LOGINNagising si Serafina sa loob ng nobelang katatapos lang niyang basahin. And unfortunately for her, alam na alam niya kung ano ang naghihintay sa kanya. A loveless marriage, isang cheating husband, cruel in-laws at isang shameless mistress. And a year of humiliation, betrayal, and heartbreak? Mamamatay siya. Yeah. Absolutely not. Desidido si Serafina na baguhin ang miserable niyang kapalaran. Except... May sariling rules ang story. Hindi siya puwedeng basta umalis. Hindi niya puwedeng i-defy ang mga importanteng pangyayari. At sa tuwing sinusubukan niyang baguhin ang original plot, may kapalit na parusa. Paralyzed. Voiceless. At sapilitang ibinabalik sa papel ng isang submissive at masunuring asawa. Fine. Kung kailangan niyang mabuhay sa loob ng original storyline sa loob ng isang taon, then she'd play along. Pero hindi lang pala siya ang kawawang betrayed wife ng nobela. Siya ang hidden heiress ng Laureza. At nang dumating ang araw na malaya na siya, balak niyang iwan ang lahat. Pero bago iyon, nagkaroon si Serafina ng isang brilliant idea. Mag-hire ng isang ridiculously handsome male model sa loob ng tatlong buwan. No love, no commitment, no strings attached. Simple. At least, iyon ang akala niya. Dahil ang lalaking inakala niyang ordinaryong male model ay hindi pala basta-basta. Cassius Cole Aristotle, isang powerful trillionaire. Greatest business rival ng asawa niya at ang ruthless villain ng nobela. At nang matapos ang kanilang three-month contract, akala ni Serafina ay puwede na siyang basta umalis. “The contract is over, Serafina.” His eyes locked onto hers. “But I'm not.” Nag-transmigrate si Serafina sa isang tragic love story dahil gusto niyang takasan ang miserable nitong ending. Pero hindi niya inaasahang magiging obsession siya ng pinaka-delikado at pinaka-unpredictable na villain sa nobela. And he had no intention of letting Serafina rewrite her ending... without him.
View MoreSERAFINA'S POV
“Isa na lang.” Ilang segundo akong nakatitig sa screen ng cellphone ko. “Isang chapter na lang talaga.” Alas-tres na ng madaling-araw. Mabigat na ang mga mata ko. Masakit na rin ang batok ko dahil ilang oras na akong nakahiga habang hawak ang cellphone, pero hindi ko pa rin mabitawan. Kasi naman… Bakit ba napaka-bobo ng babaeng to?! Napaupo ako sa kama habang mariing nakatingin sa screen. “Girl! Layasan mo na kasi!” gigil na sabi ko. Nasa chapter ako kung saan muling nahuli ng heroine ang asawa nitong may kasamang ibang babae. At ano ang ginawa niya? Umiyak. Humingi ng paliwanag. At nang sabihin ng asawa niyang wala lang iyon... Pinatawad niya. Napapikit ako. “Hindi ko na kaya.” Pero imbes na tigilan ang pagbabasa, nag-scroll pa rin ako. Isang chapter na lang talaga, pero nakadalawa, tatlong chapter pa ako hanggang sa nakarating ako sa ending. At doon tuluyang nanlaki ang mga mata ko. “Ha?” Binasa ko ulit. Hindi ako makapaniwala. “Wait…” Muli kong binasa ang huling paragraph pagkuwa'y nalaglag ang panga ko. “NAMATAY SIYA?!” Napabagsak ako sa unan. “Author, may personal vendetta ka ba sa babaeng to?” Agad akong bumalik sa mga naunang chapters, umaasang baka may bonus chapter pero wala, walang happy ending, walang revenge, walang redemption arc. Ang meron? Isang babaeng buong buhay na nagtiis para sa lalaking hindi naman siya minahal. At pagkatapos ng isang taon ng paghihirap… namatay siya. “Anong klaseng nobela to?” inis na sabi ko. Umupo ako at tiningnan ang title sa screen. The novel was titled The Betrayed Wife, and honestly, the title wasn't even trying to hide anything. The heroine, Serafina Carvajal, had the worst marriage I'd ever read about. Her husband, Lorenzo Carvajal, never loved her. His family treated her like she was some unwanted servant. And his mistress? Tiana Mojar, that woman practically treated Serafina's husband like a boyfriend while everyone pretended they were just friends. Worst of all, Serafina endured everything. For an entire year. One miserable year. And after all that? She died. She freaking died. Napatingin ako sa screen. “Kapangalan pa naman kita, girl. Pero kung ako ikaw, sa unang cheating pa lang, iniwan ko na yang si Enzo!” Ilang segundo akong tahimik pagkatapos ay itinuro ang phone, na para bang nakikipag one on one sa tangang bidang babae. “At hindi ako iiyak.” Humiga ulit ako. “Papalitan