Se connecterSi Elisse Marquez ay dahan-dahang nagmulat ng mata kinaumagahan sa loob ng marangyang penthouse ni Matteo Alvarez sa Makati. Ang ilaw mula sa malalaking glass windows ay marahang tumatama sa kumot na nakabalot sa kanila. Nasa tabi niya si Matteo—gising na, tahimik, at nakatitig sa kanya na para bang ayaw niyang kumurap kahit isang segundo.
Pagdating nina Elisse at Paula sa harap ng sikat na Latin bar sa Makati, agad silang sinalubong ng malamig na simoy ng gabi at ng makukulay na ilaw na nagmumula sa eleganteng establisimyento. Ang malaking neon sign na may nakasulat na “Limón, Tequila e Sal” ay kumikislap sa itaas ng entrada habang dinig na dinig mula sa loob ang masiglang tugtog ng banda.Nakatayo sa may pinto si Virginia, nakayakap sa isang matangkad at matipunong lalaki. Pareho silang may mapupungay na mata at mamula-mulang buhok kaya agad nahulaan ni Elisse na magkapatid ang dalawa.Nang makita sila, agad lumawak ang ngiti ni Virginia.“Wow! Grabe naman kayong tatlo! Ang gaganda ninyo!” masiglang bati nito habang isa-isang niyayakap sina Elisse at Paula. “Kailangan ninyo akong
“Derick”Noong pumasok ako sa boutique para lang sana batiin sina Paula at Elisse, ni hindi sumagi sa isip ko na makikilala ko ang pinakamagandang babaeng nakita ko sa buong buhay ko.Literal na diyosa.Parang lumulutang siya habang naglalakad. May kakaibang glow ang balat niyang morena, na para bang tinatamaan siya lagi ng ginintuang ilaw. At noong unang beses kong makita ang katawan niyang toned at napakaganda ng hubog, halos mawalan ako ng matinong pag-iisip.Si Samantha.Simula nang makita ko siya, wala na akong ibang naisip kundi kung gaano kasarap halikan ang bawat pulgada ng balat niyang kulay tsokolate, habang nilalaro ng mga daliri ko ang maliliit niyang kulot na buhok.
“Matteo”Hindi ako mapakali.Pagkatapos ng dinner namin nila Paula at Richard, malinaw na malinaw ang bilin ni Paula sa akin: huwag akong mawawala sa buhay ni Elisse. Kailangan daw maramdaman nito na seryoso ako, na hindi ako sumusuko, at higit sa lahat, na tunay kong pinagsisisihan ang lahat ng sakit na naibigay ko sa kanya.Kaya sinunod ko ang bawat payo niya.Nagpadala ako ng panibagong bouquet ng tulips sa condo ni Elisse. Ayon kay Paula, sobrang nagustuhan daw iyon ni Elisse, lalo na nang mabasa nito ang kahulugan ng bulaklak. Simula noon, sinabi ni Paula na siguraduhin kong may bagong arrangement siyang matatanggap kada linggo.At ginawa ko nga.
“Matteo”Maagang dumating si Matteo Alvarez sa opisina nang araw na iyon. Tahimik pa ang buong gusali ng Paulaendez Group of Companies at tanging mga ilaw lamang mula sa hallway at reception area ang nagbibigay-liwanag sa malawak na lobby. Gusto niya ang ganoong klase ng katahimikan—walang istorbo, walang taong nagtatanong, walang ingay na sumisira sa konsentrasyon niya.Pero kahit gaano katahimik ang paligid, hindi matahimik ang isip niya.Pagkapasok niya sa opisina ay agad niyang binuksan ang laptop at sinimulang suriin ang pinakabagong ulat mula sa audit team. Habang tumatagal, mas lalo lamang lumalalim ang mga anomalya sa kum
POV: Matteo AlvarezTahimik na nakatanaw si Matteo sa malawak na salamin ng airport habang pinapanood ang mga eroplanong isa-isang lumilipad papunta sa iba’t ibang direksyon. Katabi niya si Vincent Aguire, kapwa tahimik habang hinihintay nilang tuluyang makasakay si Joselyn sa flight nito.May kakaibang lungkot na bumabalot kay Matteo.Pakiramdam niya ay unti-unti na namang nababawasan ang mga taong nagsisilbing sandalan niya sa buhay.Malaki ang naging bahagi ni Joselyn sa Paulaendez Group of Companies. Hindi lamang ito isang mahusay na executive—isa rin itong taong naging parang pamilya para sa kanya sa loob ng maraming taon.Simula pagkabata niya, lagi na itong nasa paligid.Tagapayo.







