LOGINSa sala ng beach house, nakaupo si Yvee sa may mahabang rattan sofa malapit sa malalaking bintanang salamin. Bahagyang sumasayaw ang manipis na puting kurtina dulot ng hanging nagmumula sa dagat. Nakapatong sa kaniyang kandungan ang makapal na librong kanina pa niya binabasa ngunit tila wala namang anumang pumapasok sa kaniyang isipan.Marahang itinaas ni Yvee ang tasa ng tsaa at sumimsim. Siya lang ang nasa salas ngayon, si Drew, Gideon, at ang mga bata ay nagkaroon ng “boys outing”. At ang matriyarka naman at ang mga nurse nito ay nagpapahinga sa silid. Kaya inabala na lang niya ang sarili sa pagbabasa.Naglipat si Yvee ng pahina ngunit hindi niya namalayang ilang minuto na pala siyang nakatitig lamang sa iisang talata. Masyadong siyang masaya—at natatakot siya na baka maglaho na lang bigla ang kasiyahang nararamdaman niya ngayon.Malaks na bumukas ang pinto.Blag!“Ate!”Napapitlag si Yvee at mabilis na napalingon kung saan nagmumula ang boses na iyon. Humahangos si Drew sa bung
“Mommy! Ang linaw!” sigaw ni Atticus.“Kita ko ’yong ilalim!” dagdag ni Atlas habang excited na itinuturo ang mga maliliit na isdang dumaraan.Hinawi ni Yvee ang buhok na nililipad ng hangin habang pinagmamasdan ang dalawa niyang anak. Malamig ang simoy ng dagat at sa unang pagkakataon, matapos ang mahabang panahon, pakiramdam niya ay wala muna siyang kailangang isipin. Napakunot ang noo niya nang maramdaman niyang may nakatingin sa kaniya. Sa gilid ng paningin niya, nakita niya si Gideon. Hindi sa dagat nakatuon ang tingin nito kung hindi, sa kaniya.“Anong iniisip mo?” tanong ni Yvee nang hindi niya direktang nililingon si Gideon.Bahagyang ngumiti si Gideon bago tumingin saglit sa kambal. “Kayo…ang pamilya natin.”Napalingon si Yvee kay Gideon. “What?”“Kayo.”Saglit na natahimik si Yvee. Hindi niya alam kung paano siya sasagot sa sinabi ni Gideon. Maingat siyang ngumiti at nag-iwas ng tingin. Ilang minuto pa ang lumipas bago dahan-dahang huminto ang bangka sa gilid ng isang mali
Tahimik silang kumain. Tanging lagitik lang ng mga kubyertos at mahinang hampas ng alon mula sa hindi-kalayuan ang maririnig. Paminsan-minsan ay may mahinang tawanan mula sa kambal habang nagkukuwento ng kung anu-ano tungkol. Ilang minuto pa ang lumipas bago nila isa-isang naibaba ang mga kubyertos.“Mommy,” biglang tawag ni Atlas habang nakasandal sa upuan. “After breakfast, p'wede po ba ulit tayong pumunta sa beach?”“Beach na naman?” kunwaring reklamo ni Yvee, kahit may bahagyang aliw sa boses niya.“Yes po!” sabay na sagot ng kambal.“Please?” dagdag pa ni Atticus habang nakangiti nang ubod ng tamis.Napabuntong-hininga si Yvee at napalingon kay Gideon na agad namang ngumiti na parang matagal ng may sagot.“Game ako,” sabi ni Gideon.“Of course game ka,” mahinang bulong ni Yvee habang umiinom ng tubig.“Basta kasama ka,” mabilis na sagot ni Gideon.Saglit na napatigil si Yvee. Napakurap siya bago marahang tumingin kay Gideon.“Gideon,” babala ni Yvee, mababa ang tinig.“Hmm?” in
“Atlas!” gulat na saway ni Yvee.“Po?” inosenteng sagot ni Atlas. “Totoo naman po eh! Tayo po ang magkatabi, mommy. Si daddy nasa gilid lang po siya.”“I know, but you don’t have to shout guys. Hindi sila bingi. Sige na, anak.” Ngumuso si Atlas. “Sorry po, mommy.” Humarap siya sa gawi nina Drew at ng lola nila. “Sorry po tito and Ahma.” Napatawa si Drew. “Walang problema, bud. Ikaw pa ba? Malakas ka sa amin.”“Umupo na nga kayo,” sabi ni Gideon, halatang naiilang na siya pero may ngiti sa labi niya. Hindi niya maipagkakailang maganda ang gising niya ngayong araw. He confessed his feelings for Yvee. At higit sa lahat ay magkaayos na sila. Halos ikabaliw niya ang hindi nila pagkakaunawaan nito ng ilang araw. Muntik na nga niyang sugurin ang kapatid nitong si Ereena at ipakulong dahil sa panggugulo nito. Mabuti na lang at pinigilan siya ni Drew. “Breakfast muna bago ang interrogation,” dagdag ni Drew.Napabuntong-hininga si Yvee habang umuupo. Pero sa kabila ng pang-aasar ni Drew ay
