LOGINKapalit ng limang milyon, pumayag si Megan na pumalit sa pwesto ng kapatid niya bilang fiance ng isang lalaking hindi nila kilala. Ang akala nilang pandak, maitim at pangit na probinsyano ay isa palang matangkad, tisoy at makapangyarihang bilyonaryo. Na-engage si Megan kay Akira Del Valle, hindi niya akalain na sa maliit na panahon ay mahuhulog siya rito hanggang sa ibigay niya ang sarili niya bago ang kasal. Ang akala niyang malafairy tale niya nang buhay ay masisira dahil sa half-sister niya. Nang malaman ng half-sister niya na gwapo at mayaman ang mapapangasawa sana niya. Pinuntahan niya ang mga ito at bago pa man ang kasal, nalaman na ng mga Del Valle ang pagpapanggap ni Megan at ang tunay nitong pagkatao. Masakit sa loob ni Megan na umalis sa puder ng mga Del Valle dala-dala ang isang sekreto. Pagkalipas ng anim na taon, magtatagpo ang mga landas nila. Paano haharapin ni Akira ang babaeng isinumpa niya na? Paano nila iiwasan ang isa’t isa kung nasa iisang workplace sila?
View More“Limang milyon piso, okay na ba ang halagang yun para pumayag ka sa gusto ko?” Napatitig si Megan sa Ate Mariel niya. Sapat na ang limang milyon para masuportahan niya ang sarili niya sa pag-aaral. Hindi niya na kailangang magmakaawa, hindi niya na kailangang sumunod muna sa utos nila bago siya magkaroon ng pera.
“Megan, what? Hinihintay ko ang sagot mo.” Hindi makapaghintay na saad ni Mariel.
“Paano kung malaman ito ng mommy mo?” Kinakabahang wika ni Megan. Napapairap naman si Mariel.
“Ako na ang bahala kapag dumating si mommy. Ang gagawin mo lang ay pumunta ka ng La Union at magpanggap kang ikaw ay ako. Ayaw kong maikasal sa probinsyano na yun. Ew! May boyfriend na ako at ipapakilala ko rin siya kay mommy next time. Basta sumunod ka lang sa akin at ibibigay ko sayo ang limang milyon. Malaking halaga na yan para sayo. Take it or leave it.” Nakangising sambit ni Mariel.
Nagdadalawang isip naman si Megan dahil hindi niya alam ang gagawin niya. Kailangan niyang maging bride kapalit ng Ate niya para makuha niya ang limang milyong piso. Sinalubong ni Megan ang mga mata ni Mariel. Napapataas naman ng kilay si Mariel dahil naghihintay siya ng sagot mula kay Megan.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Megan bago sumagot.
“Natatakot ako ate. I’m sure na magagalit sa akin ang mommy mo kapag nalaman niya ang ginawa natin—”
“Just do what I said, Megan! Huwag ka ng magreklamo. Okay, gagawin ko ng sampung milyong piso para pumayag ka sa gusto ko. Kailangan mo ng umalis bukas din. Aalis din kami ni Jayson bukas dahil pupunta kami ng Japan. Huwag mo itong sasabihin kay mommy, ako na ang bahalang magsabi sa kaniya.”
“Pero ate, bakit hindi mo na lang pakasalan ang gusto sayo ni Tita Evelyn.” Bakas pa rin ang takot sa mukha ni Megan.
“Naiinis na ako sayo, Megan. Gagawin mo ba o hindi? Kung hindi mo gagawin maghahanap na lang ako ng ibang gagawa. Ayaw kong pakasalan ang probinsyano na yun. I’m sure, maitim o kulay brown ang kulay ng lalaking yun saka pangit. Ayaw kong maikasal sa lalaking katulad niya. Si Jayson lang ang pakakasalan ko. Ngayon kung ayaw mong tanggapin ang iniaalok ko hahanap na lang ako ng iba.” Akma na sanang tatayo si Mariel nang magsalita si Megan.
“Sige, pumapayag na ako sa gusto mo pero gusto ko sanang i-send mo muna sa account ko para makasiguro lang ako na hindi mo ako lolokohin.” Napangisi si Mariel saka niya binuksan ang cellphone niya.
