Share

Kabanata 6

Author: Mariya Agatha
last update Last Updated: 2025-09-10 20:04:03

“Shit!”

 Gusto kong iwaksi ang kamay nitong nakahawak sa akin para makatakbo ako papalayo—- kaso, literal na parang namanhid ang buong katawan ko, lalong lalo na nang maramdaman ko kung gaano kainit ang palad nito.

 “Why are you in so much hurry huh?” Malalim at baritono ang boses niya ng magsalita at dito’y tuluyan na akong nataranta.

“Oh my Goodness!” Bulong ko saka bahagyang umubo.

 “Si— sino ka ba? Pwede bang bitawan mo ako? Hindi kita kilala!” Pagkukunwaring sambit ko habang nananatiling nakatalikod pa rin na ngayo’y pinipilit na nagpupumiglas.

 Pero syempre hindi ako sinuwerte. Sa laking lalaki nito at sa laki pa ng muscles, parang hangin lang siguro ang lakas ko kumpara sa kanya.

 Rinig ko ang pagpakawala nito ng malalim na buntong hininga. “Should I laughed for that corny jokes?” Sarkastikong tanong niya kaya mas lalo akong nairita.

 “At sino bang may sabi sayo na nagbibiro ako ha?” Anas ko pa pero bigla na lamang itong natawa, iyong tipo ng tawa na sarkastiko ang tunog.

 “Hindi ba biro ang pagdeny na hindi mo kilala ng isang lalaki after giving yourself to him?” Diretsahan at walang paligoy ligoy na sagot niya kaya namilog ang mga mata ko at dito ay hindi ko na napigilang mapalingon sa kanya.

 “Excuse me? Anong sabi mo!?” Asik ko at ramdam ko ang labis na pag iinit ng aking mukha habang nakatingin sa kanya.

 Nakakunot lang ang noo niya at ang mukha ay nanatiling seryoso.

 “Do I need to repeat it Miss?” Sarkastikong sagot pa niya kaya pakiramdam ko pulang pula na ang mukha ko sa magkahalong kahihiyan at pagkairita.

 “Uhmmmmp!! Ahhhhhh!” Napasigaw na lamang ako sabay duro ng hintuturo ko sa noo nito. I even tiptoed para makaabot ang kamay ko dahil napakatangkad nitong lalaki. Wala man lang panama ang height kong 5 feet and 5 inches.

 “What happened was just a mistake, literally one of the biggest mistake of my life! Kung alam mo lang kung gaano ko iyon pinagsisihan. Kaya sana kalimutan mo na rin ang nangyari at huwag na huwag mo na akong lapitan o gambalain! Understood!?” Buong loob na tugon ko pero hindi ko man lang mabasa ang emosyon nito maliban sa napakaseryoso nitong mukha na hindi man lang natinag.

 Kinuha ko na ang pagkakataon, dahil lumuwag na rin naman ang pagkakahawak nito sa akin kaya mabilis akong kumawala at tumalikod. 

Ngunit bago pa ako makahakbang paalis ay narinig ko ang baritonong sagot nito.

“If that’s what you want then fine! Sino ka nga naman para paglaanan ng panahon. You’re not even my type.” Sarkastikong sagot niya kaya napamaang ako.

A— anong sabi niya!?

At sa muli kong paglingon ay tuluyan na rin itong tumalikod saka mabilis na naglakas papaalis.

“Ahhhhh shit!”

Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa ulo sa sobrang pagkainsulto. At ang masaklap ay hindi ko man lang nagawang ipagtanggol ang sarili ko.

Ang kapal niya! Hindi niya ako type!? Aba mas lalong di ko siya type! At kung sino man ako para paglaanan ng atensyon niya, sino rin ba siya para bigyan ko ng pansin!?

Nanggagalaiti akong naglakad papalayo. Nakailang pakawala pa ako ng malalim na buntong hininga para pakalmahin ang sarili.

Kung alam ko lang na ganito ang magiging takbo ng gabing ito sana hindi nalang ako lumabas ng kwarto. Yon nga lang ay hindi ko naman pwedeng pagsisihan ang nalaman ko kung bakit ako nagkaganun! Shit! Kaya hindi na talaga ako basta basta iinom pa.

Hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa isang bonfire party. Maraming mga turista ang nagkakasiyahan kaya naupo ako sa may buhangin habang nakatanaw sa kanila para aliwin ang aking sarili.

 Ang dagat ay kalmado at ang buwan ay bilog na bilog sa itaas na siyang nakadagdag ng liwanag na tila ba nakikipagsabayan sa mga ilaw ng resort. 

Di ko mapigilang makaramdam ng inggit sa mga nagkakasiyahan na animo’y walang mga problemang dinadala. Habang ako? Magmula pa man nuun ay hindi na tinantanan ng mga pasanin sa buhay. Saka pa nga lang ako nakaramdam ng ginhawa noong tuluyan akong umalis sa puder ng ama ko. At nung nakilala ko si Red, akala ko tuloy tuloy na ang kasiyahan ko. Pero heto at nalugmok na naman ako ulit dahil sa panloloko niya. At ang malala pa ngayon ay nawala na sa akin ang pinakainiingatan kong puri dahil sa kagustuhang makalimot na agad sa sakit at hinagpis.

Nangilid na ang mga luha ko at hinayaan ko lang ang pag agos nito. Nagbakasyon nga ako para mawala ang kung anumang sakit at pagdurusa pero parang nadagdagan pa ata dahil sa isang gabing pagkakamali na iyon.

Ilang oras din akong nanatili sa kinauupuan, pinagsawa ang sarili sa panonood hanggang sa napagdesisyonan kong bumalik na sa kwarto para matulog.

Ngunit, habang naglalakad ako ay may nakasalubong akong tatlong kalalakihan na paluray luray na halatang mga nakainom.

“Ui, Ang ganda!” Rinig kong sambit ng isa na nakaturo pa sa mismong direksyon ko kaya bahagya akong napatigil at napalingon sa likuran ko. Napakurap ako ng wala akong makitang ibang tao.

So ako ang tinutukoy ng lalaking ‘to?

“Aba, jackpot nga!” Bulalas naman ng isa pa. Nakangisi ito at pula na ang mga mata. N*******d pa ang pang itaas na suot nito na animo’y tambay na maton sa kanto.

Nakaramdam bigla ako ng kaba pero pinilit kong kumalma.

“Ma— magandang gabi,” Mahina kong wika sabay tuloy tulog ng lakad. Shit! Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Pero bago pa man ako makalayo ay narinig kong sumigaw ang isa. “Hoy Miss, saglit lang. Sama ka muna sa amin. Huwag kang suplada.”

Sigaw nito at narinig ko ang tawanan ng dalawa pa. Mas lalong nag-init ang mukha ko sa kaba. Hindi ko sila kilala at wala akong kasama. At kahit nasa loob kami ng resort, hindi iyon garantiya ng kaligtasan lalo pa at wala akong ibang nakikitang tao ngayon dito.

Jusko!

Hindi ako sumagot at mas binilisan ko pa ang paghakbang ko. Pero sa bawat mabilis kong galaw ay nararamdaman kong sumusunod sila.

At kung kanina ay parang paluray luray ang mga ito, ngayon ay ang bibilis na maglakad.

“Miss, halika na! Huwag ka ng magpakipot. Sayang naman ang gabi.”

“Pabebe pa, eh kanina ko pa siya nakikita na mag isa lang at halatang naghahanap din ng kasama.”

Kanya kanyang sambit ng mga ito kaya halos madapa na ako sa bilis ng paglalakad ko habang kagat kagat ko ang ibabang labi. Ramdam kong nagsisimula na ring manginig ang kamay ko.

Jusko! Kailan ba ako tatantanan ng kamalasan?

At sa isang iglap, bago pa man ako makatakbo ay nahawakan na ng isang lalaki ang braso ko.

“Sandali lang naman—”

“Bitawan mo ako!” Malakas na sigaw ko at pilit na kumakawala sa malakas na pagkakahawak nito. Nagwawala na ang dibdib ko sa sobrang kaba at pagkataranta.

