Third person point of viewPagkalabas ni Arisson sa mansion ng mga Dela Constancia ay dumiretso siya sa sasakyan niya at doon ay palihim na lumuha halos kasunod lang niya na pumasok sa sasakyan niya ang Daddy ni Joana Mei.Mabilis niyang pinahid ang luha niya pero hindi iyon nakaligtas dito, "akala ng iba ay walang karapatan ang mga lalaki na magpakita ng kahinaan pero ang hindi nila alam ay tao lang din tayo na pwedeng malungkot at masaktan," wika ng Daddy ni Joana Mei habang nakatingin sa labas ng sasakyan.Ngumiti siya at tumango kasabay ng muling pagtulo ng luha na hindi na niya inabala pa ang sarili na pahirin ito, "tara na po?" Pag-aaya niya na tonong nagtatanong.Tumango ang Daddy ni Joana Mei kaya naman kaagad niyang binuhay ang kotse at pinasibat iyon palabas ng compound ng mansiyon. Habang papalayo sila sa Mansion ay muli niyang tinanaw ang mataas at magarbong lugar. 'Hintayin mo ako babalik ako kaagad,' sambit niya sa isip niya.Malayo ang Black Organization na siyang targ
Third person point of view"Paanong naging miyembro kayo ng black organization?" Nagtatakang tanong niya habang pabalik balik ang tingin sa dalawang matanda."Anak, nangyari iyon noong nasa high school palang kami," maikling paliwanag ng Daddy niya. Kaagad na sumama ang timpla ng mukha niya pagkarinig sa matipid na impormasyong sinabi nito, "that's it Dad!?" Napapalatak na tanong niya. Tumingin ang Daddy niya sa Daddy ni Joana Mei at tumango naman ang huli."Kami ang talagang bumuo ng Black Organization kasama namin si Argon Fuentes, pero dahil gusto namin ng maayos na buhay kasama ng pamilya namin ay tinalikuran namin ang Black Org. Simula nun ay wala na kaming naging balita tungkol sa grupo." Tumango-tango siya sa naging sagot ng Daddy niya. "Kailangan ko po ng tulong ninyo, alam ko na tinalikuran na ninyo ang grupo na iyan pero umaasa po ako na matutulungan ninyo ako alang-alang kay Joana Mei," pakiusap niya habang nakatitig sa dalawang lalaki.Tumango ng sabay ang dalawa dahil
Third person point of viewMabilis at ekspertong iniiwasan ni Lauren ang mga suntok at sipa na pinakakawalan ni Argon.Bumaling si Argon sa paligid at nakita niya na ilan na sa mga tauhan niya ang nakabagsak at mukhang wala ng mga buhay, ganoon din naman ang ilan sa mga tauhan na dala ni Lauren.Kapwa may mga dalang baril ang mga tauhan nila maliban sa kanilang dalawa ni Lauren pero alam niya na may tinatago itong baril sa likod ng leather jacket nito. "Hanggang pag-iwas ka nalang ba, Lauren? Mahina ka pala!" Pang-uudyok niyang muli dito. Kaagad naman na sumama ang tingin ni Lauren at bago pa niya makita ay nadukot na nito mula sa suot nitong leather jacket ang isang calibre 45 at walang pagdadalawang isip na binaril siya."Fvck!" Mura niya at mabilis na gumulong para maiwasan ang pagtama ng bala. 'Asan na ba kayo?' gigil na tanong ng isip niya. Kinuha niya ang hunter's knife na nakatago sa likod ng pantalon niya at mabilis na hinagis ito sa gawi ni Lauren."Ahh! Shit! Hayop ka Arg
Third person point of viewKinabukasan pagkagising ni Joana Mei ay kaagad na hinanap ng mga mata niya si Arisson pero hindi niya ito nakita sa kahit saang parte ng kwarto nila. Kaya naman kaagad na inatake siya ng kaba lalo na ng maalala ang nangyari ditong pamamaril kahapon. Dali-dali siyang bumangon at tumakbo palabas ng kwarto para hanapin ito pero pagkalabas niya ay kaagad niyang natanaw ang maraming tauhan sa sala ng bahay nila at ang mga ito ay may mga dalang dekalibreng baril.Sinipat niya sa kumpol ng tao kung nandoon si Arisson at hindi siya nabigo dahil sa pinakagitna ay nakita niya si Arisson kasama ang Daddy nito at Daddy niya na labis niyang ikinabahala. Mukha itong may pupuntahan base na rin sa gayak ng mga ito kaya naman bago pa ang mga ito tuluyang makaalis ay tinakbo na niya ang hagdan papunta sa sala. "L-Love, w-where a-are y-you g-going?" Seryosong tanong niya habang hinihingal ng makarating siya sa sala mula sa mabilisang pagtakbo galing sa fifth floor. Napati
