3rd Person's Point of View
Nang marinig ni Hudson ang tunog ng pagbukas at sarado ng pinto, agad niyang dinalat ang kanyang mga mata. Kanina pa siya gising at kanina pa niya pinapakinggan ang usapan ng kanyang kambal at ang nobya nitong si Amari na kakalabas lang ng silid. Nagpapanggap lamang siyang tulog dahil ramdam niya ang pagkabalisa nito. He doesn't want to embarrass her, so he let her go out before he opened his eyes. Inalis niya ang kumot na nagsisilbing takip sa kanyang hubot-hubad na katawan at saka tumayo mula sa pagkakahiga. Pinulot niya ang kanyang itim na boxer na nakalat sa sahig at sinuot ito. Sumandal siya saka bahagyang kinuha ang pakete ng sigarilyo. He took one stick of cigarette from the box and lit it. Bahagya pa siyang napapikit ng mata nang maramdaman ang paghagod ng sigarilyo sa kanyang lalamunan, ang pinaghalong amoy na menthol ay siyang nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa kanya. It gave him chills, it was his stress reliever. Tumingin siya sa kama at napadako ang kanyang tingin sa kulay pulang mantsa ng bedsheet. Kulay puti kasi ang bedsheet kaya kitang-kita niya mula sa kanyang pwesto ang mantsa nito. Pinatay niya ang kanyang sigarilyo at napakunot ang noo habang naglakad papalapit sa kama upang tingnan ng mabuti ang stain. Hinawakan niya ito at bahagyang inamoy,it smells like blood. Nagsalubong ang makakapal niyang kilay na napatitig roon. Nagtagal pa iyon ng kaunti. Ngunit mabilis rin na nagbago ang kanyang ekspresyon, at napaangat ang kanyang kilay nang may napagtanto. So, she's a virgin? Napangisi siya ng tila may naalala. No wonder she's tight. He chuckled softly as he thought of something. Did she get into the wrong room? Tanong niya sa sarili. She must be planning to give herself and her virginity to Harper, but she ended up in the wrong room, in my room to be exact. Pero agad rin nabura ang ngisi na nakaukit sa kanyang labi nang may naalala. Naglakad siya palapit sa closet at kinuha roon ang kanyang spare phone, he dialed his most trusted man. Nakailang ring pa 'yon bago sagutin. “Boss?” Agad na bungad ni James, isa sa pinagkakatiwalaang tao ni Hudson. “I want you to investigate what happened last night to Amari Venice Florida Borremeo and how she ended up in my room,” malamig at diretso na sabi ni Hudson, na ngayon ay walang kahit na anong emosyon na bakas sa kanyang maamong mukha. He already had a hint of who might be the person behind it, he has two people in mind, but he still wants to be sure. Habang si James ay bahagyang nagulat at hindi agad nakatugon sa kanyang amo sa sinabi nito, lalo na nang banggitin nito ang pangalan ng babae. Magsasalita pa sana siya upang magtanong, ngunit bago pa man mangyari iyon, agad nang pinatay ni Hudson ang tawag nang hindi man lang siya inantay na makapagsalita o makatanong. Napa-iling na lang tuloy siya sa inasta nito, hindi naman siya nagulat dahil ganito talaga ang ugali ng kanyang amo. Pero hindi niya maiwasang hindi mapaisip kung bakit gusto nito na imbestigahan ang nangyari at kung bakit ito napunta sa kwarto ng kanyang amo si Amari. Malinaw kasi ang pagkakasabi nito ng salitang “end up in my room,” kaya ang ibig sabihin nito ay—nanlaki ang kanyang mata nang may napagtanto. Hindi niya alam kung dapat ba siyang magdiwang, lalo pa’t alam niyang matagal nang may gusto ang kanyang amo sa dalaga na nobya ng kambal nito. Sa kabilang dako naman, tahimik lang na pinagmamasdan ni Hudson ang bedsheet na may blood stain, marka, at patunay na nakuha niya ang pagkababae ng dalaga. Napahigpit ang kanyang hawak sa bedsheet. Isang tanong ang patuloy na bumabalot sa kanyang isipan, at ‘yon ay ang kung paano ito napunta sa kanyang silid? At paano hindi siya nito nakilala kagabi? Mukhang wala rin ito sa kanyang sarili? Kung sino man ang nasa likod ng pagplano na ito ay hindi niya alam kung may mabuti o masamang intensyon ito. Pero isa lang ang masasabi niya at iyon ay malaki ang pasasalamat niya rito. He's been eyeing her since then… at sino ba ang hindi matutuwa kung ang babaeng