“Tu—- tulong!! Tulungan niyo ako!” Malakas na sigaw ko ngunit dahil sa katahimikan ng lugar at medyo madilim pa ang parteng ito ay parang kami kami lang din ang nakakarinig ng pagsigaw ko.

Jusko!

Tumawa ang isa, amoy alak ang hininga nito nang lumapit sa akin. “Relax ka lang, Miss. Hindi naman namin intensyong saktan ka. Pasarapan siguro, Oo.” Anito sa hayok na boses kaya ramdam ko na ang panginginig ng tuhod ko. 

“Ahhh bastos! Tu—” Sinubukan ko pang sumigaw pero mabilis natakpan ng isa ang bibig ko gamit ang palad nito.

Buong pwersa akong nagpumiglas ngunit dalawang lalaki na ang nakahawak sa mga braso ko habang ang isa ay nakatakip pa sa bibig ko.

Naglandasan na ang luha sa mga mata ko dahil sa labis na takot at pagkabahala.

Jusko! Di– dito na ba magtatapos ang buhay ko? Sa mga walang kwentang manyakis na ito? Ni hindi ko pa naranasang sumaya ng tuluyan tapos magiging ganito lang ang kahihinatnan ng buhay ko?

Ahhhhhh!

“Ang kinis ng kutis! Ang sarap nito!” Hayok na usal ng isa.

Napapikit na lamang ako ng mariin habang patuloy sa pagragasa ang mga luha sa aking mga mata. Hanggang sa unti unti kong naramdaman ang paghaplos ng kamay nito sa mukha ko pababa sa aking leeg, braso—

Pero bago pa man ako tuluyang lamunin ng takot at kawalang pag- asa ay isang malakas na tinig ang bumasag sa paligid.

“BITAWAN NIYO SIYA!”

Parang biglang bumagal ang paghinga ko kasabay ng pagdilat ko ng aking mga mata. Ang boses nito ay baritono,matapang at puno ng pagbabanta. 

At hindi ko kailangang lumingon para malaman kung kanino ito galing dahil kilala ko ang tinig na ito!

At sa isang iglap lang ay para siyang bagyong dumating. Nasa harapan ko na siya bago pa makagalaw ang mga manyakis na lalaki.

Ang mga mata niya’y nanlilisik. At ang panga niya’y nakaigting. Para siyang ibang tao ngayon sa paningin ko. Parang hindi siya yong estrangherong kilala ko. Ang dating niya ay napakaseryoso at parang nakakatakot.

“Get your dirty hands of her!” Ma-autoridad niyang asik sabay hawak sa braso ng mga lalaking humahawak sa akin. At sa lakas ng pagkakahatak niya ay agad na napabitaw ang mga ito.

“Pare, chill ka lang,” Depensa ng isa, pero halata ang sobrang pagkataranta. “Nagbibiro lang kami.”

“Biro ba yang panghaharass niyo?!” Singhal niya. “Biro ba ‘yong tinatakpan niyo ang bibig niya para hindi siya makasigaw?!” Nanggagalaiting asik pa niya.

Tahimik. Walang kumibo. Ramdam kong kumurap-kurap ang mga lasing pero hindi nila masagot ang tanong.

Hanggang sa isang iglap lang ay isa isa niyang binigyan ang mga ito ng sipa, suntok at tadyak kaya walang kalaban laban na humandusay ang mga ito sa buhangin.

Napakagaling niyang makipaglaban at hindi man lang makabuwelo ang mga ito. Para siya isang magaling na martial artist.

“Subukan niyo pang lumapit o mambastos sa kanya o sa kung sinumang babae at sisiguraduhin kong hindi na kayo makakalakad.” 

Mariin at puno ng pagbabantang asik niya kaya halos gumapang na ang mga ito papalayo hanggang sa tuluyan silang naglaho sa dilim.

“Are you okay?” Tanong niya sa baritonong boses ngunit ramdam ko ang pag aalala.

Nanginginig pa rin ang mga kamay ko hanggang sa hindi ko na napigilan ang sariling mapahagulhol.

