Share

FIVE:

Author: YuChenXi
last update publish date: 2026-04-21 17:57:39

“Vladimir! Ano ang ginagawa mo?” muli ay tanong ng bagong dating.

Lumapit ito sa kanila.

“Vladimir, bata ka oo. Sino ang nagbigay sa iyo ng pahintulot na suriin ang mga pasyente ko habang wala ako?” galit na tanong ng doktora sa lalaki, kaya mas lalong nalito si Aliah.

Hanggang sa balingan na siya ng doktora.

“Binibini, pagpasensyahan mo na ang anak ko. Pumunta lang ako sa banyo at pinakiusapan ko siyang tignan muna ang opisina ko habang wala ako pero hindi ko akalain na susuriin ka niya mismo.” paghingi ng paumanhin ng doktora sa kanya. "Hindi kasama ang diagnosis niya ngayon, hayaan mong i-diagnose kita ulit!"

"?!" wala na halos alam sabihin si Aliah sa sinabi ng doktora. Natahimik siyang nakatingin na lang sa doktora.

Ahh?! Anong nangyari?!

Napasulyap naman si Vladimir sa kanya, at ang makitang gulat at pagtataka niyang ekspresyon, hindi nito mapigilan ang pagtaas ng sulok ng kanyang labi ng isang ngiti. Ngunit hindi nito iyon ipinahalata. Saka naman nito binalingan ang doktorang ina.

"Ma, hindi na kailangan ng anumang pagsusuri. Nagawa ko na ang masusing pagsusuri para sa kanya. Dahil matagal na akong kasama mo, may alam na akong mga pangunahing kaalaman sa medisina."

Nagulat si Ivana.

Hindi niya mapigilang magtaka dahil ito ang unang beses na hinayaan nito ang isang babaeng makalapit dito. At hindi lang simpleng paglapit kundi hinawakan pa mismo ni Vladimir. At ang malala ay sinuri pa talaga nito ang pasyente sa maselang bahagi ng katawan nito.

Bagama't nakaramdam si Ivana ng kakaiba sa kilos ni Vladimir, hindi na niya muna iyon masyadong binigyan ng pansin. Sa halip kinuha ni Ivana ang ulat ng diagnos na isinulat nito sa pasyente niya at sinimulang basahin.

Pagkalipas ng ilang sandali matapos basahin ni Ivana ang ulat sa kalagayan ni Aliah. Napasulyap si Ivana kay Aliah. Hindi makapaniwala sa naging kalagayan niya matapos niyang makipagtalik.

“Ms. Salvador, bilang doctor ay ang maipapayo ko sayo ay iwasan ang ganitong kalalang aktibidad. Hindi ba alam ng iyong kasintahan na kontrolin ang kanyang sarili at ang tanging inisip ay sariling kaligayan at hindi na inalala ang iyong mararamdaman.” panimula ng doktor na pagsabihan si Aliah dahil sa sobrang naging aktibidad ng pakikipagniig niya.

At hindi naman niya masabi na ang lalaking nakaniig niya ang lalaking nasa harap nila ngayon na anak nga ng doktor na kumakausap sa kanya.

“Anong klaseng lalaki ang kasintahan mo, para siyang hayop sa ginawa niya sayo.” dagdag pa ni Ivana dahilan para maubo si Vladimir. “Hindi makatao ang kalse ng paggalaw niya sayo. Ms. Salvador, sabihin mo sa kasintahan mo na maging maingat na susunod. At kung hindi ka niya kayang galangin, ayaw ko naman sanang makialam pero mas mabuting makipaghiwalay ka sa ganung klaseng lalaki.” mahabang paalala at payo nito sa kanya.

Muling naubo si Vladimir na hindi na gustong marinig pa ang masasakit na salitang ibinabato nito sa kanya kahit hindi naman nito alam na siya na ang lalaking tinutukoy nito.

“Ma, tama na iyan. Itigil mo na ang panenermon sa kanya, pinapahiya mo lang ang iyong pasyente,”

“Hindi sa ipinapahiya ko siya, sinasabihan at pinapaalalahan ko lang siya na mag ingat na sa susunod at hindi niya deserve ang tratuhin ng ganito.” sagot naman ni Ivana kay Vladimir.

Dahil hindi na rin matagalan ni Aliah ang mga sinasabi sa kanya ng doktora ay minabuti na niyang pumagitna sa mag ina.

