Share

Kabanata 4

Author: Docky
last update publish date: 2022-09-11 17:56:08

"Ibalik mo sa akin ang singsing kung sino ka man! Shit! This day really sucks!" inis na sabi ni Jacob habang mabilis na minamaneho ang kaniyang kotse. "I'll put you behind bars kapag nahuli kita! Thief!"

Lalo pang binilisan ni Jacob ang pagpapatakbo ng kaniyang kotse pero lalo ring bumilis ang takbo ng tricycle na hinahabol niya.

"Damn! You're dead when I catch you!" nagngingitngit na sambit ni Jacob.

Biglang bumagal ang pagpapatakbo niya nang maalala niya ang repleksyon sa glass door ng babaeng nakakuha ng kaniyang singsing.

"F-Freya?" Napatigil siya sa pagsasalita at umiling. "Is there something wrong with me? Nakita ko rin siya kanina sa Supermalls. Shit! Minumulto na yata ako ng konsensya ko! Pa-dalawang beses ko na siyang nakita ngayong araw!"

Inalala ni Jacob ang gabing iyon kung saan pareho silang nag-init ni Freya. Hindi niya namalayan na nakangiti na pala siya.

"I need to confirm kung si Freya ba talaga ang nakita ko today." Muli niyang binilisan ang pagpapatakbo ng kaniyang sasakyan.

Agad namang nagpakitang gilas ang tricycle driver nang sabihin ni Freya na ti-triplehin niya ang ibabayad dito. Desperada na siya. She must avoid that man at all costs. Napakapit nang mahigpit sina Freya at Yael nang iharurot ng driver ang sinasakyan nilang tricycle. Napatingin si Freya sa singsing na nakasuot sa kaniyang daliri.

'Paano kung para talaga sa akin ang singsing na ito? Paano kung hindi lang nagkataon ang lahat? Paano kung …'

Nahimasmasan si Freya nang bigla niyang narinig ang boses ng kaniyang anak.

"Mom, I'm scared! Baka po mabangga tayo kung ganito kabilis ang pagpapatakbo ni manong. Madilim pa naman po ang kalye!" Bumitiw si Yael sa hawakan ng tricycle at yumakap nang mahigpit sa kaniyang ina.

"Huwag kang mag-alala anak, maingat naman si manong, 'di ba manong?" pagsisiguro ni Freya.

"Opo ma'am. Maingat po akong magmaneho dahil takot po akong makulong. May pamilya rin po kasi akong uuwian kaya kailangang mag-ingat palagi," tugon ng driver.

Malayo-layo na rin ang kanilang nilakbay. Ilang baranggay na lang at makakauwi na sina Freya at Yael sa kanilang munting tahanan. Hindi rin sila pwedeng mapuyat dahil maaga pa ang flight nila kinabukasan.

"Yael, you can sleep if you are sleepy. Babantayan ka ni mommy."

"No mom. I'm afraid something might happen if I close my eyes. Babantayan din po kita mommy," malambing na usal ni Yael.

"Ma'am ang bait naman po ng anak niyo. Napalaki niyo po siya nang maayos," ani ng tricycle driver. Ngumiti siya nang makita niya ang makipot na daan. Nakaisip siya nang magandang plano para maisahan ang lalaking humahabol sa kanila.

"Ma'am, pagtapat po natin sa may eskinitang iyon, bumaba po kayo saglit at lumakad po kayo hanggang sa dulo noon. Aabangan ko po kayo roon," sabi ng tricycle driver.

"Seryoso po ba kayo? Napakadilim po ng eskinitang iyon! Baka mamaya, mapahamak pa kami ng anak ko," komento ni Freya.

"Iyon na lang po ang nakikita kong paraan para hindi na tayo masundan ng lalaking humahabol sa inyo. Kaano-ano niyo po ba iyon? Ex-husband?" usyoso ng driver.

Tumaas ang kilay ni Freya. "He's not my ex-husband. Patay na ang ama ng anak ko," may diin niyang sagot.

"Pasensya na po kayo ma'am. Condolence po," malungkot na sambit ng driver.

Niyakap nang mahigpit ni Yael ang kaniyang ina.

"Mom, pagbalik po natin galing sa Escueza, bisitahin po natin ang puntod ni dad ha? Pitong taong gulang na po ako pero ni minsan ay hindi ko pa po siya nabibisita. Kahit 'yong libingan lang po niya," mangiyak-ngiyak na sabi ni Yael.

