分享

Kabanata 5

作者: Docky
last update publish date: 2022-09-12 21:49:00

"Good morning po ma'am and sir. Welcome to Escueza Luxury Hotel. If you need something, please don't hesitate to call us for assistance," bati ng magandang staff ng hotel kina Jacob at Diana. Pulang-pula ang pisngi nito dahil sa blush on.

Nginitian ni Diana ang staff ng hotel. "Thank you. We will call you if we need something," she said. Her eyes were smiling too.

Siniko ni Diana si Jacob pero talagang dedma lang ito.

"Welcome to Escueza Miss and Mr. Gray," bati ng manager ng hotel.

"Where's Mr. Clinton?" Jacob asked. Hindi man lamang niya binati ang manager ng hotel.

"He's still attending a meeting but he will arrive later, Sir Jacob. For now, let me take you to your respective rooms. After that, I can tour you around if you want to," sambit ng manager habang pilit na ngumingiti.

"Give us our room cards. Kaya na naming hanapin ang aming mga rooms. We have here our bodyguards to assist us. Another thing, we are exhausted. We need to take a rest first," prangkang sagot ni Jacob.

Matapos noon ay dire-diretso nang naglakad patungo sa kinaroroonan ng elevator ang magkapatid kasama ang kanilang mga bodyguards. Naiwang napapakamot sa ulo habang napapailing ang manager at mga staffs ng hotel sa may counter.

"Ang sungit mo talaga kahit kailan," angil ni Diana sa kaniyang stepbrother.

"Hindi ka pa rin ba sanay?" tanong ni Jacob.

"Sanay na. Hindi ka pa rin ba nananawa sa pagiging ganiyan? Anyway, ano palang nakain mo at nakasuot ka ng ganiyan?" Nakataas ang kilay ni Diana habang pinagmamasdan ang kabuuan ni Jacob. Nakasuot ito ng isang loose shirt,jogger pants at tsinelas.

"Tinanghali ako ng gising eh. Pagdating ko sa room ko, doon na ako liligo at magbibihis ng ayos," paliwanag ni Jacob.

Tumawa si Diana, "takot ka rin palang maiwan 'no? Don't worry, guwapo ka pa rin naman kahit ganiyan ang suot mo," aniya.

Tiningnan nang masama ni Jacob si Diana.

"Ikaw? Bakit ganiyan ang suot mo? Mukha kang tatalon sa pool anumang oras eh," pang-aasar naman ni Jacob. Nakasuot kasi si Diana ng white long sleeves with black sports bra inside at rugged shorts naman sa pang-ibaba. Idagdag pa ang suot nitong black shades.

"Wala ka talagang alam sa latest fashion trend. At least, hindi ako mukhang kababangon lang sa kama," depensa ni Diana.

Nagpipigil ng tawa ang dalawang bodyguards nila sa kanilang likuran. Nasaksihan nang mga ito ang paglaki nina Diana at Jacob at hanggang ngayon ay wala pa ring pagbabago sa magkapatid. Naging libangan na talaga nila ang asarin ang isa't-isa. Minsan ay napagkamalan pa silang magkasintahan dahil sa closeness nilang dalawa.

"Room 309," bulong ni Jacob.

"Actually, sa room 209 ka dapat pinalitan ko lang. Mas maganda kasi ang view sa silid na iyon," ani Diana.

"Ikaw? Saan ang room mo? Baka mamaya kasama mo pala ang boyfriend mo rito ha? Tatamaan ka sa akin," banta ni Jacob. He's always protective when it comes to Diana.

"Nasa Cebu po ang boyfriend ko KUYA," sambit ni Diana sabay irap ng kaniyang mga mata.

"Hey, watch her every moves. Kapag nalusutan ako ng magkasintahan at nabuntis 'yang babaeng 'yan nang wala sa oras, mapapatay ako ni papa. Papatayin naman kita kapag nangyari 'yon. Maliwanag ba?" wika ni Jacob sa bodyguard ni Diana.

"Yes sir! Babantayan ko po nang maayos si Ma'am Diana!"

"Dapat lang!" ani Jacob.

Unang lumabas ng elevator sina Diana at ang kaniyang bodyguard. Magkatabi ang silid nilang dalawa. Saka lang napansin ni Jacob ang ibang lulan ng elevator. Nagtaka siya kung bakit nakatalikod sa kaniya ang isang babae. Yakap-yakap nito ang isang batang lalaki at may dalawang maleta silang dala-dala. Hindi rin nagsasalita ang mga ito.

