Share

Kabanata 5

Author: Docky
last update Last Updated: 2022-09-12 21:49:00

"Good morning po ma'am and sir. Welcome to Escueza Luxury Hotel. If you need something, please don't hesitate to call us for assistance," bati ng magandang staff ng hotel kina Jacob at Diana. Pulang-pula ang pisngi nito dahil sa blush on.

Nginitian ni Diana ang staff ng hotel. "Thank you. We will call you if we need something," she said. Her eyes were smiling too.

Siniko ni Diana si Jacob pero talagang dedma lang ito.

"Welcome to Escueza Miss and Mr. Gray," bati ng manager ng hotel.

"Where's Mr. Clinton?" Jacob asked. Hindi man lamang niya binati ang manager ng hotel.

"He's still attending a meeting but he will arrive later, Sir Jacob. For now, let me take you to your respective rooms. After that, I can tour you around if you want to," sambit ng manager habang pilit na ngumingiti.

"Give us our room cards. Kaya na naming hanapin ang aming mga rooms. We have here our bodyguards to assist us. Another thing, we are exhausted. We need to take a rest first," prangkang sagot ni Jacob.

Matapos noon ay dire-diretso nang naglakad patungo sa kinaroroonan ng elevator ang magkapatid kasama ang kanilang mga bodyguards. Naiwang napapakamot sa ulo habang napapailing ang manager at mga staffs ng hotel sa may counter.

"Ang sungit mo talaga kahit kailan," angil ni Diana sa kaniyang stepbrother.

"Hindi ka pa rin ba sanay?" tanong ni Jacob.

"Sanay na. Hindi ka pa rin ba nananawa sa pagiging ganiyan? Anyway, ano palang nakain mo at nakasuot ka ng ganiyan?" Nakataas ang kilay ni Diana habang pinagmamasdan ang kabuuan ni Jacob. Nakasuot ito ng isang loose shirt,jogger pants at tsinelas.

"Tinanghali ako ng gising eh. Pagdating ko sa room ko, doon na ako liligo at magbibihis ng ayos," paliwanag ni Jacob.

Tumawa si Diana, "takot ka rin palang maiwan 'no? Don't worry, guwapo ka pa rin naman kahit ganiyan ang suot mo," aniya.

Tiningnan nang masama ni Jacob si Diana.

"Ikaw? Bakit ganiyan ang suot mo? Mukha kang tatalon sa pool anumang oras eh," pang-aasar naman ni Jacob. Nakasuot kasi si Diana ng white long sleeves with black sports bra inside at rugged shorts naman sa pang-ibaba. Idagdag pa ang suot nitong black shades.

"Wala ka talagang alam sa latest fashion trend. At least, hindi ako mukhang kababangon lang sa kama," depensa ni Diana.

Nagpipigil ng tawa ang dalawang bodyguards nila sa kanilang likuran. Nasaksihan nang mga ito ang paglaki nina Diana at Jacob at hanggang ngayon ay wala pa ring pagbabago sa magkapatid. Naging libangan na talaga nila ang asarin ang isa't-isa. Minsan ay napagkamalan pa silang magkasintahan dahil sa closeness nilang dalawa.

"Room 309," bulong ni Jacob.

"Actually, sa room 209 ka dapat pinalitan ko lang. Mas maganda kasi ang view sa silid na iyon," ani Diana.

"Ikaw? Saan ang room mo? Baka mamaya kasama mo pala ang boyfriend mo rito ha? Tatamaan ka sa akin," banta ni Jacob. He's always protective when it comes to Diana.

"Nasa Cebu po ang boyfriend ko KUYA," sambit ni Diana sabay irap ng kaniyang mga mata.

"Hey, watch her every moves. Kapag nalusutan ako ng magkasintahan at nabuntis 'yang babaeng 'yan nang wala sa oras, mapapatay ako ni papa. Papatayin naman kita kapag nangyari 'yon. Maliwanag ba?" wika ni Jacob sa bodyguard ni Diana.

"Yes sir! Babantayan ko po nang maayos si Ma'am Diana!"

"Dapat lang!" ani Jacob.

Unang lumabas ng elevator sina Diana at ang kaniyang bodyguard. Magkatabi ang silid nilang dalawa. Saka lang napansin ni Jacob ang ibang lulan ng elevator. Nagtaka siya kung bakit nakatalikod sa kaniya ang isang babae. Yakap-yakap nito ang isang batang lalaki at may dalawang maleta silang dala-dala. Hindi rin nagsasalita ang mga ito.

Lumayo si Jacob sa dalawa. "Weird," bulong ni Jacob.

Nang tumunog ang elevator ay lumabas agad si Jacob kasama ang kaniyang bodyguard. Sa room 309 siya nagtungo samantalang ang bodyguard naman niya ay sa room 308.

Magsasara na sana ang elevator nang bigla itong pigilan ni Freya.

"Mom, pwede na po ba tayong magsalita?" tanong ni Yael.

"Oo anak. Pwede na," tugon ni Freya.

"Bakit po ngayon lang tayo lumabas ng elevator?" tanong ulit ni Yael.

"Mas okay kasi anak 'yong huling lumalabas ng elevator para macheck natin kung safe ba 'yong lalakaran nating aisle." Butil-butil ang mga pawis sa noo ni Freya. 'Hanggang dito ba naman makikita ko pa rin siya? Jusko! Mamamatay yata ako sa nerbyos. Mukhang hindi ko ma-eenjoy ang bakasyong ito dahil sa kaniya!' piping sigaw ng isip niya.

