Share

Chapter 1

After a month.

Mikaya's POV

Nakaharap ako sa salamin habang pinipilit na isara ang zipper ng sout kong dress. Maya-maya pa ay pumasok si Mommy sa loob ng aking kwarto. 

"Kakabili lang natin nito last week ah. Mukhang tumataba ka. Can you please avoid some sweets."

Sambit niya habang tinutulungan akong isara ang zipper sa aking likuran. Walang araw talaga na hindi niya ako nasesermunan. My mother is a perfectionist person. Kaya lahat ng kaganapan ko sa buhay ay alam niya. Kaya naman nakakatakot magkamali sa harap niya.  

"Thanks Mom."

I smiled at her pagkatapos ay lumabas na siya. 

"Hurry up Mikaya, we're gonna be late."

Habol pa niya ng makalabas siya sa aking kwarto. Sinipat kong muli ang aking sarili sa salamin bago tuluyang lumabas. 

Nananaba ba talaga ako? Siguro dahil lagi akong nag eextra sa tuwing kumakain kami. 

After naming kumain sa labas ay dumiretso na din kami kaagad sa bahay. Lunes kasi bukas at may klase pa kami kaya kinailangan naming umuwi ng maaga. 

Kinabukasan. 

7pm, at De La Vega's Residence.

Pumasok ako sa loob at nakita kong nakaupo na sa harap ng dining table si Mommy, si Daddy at kuya Mandy.

"Hi mom, hi dad, hi kuya."

Bati ko sa kanila pagkatapos ay binigyan ko sila ng tig iisang halik sa pisngi. 

"You're late. We already said na 6;50pm ang dinner. Since may lakad pa ako."

Sambit ni Daddy habang nakatingin sa akin. 

"I'm sorry Dad, promise hindi na mauulit."

Sagot ko naman sa kanya. 

"That's fine anak, at least you came. Let's eat na."

Pagkatapos ay nagsimula na kaming kumain. 

After kumain ay umakyat na ako sa aking kwarto sa taas. Nasa loob ako ng aking kwarto at nakatitig pa rin sa pregnancy test na hawak ko. Simula ng pansinin ni Mommy ang pananaba ko ay hindi ako nagdalawang isip sa kung ano ang pwedeng dahilan nito. 

The result was positive, katulad ng result kahapon. Akala ko ay false positive lang kaya nagtry ulit ako ngayon. Pero positive talaga ang result. 

Hindi ko ugaling maglock ng pintuan ng aking kwarto kaya naman nagulat ako ng biglang magsalita si Mommy sa aking likuran. 

"Are you pregnant?"

She said with a high voice. Hindi ko namalayan ang pagpasok niya, siguro ay dahil masyado akong occupied sa natuklasan ko. 

"Ano buntis ka ba Mikaya?"

Galit ng tanong ni Mommy dahil hindi pa rin ako sumasagot sa kanya. 

"Mommy I'm sorry."

Sagot ko sa kanya habang umiiyak. 

"Ano ka ba naman Mikaya, isang taon na lang at gagraduate ka na. Tapos ganito pa. Sino ang ama ng batang yan? Si Justine ba? Ano sumagot ka."

Patuloy lang ako sa pag iyak at hindi pa rin sinasagot ang mga tanong niya. I can see how disappointed my Mom is. 

"Kung hindi pa kita nahuli, wala ka talagang balak sabihin sa akin ang totoo. Ano bang nagyayari sayo? Alam mo bang sisirain ng batang yan ang buhay mo. Paano na yung pag-aaral mo. Akala ko pa naman matalino ka? Sana naman nag-isip ka muna kung ano yung mga consequences ng mga pinaggagawa niyo."

"Mommy I'm sorry. Hindi ko sinasadya and besides, Justine is not the father of the child I'm carrying."

"Ano? Ano bang sinasabi mo?"

Gulat niyang tanong sa akin. 

"Mommy I'm sorry hindi ko sinasadya. It's just a one night mistake. Hindi ko sinasadya I'm sorry."

Pagkatapos ay lumuhod ako sa harap niya. 

