3rd Person's Point Of View
Amari thanks God that she has successfully left the powder room. Hindi niya kaya magstay sa iisang lugar na si Hudson ang kasama, pakiramdam niya kasi ay may kung anong mga bulate sa tiyan niya. And he is not good for her system. She was about to walk and make her way into the dining area, but she was stopped when someone called her. “Hey you!” Napapikit nang mariin si Amari nang marinig ang matinis at maarte na boses na ‘yon ni Gladice, ex ng kanyang nobyo na si Harper. Napatingin siya sa suot nito at hindi niya maiwasang mapangiwi dahil sa sobrang ikli ng suot nitong damit,at dagdag mo pa ang sobrang kapal ng make-up nito. “Why are you staring at me like that?” Mataray siya nitong pinagtaasan ng kilay. “Well, I know I’m pretty, so you can’t blame me.” Maarti nitong hinawi ang kanyang buhok na mukhang bagong rebond, matapos sabihin ‘yon. The girl named Gladice was about to speak, pero bago ito magsalita, ay may isa nang nagsalita. “Who invited you here?” It was Hudson's voice. Nilingon ng babaeng si Gladice ito at saka nginitian. “Oh, Hudson, my dear.” Gladice tried to cling her hands on Hudson’s arms, pero malamig siyang tinapunan nito ng tingin kaya hindi niya nagawa ang dapat na gawin. Napanguso tuloy ang dalagang si Gladice, habang si Amari naman ay napangiwi at napatingin rito. “Ang pangit, mukhang pato.” Mahinang bulong ni Amari. Napatingin tuloy sa kanya si Gladice. “Your face is new, and I think we haven't met yet. Are you a new maid?” Naituro ni Amari ang kanyang sarili sa sinabi nito. Napatingin siya sa suot niyang damit, alam niya namang hindi ganon kagandahan ang damit na suot niya, pero di hamak na mas may taste siya sa pananamit kesa rito, at mas maganda siya dito. And how dare she call her maid? Like duh, mas mukha pa nga siyang maid kesa sa akin, sabi ni Amari sa kanyang isip. “What are you standing for? Move your ass and call Harper, tell him that I'm here.” Nangunot ang noo ni Amari ng banggitin nito ang pangalan ng kanyang nobyo. “She's not a maid, Gladice. So stop and don’t command her, before I kick your ass out,” banta ni Hudson rito. Nilingon siya ni Gladice na puno ng pagtataka. “Then who is she?” “She is Harper’s girlfriend,” diretsong sagot ni Hudson habang ang mga mata ay nasa kanya, Amari. Napatakip ng bibig si Gladice at saka siya pinasadahan ng tingin, na may pandidiri sa itsura nito. “I didn't know that you accept a—” Before Gladice could continue her words, Hudson spoke, causing her to cut off. “If I were you, I wouldn't dare continue. Dahil baka hindi ako makapagtimpi at taniman ko ng bala ng baril yang bibig mo, Gladice,” sabi ni Hudson na may halong banta sa boses. Seryoso ang mukha nito, at walang bakas ng kahit anong emosyon. “My gosh, Hudson! I'm just telling the truth. Can't you see what she’s wearing? She looks like a manang in her outfit, can’t she just wear something impressive?” Nangunot ang noo ni Amari, maging si Hudson ay napakunot rin ang noo. Pinasadahan siya nito ng tingin. “There is nothing wrong with what I'm wearing. At kung meron man, ikaw ‘yon. Naghihirap ka na ba at halos kulang na sa tela ang damit na suot mo?” depensa ni Amari sa sarili. Wala rin namang talagang mali sa suot niya. “And women don't dress to impress men. Women aren’t born to impress men,” dagdag pa ni Hudson, dahilan para balingan niya ito ng tingin.Amari's Point of ViewPinandilatan ko siya ng mata dahil sa sinabi niya at sa lakas ng boses niya. “Sino ba kasing nagsabi na pumunta ka dito, aber?” naiiritang tanong ko sa kanya. “Kaya nga, tama lang na tumayo ka diyan, pupunta-punta pa kasi dito eh.” Nagiisa ang linya ng kilay niya sa tanong ko. “Damn, kailangan pa bang may magsabi sa'kin para pumunta dito?” Napasapo ako ng noo dahil sa tanong niya. Shutangines! “Oh, hindi na kailangan, pero tangina naman Hudson, ano bang ginagawa mo dito? Saka hindi ba uso sa’yo ang mag-text o tumawag man lang bago ka pumunta dito?” gigil na tanong ko sa kanya, halos kulang na lang ay ihamapas ko sa kanya yung doorknob na hawak ko kung nabubunot lang ito. Rumiin ang pagkatitig nito saka ako tinaliman ng tingin na para bang may masama akong nagawa o nasabi sa kanya. “Ni hindi ka nga nag-message sa'kin o paramdam man lang noong umalis ka sa opisina ko kasama yung boyfriend mong hilaw? Tapos sasabihin mong ako ang hindi nag-text o tumawag ba
