Share

CHAPTER THREE

KALALABAS ko lang sa building ni Diana nang maramdaman ko na naman ang pares ng mga matang nakatingin sa akin.

Hindi ko na kaya! Pupuntahan ko na talaga sila daddy ngayon sa bahay. Kakausapin ko na sila para matigil na sila sa ginagawa nilang pagpapasunod sa akin kung kani-kanino.

I'm already twenty-four years old! Sobra-sobra nang pagbabantay sa akin ang ginagawa nila. Hindi na ako natutuwa.

Marahas kong kinuha ang wallet ko at halos tampalin ko ang noo ko nang maalalang wala na nga palang laman iyon ni piso.

Nakakahiya naman kung babalik pa ako sa loob ng condo unit ni Diana para mangutang ng pamasahe ko.

Nagpapapadyak ako sa inis nang maalala ang isa pang tao na pwede kong bwisitin ngayon. Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ng aking blazer at tinawagan ang numero ng magaling kong pinsan. Imposibleng tanggihan ako nitong magpahatid sa bahay namin.

After all, alam ko namang wala ring pinagkakaabalahan ang mokong na iyon sa buhay niya. Bakit kasi hindi pa mag-asawa para naman matuwa ang angkan namin sa kanya.

"Hey, what's up Krystel Ann-"

"Isa pang Krystel Ann, Rusty itatakwil na talaga kita bilang pinsan ko," himutok ko ngunit ang kupal, tinawanan lang ako.

Hinayaan ko nalang tutal ako naman ang may kailangan dito. Kailangan kong magbait-baitan at baka hindi ito pumayag na sunduin ako dito at magpahatid sa bahay namin.

"Chill! Ikaw naman hindi kana mabiro. So what are you up to, my dear cousin?"

Marahas muna akong napabuntong hininga bago sagutin ang tanong nito.

"Sunduin mo ako dito sa labas ng condo ni Diana tapos pahatid na din sa bahay-"

"Oh wait-wait! Dahan-dahan naman. Ang daming utos ah," usal nito sabay hagikhik sa kabilang linya. Akala mo naman ay kinikiliti ang singit niya. "... babalik kana sa inyo-"

"Magpapahatid lang ako sandali. I need to talk to my dad. Hindi pa rin nila ako tinitigilan..." saad ko at mariin na napairap.

Mabilis akong luminga-linga sa paligid at lalo lang nainis nang may makita akong lalaki na nakajacket na agad na nag-iwas ng tingin nang titigan ko.

It must be the person who sent by my dad. Nakakainis.

"Is it still about the stalker slash bodyguards-"

"Anong bodyguards?! Ano ba ako, anak ng presidente para kailangang bantayan twenty-four seven? Sabihin mong napaka-OA lang talaga nila daddy at hanggang ngayon ay pinapasundan pa rin ako-"

"That is because they cared about you, Krys. You're their only daughter after all. Tapos babae ka pa-"

"Malamang! May daughter bang lalaki? Bobo mo, Rusty. Kinulang ka ba sa bakuna noong bata ka?" napipikong usal ko dito.

Nagtaka ako nang lumipas ang ilang segundo ay wala na akong narinig na nagsasalita sa kabilang linya. Agad kong nilayo ang cellphone sa aking tenga at tiningnan kung aksidente ko bang napatay ang tawag. Kunot na kunot ang noo ko nang makitang ongoing pa rin naman ang pag-uusap namin ni Rusty.

"Hoy Rusty the monkey, andyan ka pa ba? Ba't hindi kana nagsasalita-"

"Talagang nagtanong ka pa. That is because you're always cutting me off by just saying stupid things, Krys! Bahala kana nga sa buhay mo, hindi na kita ihahatid-"

Napaayos ako sa kinatatayuan ko at mabilis na umiling kahit na alam kong hindi naman iyon nakikita ng magaling kong pinsan.

"Hoy ito naman eh. Hindi kana mabiro, by the way ang pogi mo palagi. Sunduin mo na ako dito please..." saad ko at pinilit ang boses na maging malambing.

Nunkang lambingin kita Rusty the monkey! Pasalamat ka at may kailangan ako sayo ngayon dahil kung hindi ay tinakwil na kita bilang pinsan ko tse!

"Alam ko namang pogi ako, Krys. No need to say that..."

"Sunduin mo na 'ko-"

"Kahit gustuhin ko, I can't Krystel Ann. I have an important meeting that will be happening five minutes after this. Ipapasundo nalang kita sa family driver niyo-"

"Hindi na! Ang panget mo!" malakas kong singhal rito at agad nang binaba ang tawag.

Nagngingitngit tuloy akong napasalampak ng upo sa isa sa mga baitang ng hagdan sa labas ng building na ito.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto kong pumunta sa bahay namin kaso ayokong sabihin kanila dad na pupunta ako. I know their minds. Kapag nalaman nilang pupunta ako ay baka maging mabait sila bigla tapos magigising nalang ako na nasa ibang bansa na pala ako.

