Se connecterDahan-dahang uminom si Luna ng mango juice habang ang ulo niya ay bahagyang nakasandal pa rin kay Yael. At sa harap nila, patuloy lang ang tawanan ng mga bata na parang walang katapusan. Hindi nagtagal, napansin na ni Liana na hindi na lang nanonood ang kaniyang ina, nakasandal na ito sa kaniyang
Nakaupo si Luna sa gilid, nakababad ang mga paa niya sa malamig na tubig habang ang dulo ng kaniyang damit ay bahagyang nababasa. Pinagmamasdan niya ang mga anak nila ni Yael na nasa gitna ng pool nagtatampisaw. Nakatitig lang siya sa mga ito. Nakangiti siya habang nakatingin siya kina Liana at Gael
Makalipas ang ilang araw ay pinayagan na ring makauwi si Luna mula sa hospital. Buryong-buryo na siya sa hospital. Nananawa na rin siya sa amoy ng mga gamot. At naaawa na rin siya sa mga bata. Tahimik ngunit masigla ang presidential room nang umagang iyon. Abala ang nurse sa pag-aayos ng mga pape
Hindi sumagot si Yael. Sa halip ay dahan-dahan siyang lumuhod sa tabi ng kama. Halos mapatayo si Luna sa gulat ngunit hindi siya masyadong makagalaw dahil ramdam niya ang pananakit ng tahi niya sa katawan. Napangiwi siya at winasiwas ang kamay, “Wait… wait—bakit ka ba lumuluhod d’yan?” Napahawak s
Muling gumalaw ang mga mata ni Luna bago siya tuluyang nagmulat. Malabo pa ang paningin niya. Parang umiikot ang paligid niya pero ang unang malinaw na mukha na nakita niya ay ang maliit na mukha ni Liana na halos nakadikit na sa kaniya. “Mommy!” masayang sigaw ng bata. Napangiti si Luna kahit n
Tatlong araw nang hindi nagigising si Luna at sa bawat oras na lumilipas, ang pakiramdam nina Yael at Yana ay lalo lang humahaba ang paghihintay nila. Tulog na tulog ang dalawang paslit sa sofabed sa gilid ng presidential room. Ilang araw na rin silang hindi umaalis sa hospital. Kahit anong pakius
“Ang dapat mong kausapin ay ang H.R. Department tungkol diyan. Mag-apply ka kung gusto mo but I can't back you up. I still want equalities between my employees.” “Maraming salamat, Andy! Hindi mo talaga ako matiis.” Lumapit si Livina kay Yael at hinawakan ang kamay nito. Nasa tabi lamang ni Ya
Mabilis ang bawat hakbang ni Vida habang bitbit ang ilang bag ng mga gamit na pang-sanggol. Halos mahulog pa sa kaba ang hawak niyang supot ng mga dokumentong kailangan sa pagpapanggap nilang mag-ina habang si Livina naman ay naghihintay sa labas ng clinic. “Mama, p'wede bang hubarin ko na itong b
Mabilis na kumalat ang apoy sa buong gusali. Umiiyak na si Luna habang pilit niyang inaabot ang pintuan ngunit bumabagsak na ang mga bahagi ng kisame. Ang init ng paligid ay nanunuot na sa kaniyang buto at halos hindi na niya makayanan. “Tulong… T-Tulungan niyo ako… pa-parang awa niyo na…” paos na
Dahan-dahang nagmulat ng mga mata si Luna. Ramdam niya ang bigat ng kaniyang ulo at ang pag-ikot ng kaniyang paligid. “Ugh…” mahina niyang ungol habang pilit inaabot ang kaniyang sintido ngunit bago pa man niya mahawakan iyon ay napahinto siya. Nanginig ang buong katawan ni Luna nang maramdaman ni







