Share

Kabanata 5

Author: Mariya Agatha
last update Last Updated: 2025-09-07 22:37:24

ONESUMMER Kabanata5

Hindi ako mapakaling nagpabalik balik ng lakad sa kwarto habang nakakamot sa ulo ko. 

Nakakahiya! Jusko! 

Idagdag na paulit-ulit din na bumabalik sa alaala ko ang mga nangyari kagabi kung paano siya nagpakasasa sa inosenteng katawan ko.

Wahhht! Shit!

Tapos ang lakas ng loob kong magtaboy sa kanya eh ako pala yong trespassing sa kwarto niya!?

Hindi ko tuloy alam kung iiyak ba ako sa kahihiyan o aalis na lamang sa resort para magpakalayo-layo nang hindi na muling magtagpo pa ang landas namin ng lalaking yon— na walang kahirap hirap na nakakuha ng virginity ko!

Kaso hindi ko naman iyon pwedeng gawin dahil binayaran ko na ang buong staycation ko rito at nagtira nalang ako ng sapat na allowance para sa pag- apply ko ng panibagong trabaho.

“Jusmeyo Iya!?” Napabulong ako saka buong bigat na dumagan sa kama habang tinatakpan ang mukha ng unan. “Ano ba itong pinasok!?”

Kaso kahit ano pang gawin kong pagsisisi ay nangyari na ang lahat, hindi na maibabalik pa ang puring nawala sa akin.

Ahhhhhh!

Kaya naman balak kong buong maghapon na lamang magkulong dito sa kwarto ko. Ayaw ko na munang lumabas dahil baka bigla na lang siyang sumulpot sa hallway at magtagpo na naman ang mga landas namin. Lalo pa at hindi iyon impossible dahil ilang kwarto lang ang pagitan ng mga kwarto namin.

Nakakahiya na nakakairita! Paano ko siya haharapin? Ni hindi ko man lang alam ang pangalan niya at wala din akong balak na alamin pa.

Napapikit na naman ako ng mariin. Sa ginawa ko ay wala na rin akong pinagkaiba kay Red. Atleast nga ang manlolokong yon, mukhang kilala niya ang babaeng nakasex niya, may alam siya sa kwento ng buhay. Samantalang ako? Wala kahit ni isang ideya o pagkakakilanlan sa lalaking pinag alayan ko ng aking pagkababae. Paano nalang kung may nobya na pala siya? Or worst baka may asawa na talaga at sariling pamilya.

Juskopo!

Kaya talaga mas mabuting hindi na muling magtagpo ang landas namin ng lalaking yon at ibaon ko na lamang sa limot ang lahat ng nangyari kahit pa alam kong mahirap dahil unang karanasan ko iyon sa sex at siyang nakauna sa akin.

Shit

Bumangon ako saka inabot ang aparatu ko para

tawagan si Diana. Siya lang talaga ang alam kong makakaintindi sa akin sa ganitong klase ng eskandalo.

“Iya? Girl, bakit ang aga?” Sagot ni Diana sa kabilang linya, halatang bagong gising pa.

“Diana…” Halos pabulong kong sabi. “May nangyari kagabi.” Diretsahan at walang paligoy ligoy na salaysay ko at rinig kong halos mapatili ito sa kabilang linya.

“Ay! Wait, wag mong sabihing—”

“Oo.” Mabilis kong putol dahil natitiyak kong may ideya na itong nabuo sa isipan niya. “Naibigay ko. As in… NAISUKO KO NA ANG BATAAN!”

Narinig kong napalunok ito, saglit na natahimik tapos biglang tumili ng malakas kaya bahagya kong nailayo ang aparatu sa aking tainga.

“Hala ka! Oh my goodness! So sino? Gwapo ba? Matipuno? As in makalaglag panty ang kagwapuhan kaya mabilis nalaglag yang sayo!?”

Di magkandugagang bulalas niya kaya nasapo ko na lamang ang noo ko.

“Jusme Diana, ang bunganga mo talaga. Pero yon nga ang problema eh!” Halos mapaiyak na ako. “Hindi ko kilala, girl! Hindi ko siya kilala! Estranghero lang!” Matapat na salaysay ko.

Sandaling katahimikan. Tapos, bigla ko na lamang narinig ang halakhak nito kaya awtomatikong nayamot akong naupo.

