MasukTahimik lang sina Gideon at Yvee. Magkahawak ang mga kamay nila na parang may sarili silang mundo sa gitna ng maingay na kuwarto.
Paminsan-minsan, hindi maiwasang mapangiti ni Yvee habang pinapaikot ang engagement ring sa daliri niya. Samantalang si Gideon, halos hindi maalis ang tingin sa kaniya.At siyempre, hindi nakaligtas kay Ahma ang kilos nina Yvee at Gideon. “Ano ba ’yang tingin mo diyan?” natatawang tanong niya kay Gideon. “Parang hanggang ngayon ay hindi ka pa rinTahimik lang sina Gideon at Yvee. Magkahawak ang mga kamay nila na parang may sarili silang mundo sa gitna ng maingay na kuwarto. Paminsan-minsan, hindi maiwasang mapangiti ni Yvee habang pinapaikot ang engagement ring sa daliri niya. Samantalang si Gideon, halos hindi maalis ang tingin sa kaniya.At siyempre, hindi nakaligtas kay Ahma ang kilos nina Yvee at Gideon. “Ano ba ’yang tingin mo diyan?” natatawang tanong niya kay Gideon. “Parang hanggang ngayon ay hindi ka pa rin makapaniwalang sinagot ka na ni Yvee.”Bahagyang natawa si Gideon at umiling. “Hindi naman po, Ahma.”“Sinungaling,” singit agad ni Drew. “Kanina sa kusina, nahuli ko ’yang nakangiti mag-isa.”Napatingin agad si Yvee kay Gideon. “Talaga?”“Hindi.”“Totoo!” depensa ni Drew habang natatawa. “Nagkakape ako tapos nakita ko siyang tulala habang nakasmile. Akala mo nasa music video.”“Drew…” babalang sabi ni Gideon.“Sandali, may dagdag p
“Mommy!” masiglang singit ni Atlas habang halos tumalon pa sa sobrang excited. “P’wede po ba kaming magsuot ng tuxedo?”“Ako rin po!” mabilis na dagdag ni Atticus. “Tapos may cape po ako!”Napatawa si Gideon at napakunot-noo. “Bakit may cape?”“Para cool!” sagot ni Atticus na kumikislap ang mga mata sa tuwa, parang siguradong sigurado siya sa ideya niya.Umiling si Drew habang natatawa. “Hindi kasal ’yan. Superhero movie ’yan. Bawal ’yan doon.”“Ako po ang magiging ring bearer!” taas-kamay na sabi ni Atticus na parang nanalo na agad siya sa usapan.“Hala, gusto ko rin po!” reklamo agad ni Atlas habang nakasimangot sa kaniyang kapatid.“Eh ‘di dalawa kayo,” mabilis na sagot ni Yvee bago pa tuluyang mauwi sa away.Agad nag-high five ang kambal. “Yes!”“Daddy!” tawag ulit ni Atlas, halos hindi siya mapakali sa kakaisip. “P’wede po bang maraming cake?”“P’wede,” natatawang sagot ni Gideon.“At ice cream po?”“P’wede rin.”Saglit na nag-isip si Atlas bago muling magsalita. “At robot?”Tulu
Maagang-maaga pa lang ay maingay na agad sa salas ng beach house. Nasa malaking sofa si Ahma habang may hawak na tasa ng tsaa. Nakatayo naman malapit sa kaniya ang dalawa niyang nurse na parehong nakangiti habang pinapanood ang nangyayari sa paligid.Sa kabilang sofa naman ay magkatabing nakaupo sina Gideon at Yvee o mas tamang sabihing halos magkadikit na silang dalawa. Hindi na tinantanan ng tukso ng lahat si Yvee tungkol sa engagement ring niya. Kung dati ay inis na inis siya sa tuwing iniisip ng iba na may gusto siya kay Gideon Revamonte, ngayon ay hindi na niya maitatangging higit pa sa pagkagusto ang nararamdaman niya sa lalaki. Mahal na niya ito at ipinagkakatiwala na niya ang puso niya rito.“Mommy, patingin po ulit!” excited na sigaw ni Atticus habang halos sumampa na sa kandungan ni Yvee.“Ako rin po, mommy! Patingin po!” sabay singit ni Atlas.Natatawang inilapit ni Yvee ang kamay niya sa kambal. Agad namang namilog ang mga mata ng dalawa.“Wow…”“Ang kintab!” manghang sab