Ganoon na ganoon kasi ang ginawa nila noon sa akin bago ako pumuntang States mag-isa. Dinahilan lang nila na baka daw hindi pa ako handang mabuhay mag-isa kaya susubukan muna nila. Anong akala nila sa akin, trial card ang mga desisyon sa buhay?

Minsan naiisip ko nalang na baka maluwag lang talaga ang turnilyo sa utak ng mga magulang ko eh. They are the living proof of human-exaggeration.

"Hey Krys, what are you still doing here? Akala ko ba ay may pupuntahan ka?"

Dali-dali akong napatayo mula sa kinauupuan ko at salubong ang kilay na humarap sa nagsalita. It was Diana.

"Saan ka pupunta aber? Bakit bihis na bihis ka?" tanong ko rito habang nakataas ang isang kilay. Ngumiti naman ito nang pagkatamis-tamis sa akin bago lumapit.

"Sa bar-"

"Nang ganito kaaga?! It's only two in the afternoon, Diana Jane! Wala pang bar na bukas-"

"Meron na 'no! Doon nga ako pupunta eh," wika nito sabay hagikhik. Ano na namang nakakatawa sa sinabi niya?

Pinagmasdan ko ang buong kasuotan ng kaibigan ko. She's wearing a tight and revealing sexy dress. Hindi bagay sa ganitong kainit na oras. Normal pa ba 'to? Seryoso ba siya na may bukas nang bar kahit ganitong kaaga?

"Hey, stop eye-feasting me okay? Pupunta nga talaga akong bar..."

"Bakit? Anong ganap mo sa buhay? Akala ko ba pag-iisipan mo muna buong araw kung saan mo hahanapin ang future husband mo? Anong nangyari at bigla kang magbabar nang ganito kaaga?" punong-puno ng pagtataka kong tanong rito.

Agad kong tinampal ang hita nito nang akmang makikiupo rin dito sa kinauupuan ko. For fuck sake! She's wearing a tight dress, may balak ba siyang pasingawin at ipangalandakan ang perlas ng silanganan niya?

Kaya imbes na manatiling nakaupo ay agad na lamang akong tumayo.

"Oo nga, nalaman ko kasing nasa bar si Diether, 'yong future husband ko. Kaya nga ko pupunta doon ngayon..."

"You're doing your first move today and yet you're not telling me about this?! Oh geez, Diana Jane. I'm so hurt. I feel like my heart suddenly broke," kunyari ay pagdadrama ko rito at mabilis na tumalikod.

Magkukunyari pa lamang ako na maglalakad palayo ngunit mabilis na akong nahigit ng kaibigan ko sa braso.

"Hoy! Ito naman eh. Of course not. I was about to text you tapos bigla kitang nakita dito, 'buti na nga lang nandito ka pa eh," anito sabay ngiti na animo'y hindi sigurado sa kanyang mga sinabi.

Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ito o ano eh. Pero ano pa nga bang magagawa ko. Nakapagdesisyon naman na siyang habul-habulin ang kawawang lalaki na iyon kaya mas mabuti nalang na suportahan ko ang kaibigan ko.

"You're not lying, aren't you?" tanong ko rito habang naniningkit ang mga mata. Diana just laughed nervously.

"Alam mo, Krys sumama ka nalang din. Tutal alam ko namang wala kang gagawing today. Samahan mo nalang ako para makita mo ang mukha ng future husband ng best friend mo-"

"Future husband my ass. Pagsasawaan mo din 'yon!" saad ko ngunit nagpadala pa rin sa higit ng kaibigan ko.

"Kaya nga mas maiging makita mo na ngayon eh, pakikinggan ko ang side comment mo. Kapag ligwak siya sayo, ligwak na rin siya sa akin," usal nito habang sumasakay sa kanyang sasakyan.

Agad naman akong naglakad at sumakay na rin sa tabi nito.

"Tell me, is he cute? Handsome? Mabango? Matangkad-"

"You tell me, Krys. Hindi ko din alam eh..."

"What?! Oh geez Diana Jane, don't tell me that this will be also the first time you're seeing this prospect guy for your parents' arrange marriage for you?" hindi makapaniwalang tanong ko rito.

Isang malakas na pagtawa lamang mula rito ang nakuha kong sagot. Tama nga ako. Ito din ang unang beses na makikita nya 'yung lalaki. Baliw na nga talaga ang isang ito.

"For a change, Krys! At saka nakakaexcite 'di ba?" tila nasisiyahan pa nitong tanong sa akin. Mariin at dahan-dahan lamang akong napailing.

"You're unbelievable, Diana. Huwag ka sanang tatakbo sa aking umiiyak dahil dyan sa kalokohan mo."

Another smile from my friend and she maneuvered her car to go somewhere else. Tahimik naman akong napatingin sa labas ng katabi kong bintana.

Maigi pa si Diana, alam at may gusto siyang gawin ngayon, pangtanga nga lang pero kahit na ganoon. Hindi ko pa din maiwasang hindi magtanong sa sarili ko. Ano na kayang mangyayari sa buhay ko?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status