Amari's Point Of View Narinig na narinig ko ang lakas ng tibok ng puso ko sa kaba, na halos kulang na lang ay lumabas ito anumang oras. Pero imbes na magpadala sa kaba na nararamdaman ko, mas pinili kong magmataray. Kaya naman pinag-angat ko siya ng kilay, hindi alintana ang nakakamatay nitong tingin. “Anong ginagawa mo dito?”His jaw clenched at my question. “Shouldn't I be the one asking you that?” “Huh? Anong pinagsasabi mo?” Maang na tanong ko.“ You should be in my office now, working your ass off.” Hindi siya sumagot sa aking tanong at sa halip, iyon ang tinugon niya. “Damn! I thought something had happened to you. I left you in your room because I had something important to do. One of the investors called me because there was an issue, and I left you in that room while you were sleeping. But when I got back, you were gone… Then Austin saw you, he saw you with that jerk. That fucking bastard who suddenly entered my company without asking.” Nangunot ang noo ko at napatitig sa
Amari's Point Of View “Camille?” mahinang tawag ko sa pangalan ni Camille na ngayon ay gulat na nakatingin sa akin na para bang nakakita ng multo. “Amari?” Nakita ko ang pagdaan ng kaba sa mga mata nito. “Kanina ka pa diyan, bruha ka?” Nangunot ang noo ko sa tanong niya. Nilibot ko ang paningin sa buong kusina pero wala talagang ibang tao. Wala ba talagang tao? Pero hindi naman ako pwedeng magkamali. Alam kong may kausap talaga siya. Napabuga na lang tuloy ako ng hangin at napatingin sa kanya saka naglakad patungo sa mesa kung saan may nakahain na pagkain. Bigla akong nakaramdam ng matinding gutom. Kaya naman hindi ko siya sinagot agad at hinila ang isang upuan na katapat ng kinauupuan ni Junjun, ang kapatid ko, saka umupo roon. Inabot ko ang isang pinggan na nakahanda saka nilagay ito sa harap ko at nagsimula nang magsandok ng kanin. Narinig ko pa ang paghila ni Camille ng upuan saka ang pag-upo nito sa tabi ni Junjun. Kaya naman kinuha ko muli ang pagkakataon na iyon up
Amari's Point of ViewUmagang-umaga pa lang ay agad na akong nagtungo sa banyo ng aking silid upang doon magsuka. Sa wari ko, halos lahat ng kinain ko kagabi at ang laman-loob ko ay maisusuka ko na rin. Pero wala namang ibang lumalabas mula sa aking bibig kundi purong malapot na laway lang. Tangina! Ganito ba talaga kapag buntis? Diyos ko! Pakiramdam ko ay mamatay na ako sa pagsusuka. Mahinang turan ko sa likod ng aking isip. Laking pasasalamat ko na lang nang mapatigil ako sa pagsusuka, agad akong nagmumug ng tubig at naghilamos ng mukha. Inabot ko rin ang malinis na towel na nakasabit sa pintuan saka ginamit iyon pamunas sa mukha. Pinagmasdan ko ang aking sarili sa maliit na salaming bilog na nasa banyo ng aking silid. At hindi ko maiwasang hindi napangiwi sa kabuuan ng itsura ko nang makita ito. Paano kasi ay malalim ang aking mata at maitim rin ang ilalim nito, kaya kitang-kita ang eyebag ko na halatang hindi nakatulog ng maayos. Dagdag mo pa ang pamumutla ng aking labi; masyado
Harper's Point Of View I looked at Amari's face, and I couldn't help but smile secretly. She's really beautiful; she was indeed a good catch. Mula sa kanyang hugis pusong mukha, her pinkish lips na tila ba'y nang-aakit ng halik. Ang kanyang hindi kahabaan na pilikmata, at ilong na nasa tamang tangos lang. She looks exactly like Adriana Lim in her 20s, with her fierce look. Everything about her is beautiful that I couldn't even take my eyes off her. Ngunit mabilis rin na nawala ang paghanga ko sa kanya nang magsalita siya. “Pero Harper, alam natin pareho ang totoo. Ayaw kong magsinungaling sa kanya.” Kinuyom ko ang aking kamao at napa-igting ang panga dahil sa narinig. Damn! Hearing those words didn't sound good to me. Gusto ko tuloy itapon lahat ng gamit na andito sa loob ng kwarto... but I couldn't. I'm mad! I really am. Pero kailangan kong pigilan ang galit na nararamdaman ko. Kaya naman napabuga ako ng hangin upang pakalmahin ang sarili, and when I felt like I was calm, I reac