"Abort the baby or you will leave this house. You have a choice now. It's up to you kung anong gagawin mo. Hindi mo magugustuhan kapag ipinaalam pa natin ito sa Daddy mo diba?"

"No Mom, you can't do this to me. Walang kasalanan ang bata. Maawa ka naman. Hindi ko kaya, hindi ko kayang pumatay ng inosente. Please Mom wag namang ganito."

Nagmamakaawa kong sambit sa kanya habang umiiyak.

"Gagawin mo ang gusto ko o aalis ka ng bahay na ito."

"Mom please, wag namang ganito."

Pagkatapos ay lumabas na siya ng aking kwarto habang umiiyak. Naiwan ako sa loob na hindi alam kung ano ang gagawin. Kaya naman napag desisyunan kung tawagan si Justine, hindi ko alam kung tama ba ang gagawin ko dahil kung tutuusin walang kinalaman si Justine sa kasalanang nagawa ko. 

Sinabi ko na may importanteng bagay akong sasabihin sa kanya. Pagdating sa amusement park, agad niya akong niyakap ng makita ako. 

"Babe what's wrong?Anong nangyari? Nag-away ba kayo ng Mommy mo? Bakit umiiyak ka ng tumawag ka kanina?"

Nag-aalalang tanong niya.

Nakatitig lang ako sa kanya. Iniisip kung ano ang magiging reaksyon niya. 

"Justine I'm sorry. Let's end what we have. Hindi na ako masaya."

Sambit ko habang mariing nakatitig sa kanya. Para akong dinudurog habang binabanggit ang mga katagang iyun. Wala akong ibang maisip na paraan para hindi siya madamay na kasalanang ginawa ko. This is the best choice I had ang hiwalayan siya. Hindi ko kakayaning pati buhay niya masira ng dahil sa akin. 

"Babe ano bang sinasabi mo? Nagbibiro ka lang naman diba?"

Naguguluhang tanong niya sa akin. 

"No I'm not. Let's break up."

"Ano? Bakit naman? May nagawa ba akong mali? Sabihin mo lang itatama ko. May problema ba sa akin? Aayusin ko. Sabihin mo lang, gagawin ko lahat. Wag mo lang akong iwan please."

"It's not about you, it's about me. I made a biggest mistake na alam kong kahit ikaw, hindi mo kayang tanggapin."

Umiiyak kong sambit sa kanya. Hindi ko naman ginusto ang lahat ng 'to. Hindi ko ginustong iwan siya dahil mahal na mahal ko siya but I had to. Kailangan para sa ikabubuti ng lahat. Ayokong may madamay na ibang tao dahil lang sa pagkakamaling nagawa ko. 

"Babe please, wag namang ganito. Mahal mo naman ako diba?"

"Mahal na mahal kita alam mo yan."

"Yun naman pala eh, bakit kailangang umabot sa ganito. Bakit kailangang iwanan mo ako. Ano bang pagkakamali ang nagawa mo. Kaya ko namang tanggapin lahat ganun kita kamahal. Kaya please babe, wag namang ganito. Marami pa tayong pangarap diba? Paano ko gagawin yun kung hindi na kita kasama."

Lumapit ako sa kanya habang umiiyak. Hinawakan ko ang pisngi niya at mariing tumitig sa kanya. 

"You deserve better Justine, hindi mo deserve ang babaing katulad ko. I'm sorry if you have to go through this. You know how thankful I am dahil nakilala kita. Those days na kasama kita, those are most happiest moments in my life at hindi ko yun makakalimutan. Mahal na mahal kita alam mo yan kaya please make yourself happy even without me."

Pagkatapos ay saglit ko siyang hinalikan sa labi. I will really miss this guy.  Pagkatapos ay tinalikuran ko siya at nagsimula ng maglakad palayo habang patuloy na umiiyak. Ang sakit lang na kinailangan kong iwan si Justine kahit na mahal na mahal ko siya. Sabi nga nila love needs sacrifices, kaya handa akong magsakripisyo huwag lang siyang madamay sa kasalanang nagawa ko. 

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nan
Nakakalongkot Naman hinihiwalayan dahil mahal nya.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status