LOGINLumabas si Vladimir, natural na napatitig siya sa maamo at inosesnteng mukha ng babaeng kaharap niya ngayon.
“It’s her!” sa loob loob ni Vladimir. Nagsalubong ang mga mata nila. Napansin niyang hindi makatingin sa kanya ang babae. “Anong maipaglilingkod ko sayo?” seryosong tanong ni Vladimir dito na nagpasyang huwag na lang muna itong usisahin sa nangyari sa kanila ng nagdaang araw. Napansin kasi niya na hindi mapakali ang babae kaya mas mabuting tanungin na ito kung ano ang kailangan nito. At dahil sa gynecologist ang doctor na hanap nito ay alam na niya ang pakay nito. Kapansin pansin din ang pamumula ng mukha nito at pilit na umiiwas sa kanya ng tingin. Nang hindi ito magsalita ay humakbang na siya at naupo. Kumuha na papel at ballpen. “Pasensya na, nagkamali yata ako ng pinasukan. Ang pagkakaalam ko ay babaeng doctor ang haharap sa akin at doktora Ivana Gray ang pangalan niya.” sabi ng babae sa kanya na halatang nais ng umalis ng sabihin iyon sa kanya. “Hindi ka nagkamali. Tama ang silid na pinasukan mo. Mayroon lamang siyang mahalagang pinuntahan sandali at nakisuyo siya sa akin para humarap sa kanyang mga pasyente.” sagot naman niya dito. “Maupo ka.” kuway utos na niya dito. Nagdadalawang isip naman ang babae kung uupo ba ito o aalis na lang. “Marami pang susunod na pasyente kaya kung ayaw mong maghintay sila ng matagal ay maupo ka na. Huwag kang magsayang ng oras.” muli ay sabi ni Vladimir. Mas naging seryoso ito. Walang nagawa si Aliah kung ang hindi maupo. “Anong pangalan mo?” tanong na ni Vladimir. Napalunok pa si Aliah bago sumagot. “Aliah Salvador.” “Ilang taon ka na?” tanong ulit ni Vladimir matapos isulat ang pangalan nito. “20 na ako.” muli namang sagot ni Aliah. Lihim na gumuhit ang ngiti sa labi ni Vladimir dahil hindi na niya aalalahanin na ginalaw niya ang babae sa pag aakalang minor de edad pa ito. Muli siyang nagpatuloy sa pagtatanong. “May asawa?” “Wala,” “May kasintahan?” “Wala rin.” Napaangat na ang mukha niya mula sa isinusulat sa huling sagot nito. Napatitig ulit siya kay Aliah. “Kung wala kang asawa o kasintahan? Ano ang ipinunta mo dito? Bakit ka magpapacheck up?” muli ay tanong ulit ni Vladimir. Nais maging propesyonal ang kilos sa harap ng babae. Ngunit sa naging tanong niya ay muli lang namula ang pisngi ni Aliah. Kaya sa isip ni Vladimir ay tama siya ng hinala na magpapacheck up ito dahil sa nakipagtalik nga ito sa kanya. "Anong mga problema sa kalusugan ang mayroon ka?" Mas nailang si Aliah dahil lalaking doctor nga ang kaharap ngayon. Hindi si Doktora Gray na inaasahan nitong kaharap. "Medyo masakit ang parteng iyon ng mga binti ko..." halos hindi lumabas sa bibig iyon ni Aliah. Nahihiya na talaga siya. Sa sinabi ni Aliah ay bahagyang humigpit pa ang pagkakahawak niya sa ballpen. Muli siyang napatitig dito. “Saang eksaktong parte ng iyong binti?” Napahawak pa si Aliah sa kanyang damit. Pagkatapos nitong sabihin iyon, hindi napigilan ng mga pisngi na lalong mamula sa hiya. Pero walang ipinakitang anumang mali sa panlabas na reaksyon si Vladimir ang kanyang tingin ay nanatiling nakatuon kay Aliah. "Saang parte ba talaga?" Muli niyang tanong dito. "..." napalunok na lang muli si Aliah. Hindi niya maibigkas ang bagay na iyon. Hindi niya mailalarawan ang bahaging ito...ng bahaging iyon? "Ito ay...ito lang..." mas lalo siyang nahiya. Parang gusto na lang nitong lumubog mismo sa kinauupuan ng huwag ng humarap kay Vladimir. Tiningnan ni Vladimir ang mukha ng babae, na namula ng husto. Taas baba ang kanyang adams apple sa hindi mapigilang paglunok habang nakatitig kay Aliah. Bumalik sa alaala niya kung paanp niya halikan ang mapupula nitong labi ng gabing iyon. Biglang may bumangong apoy, hindi maipaliwanag na kati at hindi maipaliwanag na init sa lalamunan niya. Pinigilan niya ang kanyang magulong emosyon at muling nagtanong. "Ano ang sanhi nito?" "..." kahit ibuka ni Aliah ang kanyang bibig ay walang boses na lumalabas. "Sex life?" Hindi nagsalita si Aliah, ngunit tumango ito nang may pamumula parin sa mukha. Tumayo si Vladimir sa pagkakaupo. “Mahiga ka, take off your underwear and cover yourself with the blanket.” Seryosong utos na ni Vladimir kay Aliah. Dahilan para lalo itong mapako sa kinauupuan. ….. “Huh!” hindi na halos kumurap si Aliah ng marinig ang sinabi ni Vladimir. Ano na lang ang iniisip nito sa kanya ngayon? Wala siyang asawa, ni wala siyang kasintahan pero magpapascheck-up siya sa bahaging iyon ng katawan niya at sa mismong lalaki pang nakakuha ng virginity niya ang titingin sa kanya. “Do I need to repeat it?” muli ay narinig niyang sabi nito sa kanya.”Kung hindi ka hihiga paano masusuri ang sinasabi mong masakit sayo? Napalunok ulit si Aliah. At inipon ang lakas para makapagsalita. “H-hindi ba pwedeng babaeng doktor ang titingin sa akin? Pwede ko bang hintayon si Doktora Gray?” Napatitig ito sa kanya. “There is no time for your second thought. If you really want to know the cause of the pain you are feeling right now, lay down and remove your underwear. Or do you want me to help you to remove it?” .”P-pero…” hindi na naituloy ni Aliah ang pagrereklamo ng makitang wala namang espesyal sa tingin nito. Seryoso at malamig lang tingin nito sa kanya na tila nga walang naalala sa nangyari sa kanila. Kaya bago pa ito muling mag utos sa kanya na nahiga ay nagtungo na nga siya sa kama. Nagtago sa likod ng kurtina at tinanggal na ang kanyang underwear bago unti unting nahiga sa kama. Siguro nga sanay na ang lalaki sa ganitong pagkakataon. Dahil isa nga naman itong doktor. Marami na siguro itong naging pasyente at hindi lang siya nag iisang babaeng titignan nito. “Lift up your knee and open your legs,” muli ay narinig nga niyang utos nito habang nagsusuot na nga ng guwantes. Nakatakip na sa ibabang bahagi ng katawan niya ang puting kumot. Magpaganun pa man ay hindi niya talaga maiwasang makaramdam ng hiya. Bubukaka siya sa harap ng lalaking umangkin sa kanya ng ilang beses noong nakaraang gabi. Mariin na lang na pumikit si Aliah ng pumuwesto na si Vladimir sa may paanan ng kama. Naramdaman na lang niya ang marahang pag angat ng kumot. Naramdaman niya ang kamay nitong sumagi sa kanyang hita hanggang sa damahin na nito ang kanyang pagkababae. Napapiksi pa siya na parang may bultahe ng kuryente ang agad na kumalat sa kanyang mga ugat. Naisip niya na ganito na ang reaksyon niya sa paghawak nito sa kaselanan niya at ano na lang kaya kung wala itong suot na guwantes. “M-masakit.” muli siyang napapiksi ng maramdaman ang hapdi sa bahaging iyon ng kaselanan niya ng suriin iyon ni Vladimir. Kagat ang labi niyang iminulat ang mga mata at napatingin sa doktor. “Mmmm,” tanging narinig niya mula dito na ilabas ang ulo nito sa ilalim ng kumot kung saan ito sumilip sa kanyang kaselanan sa pagsusuri nito. Tumayo at inalis na ang guwantes sa kamay nito. “D-doktor, a-anong sakit ko?” hindi na niya mapigilang tanong dito, kinakabahan. Ngunit hindi na siya ganun kinakabahan dahil sa makitang doktor ang lalaking umangkin sa kanya ay sigurado namang malinis ito at walang sakit. Nakita niyang bumuka ang bibig nito ngunit hindi na natapos ang gustong sabihin ng may biglang tumawag sa pangalan nito. “Vladimir! Anong ginagawa mo?” tanong ng bagong dating. Sabay pa silang napatingin ng lalaki sa nagsalita. At ng makita niya ito ay hindi na niya pwedeng tanungin kung sino ito. Dahil ito sana ang doktor na haharap at titingin sa kalagayan niya."I want mommy to live here." Sabay kaming napatitig sa anak namin ng muli itong magsalita at dahil na rin sa mga sinabi nito."But mommy has her own life outside, baby." Ako ang sumagot dahil hindi siya agad nagsalita para sagutin ang gusto ng anak namin. "And remember, ninong Kent is waiting for her." Saka ko naalala si Kent na malayang ipinagkatiwala siya sa pangangalaga ko.Pero sa pagkaalala ko sa bagay na iyon ay may kung anong bahagi ng pagkatao ko ang biglang nakaramdam ng kakaiba. Hindi ko lang iyon mapangalanan sa ngayon."I don't like ninong Kent." Kuway sabi nito na ikinatigil ko. Dati rati na sa tatlo kong kaibigan ay kay Kent ito malapit dahil palagi itong bumibisita at nakikipaglaro sa kanya."Okay, okay. Fine. We will ask mommy about it. Hmmm. But for now, Mommy need to go home to say goodbye to your grandfather." Pagpapaliwanag ko na lang saka ko siya binalingan. "Am I right, Ely?""Huh! Y-yes." Paestamer na sagot niya."Yehey. I miss mommy so much." Kagalakan ang maki
Itinigil ko ang pagbabasa ko ng makita ang oras na pasado alauna na ng madaling araw. Itinabi ang laptop ko bago ko binalingan ang anak ko.Sa paglingon ko ay saka ko naalala na kasama pala namin si Emely na ngayon ay katabi ng anak namin na parehong mahimbing na sa pagkakatulog. Nakapatong ang isang kamay niya sa may hita ng anak namin."This is not bad after all." sa loob loob ko habang pinagmamasdan sila.Ilang sigundo din akong nakamasid sa kanila bago ako nagpasyang matulog na din.Dinampian ko ng halik ang noo ng anak namin dahilan para gumalaw ito. Sa paggalaw nito ay siya namang pagtapik ng kamay niya na nakapatong sa hita nito.Hindi ko mapigilan ang mangiti sa ikinilos niya sa paggalaw ng anak namin. Natural na gawain ng isang ina na kahit tulog ang diwa ay may sariling isip ang katawan para alagaan pa rin ang anak."Sleep well." bulong ko na hindi napigilan ang sarili ko na ipatong ang kamay ko sa kamay niya na patuloy sa mabagal na pagtapik sa anak namin.Kusa din akong yu
"What are you still doing there?" may pagsita na tanong ni sir Drake sa akin ng hindi pa ako bumaba ng sinakyan namin.Nakarating na kami lahat lahat sa bahay nila ng saka ko lang maisip ang asawa ni sir Drake na siguradong naghihintay sa kanilang dalawa. Ramdam ko pa naman nun pa lang na ayaw sa akin ng asawa nito na ngayon ko lang ulit maalala.Dahil sa kagustuhan kong makasama ang anak ko ay nawala iyon sa isip ko na siguradong hindi magugustuhan ang makita ako sa bahay nila. Baka pagtapak ko pang sa tarangkahan ng bahay nila ay salubungin na naman ako ng matalim na tingin o di kaya naman ay pagsalitaan ako ng hindi maganda. Baka sabihin pang nakikisiksik ako sa buhay ng mag ama niya.Pero hindi ko naman isisiksik ang sarili ko kay Sir Drake. Sa anak ko lang dahil iyon naman talaga ang gusto ko."Mommy?" napakurap ako ng marinig ko ang pagtawag sa akin ng anak ko na ikinabigla din niya iyon kaya halos sabay kaming napatitig dito. Ang pagtawag sa akin ng anak ko ay nakapagpawala ng
Matapos ang dinner namin ay nagpasya kaming manuod ng sine. May palabas para sa mga bata kaya iyon ang napag pasyahan namin panoorin. Kahit na hindi bagay iyon sa tulad naming tatlo nina Emely ay para na rin sa anak namin iyon. Bonding naming tatlo.Oh know. Apat pala dahil sumabit si Kent dahil ayaw iwan ang girlfriend sa amin na ina ng anak ko kaya wala akong magagawa para dun. Hahayaan ko na lang silang dalawa basta huwag lang iparamdam ni Kent sa anak ko na gustong suluhin ang ina ng anak ko."It's been a long time since I watched a movie." si Kent na nakaupo sa kaliwa niya habang ako ay sa kanan at siya sa gitna kandong pa rin ang anak namin na ayaw magpakarga sa akin."If you are disappointed, watch the children's show. We are not forcing you to watch." hindi ko alam kung bakit parang may inis na sabi ko dito dahil saka ko na lang napagtanto iyon ng matapos ko iyong bigkasin."Dude, are you mad at me?" tanong nito na napatingin sa akin."Why did you think I was mad at you?" bali
