Share

CHAPTER TWO

"I'M sorry miss, pero may nakuha na kami. Magtry nalang po kayo sa iba. Marami pa naman pong job opening sa ibang company."

Hindi ko alam kung minamalas na naman ba ako ngayong araw na ito eh. Sa tatlong interview na pinuntahan ko ay hindi naman ako nalate pero anak ng tipaklong! Kasasabi ko palang ng buo kong pangalan ay agad na nila akong pinapatigil sa pagsasalita. Manlalaki ang mga mata nila kapag sinagot ko ang tanong nila kung sino nga ba ang mga magulang ko.

Pangalan palang ni mommy ay napapangiwi na sila. Lalo pa noong sinabi ko na ang pangalan ng daddy ko.

Oo na! Nandoon na tayo sa parte ng buhay ko na hindi ko naman kinakahiya kung sino ang mga magulang ko pero jusme naman! Wala ba talagang kukuha sa akin para magtrabaho sa kompanya nila dahil lang sa anak ako ng mga magulang ko?!

Ilang beses ko naman nang sinasabi sa kanila na ang mga magulang ko ang mayaman at hindi ako! Bakit parang hindi nila ako sineseryoso? Ano bang akala nila? Trip-trip ko lang itong pagpunta sa mga job interviews nila? Dukha na po ako! Malapit na masaid ang pera ko.

Akmang sisipain ko sana ang nakakalat na latang nakita ko nang biglang magvibrate ang cellphone ko na nakalagay sa bulsa ng aking suot na blazer. Saglit akong huminto sa paglalakad at gumilid muna.

Pinakalma ko ang sarili at pinilit na pasiglahin ang boses nang makita ang pangalan ng matalik kong kaibigan na rumehistro sa screen ng aking cellphone.

"How's life Diana Jane? Bakit ka biglang napatawag? Any problem?" agad kong tanong sa kaibigan.

Dalawang bagay lang naman kasi ang dahilan kung bakit tumatawag iyang magaling kong kaibigan, una ay mag aaya ito ng inuman at ang pangalawa naman ay ipaparinig niya lang sa akin ang kadramahan niya sa buhay.

Just like me, Diana was also came from a wealthy family. Naging magkaklase at magkaibigan kami noon sa States lalo na noong malaman kong Filipina rin pala ito.

Ang kaibahan lang namin simula noong umuwi kami ng Pilipinas ay pinili nitong manatili sa poder ng pamilya niya at magawa lahat ng bagay na gusto niya. She can have any luxurious things she wants since she was also the only daughter of her parents.

"I need you Krys! I fucking need you. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko-"

"Hey! Minimize your voice, nasaan ka ba?" tanong ko rito at saglit na napalinga sa paligid.

Heto na naman ako sa pakiramdam na ganito. I feels like someone is following me. Ilang araw ko na itong nararamdaman kaya hangga't maaari ay hindi ako lumalabas ng apartment ko. Akala ko ay matitigil na iyon nakaraan pero heto na naman.

"I'm in my condo! Please puntahan mo ako-"

"I'm coming. Pakainin mo ko ah. Wala pang kalaman-laman ang tiyan ko simula pa kaninang umaga-"

"What?! Naghihirap na ba ang maganda kong kaibigan?" tanong ni Diana sa kabilang linya at dinig na dinig ko ang malutong at malalakas nitong pagtawa.

Lihim nalang akong napairap sa hangin. Aanhin ko naman ang yaman ng pamilya ko kung habang buhay naman ay ikukulong nila ako sa bakod nila? Maigi nang naghihirap nga ako at least malaya at masaya ako sa mga ginagawa ko ngayon sa buhay ko.

"Stop laughing Diana Jane or you will not see me ever again," pagbabanta ko rito at isang beses muling luminga sa paligid.

Naiinis na ako! Sino ba kasi iyong sunod nang sunod sa akin?! Kung tama ang hula ko, isa na naman ito sa mga tauhang inutusan nila dad. My parents are crazy! I'm already twenty four years old yet they are treating me as if I'm still their little girl back then!

