Share

One Hot Night with my BOSS
One Hot Night with my BOSS
Author: Ydewons

CHAPTER ONE

KRYSTEL POV

DALI-DALI kong kinuha ang cellphone kong nakalagay sa isang drawer nang marinig ang malakas nitong pagtunog. It's already eight in the morning pero patulog pa lamang ako. I just came from a bar hopping last night. Mabigat at kumikirot man ang ulo ay pinilit ko munang sagutin ang tawag.

"Hey, just call me back again later-"

"What the hell Krystel Ann Cruz! Are you drunk?!"

Literal na napalayo ang ulo ko nang marinig ang malakas na pagsigaw ng kung sinuman sa kabilang linya. Naiirita na tiningnan ko ang caller ID sa screen ng phone at ganoon na lamang ang pangungunot ng noo ko nang mabasa ang pangalan ng magaling kong pinsan.

"Bakit ka ba tumawag Rusty? Anong oras palang ah!" singhal ko pabalik rito at pabagsak na muling humiga sa malambot kong kama.

Nahihilo man ay nagawa ko pa ring pagmasdan ang kabuuan ng tinitirhan kong apartment. Medyo nagkakaroon na ng sapot ang ilang parte ng bahay, kailan pa ba iyong huli akong naglinis?

"Are you listening, Krys?!"

Pakiramdam ko ay panandaliang nawala ang hilo at antok ko nang bulyawan na naman ako ni Rusty sa kabilang linya. Nakalimutan kong kausap ko pa nga pala ang unggoy na 'to.

"Huh? Did you say something? Sorry huh, medyo choppy, hindi kita marinig nang maayos-"

"You're just reasoning out, my dear cousin, alam ko na 'yan. Maybe you're thinking if babalik kana sa inyo 'no? You already miss tito Danny, am I right?" tanong nito sa akin at binuntutan ng tawa sa dulo. Awtomatiko lang na nagsalubong ang mga kilay ko.

It's been two months since I graduated in States, gusto ko na nga din sana na doon nalang magtrabaho but my parents insist that they are already misses me and ask me to just work here in our country. Wala naman akong nagawa dahil namimiss ko din naman sila. I am their only child after all. Ang ayoko lang ay iyong idea nila na sa mismong kompanya pa namin ako magtatrabaho.

Anong silbi ng pinag-aralan ko kung hanggang ngayon na twenty four years old na ako ay tinuturing pa rin nila akong isang bata? I'm already a grown up fine lady. I want to be independent and have my freedom to work anywhere, hindi lang sa kompanya namin.

Kaya noong araw na nagkaroon kami ng diskusyon tungkol doon, my parents heartlessly gave me a choice, if ever that I will work under our company, they will still give support and sustain my needs or wants. But if I don't, then I will have to work my ass off and pay all my bills on my own.

Of course! I choose the latter! Mas gugustuhin ko pang mapag-isa at tumira sa maliit kong apartment ngayon na may kalayaan kaysa naman manatili sa malaki nga naming mansyon pero nakakulong at parang dinaig ko pa ang anak ng presidente sa sobrang dami at tindi ng mga nagbabantay sa akin 'no!

"Of course not! I love the freedom I am experiencing right now, couz" I snorted out.

Medyo nilayo ko ang cellphone ko sa aking bibig bago magpakawala ng marahas na buntong-hininga. My cousin is right. I already missing my dad.

"Okay, sabi mo eh..."

"Wala ka na bang sasabihin? Ibababa ko na 'tong tawag-"

"Wait! You're still unemployed, right?"

Literal na tumaas ang isang kilay ko nang marinig ang tanong ni Rusty. Kailan pa nagkaroon ng pake tungkol sa buhay ko ang magaling kong pinsan na ito?

"Why? Kung ipipilit at pababalikin mo lang din naman ako sa company nila dad, no thanks Rusty the monkey, kaya kong maghanap ng trabaho sa ibang company-"

"Hey stop calling me that! At saka hindi kita pababalikin sa kompanya niyo 'no! It just happened that my dear friend John Louis is currently now has no secretary. I recommend you and he said that you just have to passed his interview and then viola! You will have your work now and have a handsome boss just like me-"

Hindi ko na pinatapos pa ang anumang idudugtong ni Rusty sa mga sinasabi niya at agad na itong binabaan ng tawag. Hindi ko na talaga pinapansin ang unggoy kong pinsan na iyon pag binabanggit niya na gwapo siya.

Like oh c'mon! It's in our genes! Normal na sa amin ang may magandang lahi pero ang hindi normal ay ang ipagyabang pa iyon. Hindi nalang siya tumulad sa akin na maganda na, sexy pa pero quiet lang ay joke!

I just texted Rusty saying that just give me the details about his friend who is currently looking for a secretary. Babalik nalang ako sa tulog at sa sunod na araw ko nalang pupuntahan iyon.

Hindi pa man lumalalim ang tulog ko ay muli na namang tumunog ang cellphone ko. Nagpupuyos sa inis na hinablot ko iyon at ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ang nakalagay sa screen ng phone ko. I have a three interviews for today and I still have an hour to prepare and get dressed.

Shit, muntik ko na iyon makalimutan! Dali-dali akong bumangon muli at kinuha ang twalya kong nalagay sa isang lamesa. Agad na naglaglagan ang mga bagay na nakapatong roon.

"Shit naman oh! Kung kailan talaga nagmamadali ako!" naiinis kong singhal at wala nang nagawa kung hindi pulutin ang mga nalaglag na bagay at muli iyong ipatong sa mesa.

Pagkatapos noon ay mabilis na akong pumasok ng banyo para maligo. Habang nagsisipilyo ay ramdam ko pa rin ang bigat ng ulo ko pero hindi ko na iyon inalintana pa. Kailangan ko nang magmadali para hindi malate sa tatlong interviews na pupuntahan ko. It's been two weeks since I left our mansion at halos nasasaid na ang savings ko maging ang pera ko sa wallet.

Halos dalawampung minuto ang tinagal ko sa loob ng banyo kaya naman agad kong binuksan ang drawer ko para maghanap ng masusuot. A tiny skirt and maroon blouse is the one I chose to be my attire for today. Tinernuhan ko na lamang iyon ng isang blazer na kulay itim. Naglagay rin ako ng kaunting kulay sa mukha.

Saglit lamang akong nagblower ng buhok dahil ayoko naman na habang kinakausap ako ng interviewee ay siya ring pagtulo ng basang-basa kong buhok. Nang makuntento sa tuyo ng buhok ko ay hinayaan ko lamang iyon na nakalugay. My mother's friends always compliment me for having a long and shiny hair back then. Kaya kinonsider ko nang asset ang buhok ko.

Pagkalabas ko ng bahay ay agad ko nang pinara ang taxi na nakita ko. Pagkasakay ko ay mabilis kong kinuha ang wallet ko at tiningnan ang laman noon. Shit, I only have five hundred in my wallet. Paano naman ang pangkain ko mamaya?

"Saan po tayo ma'am?" tanong sa akin ng driver. Agad kong kinuha ang cellphone ko at pinakita rito ang address ng unang kompanya na pupuntahan ko. Tumango lang ito at mabilis na ngang binuhay ang makina ng sasakyan.

Muli ko na namang tiningnan ang relo kong pambisig. I only have ten minutes left for the first interview. Makakaabot pa kaya ako?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status