"Ganoon po ba? Alam mo mom, hindi pa rin po ako makapaniwala na nandito na tayo sa Escueza! Isa po ito sa mga lugar na nais kong puntahan and God is great dahil hindi lang po ako ang dinala niya rito kung hindi pati na rin po kayo! I feel ecstatic!" Yael screamed. He couldn't contain his happiness.

Hinaplos ni Freya ang mga pisngi ni Yael.

"Thank you anak ha. Pasensya ka na kasi hindi afford ni mommy na dalhin ka sa mga ganitong klaseng lugar. Hayaan mo. Mas lalong magsisikap si mommy para ako naman ang magdadala sa iyo sa iba mo pang dream destinations," naluluhang sambit ni Freya.

"Mom, having you is enough for me. I couldn't ask for more. Masaya na po ako kapag nakikita ko kayong healthy at masaya. Sobrang yaman ko po dahil mayroon akong mommy na gaya mo," wika ni Yael.

"Napakalambing talaga ng anak ko! Manang-mana ka sa a—"

"Kay daddy po ba? Sweet din po ba si daddy?" biglaang tanong ni Yael.

"Ahm, anak saan nga ang room natin? Excited na akong humiga sa napakalambot na kama!" Sa katre lang kasi sila tumutulog ni Yael. Yari iyon sa kawayan kaya medyo masakit iyon sa likod lalo na kung walang sapin.

"Room 310 po mommy. Teka po. 306, 307, 308, 309! Ito mommy! Dito po tayo!" nakangiting turo ni Yael.

Freya swiped her card on the door locked then it opened quickly after.

"Wow! Ang astig!" sabi ni Yael sabay pasok sa loob ng silid.

Naiwan si Freya sa may pintuan dala-dala ang kanilang dalawang maleta. Iniikot niya ang kaniyang mata sa loob ng kanilang silid. Napaawang ang kaniyang bibig sa kaniyang nakita.

"Ganito pala kapag first-class hotel. Grabe, sobrang ganda!" ani Freya.

Nagtatakbo si Yael pabalik kay Freya para kuhanin ang isang maleta sa kamay ng kaniyang ina.

Lumabas si Jacob sa room 309 para kuhanin ang kaniyang extra baggage. Nakita niya ang isang nakatalikod na babae na may hawak na isang maleta sa katapat na silid.

"Teka, siya 'yong babae kanina sa may elevator ah," nakangiting turan ni Jacob. Nahagip nang bahagya ng kaniyang mga mata si Yael.

"Her child is handsome. Kalahati pa lang ng mukha niya, litaw na litaw na ang kaniyang kaguwapuhan," aniya bago niya kuhanin ang kaniyang maleta at tuluyang pumasok sa loob ng kaniyang silid.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (9)
goodnovel comment avatar
J.C.E CLEOPATRA
anak m yon
goodnovel comment avatar
Pacita B Sumbad Mendo
super mommy
goodnovel comment avatar
Michael Magallanes
More please
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • One Night Love (Tagalog)   Kabanata 809

    Nagising si Lia nang maramdamang may kung anong mabigat sa dibdib niya. Nang magmulat siya ng mata ay bumungad sa kaniya ang kamay ni Leon na nakadagan sa dibdib sa kaniya. Kaya pala medyo hirap siyang huminga pero sa halip na mainis ay napangiti siya. Marahang inalis ni Lia ang kamay ni Leon sa d

  • One Night Love (Tagalog)   Kabanata 808

    “Mommy Kira, saan po tayo pupunta?" tanong ni Leona habang kumakain ng tinapay. Nakasakay siya ngayon sa kotse na iminamaneho ng bago niyang mommy. Napatingin si Kira sa rearview mirror. Nginitian niya si Leona. “Pupunta tayo sa Monte Carlos. Bibisitahin natin ang lola mo pero bago ‘yon, may kaila

  • One Night Love (Tagalog)   Kabanata 807

    “Sigurado ka na ba talagang huhukayin natin ang bangkay ni Lia?” tanong ni Owen habang naglalakad sa may gubat. "Oo nga. Kailangan na nating ilipat ang bangkay niya para kung sakaling maisipan ni Papa Liam na ipa autopsy ang bangkay na nakalibing sa sementeryo eh ligtas tayo. Nabubwisit na rin kas

  • One Night Love (Tagalog)   Kabanata 806

    “Halos limang taon, Lia. Limang taon kitang sinusundan minsan, pinapanood mula sa malayo. Wala eh. Torpe ako. Nahihiya akong lapitan ka noon hanggang sa nabalitaan k9 na lang na may katipan ka na. Hindi ko inaasahang ikakasal ka na pala. Ang mas masaklap pa ay sa pamangkin ko pa. Sa dinami-dami ng t

  • One Night Love (Tagalog)   Kabanata 805

    Hindi nakagalaw si Lia. Tulala lang siya habang hinahayaan si Leon na sii.lin siya ng halik. Labag sa kontrata ang ginagawa nila ngayon pero hindi niya maintindihan kung bakit pati siya ay nawalan na ng lakas na pahintuin ang contracted husband niya. Mabagal ang bawat halik na iginagawad ni Leon k

  • One Night Love (Tagalog)   Kabanata 804

    “Leon?” tawag ni Lia sa asawang abala sa pag-iinom ngunit hindi sumagot si Leon. Hindi yata nito napansin ang presensya niya. Nakayuko kasi ito habang may hawak-hawak na baso ng alak. Nagtataka si Lia kung bakit umiinom si Leon at higit sa lahat ay kung bakit hindi siya nito hinintay. Hindi naman

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status