"Agad-agad tinanggap mo si Trisha, Khalix?" hindi makapaniwalang tanong ni Angela kay Khalix ng makaalis si Trisha."Yes! And what is your problem with that Angela?" sagot naman ni Khalix na tila ba walang pakialam sa kausap habang nag pipirma sa mga papeles na na tambak na sa lamesa niya."Ganoon ka na pala kabilis mag hired ng mga applicants ngayon? Nakakakapag taka lang dahil dati-rati naman ay halos umiyak lahat ng mga applicants bago sila matanggap dito?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Angela."She is qualified at nasa kaniya na lahat ang hinahanap ko sa isang personal secretary. Take note! My secretary!" sagot naman ni Khalix na binigyang diin pa ang pag sasabi ng "my secretary. "And it's not your business! Personal secretary ko iyon at nasa akin ang lahat ng rights na mag hired ng isang aplikante ayun sa gusto ko, Angela!" dagdag pa nito."Alright! Alright! Your personal secretary na kung personal secretary mo, but my point is bakit parang ang bilis-bilis naman ata! Kas
Excited na bumangon si Trisha kinaumagahan. First day niya kasi sa kaniyang trabaho."Thanks God! This is the day na mag babago ang lahat sa buhay ko!" nakangiting saad ni Trisha saka ito pakanta-kantang tumungo sa banyo upang maligo.Matapos maligo ay lumabas na siya at naamoy niya nga ang napakabangong amoy ng niluluto mula sa kusina. Kaya naman pumunta siya doon dahil tiyak na ang nanay niya ang nag luluto Hindi nga siya nag kamali ng abutan niya ang kaniyang nanay na nag hahalo ng sinangag.Niyakap niya ito mula sa likod na ikinagulat naman nito."Ay palakang bukid!" sigaw nito dahil sa pag kagulat sa biglang pag yakap ni Trisha. "Anak! Ano ka ba naman anak! Papatayin mo naman ako sa gulat! Aba'y muntik ko nang maitapon ang niluluto kong bata ka!" tila galit na saad ni Aleng Fiona. Tumawa naman ng tumawa si Trisha."Kayo naman inay! Nag lalambing lang eh! Good morning 'nay!" nakangiting sabi ni Trisha saka niyakap at hinalikan ang ina.Napapailing na lamang si Aleng Fiona."Ano p
"Luke, pwd ba dito na ako sa condo mo tumira? I want to be with you everyday eh!" malanding ani Patricia. Sumama ito kay Luke umuwi sa condo galing sa opisina. Ayaw kasi umuwi ni Luke sa hacienda dahil naaalala niya lang sa lahat ng sulok ang magaganda at masasaya nilang nakaraan ni Trisha."Come on Patricia! You have your own house! Hindi porke't nakipagkasundo ako sa iyo na maging tayo ay papayag na ako na pumasok ka na ng tuluyan sa buhay ko!" tila aburidong ani Luke habang hinuhubad ang Amerikana."Luke, ano ba naman? Kailan mo ba ako tatanggapin ng buong-buo sa buhay mo? Ano pa bang kulang? Bakit ba hindi mo ako kayang mahalin ng buo? Come on! Tell me! Si Trisha pa rin ba? Huh? Si Trisha pa rin ba?" tila maiiyak na saad ni Patricia. Sobrang sama na ng loob niya sa coldness na pinaparamdam ni Luke. Oo! Pumayag ito na maging sila pero parang wala ding nangyayari dahil nananatili pa ring malamig ang pakikitungo nito sa kaniya at ramdam niya na wala talagang pag ibig para sa kaniya s
"Trisha! nasaan ka ba?" tawag ni aleng Fiona sa anak."Nay andito lang po sa kuwarto! Bakit po?" sagot naman ni Trisha sa ina."Aalis na ako, isara mo na itong pinto!" paalam ni aleng Fiona. Aalis na kasi ito para mag trabaho. Isang GRO kasi si aleng Fiona sa isang bar malapit sa kanila. Ito na ang hanap-buhay niya magmula ng mapadpad siya sa Maynila. "Sige po inay! Ako na po bahala. Mag-iingat ho kayo!" magalang na sagot naman ni Fiona. Mabait naman ang kaniyang ina at hindi siya pinababayaan nito. Si Trisha ay labing-walong taong gulang pa lamang at nag pipilit makapag tapos ng pag-aaral kahit sa Tesda lamang. Balak niya kasi mag abroad dahil pangarap niya ring iahon ang ina sa kahirapan. Nag iisang anak lang din kasi siya na ipinagpasalamat niya kasi siya pa nga lang ay hirap na ang kaniyang ina.Alam niya kung ano ang trabaho ng ina pero hindi niya ito ikinakahiya. Dahil kahit papaano ay hindi siya pinababayaan nito. Sa gabi ay wala ang kaniyang ina at sa umaga naman ay maghapo
