LOGINSa kabilang banda, sa loob ng silid ay mahina ang ilaw. Nakahiga si Atticus sa kama. Yakap niya ang tablet niya habang nakatutok ang tingin niya sa screen. Sa kabilang side ng video call ay nakaupo naman si Atlas sa sofa, may hawak ding tablet. Parehong seryoso ang mukha ng dalawa sa unang tingin. Parang may mahalaga silang usapan.Ilang segundo lang ang lumipas ay biglang napangiti si Atticus. “Success!” mahina ngunit excited niyang sabi.Agad namang ngumisi si Atlas. “Of course,” kumpiyansa niyang sagot. “Ako pa ba?”Hindi napigilan ni Atticus ang mapahagikgik. “Ang galing mo talaga, kuya,” sabi niya. “Akala ko ay hindi papayag si mommy eh.”“Akala ko rin ay hindi papayag si daddy,” sagot ni Atlas. “Pero nakita mo? Ang bilis niyang pumayag.”Nagkatinginan ang kambal sa screen at parehong may kislap ng saya sa mga mata nila. Para bang may malaking misyon silang matagumpay nilang naisakatuparan.“First date nila ngayon,” bulong ni Atticus, halos hindi makapaniwala.“Finally,” dagdag n
Tahimik na nakatayo si Yvee sa may bukana ng hotel habang hinihintay niya si Gideon. Sa ngayon ay masama pa rin talaga ang loob niya sa lalaki. Alam naman niyang wala itong kasalanan pero hindi niya maiwasang sumama ang tingin rito, lalo na sa naging trato nito kay Atticus. Mahigpit ang pagkakahawak ni Yvee sa bag niya habang paminsan-minsan ay sumusulyap siya sa kalsada. Kung hindi lang dahil kay Atlas ay hindi niya kikitain ang lalaki. Ngayong alam na niya ang buong katotohanan, nais niyang makasama maya’t-maya ang anak niya. Gusto niyang bawiin ang mga panahong nawala sa kanila. Ilang saglit pa ang lumipas at may isang itim na sasakyan na dahan-dahang huminto sa tapat ni Yvee. Hindi na niya kailangang hulaan kung kanino iyon.Bumaba agad ang driver at magalang na binuksan ang pinto sa likuran.“Ma’am.”Sandaling nag-alinlangan si Yvee, pero kalaunan ay pumasok din siya sa loob ng sasakyan. At doon, napakunot agad ang noo niya. “Nasaan si Atlas?” agad niyang tanong habang inililib
Napalunok si Atlas. Hearing that from his father made his heart somersault. Matagal na niyang nais sabihin dito ang kahilingang iyon, pero napangungunahan siya ng takot. At ngayon ay sa Daddy Gideon na mismo niya nanggaling ang mga katagang iyon. “Okay, daddy. I’ll do my best to help,” nakangiting sagot ni Atlas. “Then, can you tell me what your mommy and brother like?” usisa pa ni Gideon. Tumango si Atlas at nagsulat sa ipad nito. Mukhang ayaw na naman nitong magsalita kaya hinayaan na niya ito. Sanay na naman siyang sinusulat lang ni Atlas ang mga sasabihin nito sa ipad. Ang pagsasalita ng anak niya ngayong araw ay napakalaking improvement na. Kinuha ni Gideon ang cellphone niya sa bulsa. Sandali niyang pinakatitigan ang numero ni Yvee, hanggang sa nagpasya na siyang tawagan ito. Ilang saglit pa ay nag-ring ang cellphone nito, mayamaya ay sumagot ito. Tumikhim si Gideon. “Hello? Yvee?” “Anong kailangan mo?” malamig na salubong ni Yvee sa kabilang linya. Bumuntong-hininga si G
“Paanong nangyari iyon? K-Kasama siya ng babae kanina ah,” wala sa sariling sambit ng lalaki. Bumaling siya sa misis niya. “H-Hindi ba ‘yan ang batang kasama ng babaeng nagpapanggap na ina ng anak ni Mr. Revamonte?” Nanginginig ang babaeng tiningnan si Atlas. Tulad ng asawa niya ay litong-lito rin siya kung bakit ang batang inaapi nila kanina ay kasama ngayon ni Gideon Revamonte. Habang ang anak nila ay hinihila ang kamay nila pababa. “M-Mommy, siya iyong batang nagtulak sa akin!” sigaw ng bata na mas nagpadagdag pa sa tensyon. Tinuro pa niya si Atlas.Kumunot ang noo ni Atlas. “Why would I do that? Ikaw ang nanulak sa kakambal ko!”“Kambal?” magkapanabay na bulalas ng mag-asawa. “Sinungaling!” sigaw ng bata. “Nasa’n ang nanay mong malandi—”“Jay!” sigaw ng babae sa kaniyang anak. “What did you just call that woman?” pigil na inis na tanong ni Gideon sa bata. Hindi siya pumapatol sa bata pero hindi niya gusto ang sinabi nito sa ina ng mga anak niya. Walang sinuman ang dapat mamba