ko kaagad yang si Enzo.” Napaisip ako. "Ay, lulustayin ko muna ang kayamanan niya bago ko siya iwan." Napatawa ako nang mahina. "Hahanap ako ng mga guwapong lalaki, kung ayaw sa akin ng asawa ko, eh di don't!" I laughed at my own joke. Pagod na pagod na ako pero hindi ko pa rin kayang matulog. Kaya nagpatuloy ako sa pagbabasa. Hanggang sa unti-unting bumigat ang talukap ng mga mata ko. Ang huling naalala ko ay ang cellphone na hawak ko at ang boses ko sa isip. Kung ako si Serafina, hindi ako magiging kawawa. Hindi ako mamamatay dahil sa isang lalaki. At pagkatapos noon… tuluyan na akong nawalan ng malay. ____ “Madam?” Napakunot-noo ako nang may marinig akong boses. “Madam, gising na po kayo.” Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Hindi pamilyar ang kisameng nakikita ko. Hindi ito ang kwarto ko. Napabangon ako. “Ha?” Tumingin ako sa paligid. Malaki ang kuwarto. Sobrang laki. May chandelier sa kisame. May malaking kama. May sofa sa isang gilid. At sa kabilang bahagi ay may malaking salamin. “Nasaan ako?” nalilitong bulong ko. Napalingon ako sa katabing mesa. May isang basong tubig doon. May vase ng mga sariwang bulaklak. At higit sa lahat, may isang babaeng nakatayo sa tabi ng kama. Naka-uniform at nakatungo. “Madam, kailangan na po ninyong maghanda. Hinihintay po kayo ni Sir Enzo sa baba.” Napatigil ako. “Sir… who?” Tumingin siya sa akin na para bang may kakaiba sa tanong ko. “Si Sir Enzo po.” Nanlamig ang buong katawan ko. Enzo? Tumayo ako mula sa kama at mabilis na pumunta sa salamin. At doon… parang huminto ang mundo ko. May babaeng nakatingin sa akin mula sa salamin, mahaba ang buhok, maputi at makinis ang balat, maliit ang mukha at may magagandang mga mata. Dahan-dahan kong hinawakan ang pisngi ko. Ginaya iyon ng babae sa salamin. “Hindi…” Lumapit ako. “Hindi, hindi, hindi…” Hinawakan ko ang buhok ko. Hinawakan ko ang mukha ko. Pinisil ko ang pisngi ko. “Aray!” Napaatras ako. “Hindi ito panaginip.” Napatingin ako sa maid. “Anong pangalan ko?” Tahimik siyang nakatingin sa akin. “Madam Serafina…” Parang may bomba na sumabog sa utak ko. Serafina. Hindi... Hindi! “Carvajal?” Tumango siya. “Serafina Carvajal.” Napahawak ako sa noo ko. "Of all the novels in the world…” Nilibot ko ang tingin sa buong silid. “Why this one?” I had read romance novels with billionaires, mafia bosses, werewolves, princes even a dragon king once. But no. Apparently, my reward for staying awake all night reading was becoming the woman whose husband cheated on her and whose story ended in death. “Ang galing.” Napatawa ako ng mapait. “Ang galing talaga.” Ilang segundo akong nakatulala sa sarili ko pagkuwa'y napatingin ako sa kisame. This wasn't just a dream. I could feel everything. The cold floor beneath my feet. The soft fabric of my clothes. The pounding of my heart. The unfamiliar surroundings. I was really here. Inside the novel. Parang may personal na galit sa akin ang universe. Kagabi lang, pinupuna ko ang heroine dahil masyado siyang mahina. Ngayon… Ako na siya. And that realization would have been exciting… If I hadn't remembered the ending. “One year.” bulong ko. According to the original storyline, Serafina would spend one year enduring Enzo and his family's cruelty. One year of humiliation. One year of betrayal. And after that… Her life would end. “Okay." Huminga ako nang malalim. “Kalma.” Lumapit ako sa salamin. “Hindi ako papayag. Hindi ako magiging katulad ng Serafina na nabasa ko.” I remembered how she cried. How she begged. How she kept forgiving Enzo. How she allowed everyone to step on her. How she eventually lost everything. And how nobody saved her. Tumigas ang ekspresyon ko. “Pero ako na si Serafina ngayon." Ngumiti ako. Hindi iyong mahinhin at malungkot na ngiti ng original heroine. A different kind. A dangerous one. “So bakit ko susundin ang ending na ginawa ng author?” Kung ako na ang bida… Ako ang magsusulat ng ending. Hindi ako magiging submissive wife. Hindi ako iiyak sa harap ni Enzo. Hindi ako hahabol sa pagmamahal niya. At lalong hindi ako mamamatay dahil sa isang lalaking hindi naman ako kayang pahalagahan. Kung gusto ng mundo na maging Serafina Carvajal ako... Fine. Magiging Serafina ako, pero sarili kong bersyon. The one who fights back. The one who knows her worth. The one who refuses to be betrayed. At kung kinakailangan kong baguhin ang buong kuwento para mabuhay, then so be it. I smiled at my reflection. “Sorry, author.” Bahagya kong inayos ang buhok ko. “Pero mali ka ng napili.” I pointed at myself. “Hindi mo na kontrolado ang heroine mo.” Huminga ako nang malalim bago muling ngumiti. “Ako na ang magsusulat ng ending ko.”SERAFINA'S POV “Serafina.” Narinig ko ang pamilyar na tinig na iyon. At gaya ng inaasahan ko, paglingon ko, nakita ko si Tiana. May kasama siyang dalawang babae. Her smile was sweet, too sweet. The kind of smile that made me want to check if she had hidden a knife behind her back. “Well, where have you been, Sera?” tanong niya. Nanatili akong tahimik. “Enzo has been looking for you.” “Really?” I tried to sound surprised. “Yes.” Ngumiti siya. “He wants you to bring him some ice-cold water.” Napakurap ako. Seriously? Hindi ba marunong kumuha ng tubig ang asawa ko? May dalawang kamay naman siya. At kung hindi niya kaya, may mga waiter sa paligid. But of course, original Serafina wouldn't question him. Kaya hindi rin ako puwedeng magtanong. My gaze slowly moved over Tiana. She was undeniably beautiful, sexy and confident. Ang suot niya ay isa na namang revealing dress na parang konting maling galaw lang ay may mawawala nang parte. I looked at her from head t
SERAFINA'S POV I stayed in the garden for a few more minutes. Kailangan kong pakalmahin ang sarili ko. Unfortunately, hindi ganoon kadaling mawala ang inis ko. I was still furious. Pero at least, wala rito si Enzo, wala rin si Tiana. At ang pinakamahalaga, walang nakakakita sa akin na gusto ko nang ihagis ang asawa ko sa swimming pool. Huminga ako nang malalim bago tuluyang bumalik sa ballroom. I had to remember my role. I am Serafina Carvajal, the quiet and obedient wife. The woman who never complained and always did exactly what her husband told her to do. At least… Iyon ang alam nila. Because if they knew what was actually running through my head. I was pretty sure someone would call an exorcist. Pagpasok ko ulit sa ballroom, sinalubong ako ng ingay ng mga bisita. May mga nagtatawanan. May mga nag-uusap tungkol sa negosyo. May ilang babae namang abala sa pagkuha ng litrato at abala rin sa payabangan sa mga materyal na bagay na mayron sila. I was about to retu
SERAFINA'S POV It had been several months since I transmigrated into the world of The Betrayed Wife. At sa loob ng ilang buwang iyon, may isang bagay akong natutunan. Hindi ko kayang basta-bastang baguhin ang kuwento. Noong una, akala ko madali lang. Ako na si Serafina Carvajal ngayon. Alam ko ang buong kuwento. Alam ko kung sino ang manloloko, sino ang traydor, at kung sino ang mga taong sasaktan ako. Kaya ang plano ko? Simple lang, babaguhin ko ang lahat. Hindi ako magpapakatanga. Hindi ako iiyak para kay Enzo. Hindi ko hahayaan apihin ako ng mga kontrabida sa kwentong ito. At higit sa lahat, hindi ako mamamatay. But it seemed that this novel had plans of its own because after several attempts to change the important events, I discovered something that was never written in the novel I had read. May rules ang story. At ang pinakamasamang bahagi? Kailangan kong sundin ang mga importanteng eksena. Kailangan kong gawin ang mga bagay na ginawa ng orihinal na Serafin
SERAFINA'S POV Pagkababa ko mula sa second floor, hindi ko napigilang mapahinto sandali sa gitna ng grand staircase. Okay. I knew the Carvajals were rich, pero ibang level pala ang mayaman kapag isa kang Carvajal. The mansion was enormous. Halos parang hotel ang laki. Makintab ang marble floors, at bawat hakbang ko ay umaalingawngaw sa malawak na hallway. Sa magkabilang gilid ay may mga mamahaling painting na hindi ko kayang tantiyahin ang presyo. May crystal chandeliers na nakasabit sa mataas na kisame, habang ang mga malalaking bintana ay tinatamaan ng sikat ng araw. May mga servants na tahimik na naglilibot sa paligid. Everything screamed wealth, power and old money. Naalala ko ang nabasa ko tungkol sa pamilya Carvajal. Hindi lang basta mayaman ang pamilya nila. They practically owned half of the city's businesses. The Carvajal Group had investments in real estate, luxury hotels, private hospitals, construction companies, and several high-end retail brands. May sarili












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.