Lumayo si Jacob sa dalawa. "Weird," bulong ni Jacob.

Nang tumunog ang elevator ay lumabas agad si Jacob kasama ang kaniyang bodyguard. Sa room 309 siya nagtungo samantalang ang bodyguard naman niya ay sa room 308.

Magsasara na sana ang elevator nang bigla itong pigilan ni Freya.

"Mom, pwede na po ba tayong magsalita?" tanong ni Yael.

"Oo anak. Pwede na," tugon ni Freya.

"Bakit po ngayon lang tayo lumabas ng elevator?" tanong ulit ni Yael.

"Mas okay kasi anak 'yong huling lumalabas ng elevator para macheck natin kung safe ba 'yong lalakaran nating aisle." Butil-butil ang mga pawis sa noo ni Freya. 'Hanggang dito ba naman makikita ko pa rin siya? Jusko! Mamamatay yata ako sa nerbyos. Mukhang hindi ko ma-eenjoy ang bakasyong ito dahil sa kaniya!' piping sigaw ng isip niya.

"Ganoon po ba? Alam mo mom, hindi pa rin po ako makapaniwala na nandito na tayo sa Escueza! Isa po ito sa mga lugar na nais kong puntahan and God is great dahil hindi lang po ako ang dinala niya rito kung hindi pati na rin po kayo! I feel ecstatic!" Yael screamed. He couldn't contain his happiness.

Hinaplos ni Freya ang mga pisngi ni Yael.

"Thank you anak ha. Pasensya ka na kasi hindi afford ni mommy na dalhin ka sa mga ganitong klaseng lugar. Hayaan mo. Mas lalong magsisikap si mommy para ako naman ang magdadala sa iyo sa iba mo pang dream destinations," naluluhang sambit ni Freya.

"Mom, having you is enough for me. I couldn't ask for more. Masaya na po ako kapag nakikita ko kayong healthy at masaya. Sobrang yaman ko po dahil mayroon akong mommy na gaya mo," wika ni Yael.

"Napakalambing talaga ng anak ko! Manang-mana ka sa a—"

"Kay daddy po ba? Sweet din po ba si daddy?" biglaang tanong ni Yael.

"Ahm, anak saan nga ang room natin? Excited na akong humiga sa napakalambot na kama!" Sa katre lang kasi sila tumutulog ni Yael. Yari iyon sa kawayan kaya medyo masakit iyon sa likod lalo na kung walang sapin.

"Room 310 po mommy. Teka po. 306, 307, 308, 309! Ito mommy! Dito po tayo!" nakangiting turo ni Yael.

Freya swiped her card on the door locked then it opened quickly after.

"Wow! Ang astig!" sabi ni Yael sabay pasok sa loob ng silid.

Naiwan si Freya sa may pintuan dala-dala ang kanilang dalawang maleta. Iniikot niya ang kaniyang mata sa loob ng kanilang silid. Napaawang ang kaniyang bibig sa kaniyang nakita.

"Ganito pala kapag first-class hotel. Grabe, sobrang ganda!" ani Freya.

Nagtatakbo si Yael pabalik kay Freya para kuhanin ang isang maleta sa kamay ng kaniyang ina.

Lumabas si Jacob sa room 309 para kuhanin ang kaniyang extra baggage. Nakita niya ang isang nakatalikod na babae na may hawak na isang maleta sa katapat na silid.

"Teka, siya 'yong babae kanina sa may elevator ah," nakangiting turan ni Jacob. Nahagip nang bahagya ng kaniyang mga mata si Yael.

"Her child is handsome. Kalahati pa lang ng mukha niya, litaw na litaw na ang kaniyang kaguwapuhan," aniya bago niya kuhanin ang kaniyang maleta at tuluyang pumasok sa loob ng kaniyang silid.

