Share

Chapter 2

Mikaya’s POV

PAK…….

Isang malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi ng makapasok ako sa loob ng bahay. Galit na mukha ni Daddy ang sumalubong sa akin. Siguro ay sinabi na ni Mommy ang nangyari.

"What have you done Mikaya."

Galit na sigaw nito habang nakatitig sa akin. I expected this to happen dahil malaking kasalanan ang nagawa ko.

"Daddy I’m sorry hindi ko sinasadya. It’s just a one mistake at hindi ko alam na mangyayari ito."

"You are a disgrace to the family. You know what pack your things and leave this house. Ayoko ng makita ka. Simula ngayon hindi na kita anak, dahil wala akong anak na disgrasyada."

Pagkatapos ay tinalikuran niya ako at umakyat sa taas. Naiwan akong umiiyak. Ang sakit, ang sakit sakit. Ito ang unang beses na nagalit ng husto sa akin si Daddy. I know I was wrong pero hindi ko naman alam na aabot kami sa ganito, na palalayasin ako ng sarili kong pamilya.

Kilala ko si Daddy, na kapag may sinabi siya paninindigan niya. Wala akong inaksayang oras at agad akong umakyat sa taas. Pagpasok ko sa aking kwarto ay agad kong hinanap ang aking maleta at inayos ang mga gamit na dadalhin ko. I took all the cash money that I have kasama na rin ang mga naipon ko. Iniwan ko na rin ang atm card ko dahil sigurado akong ipapacut niya rin iyun. I know him dahil minsan ng nangyari yun. Bago ako tuluyang lumabas ng aking kwarto ay may iniwan akong maikling sulat kasama ng aking atm card sa ibabaw ng aking study table kung saan madaling makita.

Mom, Dad, and kuya Mandy

I’m sorry, If I dissapointed you all. I know I was wrong and I should face the consequences of my actions. Please take care yourselves. I love you always.

-Mikaya

Pagkatapos ay lumabas na ako bitbit ang dalawang malaking maleta. Ng makalabas ako ng gate ng aming bahay ay agad akong nagbook ng taxi at nagpadiretso sa isang hotel. Habang nasa biyahe ay umiiyak pa rin ako. Pagkarating sa hotel ay nagcheck in na agad ako for two days. Hindi ako pwedeng magtagal dito dahil kailangan kong lumayo, wala namang dahilan pa para magstay ako sa lugar nato.

Ng makapasok na ako sa aking kwarto ay agad kong inaayos ang mga gamit ko. Dahil one week na lang at bakasyon na namin napagdesisyunan kong pumunta sa university kinabukasan para isettle ang lahat ng kailangan kong isettle bago ako umalis.

Habang nagpapahinga ay ay nakatanggap ako ng tawag mula sa bestfriend kong si Bea Anne. Ng ikwento ko sa kanya ang nangyari ay agad niya akong pinuntahan sa hotel na aking pinag iistayan. Sinabi ko naman na hindi na kailangan pero nagpumilit pa rin siya. Kailangan daw niyang siguraduhing ligtas at maayos ako.

"Ano okey ka lang ba? Paano ka ngayon? Gusto mo sa bahay ka muna magstay. I can ask my parents if you want. Sigurado naman akong papayag sila."

Nag-aalalang sambit niya sa akin.

"Okay lang ako, huwag mo akong alalahanin. Kaya ko na ‘to."

Nakangiting sambit ko sa kanya.

"Kasalanan ko ‘to eh. Kung sana pumunta ako that time, hindi sana mangyayari ‘to. Sino ba kasi yung lalaking naka one night stand mo."

"No, it’s not your fault. Huwag mong sisisihin ang sarili mo dahil kasalanan ko ‘to. Kasalanan ko ‘to dahil naglasing ako at hinayaan kong may mangyari sa amin ng lalaking yun. I can’t remember his name dahil lasing ako. Pero kung makikita ko siya, I slightly remember his face."

"Paano mo bubuhayin ang bata, I mean paano ang pagbubuntis mo? Next school year graduating na tayo, paano ka mag-aaral."

"Titigil muna ako ng isang taon Bea Anne."

"Ano?"

Gulat niyang tanong sa akin.

"I have no choice I had to stop, hindi naman pwedeng mag-aral ako habang ipinagbubuntis ang bata diba?"

"Alam na ba ‘to ni Justine?"

Tanong niya sa akin.

"Hindi."

"Ano? Bakit hindi mo sinabi?"

