Share

THREE:

Author: YuChenXi
last update publish date: 2026-04-19 20:17:33

Mahimbing na nakatulog si Vladimir.

Matagal na siyang hindi nakaranas ng ganitong komportableng tulog.

Marahil ay dahil sa nangyari kagabi, dahil sa babaeng kayakap niya ng magdamag. Naging komportable ang pakiramdam niya sa balingkinitan at malambot na katawan ng babae. Idagdag pa ang natural na bango nito na nanuot sa kanyang pang amoy na tila nakapagpahipnotismo sa kanya.

Kaya naman nakatulog siya nang mahimbing at payapa.

Gayunpaman, nang magising siya, walang laman ang kaniyang mga braso. Ang babaeng nakasama niya ng magdamag ay wala ng bakas na iniwan.

Huli nang mapagtanto ni Vladimir na tinakasan siya ng babae. Balak pa naman sana niya itong kausapin ng masinsinan ngayong umaga ngunit hindi na pala niya ito mabubungaran paggising niya.

Umakyat ang galit niya. Hindi niya nagustuhan na tinakbuhan siya ng babae na siyang naging unang karanasan niya.

“Damn you, woman.” gigil na napamura siya at galit na bumangon.

Kinuha ang kanyang telepono at tinawagan ang kanyang personal assistant.

"Sanny, dalhan mo ako ng malinis na damit dito room 921!" utos niya kay Sanny.

Pagkatapos niyang tawagan ito ay bumangon na siya at naghanda para maligo.

Pagbangon niya, napansin niya ang kaunting pulang bahid sa puting kumot.

Nagdilim ang mga mata ni Vladimir; kunot ang noo niya. Ito ang unang karanasan ng babae at siya rin ang nakauna dito.

Ilang sandali pa ay mabilis na lumitaw si Sanny sa presidential suite na may dalang malinis na damit.

Nakita nito ang mga damit ng boss nito na nakakalat sa sahig, ang mga kumot sa kama ay magulo, at hindi nakaligtas sa pang amoy ni Sanny ang masangsang na amoy kaya nahulaan na agad nito ang nangyari kay Vladimir.

Hindi maipagkakaila na labis na nagulat si Sanny. At agad na gumana ang isip nito na sa unang pagkakataon ay nalaman niyang mayroon na itong ginalaw na babae. Sa tagal ni Sanny na kasama si Vladimir bilang assistant wala pa nga itong nasasaksihan na ganitong eksena. Pero ngayon…

Sinong babae ang may ganoong kakayahan para masira ang tila mga pangako ng isang dakilang bachelor na walang balak itong magpakasal at lalong hindi interesado sa mga babae.

Bumukas ang pinto ng banyo.

Lumabas mula sa loob si Vladimir na nakasuot na lang ng itim na roba na iniwang nakabukas at nakatapis ng puting tuwalya ang kaselanan niya. Tumutulo pa ang tubig sa buhok nito.

Hindi nakaligtas sa paningin ng assistant niya ang naiwang kalmot at mga marka ng halik at ngipin sa matipuno niyang dibdib at sa kanyang mga abs. Nagpapakita lang na naging mainit ang naging pakikipagtalik niya sa babaeng nakasama magdamag.

Namula si Sanny at mabilis na iniwas ang tingin sa kanya.

"Um, boss, ang damit mo..." sabay abot naman sa kanya ang dala nitong damit.

Kinuha ni Vladimir ang bag na naglalaman ng mga damit na walang ibang namutawi sa bibig niya.

"Tingnan mo ang security footage at alamin mo kung sino yung babaeng sumulpot sa kwarto ko kagabi." ilang sandali pa ay utos ni Vladimir kay Sanny.

"President, hindi mo nga kilala kung sino ang babaeng iyon?" lalong nagulat si Sanny sa utos niya dito.

Kumunot ang noo ni Vladimir.

"Kung alam ko ba, kailangan mo pa bang mag-imbestiga?" balik tanong na sagot niya sa tanong nito.

Hindi kasi maalis sa isip ni Vladimir na isa sa mga kasosyo niya sa negosyo ang may pakana ng lahat ng nangyari kagabi. At isa sa kanila ang nag utos sa babae para akitin siya at hindi naman sila nabigo sa pagkakataong ito.