Amari's Point Of ViewNapalaki ang mata ni Camille sa narinig na sinabi ni Harper na para bang luluwa na ang mata. Napaawang pa ng bahagya ang mga labi nito na nakatingin sa akin. Nagtatanong ang mga mata nito, na animoy inaantay ang kumpirmasyon ko sa sinabi ni Harper na aking nobyo. Gustuhin ko man sanang sumagot, hindi ko magawa. Naiinis kasi ako kay Harper, lalo na sa sinabi niya, sa ginawa niyang pag-amin at pangunguna. Ni hindi niya man lang ako tinanong muna bago sabihin ‘yon. Wala naman akong balak itago kay Camille ang bagay na iyon. At kahit sino rin namang nasa posisyon ko ay magagalit sa ginawang pangunguna ni Harper. Frustrated, I stood up from my seat without uttering a word and walked towards my room. I had lost my mood to talk and preferred to stay in my room rather than face them, especially Harper.When I reached my room, I plopped down onto my bed. I heard footsteps approaching my room and the sound of the door opening and closing, and even without looking, I kne
Amari's Point of View Kasama ko si Harper na lumabas ng kotse. Sabay kaming naglakad, at nang nasa tapat na kami ng pinto ay siya na rin mismo ang kumatok. At nang bumukas ang pinto ay ang mukha ni Camille, ang aking kaibigan, ang bumungad sa amin. Nakabusangot ang kanyang mukha nang makita si Harper. Pero nang mapadako ang tingin nito sa akin, nanlaki ang mga mata niya. Saka siya nagulat at napatingin sa akin. Inirapan ko na lang siya dahil sa naging reaksyon niya. Masyado kasing OA, gulat na gulat na akala mo ay isang dekada kaming hindi nagkita. “Hinda mo ba kami papasokin na bruha ka?” Sa sinabi ko ay agad siyang napanguso saka nagbigay-daan sa amin ni Harper upang makapasok sa loob. Diretso akong pumasok at hindi na siya nilingon at umupo sa di-kawayan na sofa. Napasandal ako roon. At kasabay ng pagsandal ko noon ay siya ring pagsalita ni Camille. “Kaloka ka, gurl. Uuwi ka pala ngayon, wala ka man lang pasabi? Or kahit text lang para at least alam ko, hindi ba?”
3rd Person's Point Of View Hindi ako nakapag-salita buhat sa ng nangyari kanina. Kaya pareho kaming walang imik ni Harper na pumasok sa loob ng sasakyan niya. Tapos na rin kami sa pagpapautrasound; si Harper na rin mismo ang nagbayad ng lahat at bumili ng mga vitamins na nirestahan ng doktor. Pagkapasok sa loob ng kotse, nabalot ng katanungan ang isip ko kung paano at bakit nasabi ni Harper ang bagay na 'yon. Hindi ko mawari, pero may malaking bahagi sa akin ang naniniwala sa sinabi niya, ngunit may bahagi rin na hindi. Naguguluhan tuloy ako bigla. Pero hindi rin naman imposible na hindi magawa ni Hudson ang bagay na 'yon. Dahil totoo naman na may galit siya sa akin at ayaw niya sa akin para sa kapatid niya. Ayaw niya sa akin dahil mahirap lang ako, at mas lalong ayaw niyang maging bahagi ako ng pamilya nila. Kaya maraming dahilan ang pwedeng maging sanhi para gawin niya ang bagay na 'yon, lalo na sa akin. Pinikit ko ang aking mga mata at napasandal sa sasakyan; naramdaman ko
Amari's Point Of View “You're really pregnant, Amari. And there's no need to deny or lie to me... now tell me, sino ang ama niyáng pinagbubutis mo?”Sa naging tanong ni Harper, hindi ako agad nakasagot. Pakiramdam ko kasi ay nanuyo ang aking lalamunan, umurong rin ang aking dila, kaya walang salitang namutawi sa aking labi. Ramdam ko ang panggigilid ng aking luha, at nang napaangat ako ng tingin kay Harper na ngayon ay nakatayo sa aking harap habang nakapamewang. Hindi ko mabakasang kahit na anong emosyon sa mga mata nito na nakatingin sa akin. Kaya agad kong iniwas ang tingin sa kanya, at sa ginawa kong iyon ay rinig ko pa ang malalim niyang pagpakawala ng buntong-hininga.Sinubukan kong kumuha ng lakas mula sa pagbuntong-hininga ng malalim upang magsalita, pero kahit makailang ulit akong subukan, wala parin akong lakas ng loob na magsalita upang sagutin ang tanong niya. Pakiramdam ko ay napipi ako sa mga sandaling iyon. Gusto ko man aminin sa kanya ang totoo, nagdalawang-isip ako