Maagang sumilip ang araw sa loob ng tent. Mahina ang tunog ng alon, halo sa huni ng ibon…isang tahimik at preskong umaga. Dahan-dahang nagmulat si Yvee ng mata at saka bahagyang napaunat pero agad din siyang napatigil nang maramdaman niya ang bigat sa magkabilang gilid niya.Paglingon ni Yvee ay nakapulupot sa kaniya si Atlas sa kaliwa, nakayakap sa braso niya. Sa kanan naman, si Atticus, halos nakadagan pa ang paa sa kaniya. At sa kabilang side ay si Gideon. Nakahiga, nakapikit pa, pero halatang gising na rin base sa bahagyang paggalaw ng labi nito. “Mommy…” mahinang bulong ni Atlas, hindi pa nakadilat. “Good morning po…”Ngumiti si Yvee, saka marahang hinaplos ang buhok ni Atlas. “Good morning, baby.”“Mommy…” sunod na bulong ni Atticus, saka gumapang palapit at yumakap sa kaniyang ina. “Ang sarap pong matulog dito…”“Hmm,” sagot ni Yvee. “Pero ang bigat niyo pareho.”Napatawa si Atticus, saka mas lalo pang yumakap. “Eh! Miss na miss na po kita, mommy saka this is lambing!”“Saan m
Walang nagawa si Yvee kung hindi ang kumapit sa lalaki. Nahampas ulit niya sa inis si Gideon sa dibdib, pero imbes na magreklamo ang lalaki ay tumawa lang ito. Naglakad si Gideon pabalik sa tent kung saan nadatnan nilang nakangisi ang dalawang bata at mapanudyong nakatitig sa kanila. Dahan-dahan niyang ibinaba si Yvee sa tent. Kagat-kagat naman ni Yvee ang labi niya na halos magdugo na. Hiyang-hiya siya at nakita sila ng mga anak nila. “Mommy?” biglang nagsalita si Atticus.“Hmm?” nahihiyang tanong ni Yvee. Seryoso ang mukha ni Atticus. “Nagkiss na po kayo ni daddy, ‘di ba?” Napaubo si Yvee. “Atticus!” Dumagundong naman ang tawa ni Gideon. Halatang tuwang-tuwa siya sa nangyayari kaya naman mabilis na bumaling sa kanya si Yvee at sinamaan siya ng tingin. “Gideon, tuwang-tuwa ka yata, ah?” Natigil sa pagtawa si Gideon at napakamot na lang sa batok niya. “Hindi naman…” sabi niya, pilit pinipigilan ang ngiti. “Just a little happy?”Inirapan ni Yvee si Gideon bago siya agad bumalin
Napatingin sina Yvee at Gideon sa itinuturo ng bata.“Sige na po, daddy?” malambing na tanong muli ni Atticus sa kaniyang ama.Bumuntong hininga si Gideon. “Why would you want that?”Ngumuso si Atticus. “I want to remember this dady, daddy. This is my first o-outing with a friend!”Itinuro ni Attic
Nakatayo si Gideon sa harapan ng suite ni Yvee. Palakad-lakad pa siya. Hindi niya alam kung kakatok na ba siya o magrereply muna siya sa text o tatawagan niya ang numero nito. Natauhan na lang kasi siya nang nasa mismong tapat na siya ng pinto ng suite nito.Napahilamos sa mukha si Gideon. “Bakit b
Akmang lalapit na ang dalawang babae nang biglang sunggaban ni Atticus ang mga nasa mesa. Isa-isang lumipad ang mga libro, papel, at kung anumang mahawakan niya.Nagkagulo ang loob ng suite.Nang maubos na ang maiibato ni Atticus ay tumakbo siya palayo. Paikot-ikot sila sa bawat sulok ng kwarto, bu
Nang makarating si Yvee sa suite nila ay agad siyang pumasok sa loob. Nadatnan niya ang anak niyang nakaupo sa salas at hinihintay siya. Mabils siyang humakbang at niyakap ang anak niya. “Atticus!” mangiyak-ngiyak na sambit ni Yvee. Mabilis siyang bumitiw sa pagkakayakap sa anak niya at sinuri ang


![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