Hindi nakaimik si Freya. She felt sorry for her child. Hindi naman niya ginustong magsinungaling pero iyon na lang din kasi ang naisip niyang paraan para hindi na siya nito paghanapan. Mas gusto pa niyang isipin nitong patay na ang kaniyang ama kaysa masaktan ito sa katotohanang inabandona sila nito. Nagagalit pa rin siya sa tuwing maiisip niyang hindi man lamang sila hinanap ni Jacob, matapos niyang iwan ang ultrasound result noon sa harap ng pinto ng condo nito.

Bago pa mas uminit ang mga tagpo ay napagpasyahan ni Freya na bumaba ng tricycle at sundin ang mga payo ng matandang driver.

"Mom, are you okay? Sorry po. Alam ko pong namimiss niyo rin si daddy tulad ko," ani Yael.

"Okay lang ako anak," matipid na tugon ni Freya.

"Sino po pala 'yong humahabol sa atin? At saka, bakit niya po tayo sinusundan? Kidnapper po ba siya?" dagdag na tanong ni Yael.

Tumigil sa paglalakad si Freya at yumuko para titigan si Yael nang diretso sa mga mata nito.

"He's a bad guy so we need to run as fast as we can. Do you understand Yael?" She needs to say it para mas mapabilis ang kanilang paglalakad. Hinawakan niyang muli ang kamay ni Yael.

Pagtayo ni Freya ay naaninag niya ang galit na mukha ni Jacob mula sa bukana ng eskinitang pinasukan nila. Dulot ng adrenaline rush ay binuhat niya agad si Yael at nagtatakbo sa dulo ng eskinita kung saan naghihintay ang tricycle driver.

Nagulat si Yael sa ginawang iyon ni Freya. He was four years old when her mother carried him like that. Napangiti siya at kumapit nang mahigpit sa kaniyang ina.

"Manong, tara na po," aya ni Freya.

Agad na pinatakbo ng mabilis ng driver ang kaniyang tricycle. Nakahinga nang maluwag si Freya nang hindi na niya nakitang nakabuntot sa kanila ang sasakyan ni Jacob. Hingal na hingal pa rin siya dahil sa pagbuhat niya kay Yael habang tumatakbo.

"Mom, ikaw po ang superhero ko!"

Ginulo ni Freya ang buhok ni Yael at pagkatapos ay niyakap ito. Hinalikan niya rin ang kaniyang anak sa noo nito.

Meanwhile, Jacob was running out of air when he exited the alley. His left hand was clutching his chest while his right hand was resting on his knee. Nilingon niya ang magkabilang direksyon ng kalye. Wala na roon ang babaeng hinahabol niya.

"Fuck!" ani Jacob habang pinagsisisipa ang poste ng ilaw. Nanlalambot siyang bumalik sa kaniyang sasakyan. "I lost it! I have wasted five million pesos on that ring! Damn it!"

Wala sa mood na sinagot ni Jacob ang tumutunog niyang cell phone. Diana, her stepsister, was calling her.

"What do you need?" masungit niyang bungad habang binubuhay ang bluetooth at hinahanap ang kaniyang earbuds.

["How sweet of you!]

"Diana, wala ako sa mood makipag-asaran. Ano bang pakay mo? Bakit ka napatawag?" Nang makita na niya ang kaniyang earbuds ay isinuot na niya ito at nagsimula nang magmaneho pabalik sa kanilang hotel.

["We're going to Escueza tomorrow morning. Show up on time. Maiiwan ka ng flight kung pabagal-bagal ka.]

"So Mr. Clinton accepted my invitation. Okay. Send the flight details to me via email. I'll be busy tonight. Ire-revise ko pa 'yong proposal," seryosong turan ni Jacob.

["Wala man lang thank you?”]

Jacob ended the call without saying thank you to her stepsister. Inis na inis sa kabilang linya si Diana pero hindi na iyon bago sa kaniya. Umasa lang siyang baka may pagbabago na sa ugali ng kaniyang kuya.

