FAZER LOGIN“Ano?” bulalas ni Ahma.“Opo,” tugon ni Gideon. “Isa pa, mas gusto namin ni Yvee na tayo-tayo lang sa kasal. Ayaw ko na nung tulad noong engagement party namin. This time we want it solemn.” Napabuntong-hininga ang matanda, “Kung ‘yan ang nais niyong dalawa. Wala naman akong magagawa pa. Ika nga, kasal niyo ito. Kahit pa na gusto ko ng engradeng kasal para sa inyo.” Unti-unting sumilay ang mapanuksong ngisi ng matanda, “basta iyong hiling ko lang ay tuparin niyo ngayong taon. “Ahma!” nahihiyang saway ni Yvee.Sa gitna ng tawanan at kulitan ng pamilya, naramdaman ni Yvee ang marahang paghalik ni Gideon sa gilid ng kanyang noo, kasabay ng pagbulong nito malapit sa kanyang tainga."We will take it one step at a time, Love. Walang nagmamadali," bulong ni Gideon, sapat lang para marinig niya.Tumingin si Yvee kay Gideon, tuluyan nang sumilay ang isang napakatamis at totoong ngiti sa kanyang mga labi. Naramdaman niyang nasa tamang lugar siya, kasama ang mga taong tunay na nagpapahalaga s
Bumaling ang matanda kay Yvee na noo'y tahimik na sumusubo. Agad na lumambot ang boses nito. "Yvangeline, Apo. Kumain ka pa ng marami. Tingnan mo ang sarili mo, parang nangangayayat ka nitong mga nakaraang araw dahil sa dami ng iniisip mo. Mula ngayon, ang tanging iisipin mo na lang ay kung ano ang gusto mong almusal, tanghalian, at hapunan. Maliwanag? Dapat bago ang kasal niyo ni Gideon sa susunod na buwan ay magaling ka na.""Opo, Ahma. Maraming salamat po," sagot ni Yvee, nakakaramdam ng init sa kanyang puso. Ang simpleng pag-aalaga ng matanda ay sapat na para burahin ang lahat ng pait na naramdaman niya kanina.Uminom muna ng konting tubig si Ahma mula sa kanyang kristal na baso. Ibinaba niya ito nang dahan-dahan bago tumingin nang makahulugan kay Yvee, at pagkatapos ay kay Gideon na kasalukuyang naglalagay ng hiwa ng liempo sa plato ng asawa."Ngayong maayos na ang lahat, may isang bagay na lang talaga akong hinihiling sa buhay," panimula ni Ahma, na naging dahilan para matigil s
"Ahma! Drew! Look, mommy and daddy are back!" masayang sigaw ni Atlas habang buhat-buhat pa rin ni Gideon sa kaliwang braso nito.Mula sa malawak na dining hall ay lumabas si Ahma, hawak ang isang mamahaling panyo, kasunod si Drew na may bitbit na mga papeles ngunit agad ding ibinaba sa pinakamalapit na mesa nang makita ang kanilang pagdating. Ang mukha ng matandang babae, na madalas ay seryoso at may bakas ng striktong pamamalakad sa pamilya, ay biglang lumambot."Salamat sa Diyos, Yvangeline, anak..." mabilis na lumapit si Ahma, hindi pinapansin ang kanyang marangyang kasuotan nang salubungin niya ng yakap si Yvee na kakarating lang.Sa yakap na iyon ni Ahma, naramdaman ni Yvee ang isang uri ng pag-aaruga na matagal na niyang nalimutan kung paano tanggapin mula sa isang matandang babae. Walang panunumbat, walang hinihinging kapalit—purong pag-aalala lang."Ahma... okay na po ang lahat," mahinang wika ni Yvee, habang isinasandal ang kanyang ulo sa balikat ng matanda."Alam ko, anak.
Hinalikan ni Gideon ang tuktok ng ulo ni Yvee. "Ang mga taong tulad ni Edwin ay hindi marunong magmahal, Yvee. Ang alam lang nila ay gumamit ng tao. Ang pag-ibig para sa kanila ay isang transaksyon. Huwag na huwag mong iisiping may kakulangan sa iyo kaya hindi mo iyon nakuha sa kaniya. Ang kakulangan ay nasa kaniya, dahil ipinanganak siyang walang puso.""Alam ko naman," tugon ni Yvee, habang dahan-dahan niyang pinaglalaruan ang mamahaling relo sa pulso ng lalaki. "Ang masakit lang... ay ang katotohanan tungkol kay mama. Buong buhay ko, akala ko ay iniwan ako ni mama dahil mahina siya. Dahil hindi niya kayang panindigan ang pagiging ina sa isang pamilyang tulad ng sa amin. Pero ang totoo, pinatay siya ng tiwala. Pinatay siya ng pag-asang magbabago pa ang lalaking pinag-alayan niya ng buhay niya."Tumingin si Yvee nang diretso sa mga mata ni Gideon. "Iyon ang pinakakinatatakutan ko noon, Gideon. Ang maging katulad ni mama—ang mamatay sa loob ng isang relasyong akala ko ay magliligtas s
Nananatiling nakasubsob ang mukha ni Yvee sa dibdib ni Gideon. Ninanamnam niya ang pamilyar na amoy ng pabango nito na may kasamang banayad na amoy ng mamahaling tabako at kapeng barako—mga bagay na madalas magpabalik sa kaniya sa realidad tuwing pakiramdam niya ay lulutang siya sa kawalan. Ang bawat tibok ng puso ng lalaki sa ilalim ng kaniyang pisngi ay nagsisilbing metro ng kaligtasan. Dahan-dahang hinaplos ni Gideon ang likod ni Yvee. Hindi iyon marahas o nagmamadali, kung hindi ang banayad na haplos na tila ba natatakot siyang baka sa isang maling galaw ay tuluyang mabasag ang hawak niyang kristal.Nakilala ni Gideon si Yvee bilang matapang na babae. Nakilala niya itong lumalaban, pero nang tuluyan niyang mahalin ang babae ay wala siyang ibang nais kung hindi ang protektahan ito. At ang nais lang niya ay iparanas kay Yvee ang mga masasaya at kanais-nais na bagay. "Umalis na tayo rito, love," bulong ni Gideon, ang malalim at baritonong boses niya ay nanginginig din sa nagpipi
Pagkatapos ng matinding komprontasyon kay Ereena, hindi na hinintay ni Yvee ang paglipas ng oras. Diretsuhan na niyang hinarap ang huling tao sa listahan niya: ang kanyang ama, si Edwin.Pagpasok niya sa maliit at madilim na kwarto kung saan naka-detain si Edwin, bumungad sa kanya ang lalaking dati niyang tinatawag na "Daddy." Hindi ito tulad ni Ereena na mukhang gulo-gulo ang buhok. Nakasuot pa rin ito ng maayos na damit, ang kanyang postura ay tuwid, at ang kanyang mga mata ay nananatiling matalim—tila nakaupo pa rin siya sa kanyang opisina at naghihintay ng report ng kanyang mga tauhan.Pagkakita kay Yvee, imbes na magsisi, isang mapanghamak na ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Edwin."Yvee," aniya, ang boses ay puno ng awtoridad. "Ayusin mo ang gulo na 'to. Masyadong matagal na akong nandito. Sabihan mo ang mga abogado na kailangan ko nang makalabas. I have business to attend to."Hindi umupo si Yvee. Nanatili siyang nakatayo, nakatingin nang diretso sa mga mata ng ama."Bakit ko