“Oh my gulay besh! Ikaw na! First time mo tapos sa stranger pa? One night stand lang ganurn? Ang lakas mo!” Palatak nito habang ako’y hindi man lang magawang ngumiti.

“Diana, hindi ito nakakatawa!” Turan ko pa kaya

medyo natauhan ito.

 “Sorry na besh. Pero teka lang kasi, bakit nga iyon nangyari? Kilala kita, hindi mo nga isinuko yan sa ex mong mahal na mahal mo—- noon.” 

Pagtatama pa nito kahit ang totoo’y sariwa na sariwa pa naman talaga ang sakit. At hindi pa ganoon kadali mawala lahat ng pagmamahal ko sa kanya kaya I’m doing everything to ease the pain. Eveything, pero hindi kasama iyong nangyaring kagagahan ko kagabi.

I sighed. “Uminom lang naman ako ng Tequila. Tapos ilang saglit lang may kakaiba na akong naramdaman, para bang init ng katawan na hindi ko maipaliwanag kung saan galing. Tapos nawala na ako sa sarili. Parang may kakaiba talaga. And then suddenly, I met this stranger accidentally na nagkataong nasa malapitan ko lang..tapos iyon na… nangyari na.” Seryosong salaysay ko na hindi na masyadong dinitalye pa ang lahat including kung paano kami humantong sa kama dahil privacy ko rin naman iyon, habang si Diana ay mariin lang na nakikinig.

Huminga siya nang malalim. “Kung pagbabasehan natin yang sinabi mo ay baka nga iyan sa alak na ininom mo. Lalo pa at hindi ka naman kasi sanay. Pero dapat malaman mo rin kung anong klaseng inumin ang binigay sa’yo. Maya nilagyan pa yan ng kung ano.” Litanya ni Diana na siyang ikinapanlaki ng mga mata ko.

“Oh my Goodness!” Bulalas ko nang may maalala.

“Eto gagawin mo, besh. Bumalik ka sa bar mamaya at komprontahin mo ang bartender. Tanungin mo kung ano ‘yung sinerve sa’yo. Para at least alam mo kung may mali o wala. At kapag nalaman mong may something, naku! Ireklamo mo yan.” Magandang suhestiyon ni Diana.

Napakagat ako ng labi. Hindi ko gusto ang ideya dahil baka magkita na naman kami nung estrangherong yon… Pero tama siya. Hindi pwedeng matapos lang ito ng ganito dahil puri ang nawala sa akin, puri at pagkababae ko! Kaya kailangan kong malaman ang totoo.

“Pero gwapo nga? Para naman sana sulit—”

Pahabol pa sana nito pero mabilis ko na itong pinutol. “Diana!!” 

“Sorry naman besh, excited lang. Sige na! Balitaan mo nalang ako. Alam ko namang magkukwento ka pa sa susunod. Bye my beautiful bff, enjoy and goodluck!” She giggled kaya nairolyo ko nalang ang mga mata saka ibinaba ang aparatu.

Haixt! Gwapo nga ba yon? Matipuno? Makalaglag panty? Ahay! Ewan. Dahil kahit pa siguro ‘OO’ ang sagot ay alam kong maling mali ang nangyari kaya wala na rin akong panahon pa para purihin ang lalaking yon.

Kaya naman nang dumating ang gabi, matapos ang ilang oras na pag-iipon ko ng lakas ng loob ay bumalik nga ako sa bar. Pero hindi para mag inom o magliwaliw kundi para komprontahin ang bartender.

Pero syempre hinanda ko rin ang sarili ko, nag-ayos ako ng buhok, nagsuot ng simpleng damit na medyo kita ang likod dahil ito naman ang bagay sa beach, iyong hindi na ako nagmukhang Manang.

“Pero, teka lang.. bakit ngayon naco-conscious kana ata sa hitsura mo Iya? Dati ay wala ka namang pakialam kung magmukha kang Manang na balot na balot.” Di mapigilang turan ko sa sarili habang nasa harapin ng salamin.

“Ano ka ba! Syempre nasa beach di ba?” Depensa ko naman na parang baliw na kinakausap ang sarili.

Pero bahagya pa rin akong napaisip dahil may kung anong sa loob ko na ginustong mag ayos dahil ayaw ko magmukhang losyang. Nakakapanibago nga.