“Madali ka naman palang kausap eh. Pinatagal mo pa.”
Mahigpit na hinawakan ni Megan ang cellphone niya habang busy si Mariel sa cellphone niya.
“Done, naisend ko na sayo.” Ipinakita ni Mariel ang proof of transfer ng pera. Chineck naman muna ni Megan ang bank app niya at nang masiguro niyang nareceive niya ay napapalunok na lang siya. Natatakot siya sa posibleng mangyari sa gagawin niya.
“Igayak mo na yung mga gamit mo dahil aalis ka na bukas. Sa La Union ka pupunta at hahanapin mo ang pamilyang Del Valle. Si Akira Del Valle ang lalaking ipinagkasundo sa akin. Pangalan ko ang gagamitin mo, Megan. Magpapakilala ka bilang ako. Naiintindihan mo ba?” Dahan-dahan na tumango si Megan. Wala siyang magawa, kailangan niyang sumunod dahil malaking halaga sa kaniya ang sampung milyon.
Mapag-aaral niya na ang sarili niya ng hindi na humihingi ng pera sa stepmother niya.
“Aalis na ako, huwag mong kalimutan ang mga habilin ko sayo. Siguraduhin mong hindi nila malalaman ang tunay mong pangalan habang hindi pa ako nakakagawa ng paraan para itigil ang kasunduang kasal na yan.” Muling tumango si Megan.
Umalis naman na si Mariel dahil makikipagkita na naman ito sa boyfriend niya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Megan nang maupo na naman siya. Ginagapang ng kaba ang puso niya sa gagawin niya.
Siya ang illegal daughter ng kaniyang ama, panganay si Mariel sa kaniya at simula nang mamatay ang kaniyang ama naging miserable na rin ang buhay niya. Pinag-aaral naman siya ng stepmother niya pero kailangan niya munang pagtrabahuan ang perang mahihingi niya.
Kinabukasan, umalis na kaagad ng Metro Manila si Megan. Pupunta na siya sa pamilya ng mga Del Valle. Iniisip niya na rin ang posibleng maging buhay niya habang nagsstay siya sa mga ito. Sana lang ay makagawa kaagad ang ate niya ng paraan para maitigil ang kasunduang kasal para makabalik din siya kaagad ng Metro Manila.
“Nandito na tayo ineng.” Ani ng tricycle driver. Napatingin si Megan sa malaking gate na nasa harapan niya.
“Tama po ba tayo ng location na pinuntahan?” tanong ni Megan dahil baka naliligaw sila.
“Oo neng, Del Valle family ang hinahanap mo hindi ba? Ayan oh, nakaukit sa malaking gate nila ang apilido nila.” Napatingin si Megan sa gate at nakita niya naman kaagad ang apilidong Del Valle na nakaukit sa taas ng gate.
“Bayad ko po, salamat po.” Matapos niyang magbayad ay umalis na rin ang tricycle driver. Ilang minuto pa siyang nakatitig sa malaking gate. Hindi niya magawang magdoorbell. Hindi niya alam kung babawiin niya na lang ba ang alok sa kaniya ng ate niya.
“Ayy!” gulat niyang sigaw nang may magbusina sa likod niya. Napatingin naman siya sa isang maganda at sports car.
“Hindi ka ba aalis, Miss?! Gusto mo bang banggain kita diyan?!” Napatingin si Megan sa isang lalaking nasa driver seat. Napapaawang na lang siya ng mga labi ng makita niya ang isang gwapong lalaki. Nakasuot ito ng sunglass pero kita niya ang inis sa mukha nito.
BEEP BEEP BEEP
Nagising siya sa iniisip niya nang businahan na naman siya. Mabilis siyang gumilid ng marealize niyang nakaharang siya sa harap ng gate.
“Are you deaf?! Sinabi kong umalis ka hindi ba?! Ano bang ginagawa mo diyan? Kung magsosolicite ka, dun ka sa munisipyo!” Galit na namang angil ng lalaki sa kaniya. Malinaw niya nang nakikita ang gwapo nitong mukha nang alisin nito ang suot niyang sunglass.