"Hindi niya kailangang malaman. Ayoko ng madamay pa si Justine, labas siya sa kasalanang nagawa ko. Nakipaghiwalay na din ako sa kanya. Masakit pero kailangan kong gawin para din sa ikabubuti niya. Hindi niya pwedeng malaman. Kaya please Bea Anne, nakikiusap ako sayo huwag mong sasabihin sa kanya. Ayokong malaman niya."

"Okay."

Kinabukasan.

"Fresh milk for my pregnant bestie."

Nakangiting sambit niya ng lumabas ako ng kwarto habang hawak ang isang baso ng gatas.

"Anong ginagawa mo dito? Diba sinabi ko sayo na hindi mo na ako kailangang puntahan dito. Nag abala ka pa talaga."

"Ano ka ba okey lang naman no. Weekend naman ngayon, wala naman akong gagawin sa bahay at isa pa nagpa appointment ako kay Dra. Mendez. Kailangan mong magpacheck para sa baby. Wag kang mag-alala akong bahala ha. Kailangan nating masiguro na safe ang baby, okey?"

"Okey, thank you Bea ha. Hayaan mo kapag nakahanap ako ng trabaho babayaran agad kita."

"Ano ka ba. Hindi na kailangan, okey? Ano pa at naging kaibigan mo ako?"

Masaya talaga ko at naging kaibigan ko ang babaing ‘to. Bukod sa mapagmahal ay napabait at maalaga din. Never niyang jinudge ang mga naging desisyun ko instead she’s always there to support me. Kaya mahal na mahal ko ‘tong kaibigan ko na ito eh.

She also prepare our breakfast. Puro fruits and vegetables nga. Sabi pa niya healthy raw yun para sa baby. Napansin niyang hindi ko pa ginagalaw ang pagkain ko.

"Kainin mo yan. Nagresearch pa ako kung anong mga healthy foods ang para sa mga buntis no. Ubusin mo yan."

Utos niya sa akin.

"Oo na. Eto na nga at kakain na."

Pagkatapos ay tinatawanan niya ako habang kumakain. Nang-aasar pa talaga.

After naming kumain ay nagshower agad ako, she reminded me na wag cold water ang ipanligo. Dapat raw ay lukewarm water lang. Ang dami niyang ganap talaga. Mukhang nagreseach talaga siya sa dapat at hindi dapat gawin habang nagbubuntis.

"Sigurado ka bang hindi tayo isusumbong ng Dra. Mendez na yan. You know magagalit lang lalo sa akin si Daddy kapag lumabas sa public ang pagbubuntis ko."

"Wag kang mag-alala dahil sigurado akong hindi ka niya makikilala. Hindi siya mahilig manood ng tv at gumamit ng internet. I already know the common things about her."

"Okay."

Tipid kong sagot sa kanya.

Pagdating sa clinic ni Dra. Mendez ay bigla akong kinabahan. What if lumabas sa public ang sitwasyon ko. Sigurado akong pamilya ko ang maaapektuhan. But luckily, Bea Anne was right. Hindi siya modern clinic katulad ng nasa isip ko pero kumpleto sila sa facilities at kagamitan. Makikitang maasikaso ang kanilang mga staff. Iilan din ang tao sa loob. Ng makita kami ng isa sa kanilang staff ay agad kaming inasikaso. They run some test to me, kasama na ang ultrasound kung saan makikita mo ang baby kung gaano pa lang kaliit ito sa loob at maririnig din ang heartbeat nito. She said I’m 4 weeks pregnant kaya hindi pa masyadong makita sa monitor ang baby pero rinig na rinig ko ang heartbeat nito. Masaya ako ng malaman kong maayos ang lagay ng bata kahit 3 days akong stress dahil sa mga nangyayari sa akin. Mabuti na lang talaga at matibay ang kapit niya, yun ang sinabi ni doktora.

Mabait si Dra. Mendez, maayos din niyang kausap. She remind me a lot of things, katulad na lang ng kailangang iwasan ang mastress, matulog ng maayos at kumain ng tama sa oras. Niresetahan din niya ako ng mga vitamis para maging maayos ang pagbubuntis ko. Pagkatapos magpasalamat ay umalis na din agad kami at bago bumalik sa hotel ay dumaan muna kami sa pharmacy. Binili na ni Bea Anne lahat ng vitamins na kailangan ko. Kahit na sinabi kong ako na ang bibili ay nagpumilit pa rin siya.

Pagbalik namin sa hotel ay inihatid niya ako sa aking kwarto. Maya maya pa ay nagpaalam na siya. Kinailangan na niyang umuwi dahil baka mapansin ng kanyang mga magulang na wala siya sa bahay.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status