"Okay, I'm sorry Krystel Ann...." napangiwi ako nang banggitin ng kaibigan ko ang buo kong pangalan. I prefer to call me as Krys not Krystel nor Ann and especially not Krystel Ann. "... dalian mo na at kanina pa ako namomroblema dito. I will just order some food for us. Alam mo namang walang future ang maganda mong kaibigan pagdating sa kusina. Maganda lang ako pero hindi marunong magluto-"

"Oo na, oo na, why are you so hyper right now? Does something good happened?" nagtataka kong tanong sa kaibigan at minabuti na munang lumipat ng kinatatayuan dahil ramdam na ramdam ko ang pares ng mga matang nakatitig sa akin ngunit sa tuwing lilingon naman ako ay wala akong nahuhuling nakatingin sa akin.

"Dito ko nalang ikekwento sayo Krys, kaya you better hurry up na, okay?" maarteng pagkakasabi ni Diana sa kabilang linya.

Hindi na ako sumagot pa at agad na lamang na binaba ang tawag. Ibinalik ko ang cellphone ko sa bulsa ng blazer ko at marahas na bumuga ng isang buntong hininga. Hindi ko muna pagtutuunan ng pansin ang kung sinumang gunggong na sunod nang sunod sa akin. I have so many things to do right now, at wala sa listahan ko ang hanapin kung sinong stalker na naman ang sumusunod sa akin.

Naglakad-lakad muna ako at nang makakita ng coffee shop ay napagdesisyunan ko na munang pumasok roon. I just suddenly feel like peeing.

I was about to get inside of the coffee shop when I just suddenly bumped into something. Mabango, matigas at nakakahumaling ang isang bagay ang naramdaman kong biglang bumangga sa akin.

Napapapikit ako ng mga mata habang napapahawak sa may parte ng noo ko kung saan ako tumama. Medyo malakas kasi ang pagkakabangga ng ulo ko ng kung anumang bagay na sumalubong sa akin.

Ano nga ba iyon?

Mabilis pa sa alas kwatro akong nagtaas ng paningin at ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang magtama ang mga mata namin ng isang lalaki na kunot na kunot ang noo ngayon.

He's glaring at me as if he's going to skinned me alive! Nakakatakot kaya naman palihim akong napalunok at mabilis na nag-iwas ng tingin.

"Stupid," simpleng salitang wika ng binata na agad namang nakapagpakunot ng noo ko.

Ang kapal ah! Hindi porket gwapo at mabango siya ay tatawagin na niya akong stupid! May honors kaya akong gumraduate noon sa States!

"Sorry ah, pahara-hara kasi iyang matigas mong abs...." usal ko at pumamewang na umirap.

Huli na nang marealize ko ang mga salitang binitawan ko. Shit nakakahiya! Lalo akong nakaramdam ng hiya nang marinig ang mahina ngunit nakakaakit na tawa ng lalaki.

"Miss-"

Hindi ko na hinintay pa ang anumang sasabihin nito dahil dali-dali na akong nagtatatakbo palayo ng lugar. Maging ang pag-ihi ay bigla na lamang nawala sa isip ko.

Pinara ko agad ang nakita kong taxi at mabilis na sumakay roon. Kakaibang kabog ng dibdib ko ang nararamdaman ko habang nakasakay sa loob ng taxi.

Shit, did I just embarrassed myself in front of that stranger? Nakakahiya! Mabuti na lang at hindi ko na ulit iyon makikita.

Napakaengot mo Krystel Ann! Nakakahiya ka. Stupid ka nga talaga!

AGAD kong binayaran ang driver ng taxi na sinakyan ko. Said na ang wallet ko. Wala nang laman iyon ni piso.

Lugmok ang mukha na pumasok ako sa loob ng building kung nasaan ang condo ni Diana at mabilis na pinindot ang button para sa pupuntahang palapag.