Napapaismid na lang si Megan.
“Gwapo sana, masungit naman.” Anas niya habang nakasunod ang paningin niya sa sasakyang papasok na sa loob.
Nang makita niya ang gwardya na isasarado na ang gate ay mabilis niya itong nilapitan.
“Sir, excuse me po. Hinahanap ko po kasi ang bahay ni Ma’am Estrella Del Valle.” Tanong niya.
“Dito siya nakatira, bagong katulong ka ba? Halika pasok ka.” Napatingin si Megan sa sarili niya. Mukha ba siyang katulong o pulubi sa pananamit niya? Kung sabagay, hindi naman kasi siya yung babaeng mahilig sa mga sexy. Palagi siyang nakapants at fitted shirt.
“Ano nga palang sadya mo kay senyora?” tanong ng guard.
“Ako po si Megan—I mean, Mariel Sinclair po galing Manila. Kailangan ko po siyang makausap.”
“Ikaw ba yung mapapangasawa ni Sir Akira? Bakit hindi ka nagpakilala kaagad? Halika at ihahatid na kita sa mansion, ma’am.” Biglang naging marespeto ang tinig ng gwardya sa kaniya.
Hindi akalain ni Megan na inaasahan na pala siyang dumating ngayong araw. Habang naglalakad sila palapit sa mansion ay inililibot niya ang paningin niya. Kita niya ang napakalawak na bakuran, ang mga magagandang bulaklak at ang mas nagpahanga sa kaniya ay ang malinis na bermuda grass.
Para siyang nasa isang mamahaling resort sa ganda ng tanawin na nakikita niya.
“Senyora, nandito na po ang Senyorita Mariel.” Wika ng guard nang makapasok sila ng sala. Natigil ang paglilibot ng paningin ni Megan nang bumaba mula sa magandang hagdan ang isang matandang babae.
Nakangiti ito sa kaniya at sinalubong siya ng yakap at beso.
“Welcome home, iha. You are so beautiful darling. Ikaw lang ba mag-isa? Hindi mo ba kasama ang mommy mo?” Napalunok si Megan. Para siyang naestatwa sa kinatatayuan niya. Ngayong nakita niya na ang senyora ng mga Del Valle mas lalo siyang natatakot sa pinasok niya.
Pumasok na si Yuna sa school at hanggang ngayon naaalala niya pa rin ang nangyari sa isla. Pinipilit niya ang sarili niya na kalimutan na lang yun pero may time pa rin na bigla niya na lang maalala.Tulala lang siyang naglalakad papuntang classroom nila.“Yuna! Yuna!” Tawag ni Angelica sa kaniya pero tila wala siyang naririnig. Diretso lang siyang naglalakad at mabagal lang din siyang maglakad. Wala siya sa sarili niya.Nang mahabol ni Angelica ang kaibigan niya ay hinampas niya ito sa braso niya na ikinagulat ni Yuna.“Bakit ka ba nanggugulat?” inis na tanong ni Yuna. Salubong na ang mga kilay niya.“Hindi kita ginugulat. Kanina pa ako tawag nang tawag sayo pero hindi mo ako naririnig. Bingi ka ba? Ano bang nangyayari sayong babae ka?” Nagpatuloy naman si Yuna sa paglalakad at sumabay na si Angelica sa kaniya.“Wala, stress lang siguro ako sa final natin.” Tanging sagot niya. Napapataas naman ang kilay ni Angelica dahil paanong mai-stress ang kaibigan niya gayong basic lang sa kaniya
Naligo kaagad si Yuna nang makarating siya ng bahay nila. Hindi pa niya nakikita ang kaniyang ina dahil hindi niya alam kung nasaan ito. Wala rin sa bahay nila ang kaniyang ama dahil umuwi ito ng Manila.Kanina pa nakababad si Yuna sa loob ng bathroom niya. Nakatulala siyang nakatingin sa pader habang wala sa sariling hinihilod ang sarili. Pinipilit niyang maging masaya dahil lalaking gusto niya naman ang nakakuha ng unang gabi niya pero hindi pala ganun kadali.Narealize niyang hindi rin pala masaya kahit na gusto mo ang lalaki na nakasama mo sa kama dahil wala ka sa sarili mo nang mangyari ang bagay na yun. Nakapagdesisyon siya ng hindi niya pinag-iisipan ng mabuti.Naalala niya namang pinipilit pa ni Sandro na kontrolin ang sarili niya kagabi pero siya itong nakiusap kay Sandro na ituloy na nila.