"Stop being clingy, will you." may pagsiko pa sa tagiliran niya na hindi pinansin at hindi inalis ang pagka kaakbay niya sa akin."Just let it be, baby. Ginagawa ko lang ito para mapabilis ang lahat." at iyon na naman ang katagang binibitawan niya na hindi ko makuha ang nais niyang ipahiwatig.Kahit naman na tanungin ko ay hindi naman niya sinasagot ng deretso at sinasabing hayaan ko lang siya kaya minsan hindi ko na lang pinapansin ang madalas na paglingkis niya sa akin.Para sa akin ay wala namang kahulugan ang mga paghawak, pag akbay niya sa akin. Natural na lang para sa akin dahil itinuturing ko na siyang isang kaibigan. Oo, hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya at wala ng hihigit pa dun."Wanna have dinner with me tonight? My treat.""Gusto ko sana kaya lang..""Dinner date with your son?" tanong niya na agad kong tinanguhan. "Then can I come?"Hindi agad ako nakasagot ng hilain na niya ako palabas ng studio.Napalunok ako habang napapasunod sa kanya at hindi alam
"Relax, dude. I knew from the beginning that my girlfriend had a child and I accepted that. I will also accept if your son considers me as his father because I am also one of his godfathers." nakangiti pa niyang sagot na ikinakunot ng nuo ko dahil sa huli nitong sinabi."Sapat na ang maging ninong ka lang niya at hindi na kailangan ng anak ko ang isa pang ama." hindi ko maiwasang langkapan ng pagka disgusto sa boses ko sa sinabi niya na ikinangisi lang niya.Kilala ko naman siya na hindi basta madi-disappoint sa sinabi ko kaya hindi din issue iyon."Yeah, I know that, dude." inalis ang pagka kaakbay sa kanya at tinapik ako sa balikad. "How about eat dinner together. Do you like that little boy?" kuway baling sa anak ko at hindi na pinansin ang nabuo ng tensyon sa pagitan namin sa palitan namin ng maikling salita.Agad na tumango ang anak ko kaya hindi na ako nakatanggi pa lalo na at karga pa rin niya ito. Napa sunod na lang ako ng igiya kami ni Kent sa kung saan sila kanina nakaupo."
Mahimbing na nakatulog si Vladimir.Matagal na siyang hindi nakaranas ng ganitong komportableng tulog.Marahil ay dahil sa nangyari kagabi, dahil sa babaeng kayakap niya ng magdamag. Naging komportable ang pakiramdam niya sa balingkinitan at malambot na katawan ng babae. Idagdag pa ang natural na b
Nagising si Aliah na parang may nakadagan sa kanya at hindi siya maayos huminga.Nagmulat siya ng mga mata ng mapagtantong hindi lang basta kung ano ang nakadagan sa kanya kaya hindi siya makahinga kundi nakayakap ng mahigpit ang braso ng isang lalaki sa baywang niya.She swallowed. She blinked as
Aliah was staggering in her feet and didn't know where it would take her.Inimbitahan si Aliah ng kanyang matalik na kaibigan sa pagdiriwang nito ng kaarawan ngunit napasobra siya ng inum hanggang sa umiikot na ang mundo niya sa dami ng nainum. Wala pa sana siyang balak umalis doon ngunit hindi nag
“Vladimir! Ano ang ginagawa mo?” muli ay tanong ng bagong dating.Lumapit ito sa kanila.“Vladimir, bata ka oo. Sino ang nagbigay sa iyo ng pahintulot na suriin ang mga pasyente ko habang wala ako?” galit na tanong ng doktora sa lalaki, kaya mas lalong nalito si Aliah.Hanggang sa balingan na siya