Hindi maiwasan ni aleng Fiona ang maiyak sa sitwasyon niya. Masyado na siyang matanda para sa trabaho niya. Ngunit hindi pa tapos mag aral ang kanyang anak. Kahit paano ay ayaw niyang matigil ito sa pag-aaral. Mahal na mahal niya ang kaniyang anak, ngunit dahil sa sitwasyon niya ngayon ay parang hindi niya na kaya pang pag-aralin ito. Lalo na ng malaman niya sa doctor na may HIV siya at malala na ito."Paano na ang aking anak pag nawala ako Diyos ko?" naiiyak na wika ni aleng Fiona. Nakatulog si Aleng Fiona sa isipin na iyon at dahil na rin sa puyat at pagod sa trabaho.Pag gising niya ay bandang hapon na kaya bumangon na siya dahil mag aasikaso pa siya para mag trabaho ulit sa bar na kaniyang pinag tatrabahuhan.Nag luto na siya ng hapunan nilang mag ina para pag dating ng kaniyang anak ay makapag pahinga naman iyon dahil alam niyang nakakapagod din ang mag-aral sa maghapon lalo na at exam daw ni Trisha ngayon. "Inay, bakit ho kayo na ang nagluto? Sana at hinintay mo na lamang ako
"Pupunta ako sa bar para kausapin iyong sinsabi ni Alma, Trisha," malungkot na wika ni aleng Fiona.Napakasakit para sa kaniya na ipag bili ang kaniyang anak na iningatan niya buong buhay nito. Dahil sa pesteng sakit niya ay biglang maglalaho lahat ng sakripisyo niya para sa anak. Ito na ata ang tinatawag nilang karma. Dahil sa madumi niyang trabaho ay pati anak niya ay madadamay. Wala silang magagawa dahil sa kahirapan ay wala silang alam na iba pang paraan upang makakuha ng pera na kailangan nila sa lalong madaling panahon. "Sige po inay, mag iingat ho kayo! Bumalik lang po kayo inay agad huwag muna kayo mag trabaho ngayon," paalala ni Trisha."Oo anak, maiwan na kita babalik ako kaagad," paalam ni aleng Fiona.Naiwang mag-isa si Trisha sa bahay. Saka bumuhos ang kaniyang luha na kanina niya pa pinipigilan. Hindi niya lubos-maisip na mangyayari ito. Inalagaan siya ng kaniyang ina na halos ayaw siyang padapuan sa lamok pero ngayon ay ibebenta niya ang kaniyang kaluluwa sa isang lala
"Inay, kumusta po? Nakausap niyo iyong sinasabi ni aleng Alma?" Bungad ni Trisha pagkarating ni aleng Fiona galung sa bar. "Oo, anak. Tuturuan kita ng mga techniques kung paano ang gagawin mo," malungkot na sagot ni aleng Fiona."Sige po, inay," saad naman ni Trisha.Lahat ng nalalaman ni aleng Fiona kung paano mag paligaya ng lalaki ay itinuro niya sa kaniyang anak. Masakit man sa loob ay kailangan. Nahihiya man sa sarili niya bilang isang ina na ituro sa anak ang mga bagay na hindi dapat ay ginawa niya dahil kailangan.Matapos na maituro lahat ni aleng Fiona ang lahat ng alam niya ay saka ito nag paalam na magpapahinga muna.Pagpasok sa kuwarto ay saka siya umiyak ng umiyak."Patawarin mo sana ako anak sa aking ipinagagawa sa iyo. Kailan man ay hindi ko inisip na ako mismo na ina mo ay ang siyang magpapahamak sa dangal mo, anak," pagkausap nito sa litrato ng anak na nasa side table ng kaniyang higaan.Nakatulog si Aleng Fiona na may luha sa mga mata.Hindi naman mapakali si Trisha
Maagang umuwi si Trisha mula sa skwelahan para makapag handa siya sa pakikipagkita sa bilyonaryong lalake na nagbayad ng malaking halaga para sa kaniya."Anak sa bar ka susunduin noong bilyonaryo. Ihahatid kita doon anak kaya maghanda ka na. Alas siyete ka daw ipapasundo," Saad ni aleng Fiona."Opo inay, maliligo lamang po ako," sagot naman ni Trisha at nag handa na para maligo.Naligo siya ng mabuti dahil nakakahiya naman doon sa bilyonaryong lalaki kung may maaamoy na hindi kanais-nais sa kaniya. Kuskos dito kuskos doon ang hinawa ni Trisha lara masigurong malinis na malinis ang kaniyang katawan. Dalawang beses din diyang nag toothbrush at hindi pa siya nakuntento nag mumog pa siya ng mouthwash para masiguro din niyang mabango ang kaniyang bunganga. Nang masigurong malinis na malinis na siya ay saka niya tinapos ang pag ligo at saka siya nag bihis. Nag shorts lang siya at simpleng tshirt para hindi mag hinala ang mga kapitbahay nilang marites. Mamaya na siya magbibihis pagdating sa