Tinimplahan ni Sandro ng kape si Yuna. May mga ilang bisita na rin ang gising at nagtitimpla na rin ng kape sa sala. Tiningnan ni Sandro si Yuna na nakayuko habang hawak ng dalawang kamay niya ang baso ng kape.“I’m really sorry for what happened last night. Kasalanan ko yun.”Inangat ni Yuna ang ulo niya at tiningnan si Sandro saka siya umiling.“Hindi mo yun kasalanan. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin kagabi. Nakakahiya mang sabihin pero bigla kasing uminit yung pakiramdam ko pagkatapos kong uminom ng alak. Sana pala hindi na lang ako uminom dahil alam ko namang hindi ako sanay sa alak.”Naikuyom ni Sandro ang kamao niya.“Sino ang nagbigay sayo ng alak kagabi?” Tanong niya.
Kinabukasan, nagising si Yuna dahil sa matinding sakit ng ulo na nararamdaman niya. Gusto niya nang bumangon pero ramdam niya ang mabigat na braso na nakayakap sa kaniya. Iniisip niya pa kung ano bang nangyari at kung nakauwi ba siya sa bahay nila.Buong lakas niyang inalis ang kamay na nakayakap sa kaniya saka siya naupo. Inilibot niya ang paningin niya sa paligid niya at hindi pamilyar sa kaniya ang kwarto na kinaroroonan niya ngayon.Tiningnan niya ang sarili niya at nanlaki na lang ang mga mata niya ng makita niyang wala siyang saplot kahit isa.“Oh my God! What happened?!” Sigaw niya saka niya hinila ang kumot at ibinalot yun sa sarili niya. Gumalaw naman si Sandro na nakatabi niya saka ito tumihaya.“Ano bang ingay yan? Natutulog pa ako.” Inis niyang sambit saka nito hinila ang unan at niyakap yun. Parang gusto na lang mahimatay ni Yuna sa sitwasyon niya ngayon.“Ibinigay ko ba ang pagkababae ko sa kaniya?” Mabagal niyang sambit sa sarili niya na tila ba hindi siya makapaniwala
Bahagyang ngumiti si Estrella dahil sa tanong ni Megan. Nagbabakasakali si Megan na macancel ang wedding nila kung siya ang gagawa ng paraan pero paano kung magalit naman sa kaniya ang stepmother niya kapag nalaman nito ang lahat ng ginawa niya?“Mga bata pa lang kayo ni Akira, ipinagkasundo na nam
Kanina pa tinatawagan ni Megan ang Ate Mariel niya pero ring lang nang ring ang cellphone nito.“Sagutin mo naman ate.” Kinakagat na ni Megan ang kuko niya habang naghihintay na sagutin ng Ate niya ang tawag niya. Inis niya itong ibinaba nang hindi pa rin nito sinasagot ang tawag niya. Isang buwan
Salitang tinitingnan ni Estrella ang dalawa. Napapakagat labi na lang si Megan dahil baka ito na ang huling araw niya sa mansion ng mga Del Valle. Sa unang kita pa lang niya sa Senyorito ng mansion ay masungit na ito at tila mainitin ang ulo. Siguradong mapapalayas na siya sa mansion at siguradong
Hindi alam ni Akira kung bakit mabilis na nakuha ng babae ang atensyon niya. Kanina pa siya paikot-ikot sa mansion pero hindi niya makita si Megan. Hindi niya naman alam ang pangalan nito kaya hindi niya matanong ang mga katulong nila.Kalahating oras na siyang naglalakad para mahanap si Megan pero












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews