One Hot Summer with the Billionaire

One Hot Summer with the Billionaire

last updateLast Updated : 2025-09-04
By:  Mariya AgathaUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
4Chapters
18views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Matapos masaksihan ang pagtataksil ng kanyang nobyo, nagpasya si Iya na lumayo at magtungo sa isang island resort upang pansamantalang kalimutan ang sakit na iniwan ng lalaking minahal. Inasahan niyang ang tunog ng hampas ng alon at ang init ng araw ang magiging lunas sa sugatan niyang puso. Ngunit tila may ibang plano ang tadhana. Sa resort na iyon, nakilala niya si Troy — isang gwapo at misteryosong estranghero na may kakaibang dating. Hindi pa sana siya handa sa presensiya ng lalaki. Ngunit paano niya tatanggihan ang init na dala nito sa kanyang puso at buong sistema? And with his one look and soft touch, Iya’s summer heat turned into fire. Hanggang sa halos gabi gabi na niyang natatagpuan ang sarili sa kanlungan ng lalaking maging pangalan ay hindi niya kilala.

View More

Chapter 1

Kabanata 1

( Iyana’s POV )

“Uuwi ka na Iya? Hindi ka ba mag OOT ngayon?” Nagtatakang tanong ng ka-officemate slash kaibigan kong si Liza habang nakataas ang isang kilay na animo’y may nahuhulaan na ito sa kanyang isipan.

Napangiti ako, pilit itinatago ang kilig na nararamdaman. “Oo, anniversary kasi namin ni Red. May surpresa lang ako sa kanya.”

Nairolyo ni Liza ang mga mata niya. “Naku! Pagkaswerte swerte din naman talaga ng nobyo mong iyan. Ikaw itong todo effort sa relasyon niyo ha! Habang siya? No comment!” Palatak pa niya pero hindi na ako umimik. Tanging simpleng ngiti lang ang naging sagot ko saka dali dali niligpit ang mga gamit na nakakalat sa table ko.

Hindi na ako nagdetalye pa. Para sa akin ay sapat ng alam ko na ako lang ang makakapagbigay ng ganitong surpresa sa nobyo kong si Red. Dalawang taon na kaming magkarelasyon at sa loob ng dalawang taong iyon ay ako talaga ang mahilig mag effort at nagbibigay ng surpresa. Lalo na at hindi basta ordinaryong lalaki ang nobyo ko.

He came from a well off family habang ako’y isang simpleng babae lang na nagtatrabaho bilang office staff sa isang financing company na pagmamay-ari ng tiyuhin niya. At iyon din ang dahilan kung bakit kami nagkakilala.

Kaya maraming nagtaas ng kilay nung malaman ng mga tao sa paligid namin ang relasyon namin. Na kesyo masyadong matayog si Red sa isang kagaya kong ordinaryong babae lang.

But I didn’t mind them. Sapat na sa akin na ako ang pinili ni Red. At ramdam ko rin ang pagmamahal niya, lalong lalo na ang respeto. Dahil magpahanggang ngayon ay hindi ko pa naisusuko sa kanya ang bataan ko dahil gusto kong ito ang pinakamagandang maireregalo ko sa kanya kapag kasal na kami. And he respected me. Hanggang halik lang ang naibibigay ko sa kanya at kontento naman siya roon.

“Mauna na ako sayo Liza. See you tomorrow.” Nakangiting paalam ko sa kaibigang officemate kaya naiiling na lamang nitong itinaas ang kamay niya.

Plano kong puntahan ngayon si Red sa condo unit niya— isang lugar na halos naging extension na ng bahay ko sa dami ng mga araw na pumupunta ako roon para ipaglaba siya at ipagluto ng mga paborito niyang ulam.

That’s my love language kaya masaya akong pinagsisilbihan siya kahit na afford niya naman sana kumuha ng katulong.

At bago pa ako pumara ng taxi ay dumaan muna ako sa isang sikat na bakeshop para bumili ng paborito niyang red velvet cake na may nakasulat na ‘Happy 2nd Anniversary love’. Alam kong matutuwa siya sa simpleng regalo ko na ito dahil ganitong cake rin ang dala ko nung birthday niya last month na cenelebrate din namin si condo unit niya at naparami ang kain niya.

Tsaka balak ko ring ayain siya ng dinner sa paborito niyang restaurant dahil alanganin na sa oras kung magluluto pa ako. At libre ko kahit pa afford niya naman kahit saang mamahaling kainan pa. May sapat na ipon naman ako kaya ayos lang na bawasan ko ito sa mga espesyal na okasyon ng buhay namin kagaya ng araw na ito kung saan anniversary namin.

Habang lulan ng taxi ay huminga ako ng malalim habang tinatanaw ang papalubog na araw. Sa isip ko ay perfect na timing ang lahat. Hindi niya alam na darating ako dahil nag alibi ako kanina sa kanya na mag- oovertime ako. Hindi ko nga rin binanggit sa kanya na anniversary namin ngayon at hindi ko rin alam kung naalala ba niya. Gusto ko kasing makita ang reaksiyon niya, iyon bang genuine na pagkabigla at yong tipong yayakapin niya ako at sasabihan ng ‘Thank you and I love You love'.

Pinamulahan ako ng mukha sa kilig dahil sa naiisip.

Kaya pagdating ko sa condo building ay ramdam ko ang pamilyar na amoy ng polished wood at malamig na hangin mula sa centralized aircon. Nakasanayan ko na ito kaya halos hindi na ako nahirapang makalusot. Kilala na rin ako ng guard sa lobby.

“Good evening Ma’am Iya.” Bati niya na may magalang na ngiti ngunit bahagya akong nagtaka dahil parang may kasamang pamumutla ang ekspresyon ng mukha nito.

Pero hindi ko na lamang ito pinansin pa at ngumiti ako saka kumaway ng bahagya. “Good evening po kuya. Akyat na po ako.”

Saka nagmamadali akong sumakay ng elevator dahil sa nararamdamang excitement. Limang araw na kasi kaming hindi nagkita ni Red dahil may inattenand siyang out of town na conference. That’s why I miss him so bad.

At habang tumataas ang palapag ay mas lalong nagwawala ang puso ko dahil sa matinding excitement. Kaya balak ko ring buksan ang condo niya gamit ang duplicate key na ibinigay niya sa akin para talaga mas intense yung surprise ko.

Sa wakas ay narating ko na ang kanyang palapag. Tahimik ang hallway at tanging tunog ng aking hakbang at ang malakas na pintig ng puso ko lang ang naririnig ko.

At nang nasa tapat na ako ng kanyang unit ay nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga. Marahan at maingat kong hinawakan ang door handle saka ito marahang pinihit matapos ko itong masusian.

Agad akong napangiti at pumasok ng dahan-dahan. Una kong naamoy ang faint scent ng kanyang pabango na laging bumabalot sa bawat sulok kaya mas lalo akong naging excited na mayakap na siya.

Ngunit bago pa man ako makalapit ay parang napansin ko ang kakaibang ambiance. Dimmed ang ilaw at mula sa kwarto niya ay may naririnig akong mga impit na ungol.

Napakunot ang noo ko. TV ba iyon? O baka may video lang siyang pinapanood?

Dahan-dahan akong lumapit habang pilit pinapakalma ang sarili.

Ngunit habang papalapit ay mas lumilinaw ang naririnig ko. Hindi iyon mula sa TV. Mga ungol iyon— ungol ng babae na puno ng halakhak at halinghing.

Shit!

Natigilan ako. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak pa rin ang paper bag na may lamang cake. Pinilit kong huwag mag-isip ng masama, baka mali lang ang iniisip ko. Baka may bisita lang siya, baka… baka kasamahan niya sa trabaho…. baka may paliwanag siya…

Ngunit ang lahat ng “baka” ay tuluyang nawasak nang marinig ko ang boses ni Red. Paos ngunit higit na nangingibabaw ang bawat ungol.

“Ang sarap mo, babe Ohhh! Nababaliw ako sayo!”

Jusko!

Natakpan ko ang bibig upang pigilan ang paghikbi. Parang gumuho ang mundo ko! Napaatras ako ng isang hakbang at ramdam ko ang panlalamig ng buo kong katawan. Gusto kong tumakbo, gusto kong umalis, pero parang may kung anong nagtulak sa akin na buksan ang pinto ng kwarto niya para mas makita ko pa ang nangyayari kahit na alam kong ikakadurog ko ito.

At nang masilayan nga ito ng mga mata ko ay tuluyan ng nadurog ang puso ko!

Nakita ko si Red, hubo’t hubad habang nasa ibabaw ng isang babaeng hindi ko kilala. Ang kanilang mga katawan ay magkadikit, pawis na pawis at pagnanasa ang nangingibabaw. Ang babae ay nakayakap sa kanya na halatang sarap na sarap sa pagbayo ni Red sa ibabaw niya. At si Red? Ang lalaking akala ko ay tapat ang pagmamahal sa akin, ang lalaking inalayan ko ng buong pagmamahal, ay nakatingin sa kanya na puno ng sarap at pagnanasa.

Shit!

Bumigat ang dibdib ko at halos hindi ako makahinga. Napakapit ako sa hamba ng pinto para kumuha ng suporta na hindi matumba. 

Gusto kong isigaw ang sakit! Gusto kong itapon ang lahat ng galit ko! Pero tila naparalyze ako bigla at hindi ko man lang magawang gumalaw habang ang mga mata ay nasaksihan ang kababuyan ng nobyo kong nagpapakasarap sa kandungan ng ibang babae.

Minsan pala, kapag sobra na ang sakit ay parang bigla kang nauubusan ng lakas. Parang biglang naupos lahat ng emosyon ko at ang natira na lang ay ang pagkamanhid.

Hanggang sa ang pag iyak ko ay nagkaroon ng tunog ng hindi ko sinasadya dahilan para mapalingon si Red sa direksyon ko. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako, halos mabulunan siya sa gulat at dali daling umalis sa ibabaw ng babae.

“I-Iya…” Halos bulong niyang sabi. Agad niyang tinakpan ang hubad niyang katawan habang ang babae naman ay agad nagtakip ng kumot. Mababanaag sa mukha nito ang pagtataka sa biglaang pagdating ko.

Napatitig ako kay red, pilit iniipon ang lakas ng boses ko. “I am here to suprise you! Pero ako pala ang masusurprise! Ang baboy mo Red! Ang bababoy niyo!” Sigaw ko na puno ng pait.

Nagulat ako na kumawala ang mga salitang ito sa aking bibig habang hawak hawak pa rin ang paper bag na may lamang cake.

“Love, hindi… hindi ito yung iniisip mo… I’ll explain” Alanganing wika niya na halos hindi makatingin ng diretso sa 'kin.

Napahagikhik ako, isang mapait na halakhak na hindi ko rin inaasahang lalabas mula sa akin. 

“At ano ang ipapaliwanag mo huh? Anong tingin mo sa ‘kin? Tanga? Bulag? Red oh! Kitang kita na ng dalawang mga mata ko kung paano ka nagpapakasarap sa katawan ng ibang babae!”

Gusto ko siyang lapitan at sampalin, gusto kong ibuhos lahat ng galit ko pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong ibaba ang dignidad ko sa puntong ito. Maaaring hindi kami magkasing level pagdating sa yaman pero ipapakita ko pa rin na marangal akong babae.

“Alam mo ang tanga-tanga ko,” Dugtong ko habang nanginginig ang tinig dahil sa pag iyak. 

“Naniwala ako sa lahat ng mga sinabi mo! Buong pag aakala ko ay tapat ka, tapat yang pagmamahal mo sa ‘kin. Pero nakatago pala ang kababuyan mo!” Puno ng hinanakit na wika ko pero hindi ko inaasahan ang biglang pagsabat ng babae.

“Ito ba yung sinabi mong jowa mo Red na Manang?” Ani nito saka tiningnan ako mula ulo hanggang paa, “Girl, manalamin ka nga! Sino bang lalaki ang hindi maghahanap ng iba kung isang Manang naman na kagaya mo ang nobya? Sige, sabihin na nating maganda ka! Pero hindi mo naman kayang paligayahin si Red sa kama hindi ba? Kaya natural! Maghahanap talaga ng puputukan.” Proud pa na wika ng babae kaya nanlaki ang mga mata ko habang kuyom ang kamao dahil sa galit.

“Yvonne shut up!” Saway ni Red sa babae saka ito humakbang papalapit sa akin.

Pero hindi ko na hinintay na malapitan pa niya ako. Ayaw kong madantayan ang inosenteng balat ko nang marumi niyang mga kamay.

“Maghiwalay na tayo kaya malaya ka ng makipagsex sa mga mababang babae! And excuse me Miss, maaaring Manang ako pero maipagmamalaki kong disente ako at marangal. What about you!?” Lakas loob na sambit ko at kita ko ang labis na pamumula ng mukha ng babae. Hindi ko na rin na hinintay pa ang magiging sagot ni Red dahil wala na rin namang saysay pa.

Mabilis kong iniwan ang paper bag sa sahig kasama ng lahat ng effort at pagmamahal na pinaghirapan ko sa loob ng dalawang taon naming magkarelasyon.

Mabilis akong tumakbo palabas ng condo unit niya, hindi ko na inalintana ang pagtawag ni Red sa pangalan ko.

Magsama sila mga baboy!

At paglabas ng condo unit niya ay doon na nagsimulang manginig ang mga kamay ko. Ramdam ko ang pag-ikot ng mundo na para bang lahat ng kulay ay biglang naglaho. Pinilit kong huwag lumuha sa hallway pero pagdating ko ng elevator ay dito na bumuhos ang lahat.

Tuloy-tuloy ang mga luha ko sa pagragasa, walang tigil habang paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang nakita ko. Ang ungol nilang dalawa. Ang boses ni Red na nasasarapan. Ang hubad niyang katawan sa ibabaw ng ibang babae.

Shit!

Hindi ko na alam kung paano ako nakarating sa labas ng building. Basta ang alam ko lang ay ramdam ko ang napakalaking sugat na iniwan niya. Isang sugat na hindi kayang pagalingin ng kahit anumang sorry niya. He broke me!

At sa gabing ito, isang bagay lang ang malinaw sa akin, tapos na ang lahat sa amin ng lalaking labis kong minahal. Ang pagmamahal ko na ilang taon kong inalagaan ay winasak niya sa isang iglap lang.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
4 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status