“Doktora, naiintindihan ko po. Kaya maaari po ba kayong magreseta ng gamot para sa akin?" gusto na niyang tapusin ang pagpapakunsulta niya. Nakakahiya na sa harap nilang mag ina.

Ayaw na niyang magtagal pa!

Nahalata ni Ivana na nahihiya si Aliah, kaya tumigil siya sa pagsasalita at tumango.

"Sige, magrereseta ako ng gamot na pampahilom. Mabuting pahiran iyan tatlong beses sa isang araw ng hindi maempeksyon. At tandaan mo, hindi ka dapat makipagtalik sa loob ng isang linggo, o mas mabuting sa loob ng isang buwan para sa agarang paggaling at ng hindi na lumala pa ang pamamaga.” Muling paalala ni Ivana habang isinusulat ang reseta nito para sa kanya.

Tumango si Aliah.

"Sige po, naiintindihan ko, doktora."

Niresetahan ni Ivana ng gamot si Aliah. Kinuha ni Aliah ang reseta at nagmamadaling lumabas, na parang may mabangis na halimaw sa likuran niya na hahabol sa kanya.

Hindi naman napigilan ni Ivana ang mapabuntong-hininga.

"Napakagandang bata, napakaamo ng kanyang mukha at halatang napakamasunurin. Paano siya nagawang abusuhin ng halimaw na kasintahan nito ng ganun.” mahinang saad pa ni Ivana na nakatingin sa pinto kung saan nagmamadaling lumabas si Aliah. “Kung ako ang magulang niya ay sisiguraduhin kong ipapabugbog ko sa papa mo ang lalaking gumawa nito sa kanya.” dagdag pa niya sabay sulyap kay Vladimir na halatang nasamid sa sinabi niya.

"Ma, bakit mo naman idadamay pa si papa dito. At kung magkaganun man, siguradong hindi tatanggi si papa sa iuutos mo sa kanya.” sagot ni Vladimir sa ina na ang tingin ay sa direksyon ng pinto kung saan lumabas si Aliah. “Hindi na rin ako magtatagal ma, aalis na ako.” at agad siyang nagpaalam kay Ivana.

“At saan ka pupunta, halos kadarating mo lang ah.” tanong pa nito sa kanya. “Pinapunta kita dito para makilala mo si Dra. Martin. Kadarating lang niya galing sa ibang bansa. Maganda, matalino. Higit sa lahat, single pa rin siya. Makipagkita ka sa kanya; baka magkasundo pa kayo. At ng makapag-asawa ka na.”

"Saka na natin iyan pag usapan, ma. May mahalaga pa akong aasikasuhin ngayon kaysa sa walang kwentang pakikipagkilala sa kakilala niyo.” sagot ni Vladimir at bago pa makasagot at mapigilan siya ng kanyang ina ay nagmamadali na siyang lumabas ng opisina nito.

Napailing naman si Ivana na napasunod na lang ang tingin sa kanyang panganay na anak.

"Hoy, batang 'to, labis akong nag-aalala tungkol sa’yo, hindi mo ba pwedeng pakinggan man lang ang mga plano ko kahit ngayon lang? Napakabait na tao ni Dra. Martin, siguradong magugustuhan mo siya kapag nakilala mo siya!"

Gayunpaman, malayo na ang nalakad ni Vladimir at hindi na niya ito marinig.

Nasa trabaho pa rin si Ivana at walang ibang magawa kundi ang panoorin ang pag-alis ng kanyang anak. Ilang beses na rin niyang inihanap ito ng babaeng ipapakilala dito ngunit lahat ay tinanggihan nito. Walang nagustuhan kahit na kanino. At ang inaalala niya ay may naibabalitang may karelasyon pang lalaki ito kaya mas lalo siyang nag aalala.

Hindi niya matanggap na ang panganay nila ni Janus ay lalaki ang gusto nito. At hindi niya iyon hahayaang mangyari. Kaya hindi siya tumigil na ipareha ito sa iba’t ibang mga magagandang babae. Pero sa kasamaang palad ay hanggang ngayon ay tila wala pa rin itong nagugustuhan kahit isa.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • One Night Mistake Of True Love   71:

    "I want mommy to live here." Sabay kaming napatitig sa anak namin ng muli itong magsalita at dahil na rin sa mga sinabi nito."But mommy has her own life outside, baby." Ako ang sumagot dahil hindi siya agad nagsalita para sagutin ang gusto ng anak namin. "And remember, ninong Kent is waiting for her." Saka ko naalala si Kent na malayang ipinagkatiwala siya sa pangangalaga ko.Pero sa pagkaalala ko sa bagay na iyon ay may kung anong bahagi ng pagkatao ko ang biglang nakaramdam ng kakaiba. Hindi ko lang iyon mapangalanan sa ngayon."I don't like ninong Kent." Kuway sabi nito na ikinatigil ko. Dati rati na sa tatlo kong kaibigan ay kay Kent ito malapit dahil palagi itong bumibisita at nakikipaglaro sa kanya."Okay, okay. Fine. We will ask mommy about it. Hmmm. But for now, Mommy need to go home to say goodbye to your grandfather." Pagpapaliwanag ko na lang saka ko siya binalingan. "Am I right, Ely?""Huh! Y-yes." Paestamer na sagot niya."Yehey. I miss mommy so much." Kagalakan ang maki

  • One Night Mistake Of True Love   70:

    Itinigil ko ang pagbabasa ko ng makita ang oras na pasado alauna na ng madaling araw. Itinabi ang laptop ko bago ko binalingan ang anak ko.Sa paglingon ko ay saka ko naalala na kasama pala namin si Emely na ngayon ay katabi ng anak namin na parehong mahimbing na sa pagkakatulog. Nakapatong ang isang kamay niya sa may hita ng anak namin."This is not bad after all." sa loob loob ko habang pinagmamasdan sila.Ilang sigundo din akong nakamasid sa kanila bago ako nagpasyang matulog na din.Dinampian ko ng halik ang noo ng anak namin dahilan para gumalaw ito. Sa paggalaw nito ay siya namang pagtapik ng kamay niya na nakapatong sa hita nito.Hindi ko mapigilan ang mangiti sa ikinilos niya sa paggalaw ng anak namin. Natural na gawain ng isang ina na kahit tulog ang diwa ay may sariling isip ang katawan para alagaan pa rin ang anak."Sleep well." bulong ko na hindi napigilan ang sarili ko na ipatong ang kamay ko sa kamay niya na patuloy sa mabagal na pagtapik sa anak namin.Kusa din akong yu

  • One Night Mistake Of True Love   69:

    "What are you still doing there?" may pagsita na tanong ni sir Drake sa akin ng hindi pa ako bumaba ng sinakyan namin.Nakarating na kami lahat lahat sa bahay nila ng saka ko lang maisip ang asawa ni sir Drake na siguradong naghihintay sa kanilang dalawa. Ramdam ko pa naman nun pa lang na ayaw sa akin ng asawa nito na ngayon ko lang ulit maalala.Dahil sa kagustuhan kong makasama ang anak ko ay nawala iyon sa isip ko na siguradong hindi magugustuhan ang makita ako sa bahay nila. Baka pagtapak ko pang sa tarangkahan ng bahay nila ay salubungin na naman ako ng matalim na tingin o di kaya naman ay pagsalitaan ako ng hindi maganda. Baka sabihin pang nakikisiksik ako sa buhay ng mag ama niya.Pero hindi ko naman isisiksik ang sarili ko kay Sir Drake. Sa anak ko lang dahil iyon naman talaga ang gusto ko."Mommy?" napakurap ako ng marinig ko ang pagtawag sa akin ng anak ko na ikinabigla din niya iyon kaya halos sabay kaming napatitig dito. Ang pagtawag sa akin ng anak ko ay nakapagpawala ng

  • One Night Mistake Of True Love   68:

    Matapos ang dinner namin ay nagpasya kaming manuod ng sine. May palabas para sa mga bata kaya iyon ang napag pasyahan namin panoorin. Kahit na hindi bagay iyon sa tulad naming tatlo nina Emely ay para na rin sa anak namin iyon. Bonding naming tatlo.Oh know. Apat pala dahil sumabit si Kent dahil ayaw iwan ang girlfriend sa amin na ina ng anak ko kaya wala akong magagawa para dun. Hahayaan ko na lang silang dalawa basta huwag lang iparamdam ni Kent sa anak ko na gustong suluhin ang ina ng anak ko."It's been a long time since I watched a movie." si Kent na nakaupo sa kaliwa niya habang ako ay sa kanan at siya sa gitna kandong pa rin ang anak namin na ayaw magpakarga sa akin."If you are disappointed, watch the children's show. We are not forcing you to watch." hindi ko alam kung bakit parang may inis na sabi ko dito dahil saka ko na lang napagtanto iyon ng matapos ko iyong bigkasin."Dude, are you mad at me?" tanong nito na napatingin sa akin."Why did you think I was mad at you?" bali