Gayunpaman, wala siyang ebidensya, kaya dapat itong imbestigahan nang mabuti para hindi na siya mabibigla na bigla na lang susulpot isang araw sa harap niya ang babae at sabihing panagutan niya.

"Naiintindihan ko, titingnan ko agad, boss."

Tinawagan ni Sanny ang manager at hiniling dito na tingnan ang surveillance footage ng hotel.

Pero mahinang sinabi ng manager na sira ang mga surveillance camera sa palapag na ito at hindi pa naaayos.

Samakatuwid, imposibleng malaman kung sino ang pumasok sa silid ni Vladimir.

Bagama't hindi nasiyahan si Vladimir, hindi niya inutusan ang sinuman na ipagpatuloy ang imbestigasyon.

Iisipin na lang niya na iIsa lamang babaeng naka-one-night stand niya; hindi na niya kailangang gumugol ng masyadong maraming oras sa pag-iimbestiga sa babaeng iyon.

Sabihin man na nakita niya ang imbedensya na unang karanasan ng babae ang pakikipagniig sa kanya ay hindi pa rin niya iyon gagawing dahilan para pag aksayahan niya ng kanyang oras.

…..

Nakatulog naman ng mahimbing si Aliah hanggang kinabukasan.

Ngunit pagkagising niya ay nakaramdam siya ng bigat ng katawan. Nanakit ang ulo niya at nakaramdam siya ng pagkahilo.

Gayunpaman, hindi lang iyon ang masakit sa kanya dahil ng kumilos siya para bumangon ay sumidhi ang sakit sa balakang niya at sa kanyang pagkababae.

Pinilit pa rin niyang kumilos ng normal. Nang makatayo ay hindi na nga siya makapaglakad ng maayos.

Naipilig niya ang kanyang ulo. Dapat ay papasok siya sa trabaho ngayon, pero ano kaya ang iisipin ng mga kasamahan niya kung makita siyang ganito?

Matapos mapag-isipan ang gagawin, tinawagan ni Aliah ang kanyang supervisor at humingi ng isang araw na pahinga.

Uminom siya ng gamot na pampababa ng lagnat at naghanda ng simpleng almusal.

Pagkatapos ng almusal, nagplano na siyang pumunta sa ospital para sa isang check-up.

Natatakot siya na baka may sakit ang lalaki kagabi, at mahawaan siya kung ano man ang sakit nito.

Isinumpa pa niya ang sarili, hindi na siya iinom ulit ng ganoon karami. Dahil sa pag inum niya ay nakagawa siya ng bagay na hindi dapat niya dawin.

Kung magkasakit talaga siya dahil sa pakikipagniig niya sa lalaking iyon ay talagang isa iyong malaking dagok ng buhay niya.

Dahil sa pag aalala kung ano ba ang maaring makuha niyang sakit ay naghanap pa siya ng impormasyon online at ganun na lang ang panlulumo niya sa sarili ng mabasa ang mga posebleng sakit na dadapo sa kanya.

Nahabag siya sa kanyang sarili. Kaya bago pa lumala ang lahat ay nagpasya na talaga siyang magtungo ng ospital para maagapan sakali mang may sakit nga ang lalaking iyon.

Gumawa si Aliah ng espesyal na appointment sa isang senior na babaeng gynecologist na mas matanda at mas may karanasan.

Matapos ang halos kalahating oras na paghihintay sa pila, sa wakas ay tinawag na ang numero niya.

Gayunpaman, pagpasok niya, hindi niya nakita ang punong manggagamot. Nakita niya ang puting kurtina na tumatakip sa kama sa gilit, sa tabi ng bintana. Nililipad ng hangin ang kurtina kaya nasulyapan niya ang isang anino mula doon.

Naisip niya na iyon na ang doctor.

Maingat na lumapit si Aliah at tinawag nga ang doktor.

"Doktor?"

Sandaling tumigil ang pigura sa likod ng kurtina, pagkatapos ay itinaas ang kurtina at dahan-dahang lumabas.

Pagtingala, agad na nanlaki ang mga mata ni Aliah nang makita niya ang guwapong mukha lalaking doctor na kaharap niya.