在 APP 繼續免費閱讀本書
掃碼下載 APP
評論 (9)
goodnovel comment avatar
J.C.E CLEOPATRA
anak m yon
goodnovel comment avatar
Pacita B Sumbad Mendo
super mommy
goodnovel comment avatar
Michael Magallanes
More please
查看全部評論

最新章節

  • One Night Love (Tagalog)   Kabanata 1287

    “Old man!” Nagmamadaling lumapit si Ethan kay Eman habang hawak ang cellphone niya, halata ang pagkabahala sa mukha niya. Agad namang naibaba ng matanda ang hawak niyang tasa ng tsaa ay agad na binigyan ng pansin si Ethan na nagmamadaling inilahad ang kamay sa harapan niya, agad na bumungad ang da

  • One Night Love (Tagalog)   Kabanata 1286

    “Ulitin mo ang sinabi mo!” Asik ni Jam kay Rain, mahigpit niyang hiwakan ang magkabilang braso niya at walang ingat na tinulak pabalik sa kama. Napapikit ng mariin si Rain ng maramdaman ang kaniyang likod na muling lumapat sa kama at mabilis na pumatong sa kaniya si Jam. “Ano ba Jam, bitawan mo ak

  • One Night Love (Tagalog)   Kabanata 1285

    “Mabuti na lang at ikaw ang kasama ko,” bulong niya, halos puno ng pasasalamat. Hindi niya maiwasan na mapangiti ng mapait at unti-unting haplusin ang pisngi ni Jam, hindi niya akalain na makakasama niya muli ang lalaki sa ganoon na paraan. Napailing isa, hindi na dapat siya makaramdam ng kung a

  • One Night Love (Tagalog)   Kabanata 1284

    “Jam…” Daing ni Rain ng muling lumapat ang palad nito sa bewang niya, nahubad na ni Jam ang dress niya at abala na ang labi nito sa paghalik ng panga niya na unti-unti na rin na bumababa sa leeg niya. “P-Please, more…” halos magmakaawa na niyang sabi, para siyang mababaliw. Init na init ang pakira

  • One Night Love (Tagalog)   Kabanata 1283

    “I’m Jam Gray, part of Gray company. Ang meeting na nangyayari doon ay about sa project ng dalawang kumpanya,” saad niya ng may diin. Napatikom naman ng bibig ang babae sa narinig, lalo na at ginamit na niya ang apilyidong Gray. “P-Pasensya na po sir, hindi ko po kayo agad nakilala… p-p’wede na

  • One Night Love (Tagalog)   Kabanata 1282

    Napipilitang naglakad papasok si Jam sa blue restaurant and hotel kung saan sinabi ng lolo niya kung saan makipagkita, hindi niya alam kung ano ang ginawa ng babae na nagligtas sa lolo niya para ganoon na lang ‘to kaboto at gusto agad silang magkakilala. Alam niyang malaking bagay na niligtas siya

  • One Night Love (Tagalog)   Kabanata 839

    Abala si Yael sa kaniyang cell phone dahil kausap nito ang kaniyang daddy. Kasalukuyan silang sakay ng eroplano. Hindi pa ito nagte take off kaya may oras pa siyang makipagtawagan. Medyo hassle sa kaniya sa tuwing nasa ere siya dahil hindi niya magawang makipag communicate sa mga staff at mahahalaga

    last update最後更新 : 2026-04-01
  • One Night Love (Tagalog)   Kabanata 824

    Ang simbahan ng Saint Joseph ay tahimik ngunit sagrado. Sa harap nito, isang dambuhalang arko ng puting rosas, gumamela, at ilang-ilang ang tinayo — simple ngunit elegante, piniling kulay ni Lia mismo. Hindi ito isang kasalang pinuno ng camera ng media o pasabog ng sosyal na pakulo. Sa loob ng si

    last update最後更新 : 2026-04-01
  • One Night Love (Tagalog)   Kabanata 805

    Hindi nakagalaw si Lia. Tulala lang siya habang hinahayaan si Leon na sii.lin siya ng halik. Labag sa kontrata ang ginagawa nila ngayon pero hindi niya maintindihan kung bakit pati siya ay nawalan na ng lakas na pahintuin ang contracted husband niya. Mabagal ang bawat halik na iginagawad ni Leon k

    last update最後更新 : 2026-04-01
  • One Night Love (Tagalog)   Kabanata 823

    “Kumusta raw sina Owen at Kiana?" “Okay na po sila lola, kaso mukhang pareho silang nawala sa katinuan matapos silang hatulan ng guilty ni Judge Jake." "Alam mo, bilib na bilib ako kay Jake. Matalino at may prinsipyo ang batang ‘yon. Sana ay magbago ang desisyon niya at tanggapin niya ang posis

    last update最後更新 : 2026-04-01
更多章節
探索並免費閱讀 優質小說
GoodNovel APP 免費暢讀海量優秀小說,下載喜歡的書籍,隨時隨地閱讀。
在 APP 免費閱讀書籍
掃碼在 APP 閱讀
DMCA.com Protection Status