“Pssssh, it’s alright. Ligtas ka na.” He uttered kasabay ng marahan niyang paghaplos sa aking likuran. At dala ng bumuhos kong emosyon ay basta na lamang ako napayakap sa kanya.

At sa dibdib ng isang estrangherong gusto kong iwasan at layuan ay ipinagpatuloy ko ang pagluha.

[ Comments and votes po are highly appreciated! Salamat sa inyo. ]

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (8)
goodnovel comment avatar
Espie Ingat
Nakaka excite basahin...
goodnovel comment avatar
Evangeline Carandang
Ang ganda exciting nakakakilig.........️
goodnovel comment avatar
Mildred Dean
Nakakakilig ah ahahhaa
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • One Hot Summer with the Billionaire   Kabanata 29

    “One, two, three… three thousand USD”Napabuntong hininga ako matapos bilangin ang halos tatlong buwan kong ipon mula sa pagpapart time bilang housekeeper. Kahit pa sabihing malaki na sana ito, kaso babawasan ko pa ito ng bayad sa renta, kuryente, tubig at araw araw na pangangailangan kaya mahihirapan pa rin akong makapag-ipon pandagdag sa tuition fee ko para sa masters degree. Iyon kasing binigay sa akin ni Kuya Edgar ay nabawasan ko na rin for my prenatal check-ups.Everything here is so expensive. Kaya sa kagaya kong nagsisimula ay talagang pahirapan pa.I sighed heavily saka ko hinaplos ang aking sinapupunan. My baby is my strength, lumalaki na siya sa loob ko at ilang buwan nalang ay masisilayan ko na ang mukha niya kaya dapat pa talaga akong magdoble kayod.“Magkakasama na rin tayo diyan after a month besh! Kaya huwag ka ng masyadong magpakastress okay?” Masayang balita ni Diana sa kabilang linya. Halos limang beses sa isang linggo itong tumatawag sa akin para mangumusta kaya ka

  • One Hot Summer with the Billionaire   Kabanata 28

    “Pasensiya na Iya but this is all we can offer. Pasensiya ka na at hindi ko pa napapalinisan, dalawang buwan na rin kasi itong bakante simula ng umalis ang nangupahan.” Puno ng sensiridad na turan ni Mrs. Elena Smith, tiyahin ni Diana na nakapag-asawa ng isang Amerikano. Ilang oras kasi makalipas ang pagtawag ko kay Diana ay dumating ito sa mismong park kung saan ako nakatambay saka ako nito dinala sa isang studio type na apartment na pagmamay-ari nilang mag-asawa. Diana contacted her and she wasn’t hesitated to help. She even travelled four hours mula pa Las Vegas kaya maluha luha naman akong ngumiti at taos pusong nagpasalamat. After all, napawi kahit papaano ang kamalasang nangyari sa akin. “Mrs. Smith, sobrang laking tulong na po nito sa ‘kin. I am very grateful na po na may matitirahan dito. Tsaka tanggapin niyo na po itong paunang bayad ko.” Turan ko saka kumuha ng ipapambayad sana kaso maagap nitong pinigilan ang kamay ko. “Iya, there’s no need for you to pay. Matalik

  • One Hot Summer with the Billionaire   Kabanata 27

    “I’m sorry but I can’t let you in. Walang abiso mula kay Tita Karen na may bisitang darating ngayon dito.” Halos manlumo ako at agad pinanghinaan ng tuhod nang ganito ang sumalubong sa akin matapos ang mahabang biyahe galing ng Pilipinas. Nandito ako ngayon sa harap ng mismong bahay namin sa Los Angeles. It was a townhouse bought by my parents. Highschool palang ako noon nung huling punta ko rito, noong buhay pa si mama at magkasama kaming nagbakasyon. At sa naalala ko ay may caretaker ang bahay na isa ring Filipina ngunit hindi ang babaeng ito sa harapan ko. The way she called ‘Karen’ tita ay mukhang kamag-anak ito ng magaling kong step mother. And the way this woman stood arrogantly, no question na may pinagmanahan ang budhi nito. Shit! At wala akong kaalam alam na may umaangkin na pala sa bahay ng pamilya ko! Alam kaya ito ni papa? Bakit hindi niya man lang ako nasabihan na may ibang nakatira rito gayung siya naman ang nagdesisyon na dito ako kumuha ng masters degree ko.

  • One Hot Summer with the Billionaire   Kabanata 26

    Samo’t saring emosyon ang nararamdaman ko ngayon habang kaharap ang manlolokong lalaki na ito kaya hindi agad ako nakapagreact. At ang mga mata ko’y mariing nakatutok sa kanya, iyong titig na nakakagalit.“Iya…”Muling usal pa nito sa pangalan ko kaya para akong biglang nanumbalik sa realidad.“You’re here! Akala ko nakaalis ka na ng bansa. Damn! Tama ang kutob ko.” Aniya pa at ngayon ko lang napansin ang kislap sa mga mata nito na para bang nagagalak na makita ako.Tang ina! Ano na naman kayang trip ng gagong ito gayung puro panlalait at panghuhusga lang ang inabot ko sa kanya at sa higad na babae niya last time sa engagement party ni Kelsey. Lalo na siguro nung nabunyag ang pinakatago tago kong sekreto.I stood straight while crossing my arms. “What are you doing here? Nandito ka ba para kutyain ako ulit?” Tuwid na tanong ko. Di man lang nagpakita ng anumang tuwa o interes sa kanya.“Iya, love... I wanted to talk to you. I really wanted to talk to you so badly.” Aniya na may mapait

  • One Hot Summer with the Billionaire   Kabanata 25

    “You’re free to go now, I won’t bother you again.’’Ang malamig na boses niya ang paulit-ulit na ume-echo sa aking pandinig habang naglalakad ako papalabas ng magarbo niyang bahay.Lakad sabay hinto. Ni hindi ko namalayan kung gaano katagal akong nakatayo sa harap ng pinto bago tuluyang gumalaw ang mga paa ko. I don’t know why I’m feeling this way pero para bang may pumipigil sa akin na lumabas. Na baka bawiin niya ang mga sinabi niya. Na baka sa sandaling ito ay bawiin niya ang kalayaan ko at itanong ulit ang tanong na pilit kong iniiwasan.Pero walang boses na humabol. Walang yabag ng paa. Walang nagpumilit.Shit! What’s fucking wrong with me? Ako itong nagsinungaling dahil ayaw ko na ng gulo pero ako din itong umaasa na hahabulin niya?I gulped hard saka ko marahang hinaplos ang umbok ng aking sinapupunan.“I know it’s you baby. Ikaw ang dahilan kung bakit ko ito nararamdaman. Ramdam mo rin ba ang presensiya ng ama mo anak? Do you want us to stay with him? Gusto mo bang kilalanin

  • One Hot Summer with the Billionaire   Kabanata 24

    I was too stunned to answer him. Ni hindi ko magawang ialis ang mga mata ko sa kanya. At masasabi ko na ibang iba ang awra niya ngayon kumpara noong nakilala ko siya sa resort. Matigas ang panga niya at seryoso ang mga mata habang nakatitig sa akin na para bang mariin akong pinag- aaralan. Para siyang boss sa sarili niyang emperyo na hinding hindi mo pwedeng suwayin. But above everything, hindi ko pa rin maidedeny sa sarili ko kung gaano siya kagwapo na wala kang anumang mapipintas sa kagwapuhan at kakisigang taglay niya. Bahagya nitong nilingon ang mga security niya sabay tango ng marahan na parang isang senyas. At wala pang isang segundo ay sabay sabay ang mga ito na lumabas ng kwarto kaya naiwanan na lamang kaming dalawa. At ang eksenang ito ay mas lalo lang nagpadagdag sa pagwawala ng dibdib ko at nagpatuliro sa buong sistema ko. Ilang minuto pang namayani ang katahimikan dahil hindi ko pa rin magawang ibuka ang bibig ko. Hanggang sa siya na rin ang kusang bumasag sa k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status