Kaya hindi na rin ako nagtagal pa sa kwarto dahil baka kung ano na naman ang pumasok sa isipan ko.

Kaya nang makalabas ay tuwid na tuwid lang ang paglalakad ko, na walang pakialam sa ibang mga tao sa paligid. Ako na ang kusang ang iingat talaga dahil baka may makita ang mga mata ko.

Gladly, ay nakarating ako ng maayos sa bar at dumiritso na ako sa counter kung nasaan ang bartender na abala sa paghahalo ng drinks. May nga nag- iinuman at nagsasayawan na ring turista but I didn’t mind. Nilapitan ko siya kaagad kahit pa medyo ramdam mo ang panginginig ng mga kamay ko.

“Uh, excuse me..” Maingat kong sabi kaya agad na napadako ang mga mata nito sa akin.

At kita ko kaagad ang gumuhit na kaba at pag aalala sa hitsura niya.

“Siguro naman may ideya ko na kung ano ang pakay ko. Tungkol ito sa ininom kong alak kagabi. Gusto ko lang malaman kung ano ‘yon at bakit ganoon ang epekto sa katawan ko.” Diretsahan at walang paligoy ligoy na wika ko.

Huminto ito sa ginagawa. Kita ko pa ang pagpakawala nito ng malalim na buntong hininga bago sumagot. “Ma’am, pasensiya na po talaga pero hindi po kasi para sa inyo iyon. Para po iyon sa regular customer namin dito, si Ms. Rica.”

Salaysay nito ngunit hindi naman nasagot ang tanong ko kaya di ko napigilang magsalubong ang mga kilay ko.

“Ang tanong ko, kung anong klaseng alak ba iyon? O kung may nilagay ka ba…” Diretsahang tanong ko.

“Ma’am may nilagay po akong gamot doon kasi nga iyon ang mariing utos ng customer namin. Kaya nga po pinigilan kita kaagad pero hindi po kayo nagpaawat at ipinagpatuloy pa ang pag-inom.” Paliwanag nito kaya ako naman ang malalim na napabuntong hininga.

Jusko! Gustuhin ko mang magreklamo at magalit kaso tama naman kasi ito. Malinaw sa alaala ko ang pagpigil nito sa ‘kin kagabi kaso binalewala ko lang kasi akala ko normal na alak lang.

Ahhhhh! Shit!

I bit my lower lip para pigilan ang emosyon ko. Ayaw ko ng makipagtalo pa dahil ako naman talaga ang nagkamali.

“A—anong klaseng gamot?” Tanging naging sunod na katanungang lumabas sa aking bibig.

“Gamot pampainit po ng katawan ma’am…. para sa sekswal na pampagana po. Iyon po kasi talaga ang request ng ibang mga customer namin dito.” Mahinang sagot nito dahil confidential nga naman ang ibinulgar nito sa ‘kin.

Kaya wala akong ibang nagawa kundi mariing napakagat sa aking labi saka nanghihinang tumalikod papaalis.

Galit ako! Pero wala na rin naman akong magagawa at wala akong ibang masisisi kundi ang sarili ko dahil masyado akong nagpadalos dalos sa pag inom ng alak na hindi para sa 'kin! Masyado akong nagmamadaling makalimot sa sakit kaya ganito ang kinahihinatnan.

Hindi ko na napigilan ang panunubig ng mga mata ko. At sakong malapit na ako sa may exit nang biglang makasalubong ko ang isang pamilyar na bulto ng lalaki.

Napaigtad ako at bahagyang napahinto. At nang dumako ang paningin ko sa kanya ay agad na nagsalubong ang mga mata namin. At base sa tipo ng tingin niya ay mukhang kanina pa ito nakamasid at nakakatitig sa akin.

Nakatayo ito na parang hari kaya di ko sadyang pasadahan ito ng tingin. Suot niya'y simpleng black sleeve at short na pambeach pero hindi iyon nakabawas sa tindig niya. Matangkad at matipuno ang katawan. Maamo ang napakagwapong mukha pero matalim ang mga mata at may bahid ng pagkasarkastiko ang ngiti niyang naka-ukit sa labi.

Literal na parang nagsitayuan lahat ng balahibo ko sa katawan. At bago pa man ako mapatulala ng tuluyan at mawala na naman sa sarili ay mabilis akong tumakbo papalabas ng bar.

