabay na nag-freeze sina Atlas at Atticus sa kanilang pwesto. Dahan-dahang binitiwan ni Atlas ang kaniyang krayola, habang si Atticus naman ay ibinaba ang lapis at seryosong tumingin kay Drew."Tito Drew, hindi p'wede ang baby brother," mariing sagot ni Atlas, ang kaniyang maliit na boses ay puno ng awtoridad na tila ba nakuha niya sa kaniyang Daddy. "Marami na kaming boys dito sa mansyon. Si Daddy, ikaw, si Kuya, ako... masyadong maingay. Kailangan

  • One Hot Night to Forever   Kabanata 256

    Habang ang kanilang mga magulang ay kasalukuyang binabaybay ang ganda ng Maldives, iba namang uri ng "misyon" ang abalang pinagkakaabalahan ng kambal sa malawak na holding area ng mansyon ng mga Revamonte.Sa ibabaw ng mamahaling carpet, nakalatag ang ilang piraso ng papel at mga makukulay na krayola. Nakadapa si Atlas habang nakatukod ang kaniyang dalawang siko, seryosong-seryoso ang mukha na tila ba isang arkitekto na nagdidisenyo ng isang malaking blueprint. Sa tabi naman niya, si Atticus ay nakaupo nang tuwid, magkasalubong ang makakapal na kilay habang hawak ang isang lapis—ang kaniyang pamosong hitsura kapag may malalim na iniisip."Kuya Atlas, dapat 'yung pangalan ay parang sa atin din. Letters A at T!" suhestiyon ni Atticus, seryoso ang tono ng boses. "Para pagka-roll call sa school, magkakatabi kami.""Hmm... Ayaw ko ng A at T, Atticus. Gusto ko 'yung parang pangalan ng princess sa cartoons," sagot naman ng panganay na si Atlas, habang dinodrowingan ng korona ang gilid ng pap

  • One Hot Night to Forever   Kabanata 255

    Matapos ang mahabang biyahe sa eroplano at isang maikling pagsakay sa seaplane, sa wakas ay narating nina Gideon at Yvee ang kanilang pribadong overwater villa sa isang mamahaling resort sa Maldives. Ang bawat hakbang sa kahoy na tulay patungo sa kanilang kwarto ay tila ba naglalapit sa kanila sa isang mundo na hiwalay sa lahat ng gulo sa Pilipinas. Ang tanawin ng kristal na asul na dagat na abot-tanaw ang kailaliman ay sapat na para tuluyang mapawi ang pagod ni Yvee.Kinabukasan ng hapon, nagpasya ang mag-asawa na bumaba sa pribadong dalampasigan ng resort upang panoorin ang paglubog ng araw. Naka-suot si Yvee ng isang manipis at umaalon na puting sundress na hapit sa kaniyang baywang, habang ang kaniyang buhok ay hinahayaan lang na tangayin ng banayad na hangin. Si Gideon naman ay naka-short at nakabukas ang unang dalawang butones ng kaniyang linen shirt, mukhang napakapayapa habang nakatanaw sa karagatan."Love, sandali lang ah? Kakausapin ko lang 'yong concierge sa dulo tungkol s

  • One Hot Night to Forever   Kabanata 254

    Bandang tanghali ay naging abala ang buong mag-anak na Revamonte. Nakaparada na sa tapat ng beranda ang malaking SUV na maghahatid kina Gideon at Yvee sa airport. Pagkatapos ng ilang linggong puno ng tensyon at ang engrandeng kasal nitong nakaraang araw, sa wakas ay aalis na ang mag-asawa para sa kanilang dalawang linggong honeymoon sa ibang bansa.Bitbit ng driver ang mga maleta pababa ng hagdan habang si Gideon ay huling tinitingnan ang kanyang wallet at mga pasaporte sa loob ng holding area. Naka-simpleng travel clothes lang silang dalawa—si Yvee ay naka-oversized sweater at leggings habang si Gideon naman ay naka-casual jacket at sumbrero."Sigurado ka bang kaya mo rito, Drew? Pwede ko namang i-reschedule ang ilang meetings kung bibigat ang load mo," paniniguro ni Gideon habang tinatapik ang balikat ng pinsan na kasalukuyang nakasandal sa may pinto.Humalakhak si Drew at umiling. "Kuya, pakiusap, umalis na kayo habang hindi ko pa binabago ang isip ko. Kaya ko ang kumpanya. Ang asi

  • One Hot Night to Forever   Kabanata 253

    Ang sikat ng araw na dahan-dahang pumasok sa pagitan ng mga manipis na kurtina ng villa ay hindi na nagdala ng pamilyar na bigat sa dibdib ni Yvee. Sa loob ng maraming taon, ang bawat paggising niya sa umaga ay palaging may kasamang kaba—isang paalala na kailangan niyang maging matapang para sa sarili at sa mga bata dahil walang ibang sasalo sa kanya.Ngunit ngayon, naramdaman ni Yvee ang isang mabigat at mainit na braso na nakapulupot sa kanyang baywang, humihila sa kanya pabalik sa isang matigas ngunit kumportableng dibdib."Maaga pa, Love. Matulog ka pa," paos at mababa ang boses ni Gideon malapit sa tainga ni Yvee, bago ito marahang humalik sa kanyang hubad na balikat.Nangiti si Yvee at dahan-dahang humarap sa asawa. Magulo ang buhok ng lalaki, malayo sa perpektong hitsura nito kapag papasok sa board meeting, ngunit para kay Yvee, ito ang pinakagwapo at pinakatotoong bersyon ng lalaki."Gideon, kailangan nating bumaba. Baka hinahanap na tayo nina Ahma at ng kambal para sa almusal

  • One Hot Night to Forever   Kabanata 252

    Sa gitna ng masayang asaran, naramdaman ni Yvee ang paglapit ng kambal. Umakyat si Atlas sa bakanteng upuan sa tabi niya, habang si Atticus naman ay tumayo sa pagitan nina Gideon at Yvee."Mommy, may cake na po sa labas. Pwede na po ba kaming kumain ni Atticus?" tanong ni Atlas, habang itinuturo ang malaking tatlong-palapag na puting kasal na cake na may dekorasyong mga sariwang bulaklak."Oo naman, pero dapat ubusin niyo muna ang kanin at ulam niyo, okay?" malambing na sagot ni Yvee habang inaayos ang nagulong buhok ng anak."Opo, Mommy! Kakainin ko po lahat para maging malakas ako, para matulungan ko si Daddy na mag-alaga ng baby sister!" seryosong sagot ni Atlas.Napatigil si Drew sa pag-inom, habang si Gideon naman ay napailing na lang habang tumatawa nang mahigpit. Mukhang kahit ang kambal ay seryoso na rin sa hiling ni Ahma.Tumingin si Yvee kay Gideon, at sa ilalim ng mesa, naramdaman niya ang marahang paghawak ng lalaki sa kanyang kamay. Walang pangamba, walang takot. Sa bawat

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status