Mabilis na natakpan ni Yvee ang bibig niya nang makita niyang may maliit na kahong inilabas si Gideon mula sa bulsa nito. “Wait— wait— teka lang—”Natawa nang mahina si Gideon habang nakatingala siya kay Yvee. Halatang kinakabahan din siya kahit pilit kalmado. “Unexpected?” tanong niya.“Oo naman!” halos pabulong na tugon ni Yvee. “Bakit ka luluhod bigla?!”“Because I want to ask you something important.”Tuluyan nang namuo ang luha sa mga mata ni Yvee.Binuksan ni Gideon ang maliit na kahon. At agad kumislap ang singsing sa ilalim ng ilaw.Napasinghap si Yvee habang tuluyan nang pumatak ang luha niya.“Yvee,” mahinang tawag ni Gideon. “Hindi ko man masabing palagi nang maayos… pero ikaw ’yong pinakamagandang nangyari sa buhay ko.”Tahimik lang na umiiyak si Yvee habang nakatitig siya kay Gideon.“You became my home. You became the direction I never thought I needed. Ikaw at ang mga bata. Iniisip ko na baka tumanggi ka at isiping masyadong mabilis ang lahat. Noong unang beses akong na
Tumikhim si Gideon bago dahan-dahang inilahad ang kamay niya sa harapan ni Yvee.Bahagyang kumunot ang noo ni Yvee habang napapatingin sa kamay ni Gideon. “Huh?” litong tanong niya habang nakaupo pa rin.Hindi agad sumagot si Gideon, sa halip ay tumayo siya mula sa upuan niya. Mabagal siyang humakbang palapit kay Yvee hanggang sa tuluyan siyang matigilan sa mismong harapan nito.Mas lalo tuloy kinabahan si Yvee.“Yvee,” mahina ngunit seryosong tawag ni Gideon.“Hmm?” sagot ni Yvee habang nakatingala kay Gideon. “Bakit ganiyan ka makatingin?”Ngumiti lang si Gideon. Muli niyang iniabot ang kamay niya kay Yvee. “Can I have this dance?”Napakurap si Yvee. “Ha?”Bahagyang natawa si Gideon. “Ang sabi ko… maaari ba kitang yayaing sumayaw?”“Ano bang mayro'n sa iyo ngayong gabi?” natatawang tanong ni Yvee pero halatang naiilang. “Dinner, flowers, tapos ngayon… sayaw naman?”“Bawal ba?”“H-Hindi naman sa bawal…” Napakagat labi si Yvee at nag-iwas siya sandali ng tingin kay Gideon. “Nakakap
Sa sala ng beach house, nakaupo si Yvee sa may mahabang rattan sofa malapit sa malalaking bintanang salamin. Bahagyang sumasayaw ang manipis na puting kurtina dulot ng hanging nagmumula sa dagat. Nakapatong sa kaniyang kandungan ang makapal na librong kanina pa niya binabasa ngunit tila wala namang anumang pumapasok sa kaniyang isipan.Marahang itinaas ni Yvee ang tasa ng tsaa at sumimsim. Siya lang ang nasa salas ngayon, si Drew, Gideon, at ang mga bata ay nagkaroon ng “boys outing”. At ang matriyarka naman at ang mga nurse nito ay nagpapahinga sa silid. Kaya inabala na lang niya ang sarili sa pagbabasa.Naglipat si Yvee ng pahina ngunit hindi niya namalayang ilang minuto na pala siyang nakatitig lamang sa iisang talata. Masyadong siyang masaya—at natatakot siya na baka maglaho na lang bigla ang kasiyahang nararamdaman niya ngayon.Malaks na bumukas ang pinto.Blag!“Ate!”Napapitlag si Yvee at mabilis na napalingon kung saan nagmumula ang boses na iyon. Humahangos si Drew sa bung
Pagkasara ng pinto ng presidential suite ay lumingon si Drew sa kaliwa niya. Dapat ay nandoon pa si Atlas– nakatayo habang naghihintay sa tatay nito pero wala na ang bata. Kumino ang noo niya. “Atlas? Hey, kid? Where are you?” Walang batang lumapit kahit nakailang tawag na si Drew sa pangalan ni A
Nang makarating si Yvee sa suite nila ay agad siyang pumasok sa loob. Nadatnan niya ang anak niyang nakaupo sa salas at hinihintay siya. Mabils siyang humakbang at niyakap ang anak niya. “Atticus!” mangiyak-ngiyak na sambit ni Yvee. Mabilis siyang bumitiw sa pagkakayakap sa anak niya at sinuri ang
Biglang tumaas ang kilay ni Rania. “Are you insane? We’re in the city at ang amo ko ay si Mr. Gideon mismo. Kaya anong pinagsasabi mo? Masyado kang pakialamera.”“Let me see the kid,” mariing giit ni Yvee habang sinusubukan niyang itulak ang babae para makapasok.Pero mabilis ding itinulak ng babae
Hindi nakapagpigil si Yvee. Umigkas muli ang kamay niya at malakas na sinampal ang matandang babae. Matagal na siyang nagpipigil sa mga ito bilang respeto sa ama niya. Pero ubos na ubos na ang respetong mayroon siya sa ama niya. “Kahit ilang beses pa kayong ikasal ng daddy ko, nakaukit pa rin sa b