Hingal na hingal ako pagkatapos. At nang ramdam kong nakakalayo na ako ay saka pa lamang ako huminto.

Jusme! Paano ko ba siya maiiwasan gayung nasa iisang resort lang kami? What if kaya umuwi nalang ako? De bale nalang yong naibayad ko, sa susunod nalang ako babawi ng bakasyon.

Kung ano- anong pumasok sa isipan ko. Ngunit agad din itong naudlot nang marinig ko ang isang baritonong boses sa likuran ko.

"Are you avoiding me huh!?"

Kilalang kilala ko ang boses nito kaya ngayo'y parang naging trumpo ang dibdib ko sa labis na pagwawala nito. Balak kong huwag na itong harapin at tumakbo nalang ulit.

Kaso bago ko pa man magawa yon ay ramdam ko na ang mahigpit na paghawak nito sa braso ko.

"Humarap ka sa 'kin Miss."

[May nakaabot na ba na nagbabasa rito? Pacomment po please. Thank you!]

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (11)
goodnovel comment avatar
delia homo
yes ganda kya
goodnovel comment avatar
Norelyn Pasion
nakakaexcite
goodnovel comment avatar
merlita
ano bayan dapat may baby na yan
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • One Hot Summer with the Billionaire   Kabanata 29

    “One, two, three… three thousand USD”Napabuntong hininga ako matapos bilangin ang halos tatlong buwan kong ipon mula sa pagpapart time bilang housekeeper. Kahit pa sabihing malaki na sana ito, kaso babawasan ko pa ito ng bayad sa renta, kuryente, tubig at araw araw na pangangailangan kaya mahihirapan pa rin akong makapag-ipon pandagdag sa tuition fee ko para sa masters degree. Iyon kasing binigay sa akin ni Kuya Edgar ay nabawasan ko na rin for my prenatal check-ups.Everything here is so expensive. Kaya sa kagaya kong nagsisimula ay talagang pahirapan pa.I sighed heavily saka ko hinaplos ang aking sinapupunan. My baby is my strength, lumalaki na siya sa loob ko at ilang buwan nalang ay masisilayan ko na ang mukha niya kaya dapat pa talaga akong magdoble kayod.“Magkakasama na rin tayo diyan after a month besh! Kaya huwag ka ng masyadong magpakastress okay?” Masayang balita ni Diana sa kabilang linya. Halos limang beses sa isang linggo itong tumatawag sa akin para mangumusta kaya ka

  • One Hot Summer with the Billionaire   Kabanata 28

    “Pasensiya na Iya but this is all we can offer. Pasensiya ka na at hindi ko pa napapalinisan, dalawang buwan na rin kasi itong bakante simula ng umalis ang nangupahan.” Puno ng sensiridad na turan ni Mrs. Elena Smith, tiyahin ni Diana na nakapag-asawa ng isang Amerikano. Ilang oras kasi makalipas ang pagtawag ko kay Diana ay dumating ito sa mismong park kung saan ako nakatambay saka ako nito dinala sa isang studio type na apartment na pagmamay-ari nilang mag-asawa. Diana contacted her and she wasn’t hesitated to help. She even travelled four hours mula pa Las Vegas kaya maluha luha naman akong ngumiti at taos pusong nagpasalamat. After all, napawi kahit papaano ang kamalasang nangyari sa akin. “Mrs. Smith, sobrang laking tulong na po nito sa ‘kin. I am very grateful na po na may matitirahan dito. Tsaka tanggapin niyo na po itong paunang bayad ko.” Turan ko saka kumuha ng ipapambayad sana kaso maagap nitong pinigilan ang kamay ko. “Iya, there’s no need for you to pay. Matalik

  • One Hot Summer with the Billionaire   Kabanata 27

    “I’m sorry but I can’t let you in. Walang abiso mula kay Tita Karen na may bisitang darating ngayon dito.” Halos manlumo ako at agad pinanghinaan ng tuhod nang ganito ang sumalubong sa akin matapos ang mahabang biyahe galing ng Pilipinas. Nandito ako ngayon sa harap ng mismong bahay namin sa Los Angeles. It was a townhouse bought by my parents. Highschool palang ako noon nung huling punta ko rito, noong buhay pa si mama at magkasama kaming nagbakasyon. At sa naalala ko ay may caretaker ang bahay na isa ring Filipina ngunit hindi ang babaeng ito sa harapan ko. The way she called ‘Karen’ tita ay mukhang kamag-anak ito ng magaling kong step mother. And the way this woman stood arrogantly, no question na may pinagmanahan ang budhi nito. Shit! At wala akong kaalam alam na may umaangkin na pala sa bahay ng pamilya ko! Alam kaya ito ni papa? Bakit hindi niya man lang ako nasabihan na may ibang nakatira rito gayung siya naman ang nagdesisyon na dito ako kumuha ng masters degree ko.