Bumaling si Gideon kay Drew. “Ipahanap mo kung sino ang lalaking nanakit kay Yvee at kay Atticus. Alamin mo na rin ang background details nila. Siguraduhin mong alam mo ang lahat dahil pagbabayarin ko sila sa ginawa nilang pang-aapi sa mag-ina ko. Sisiguraduhin kong mapapahiya sila gaya nang pamamahiya niya sa kanila.” Napalunok si Drew. “Opo, k-kuya.” Kilala ni Drew ang pinsan niya simula pagkabata. Para na silang magkapatid. Sabay silang lumaki sa puder ng lolo at lola nila. Lumaki silang ang turingan ay magkapatid kaya kabisado na niya ultimo ang pagkunot ng noo ni Gideon. Alam niyang seryoso ito sa mga sinasabi nito ngayon. At maging siya ay handang hanapin ang mga taong namahiya sa pamangkin niya at sa magiging sister-in-law niya. Oo, sister-in-law. Tanggap na niya si Yvee at wala na siyang magagawa pa lalo pa’t ito pala ang tunay na ina ni Atlas at maging ni Atticus. Kaya kung gaano kahalaga si Yvee sa kuya Gideon niya ay gano’n na rin ito kahalaga para sa kaniya. Papalabas n
Sandaling napatingin si Drew kay Atlas. “Sandali…” sabi niya. “Paanong nangyaring magkamukha kayo—” Ngunit hindi na siya pinansin ng bata. Tinitigan lamang ni Atlas ang ama niya. Galit ang mga mata niya. “Daddy,” sabi niya. “Alam mo po ba kung gaano mo siya nasaktan sa ginawa mong pag-block sa kaniya?”Napakunot ang noo ni Gideon. Huminga nang malalim si Atlas. “Don’t you get it, daddy d? Kamukha ko po si Atticus. Kakambal ko po siya! Kaya technically, hindi po siya nagsisinungaling nang sabihin niyang ikaw ang daddy niya. We have the same face! Hindi pa po ba sapat na ebidensya ‘yon?” Saglit na napalingon si Atlas sa direksyon ng kaniyang kapatid.Nakita ng tatlo na masayang tumatakbo si Atticus papunta sa isang basketball arcade habang sinusundan ito ni Yvee. Masaya ang kakambal ni Atlas ngunit alam ni Atlas kung ano ang nangyari kagabi. Sigurado siyang nasaktan ito sa ikinilos at mga sinabi ng daddy nila. Alam niya kung gaano pa naman kasabik si Atticus na kilalanin ng tatay n
“Atticus, anak!” Halos pumutok ang dibdib ni Yvee sa kaba habang naglalakad sa makapal na usok. Namumula na ang mga mata niya sa hapdi, pero hindi siya tumigil sa paghakbang. “Mommy!” sagot na sigaw mula sa ‘di kalayuan. Parang binuhusan si Yvee ng lakas nang marinig niya ang sigaw na iyon. Mabil
Agad nilang tiningnan ang bata, si Atlas, matapos noon ay lumingon si Drew sa gawi nina Edwin. “Mr. Alejado, what is the meaning of this?! Ang kapal ng mukha niyong pagbantaan ang tagapagmana ng Revamonte Group!” galit na sigaw niya. Hindi niya akalaing tatraydurin sila ng pamilyang Alejado. Ngumi
Naiwan si Drew sa sulok. Nanonood siya habang umiipon ang katahimikan sa pamilya Alejado. Kinuskos niya ang kaniyang batok at saka niya napagpasiyahang lumapit. Kahit pa nahihiya ay kailangan niyang sundin ang utos ng pinsan niya. “Mr. and Mrs. Alejado,” bati niya, dahan-dahan.Lumingon si Edwin. “
Mabilis na tumakbo si Yvee sa hallway ng hotel. Hawak-hawak pa rin niya ang mga paper bags na may lamang mga pagkain. Halos hindi na siya makahinga ng maayos ngunit tuloy-tuloy pa rin sa pagtakbo ang mga paa niya.‘Dapat ay maging maayos ang lahat… Kailangan kong makita si Atticus. Hindi ko kakayan







