Hindi ko maintindihan ang sarili ko after hearing those words from him. Lumipas na ang isang buong araw at kasalukuyan na akong nandito sa kwarto ko, wala ng anumang nararamdaman at tinanggal na rin ng nurse ang IV na ikinabit sa akin.I mean, wala na akong anumang sakit na nararamdaman physically pero yong emotional at mental ko naman ang hindi pa stable.Jusmeyo! Pahamak naman kasi na lalaki yon! Kung bakit niya pa kasi iyon sinabi, heto tuloy at inaatake ako ng matinding guilt ko.Hindi ko rin naman kasi kayang ipagsawalang-bahala ang paulit-ulit na pagkakataon na iniligtas niya ako. Na kahit na wala naman siyang obligasyon na gawin iyon ay ginawa niya pa rin. Na kahit binastos ko na siya at ipinagtabuyan ay nagawa niya pa rin akong tulungan!Kaya tumatak talaga sa utak ko ang huling linyang binitawan niya. At dahil wala akong lakas ng loob na humingi ng tawad ay mas pinili ko na lang na umiwas, kagaya ng ginagawa rin niya.Oo, pag iwas. Dahil sa mabilis na paglipas ng mga araw ay
Last Updated : 2025-09-19 Read more