"Escueza, wait for me. Sisiguraduhin kong sa akin ka mapupunta at hindi sa asbag kong kapatid na si Jackson," tiim-bagang niyang wika.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (11)
goodnovel comment avatar
Norman Perez
i like the story,, uhmmm
goodnovel comment avatar
Nicole Cavanes
tawang tawa ako don sa part na binuhat freya ang anak nya hahahaha
goodnovel comment avatar
Mooncaster
bat kasi kinuha niya ang singsing
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • One Night Love (Tagalog)   Kabanata 1287

    “Old man!” Nagmamadaling lumapit si Ethan kay Eman habang hawak ang cellphone niya, halata ang pagkabahala sa mukha niya. Agad namang naibaba ng matanda ang hawak niyang tasa ng tsaa ay agad na binigyan ng pansin si Ethan na nagmamadaling inilahad ang kamay sa harapan niya, agad na bumungad ang da

  • One Night Love (Tagalog)   Kabanata 1286

    “Ulitin mo ang sinabi mo!” Asik ni Jam kay Rain, mahigpit niyang hiwakan ang magkabilang braso niya at walang ingat na tinulak pabalik sa kama. Napapikit ng mariin si Rain ng maramdaman ang kaniyang likod na muling lumapat sa kama at mabilis na pumatong sa kaniya si Jam. “Ano ba Jam, bitawan mo ak

  • One Night Love (Tagalog)   Kabanata 1285

    “Mabuti na lang at ikaw ang kasama ko,” bulong niya, halos puno ng pasasalamat. Hindi niya maiwasan na mapangiti ng mapait at unti-unting haplusin ang pisngi ni Jam, hindi niya akalain na makakasama niya muli ang lalaki sa ganoon na paraan. Napailing isa, hindi na dapat siya makaramdam ng kung a

  • One Night Love (Tagalog)   Kabanata 1284

    “Jam…” Daing ni Rain ng muling lumapat ang palad nito sa bewang niya, nahubad na ni Jam ang dress niya at abala na ang labi nito sa paghalik ng panga niya na unti-unti na rin na bumababa sa leeg niya. “P-Please, more…” halos magmakaawa na niyang sabi, para siyang mababaliw. Init na init ang pakira

  • One Night Love (Tagalog)   Kabanata 1283

    “I’m Jam Gray, part of Gray company. Ang meeting na nangyayari doon ay about sa project ng dalawang kumpanya,” saad niya ng may diin. Napatikom naman ng bibig ang babae sa narinig, lalo na at ginamit na niya ang apilyidong Gray. “P-Pasensya na po sir, hindi ko po kayo agad nakilala… p-p’wede na

  • One Night Love (Tagalog)   Kabanata 1282

    Napipilitang naglakad papasok si Jam sa blue restaurant and hotel kung saan sinabi ng lolo niya kung saan makipagkita, hindi niya alam kung ano ang ginawa ng babae na nagligtas sa lolo niya para ganoon na lang ‘to kaboto at gusto agad silang magkakilala. Alam niyang malaking bagay na niligtas siya

  • One Night Love (Tagalog)   Kabanata 841

    "Mr. Yael, paano mo nakilala ang papa ko?" kunot-noong tanong ni Luna. "I just did some research about my new executive assistant. Bawal ba?” "H-Hindi naman,” mahinang tugon ni Luna. ‘Sa lahat ng mga empleyado ko, siya lang ang hindi marunong gumalang sa akin but I kinda like it,’ Yael thought

    last updateLast Updated : 2026-04-01
  • One Night Love (Tagalog)   Kabanata 809

    Nagising si Lia nang maramdamang may kung anong mabigat sa dibdib niya. Nang magmulat siya ng mata ay bumungad sa kaniya ang kamay ni Leon na nakadagan sa dibdib sa kaniya. Kaya pala medyo hirap siyang huminga pero sa halip na mainis ay napangiti siya. Marahang inalis ni Lia ang kamay ni Leon sa d

    last updateLast Updated : 2026-04-01
  • One Night Love (Tagalog)   Kabanata 837

    “Luna babe, nandito na ako sa bahay. Nasaan ka ba?” wika ni Yana mula sa kabilang linya. “Kabababa ko lang ng jeep, babe. Nandito ako sa may tapat ng Monte Rocca University.Bibili lang ako ng kwek-kwek at kikyam tapos sasakay na ako ng tricycle pauwi." Kumunot ang noo ni Yael. "Babe? May boyfrie

    last updateLast Updated : 2026-04-01
  • One Night Love (Tagalog)   Kabanata 825

    Tahimik ang paligid, tila huminto ang lahat. Sa bawat hakbang ni Lia, marahang dumadaloy ang kaniyang belo at mahaba niyang train. Naramdaman niyang bahagyang lumamig ang palad niya, pero hindi dahil sa kaba, kung hindi dahil sa bigat ng kaniyang emosyon. Sa harap niya, nandoon si Leon, nakatingin l

    last updateLast Updated : 2026-04-01
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status