Akmang pipindutin ko pa lamang ang doorbell sa pinto ng unit ng kaibigan ko nang agad namang bumukas iyon. Nakangiti itong sumalubong sa akin na animo'y ngayon lang ulit kami nagkita.

"Why are smiling like that? Nauto mo na naman ba ang parents mo?" nang-aasar kong saad at pumasok na sa loob.

"Hoy! I don't do uto 'no! Sadyang love lang ako nila mommy at daddy kaya binibigay nila ang lahat ng gusto ko. Oo nga pala, I ordered all of your favorites."

Halos magtubig ang bagang ko nang makakita ng napakaraming pagkain sa lamesa ng dining room ni Diana. She ordered fries, pizza, chicken, pasta and even lasagna! My favorite.

Naniningkit ang mga matang nilingon ko ang kaibigan. Parang bigla akong nakaramdam ng pagdududa sa mga kinikilos nito. I smell something fishy and I want to know it where.

"You're asking for a favor, don't you?" tanong ko rito at pinanatili ang singkit na mga mata.

Diana smiled nervously and starting to roam her eyes in her unit. Dinig na dinig ko din ang malakas na pagtikhim nito.

"Ehhh you know that I love you, right Krys-"

"Stop beating around the bush and say it straight to my face, Diana Jane," lihim akong napangisi nang biglang sumimangot ang kanina ay nakangiting mukha ng kaibigan.

Katulad ko ay naaasar din ito kapag buong pangalan niya ang binabanggit. Well, we're best friends after all.

"My parents wants me to pursue this certain guy-"

"What?! Are you crazy? I mean baliw ka kung pumayag ka sa gusto nila," hindi makapaniwala kong saad dito.

Lalo lamang nanlaki ang mga mata ko nang dahan-dahan na tumango ang magaling kong kaibigan.

Iyan ang ugali na minsan ay kinaiinisan ko sa kanya. She can't say against her parents. Basta kung anong sinasabi o pinapagawa sa kanya ng mga ito ay susundin nalang niya nang walang tanong-tanong.

"My parents said that I will have an one month staycation in Siargao if ever this guy will agree to be my boyfriend-"

"Nababaliw ka na ba?! Babae ka Diana! Bakit ikaw ang manliligaw at maghahabol sa lalaki?!" singhal kong tanong rito at hindi na napigilan na pandilatan ito ng mga mata.

Naasar ako lalo nang ngumiti lang ito nang matamis na animo'y hindi sineseryoso ang mga sinasabi ko.

Nagkibit balikat muna ito bago muling sumagot. Napapailing nalang akong naglakad palapit sa mga pagkain at nagsimulang lumantak roon. Nasstress lang ako sa kaibigan ko.

Iba nga talaga mamroblema ang mga mayayaman, pang out of this world na problema. Nakakaloka!

"For a change! At saka hayaan mo na, naeexcite din naman akong gawin 'to-"

"Are you sure that your parents only wants you to make the guy agree to be your boyfriend? Baka naman meron pa tapos nahihiya ka lang magsabi sa'kin-"

"They want us to settle for an arrange marriage."

Hindi ko sinasadya na maibuga ang pizza na nasa loob ng bibig ko. Diana just laughed and immediately gave me a tissue paper to wipe my mouth off.

"You're unbelievable! Don't tell me that you agreed?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaibigan. Her awkward smile makes me realize what her answer is. ".... baliw kana talaga!" I shouted at her and tried to hit her thighs but she immediately run away from me.

"Ano namang masama roon? I'm single and I think the guy is single also, at saka wala naman akong pinagkakaabalahan sa buhay ngayon. Why not engage into a something serious and romantic-"

"You're putting your heart on the risk, you idiot! Akala mo ba ay biro lang ang lahat?! Paano kung sa kahahabol mo sa lalaking iyon eh mahulog ka sa kanya? Eh di naging brokenhearted ka pa nang dahil dyan sa katangahan mo!" nanggigigil kong saad sa kaibigan ngunit nakangiti lang itong umiling sa akin.