  • One Hot Summer with the Billionaire   Kabanata 26

    Samo’t saring emosyon ang nararamdaman ko ngayon habang kaharap ang manlolokong lalaki na ito kaya hindi agad ako nakapagreact. At ang mga mata ko’y mariing nakatutok sa kanya, iyong titig na nakakagalit.“Iya…”Muling usal pa nito sa pangalan ko kaya para akong biglang nanumbalik sa realidad.“You’re here! Akala ko nakaalis ka na ng bansa. Damn! Tama ang kutob ko.” Aniya pa at ngayon ko lang napansin ang kislap sa mga mata nito na para bang nagagalak na makita ako.Tang ina! Ano na naman kayang trip ng gagong ito gayung puro panlalait at panghuhusga lang ang inabot ko sa kanya at sa higad na babae niya last time sa engagement party ni Kelsey. Lalo na siguro nung nabunyag ang pinakatago tago kong sekreto.I stood straight while crossing my arms. “What are you doing here? Nandito ka ba para kutyain ako ulit?” Tuwid na tanong ko. Di man lang nagpakita ng anumang tuwa o interes sa kanya.“Iya, love... I wanted to talk to you. I really wanted to talk to you so badly.” Aniya na may mapait

  • One Hot Summer with the Billionaire   Kabanata 25

    “You’re free to go now, I won’t bother you again.’’Ang malamig na boses niya ang paulit-ulit na ume-echo sa aking pandinig habang naglalakad ako papalabas ng magarbo niyang bahay.Lakad sabay hinto. Ni hindi ko namalayan kung gaano katagal akong nakatayo sa harap ng pinto bago tuluyang gumalaw ang mga paa ko. I don’t know why I’m feeling this way pero para bang may pumipigil sa akin na lumabas. Na baka bawiin niya ang mga sinabi niya. Na baka sa sandaling ito ay bawiin niya ang kalayaan ko at itanong ulit ang tanong na pilit kong iniiwasan.Pero walang boses na humabol. Walang yabag ng paa. Walang nagpumilit.Shit! What’s fucking wrong with me? Ako itong nagsinungaling dahil ayaw ko na ng gulo pero ako din itong umaasa na hahabulin niya?I gulped hard saka ko marahang hinaplos ang umbok ng aking sinapupunan.“I know it’s you baby. Ikaw ang dahilan kung bakit ko ito nararamdaman. Ramdam mo rin ba ang presensiya ng ama mo anak? Do you want us to stay with him? Gusto mo bang kilalanin

  • One Hot Summer with the Billionaire   Kabanata 24

    I was too stunned to answer him. Ni hindi ko magawang ialis ang mga mata ko sa kanya. At masasabi ko na ibang iba ang awra niya ngayon kumpara noong nakilala ko siya sa resort. Matigas ang panga niya at seryoso ang mga mata habang nakatitig sa akin na para bang mariin akong pinag- aaralan. Para siyang boss sa sarili niyang emperyo na hinding hindi mo pwedeng suwayin. But above everything, hindi ko pa rin maidedeny sa sarili ko kung gaano siya kagwapo na wala kang anumang mapipintas sa kagwapuhan at kakisigang taglay niya. Bahagya nitong nilingon ang mga security niya sabay tango ng marahan na parang isang senyas. At wala pang isang segundo ay sabay sabay ang mga ito na lumabas ng kwarto kaya naiwanan na lamang kaming dalawa. At ang eksenang ito ay mas lalo lang nagpadagdag sa pagwawala ng dibdib ko at nagpatuliro sa buong sistema ko. Ilang minuto pang namayani ang katahimikan dahil hindi ko pa rin magawang ibuka ang bibig ko. Hanggang sa siya na rin ang kusang bumasag sa k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status