Third person point of view"Ugh! Fvck!" Mura niya ng muntikan na siyang madapa dahil sa sobrang kalasingan. Napasandal siya sa pader bilang suporta.Kaninang umaga pagkatapos siyang iwan ni Arisson ay dito sa Consull Bar siya tinangay ng mga paa niya kaya ngayon kahit na alas sinco palang ng hapon ay lasing na lasing na siya.Umalis siya sa pagkakasandal para muling maglakad pero isang hakbang pa lang ang nagagawa niya ay umikot na ng matindi ang paningin niya at namalayan nalang niya na pabagsak na siya sa malamig na sahig ng bar. Hinintay niya ang sakit ng pagbagsak niya pero lumipas na ang ilang minuto ay wala pa rin siyang nararamdamang sakit."Okay ka lang ba Miss?" Tanong na nagpagulat sa kaniya saka lang niya nalaman ang dahilan kung bakit wala siyang naramdamang sakit ng pagbagsak ay dahil may sumalo sa kaniya.Dahan-dahan siyang tumingin dito at halos maduling na siya sa sobrang lapit ng nakangisi at pangit nitong mukha sa mukha niya. Tinignan niya ang ngipin nito at muntik
Third person point of viewAligaga sa pagpisil sa braso at kamay ni Joana Mei si Arisson habang hinihintay ang doctor na pinasundo niya para gamutin ang kasintahan niya, tinawagan na rin niya ang mga magulang nito at as usual nag-alala kaagad sila at sinabi na pupunta na kaagad.Maya't-maya ang tingin niya sa pintuan pabalik sa walang malay at namumutlang mukha ni Joana Mei, "wake up Love, please," naluluhang pakiusap niya habang hindi mapakali sa kinauupuan.BLAG!Bigla siyang napatayo dahil sa gulat ng marinig ang malakas na kalabog ng bumukas na pinto. Masamang tingin ang pinukol niya sa nagbukas ng pinto pero kaagad din iyong nagbago ng makita na ang doctor na pinatawag niya ang bumungad sa kaniya."Doc Abigail!" Bulalas niya pagkakita sa kakilalang Doctor. Abigail Romina Silva is a physician at Manila General Hospital and she is their family physician kaya naman ito ang pinatawag niya at hindi ibang doctor.Kaagad na lumapit si Abigail sa kinaroroonan ni Joana Mei at sinimulan n
Third person point of viewKinabukasan ay maagang nagising si Joana Mei pero hindi muna siya bumangon, pinakiramdaman niya muna ang katawan at inalala ang mga nangyari kagabi, sa naalala ay iginalaw galaw niya ang mga paa at kamay at kaagad siyang napahinga ng maluwag at lihim na nagpasalamat dahil malaya na niya itong nagagalaw. Hindi kagaya kagabi na para siyang paralisado.Hindi siya aware sa paligid niya kaya naman nagulat siya ng bigla nalang may sabay sabay na sumigaw."Good morning!" Masiglang bati ng maraming boses.Gulat na napatingin siya sa pinagmulan ng boses at napatanga siya ng makita ang mga magulang at kapatid niya, hindi lang iyon dahil kasama pa ng mga ito ang mga magulang ni Arisson at ang nakababata nitong kapatid."What are you guys doing here?" Nagtatakang tanong niya dahil hindi niya ine-expect na makikita niya ang mga ito dito ng ganito kaaga. Inisa isa niyang tignan ang mukha ng mga ito at ang lahat ng mga babae ay naiiyak pero puno ng kasiyahan ang mga mukha.
Third person point of viewGulat is an understatement para i-describe ang nararamdaman niya ngayon, because what she's feeling right now is a mixture of shock and anger habang nakatingin siya sa tatay ni Lauren. "Love, come on let's go," nauubusan ng pasensiya na wika ni Arisson. Pinagtaasan niya ito ng kilay, "no!" Giit niya at binalingan ang tatay ni Lauren, "alam mo ba kung ano ang pinag-gagawa ng anak mo?" Sita niya sa tatay ni Lauren.Binalingan siya ng tatay ni Lauren, "wala akong ideya sa kung ano ang pinag-gagagawa ng anak ko at kung ano man iyon ay labas na ako doon," balewalang sagot nito.Parang puputok ang ugat niya sa ulo sa naging sagot nito, "ganiyan lang ang sasabihin mo? Alam mo ba muntik na akong ma-rape dahil sa anak mo, naririnig mo ba ako!?" Singhal niya dito. Nagulat ang tatay ni Lauren pero panandalian lang iyon dahil nagbuntong hininga ito at mariin siyang pinakatitigan, "what do you want me to do? Kill her?" Seryosong tanong nito. "What?" Nabibiglang tanon