“Why is it him?” sa loob loob niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • One Night Mistake Of True Love   71:

    "I want mommy to live here." Sabay kaming napatitig sa anak namin ng muli itong magsalita at dahil na rin sa mga sinabi nito."But mommy has her own life outside, baby." Ako ang sumagot dahil hindi siya agad nagsalita para sagutin ang gusto ng anak namin. "And remember, ninong Kent is waiting for her." Saka ko naalala si Kent na malayang ipinagkatiwala siya sa pangangalaga ko.Pero sa pagkaalala ko sa bagay na iyon ay may kung anong bahagi ng pagkatao ko ang biglang nakaramdam ng kakaiba. Hindi ko lang iyon mapangalanan sa ngayon."I don't like ninong Kent." Kuway sabi nito na ikinatigil ko. Dati rati na sa tatlo kong kaibigan ay kay Kent ito malapit dahil palagi itong bumibisita at nakikipaglaro sa kanya."Okay, okay. Fine. We will ask mommy about it. Hmmm. But for now, Mommy need to go home to say goodbye to your grandfather." Pagpapaliwanag ko na lang saka ko siya binalingan. "Am I right, Ely?""Huh! Y-yes." Paestamer na sagot niya."Yehey. I miss mommy so much." Kagalakan ang maki

  • One Night Mistake Of True Love   70:

    Itinigil ko ang pagbabasa ko ng makita ang oras na pasado alauna na ng madaling araw. Itinabi ang laptop ko bago ko binalingan ang anak ko.Sa paglingon ko ay saka ko naalala na kasama pala namin si Emely na ngayon ay katabi ng anak namin na parehong mahimbing na sa pagkakatulog. Nakapatong ang isang kamay niya sa may hita ng anak namin."This is not bad after all." sa loob loob ko habang pinagmamasdan sila.Ilang sigundo din akong nakamasid sa kanila bago ako nagpasyang matulog na din.Dinampian ko ng halik ang noo ng anak namin dahilan para gumalaw ito. Sa paggalaw nito ay siya namang pagtapik ng kamay niya na nakapatong sa hita nito.Hindi ko mapigilan ang mangiti sa ikinilos niya sa paggalaw ng anak namin. Natural na gawain ng isang ina na kahit tulog ang diwa ay may sariling isip ang katawan para alagaan pa rin ang anak."Sleep well." bulong ko na hindi napigilan ang sarili ko na ipatong ang kamay ko sa kamay niya na patuloy sa mabagal na pagtapik sa anak namin.Kusa din akong yu

  • One Night Mistake Of True Love   69:

    "What are you still doing there?" may pagsita na tanong ni sir Drake sa akin ng hindi pa ako bumaba ng sinakyan namin.Nakarating na kami lahat lahat sa bahay nila ng saka ko lang maisip ang asawa ni sir Drake na siguradong naghihintay sa kanilang dalawa. Ramdam ko pa naman nun pa lang na ayaw sa akin ng asawa nito na ngayon ko lang ulit maalala.Dahil sa kagustuhan kong makasama ang anak ko ay nawala iyon sa isip ko na siguradong hindi magugustuhan ang makita ako sa bahay nila. Baka pagtapak ko pang sa tarangkahan ng bahay nila ay salubungin na naman ako ng matalim na tingin o di kaya naman ay pagsalitaan ako ng hindi maganda. Baka sabihin pang nakikisiksik ako sa buhay ng mag ama niya.Pero hindi ko naman isisiksik ang sarili ko kay Sir Drake. Sa anak ko lang dahil iyon naman talaga ang gusto ko."Mommy?" napakurap ako ng marinig ko ang pagtawag sa akin ng anak ko na ikinabigla din niya iyon kaya halos sabay kaming napatitig dito. Ang pagtawag sa akin ng anak ko ay nakapagpawala ng

  • One Night Mistake Of True Love   68:

    Matapos ang dinner namin ay nagpasya kaming manuod ng sine. May palabas para sa mga bata kaya iyon ang napag pasyahan namin panoorin. Kahit na hindi bagay iyon sa tulad naming tatlo nina Emely ay para na rin sa anak namin iyon. Bonding naming tatlo.Oh know. Apat pala dahil sumabit si Kent dahil ayaw iwan ang girlfriend sa amin na ina ng anak ko kaya wala akong magagawa para dun. Hahayaan ko na lang silang dalawa basta huwag lang iparamdam ni Kent sa anak ko na gustong suluhin ang ina ng anak ko."It's been a long time since I watched a movie." si Kent na nakaupo sa kaliwa niya habang ako ay sa kanan at siya sa gitna kandong pa rin ang anak namin na ayaw magpakarga sa akin."If you are disappointed, watch the children's show. We are not forcing you to watch." hindi ko alam kung bakit parang may inis na sabi ko dito dahil saka ko na lang napagtanto iyon ng matapos ko iyong bigkasin."Dude, are you mad at me?" tanong nito na napatingin sa akin."Why did you think I was mad at you?" bali

  • One Night Mistake Of True Love   67:

    "Stop being clingy, will you." may pagsiko pa sa tagiliran niya na hindi pinansin at hindi inalis ang pagka kaakbay niya sa akin."Just let it be, baby. Ginagawa ko lang ito para mapabilis ang lahat." at iyon na naman ang katagang binibitawan niya na hindi ko makuha ang nais niyang ipahiwatig.Kahit naman na tanungin ko ay hindi naman niya sinasagot ng deretso at sinasabing hayaan ko lang siya kaya minsan hindi ko na lang pinapansin ang madalas na paglingkis niya sa akin.Para sa akin ay wala namang kahulugan ang mga paghawak, pag akbay niya sa akin. Natural na lang para sa akin dahil itinuturing ko na siyang isang kaibigan. Oo, hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya at wala ng hihigit pa dun."Wanna have dinner with me tonight? My treat.""Gusto ko sana kaya lang..""Dinner date with your son?" tanong niya na agad kong tinanguhan. "Then can I come?"Hindi agad ako nakasagot ng hilain na niya ako palabas ng studio.Napalunok ako habang napapasunod sa kanya at hindi alam

  • One Night Mistake Of True Love   66:

    "Relax, dude. I knew from the beginning that my girlfriend had a child and I accepted that. I will also accept if your son considers me as his father because I am also one of his godfathers." nakangiti pa niyang sagot na ikinakunot ng nuo ko dahil sa huli nitong sinabi."Sapat na ang maging ninong ka lang niya at hindi na kailangan ng anak ko ang isa pang ama." hindi ko maiwasang langkapan ng pagka disgusto sa boses ko sa sinabi niya na ikinangisi lang niya.Kilala ko naman siya na hindi basta madi-disappoint sa sinabi ko kaya hindi din issue iyon."Yeah, I know that, dude." inalis ang pagka kaakbay sa kanya at tinapik ako sa balikad. "How about eat dinner together. Do you like that little boy?" kuway baling sa anak ko at hindi na pinansin ang nabuo ng tensyon sa pagitan namin sa palitan namin ng maikling salita.Agad na tumango ang anak ko kaya hindi na ako nakatanggi pa lalo na at karga pa rin niya ito. Napa sunod na lang ako ng igiya kami ni Kent sa kung saan sila kanina nakaupo."

  • One Night Mistake Of True Love   FIVE:

    “Vladimir! Ano ang ginagawa mo?” muli ay tanong ng bagong dating.Lumapit ito sa kanila.“Vladimir, bata ka oo. Sino ang nagbigay sa iyo ng pahintulot na suriin ang mga pasyente ko habang wala ako?” galit na tanong ng doktora sa lalaki, kaya mas lalong nalito si Aliah.Hanggang sa balingan na siya

  • One Night Mistake Of True Love   FOUR:

    Lumabas si Vladimir, natural na napatitig siya sa maamo at inosesnteng mukha ng babaeng kaharap niya ngayon.“It’s her!” sa loob loob ni Vladimir.Nagsalubong ang mga mata nila.Napansin niyang hindi makatingin sa kanya ang babae.“Anong maipaglilingkod ko sayo?” seryosong tanong ni Vladimir dito n

  • One Night Mistake Of True Love   TWO:

    Nagising si Aliah na parang may nakadagan sa kanya at hindi siya maayos huminga.Nagmulat siya ng mga mata ng mapagtantong hindi lang basta kung ano ang nakadagan sa kanya kaya hindi siya makahinga kundi nakayakap ng mahigpit ang braso ng isang lalaki sa baywang niya.She swallowed. She blinked as

  • One Night Mistake Of True Love   ONE

    Aliah was staggering in her feet and didn't know where it would take her.Inimbitahan si Aliah ng kanyang matalik na kaibigan sa pagdiriwang nito ng kaarawan ngunit napasobra siya ng inum hanggang sa umiikot na ang mundo niya sa dami ng nainum. Wala pa sana siyang balak umalis doon ngunit hindi nag

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status