  • One Night Mistake Of True Love   67:

    "Stop being clingy, will you." may pagsiko pa sa tagiliran niya na hindi pinansin at hindi inalis ang pagka kaakbay niya sa akin."Just let it be, baby. Ginagawa ko lang ito para mapabilis ang lahat." at iyon na naman ang katagang binibitawan niya na hindi ko makuha ang nais niyang ipahiwatig.Kahit naman na tanungin ko ay hindi naman niya sinasagot ng deretso at sinasabing hayaan ko lang siya kaya minsan hindi ko na lang pinapansin ang madalas na paglingkis niya sa akin.Para sa akin ay wala namang kahulugan ang mga paghawak, pag akbay niya sa akin. Natural na lang para sa akin dahil itinuturing ko na siyang isang kaibigan. Oo, hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya at wala ng hihigit pa dun."Wanna have dinner with me tonight? My treat.""Gusto ko sana kaya lang..""Dinner date with your son?" tanong niya na agad kong tinanguhan. "Then can I come?"Hindi agad ako nakasagot ng hilain na niya ako palabas ng studio.Napalunok ako habang napapasunod sa kanya at hindi alam

  • One Night Mistake Of True Love   66:

    "Relax, dude. I knew from the beginning that my girlfriend had a child and I accepted that. I will also accept if your son considers me as his father because I am also one of his godfathers." nakangiti pa niyang sagot na ikinakunot ng nuo ko dahil sa huli nitong sinabi."Sapat na ang maging ninong ka lang niya at hindi na kailangan ng anak ko ang isa pang ama." hindi ko maiwasang langkapan ng pagka disgusto sa boses ko sa sinabi niya na ikinangisi lang niya.Kilala ko naman siya na hindi basta madi-disappoint sa sinabi ko kaya hindi din issue iyon."Yeah, I know that, dude." inalis ang pagka kaakbay sa kanya at tinapik ako sa balikad. "How about eat dinner together. Do you like that little boy?" kuway baling sa anak ko at hindi na pinansin ang nabuo ng tensyon sa pagitan namin sa palitan namin ng maikling salita.Agad na tumango ang anak ko kaya hindi na ako nakatanggi pa lalo na at karga pa rin niya ito. Napa sunod na lang ako ng igiya kami ni Kent sa kung saan sila kanina nakaupo."

  • One Night Mistake Of True Love   ONE

    Aliah was staggering in her feet and didn't know where it would take her.Inimbitahan si Aliah ng kanyang matalik na kaibigan sa pagdiriwang nito ng kaarawan ngunit napasobra siya ng inum hanggang sa umiikot na ang mundo niya sa dami ng nainum. Wala pa sana siyang balak umalis doon ngunit hindi nag

  • One Night Mistake Of True Love   FOUR:

    Lumabas si Vladimir, natural na napatitig siya sa maamo at inosesnteng mukha ng babaeng kaharap niya ngayon.“It’s her!” sa loob loob ni Vladimir.Nagsalubong ang mga mata nila.Napansin niyang hindi makatingin sa kanya ang babae.“Anong maipaglilingkod ko sayo?” seryosong tanong ni Vladimir dito n

  • One Night Mistake Of True Love   THREE:

    Mahimbing na nakatulog si Vladimir.Matagal na siyang hindi nakaranas ng ganitong komportableng tulog.Marahil ay dahil sa nangyari kagabi, dahil sa babaeng kayakap niya ng magdamag. Naging komportable ang pakiramdam niya sa balingkinitan at malambot na katawan ng babae. Idagdag pa ang natural na b

  • One Night Mistake Of True Love   TWO:

    Nagising si Aliah na parang may nakadagan sa kanya at hindi siya maayos huminga.Nagmulat siya ng mga mata ng mapagtantong hindi lang basta kung ano ang nakadagan sa kanya kaya hindi siya makahinga kundi nakayakap ng mahigpit ang braso ng isang lalaki sa baywang niya.She swallowed. She blinked as

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status