Na animo'y siguradong-sigurado siya na hindi mangyayari iyon.

Lumipas muna ang ilang minuto bago ako kumalma at nawala ang init ng ulo na binigay sa akin ni Diana. Ngayon ay nakaupo na ito sa harap ko habang nakikisabay na rin sa akin sa pagkain ng mga inorder niyang pagkain.

"Kung nakapagdesisyon ka naman na pala eh ano pang pinoproblema mo? Did you just want me to come over here so I can you my advance congratulatory message?" sarkastikong saad habang nakataas ang isang kilay.

Diana aggressively grab the tissue paper in her front and wipe the side of her mouth. Ngumiti itong muli sa akin bago sumagot.

"You're still unemployed, right?"

Awtomatikong umarko ang mga kilay ko dahil sa tanong nito.

"So? Anong kinalaman noon sa gagawin mong paghahabol sa lalaki mo-"

"It happens that I have to attend this job interview for tomorrow. Medyo strict and reserve 'yung company kaya bihira lang ang nabibigyan ng opportunity sa kanila-"

"Ano ba'ng kompanya nila, pagawaan ng ginto? Pure gold ba ang mga kagamitan sa loob ng opisina nila?" singit kong tanong na may halong sarcastic ang tono ng boses.

Hindi nalang kasi diretsuhin ni Diana kung ano ba talagang ambag ko sa kanya ngayon. Pumunta lang ba ako dito para makikain sa condo niya? Ang kapal naman pala ng mukha ko kung ganoon.

"Ssh ano ka ba naman Krys, ba't ba ang sungit mo ngayon? Red days?" tanong niya sa akin habang may mumunting ngit sa labi.

"Red alert! Wala na kamong laman ang wallet ko pati 'yung savings ko malapit nang masaid! Ewan ko ba, ang hirap pala maging mahirap-"

"Then this opportunity is really for you!" Diana exclaimed that she even clapped her two hands out of joy. Agad namang kumunot ang noo ko.

"What?!"

"Since magsisimula na ako sa paghahabol sa mapapangasawa ko na hindi ko alam kung nasaan na nga ba ngayon, you will be the one who will go to the job interview for me. You will pretend to be me for that day. Please Krys?" pakiusap ni Diana at nagpacute pa habang humahawak sa aking braso.

She became a cute little puppy all of the sudden. Siguro ganito ang ginagawa niya sa mga magulang niya para makuha ang mga luho niya 'no?

"You can just simply ditch the interview, kung alam mo namang hindi mo mapagtutuunan ng oras-"

"I can't, Krys! Baka bigla nila akong lagyan ng bad record at kung saan pa iyon umabot. You just have to go to the interview, hindi mo kailangang makapasa. Just please help me out on this one," isang beses na muli itong lumabi at nagpabeautiful eyes pa.

Akala mo ay bigla lang nangati ang kanyang mga mata.

"Ano namang mapapala ko kung sakaling gagawin ko 'yon?" nakataas ang isang kilay na tanong ko.

Huwag lang sasabihin ni Diana na sasagutin niya muna ang one month expenses ko dahil papayag agad ako sa gusto niya. Gipit pa naman ako ngayon.

"I'll be the one who will pay for your one month expenses. As in everything-"

"Okay, deal!" hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nito at agad nang sumagot. Nakabukas ang bibig na tumitig ito sa akin. "...what?" tanong ko rito nang mapansin na tumatagal na ang pagtitig niya sa akin.

"Naghihirap kana nga talaga."

"Whatever!" suplada kong saad at tinuon na lamang ang buong atensyon sa pagkaing nasa harapan ko. Gagawin ko ang lahat huwag lang ako bumalik sa mga magulang ko. Kahit pa ang ibig sabihin noon ay papatusin ko ang mga kalokohan at trip sa buhay ng magaling kong kaibigan ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status