kanyang matagal nang kinababaliwan ay ay nakasama niyang matulog sa iisang kama? At kung sinuswerte ka nga naman, siya na mismo ang pilit na umiiwas rito at lumalayo dahil sa nobya ito ng kanyang kambal. Pero mukhang ang tadhana na mismo ang gumawa ng paraan para magkaroon sila ng dahilan upang magkaroon ng koneksyon. Hindi niya kinamumuhian si Amari dahil sa pagiging mahirap, may dahilan siya kung bakit siya mayabang sa kanya. He doesn't hate Amari for being poor,he is arrogant towards her for a good reason. He doesn't mean to insult nor to be mean to her, but he has to. Ayaw niyang magkasala, baka kasi kapag hindi niya mapigilan ang sarili niya, agawin niya ito mula sa kambal. He is not as good as Harper, his twin. He is the opposite of Harper, if Harper is a good man, he is different. So, as much as he can, he stops himself from stealing Amari away from his twin. He doesn't want to commit a sin that might lead to them not being on good terms with Harper again. He has already made a promise to himself, as the older one of the two. Kailangan niyang magpaubaya, at ilang taon na rin siyang nagpaubaya sa kapatid." And he couldn't help but to wonder what his twin's reaction would be if he finds this out that his girlfriend just slept with him and had a one-night stand.Amari's Point of ViewPinandilatan ko siya ng mata dahil sa sinabi niya at sa lakas ng boses niya. “Sino ba kasing nagsabi na pumunta ka dito, aber?” naiiritang tanong ko sa kanya. “Kaya nga, tama lang na tumayo ka diyan, pupunta-punta pa kasi dito eh.” Nagiisa ang linya ng kilay niya sa tanong ko. “Damn, kailangan pa bang may magsabi sa'kin para pumunta dito?” Napasapo ako ng noo dahil sa tanong niya. Shutangines! “Oh, hindi na kailangan, pero tangina naman Hudson, ano bang ginagawa mo dito? Saka hindi ba uso sa’yo ang mag-text o tumawag man lang bago ka pumunta dito?” gigil na tanong ko sa kanya, halos kulang na lang ay ihamapas ko sa kanya yung doorknob na hawak ko kung nabubunot lang ito. Rumiin ang pagkatitig nito saka ako tinaliman ng tingin na para bang may masama akong nagawa o nasabi sa kanya. “Ni hindi ka nga nag-message sa'kin o paramdam man lang noong umalis ka sa opisina ko kasama yung boyfriend mong hilaw? Tapos sasabihin mong ako ang hindi nag-text o tumawag ba
Amari's Point Of View Narinig na narinig ko ang lakas ng tibok ng puso ko sa kaba, na halos kulang na lang ay lumabas ito anumang oras. Pero imbes na magpadala sa kaba na nararamdaman ko, mas pinili kong magmataray. Kaya naman pinag-angat ko siya ng kilay, hindi alintana ang nakakamatay nitong tingin. “Anong ginagawa mo dito?”His jaw clenched at my question. “Shouldn't I be the one asking you that?” “Huh? Anong pinagsasabi mo?” Maang na tanong ko.“ You should be in my office now, working your ass off.” Hindi siya sumagot sa aking tanong at sa halip, iyon ang tinugon niya. “Damn! I thought something had happened to you. I left you in your room because I had something important to do. One of the investors called me because there was an issue, and I left you in that room while you were sleeping. But when I got back, you were gone… Then Austin saw you, he saw you with that jerk. That fucking bastard who suddenly entered my company without asking.” Nangunot ang noo ko at napatitig sa
Amari's Point Of View “Camille?” mahinang tawag ko sa pangalan ni Camille na ngayon ay gulat na nakatingin sa akin na para bang nakakita ng multo. “Amari?” Nakita ko ang pagdaan ng kaba sa mga mata nito. “Kanina ka pa diyan, bruha ka?” Nangunot ang noo ko sa tanong niya. Nilibot ko ang paningin sa buong kusina pero wala talagang ibang tao. Wala ba talagang tao? Pero hindi naman ako pwedeng magkamali. Alam kong may kausap talaga siya. Napabuga na lang tuloy ako ng hangin at napatingin sa kanya saka naglakad patungo sa mesa kung saan may nakahain na pagkain. Bigla akong nakaramdam ng matinding gutom. Kaya naman hindi ko siya sinagot agad at hinila ang isang upuan na katapat ng kinauupuan ni Junjun, ang kapatid ko, saka umupo roon. Inabot ko ang isang pinggan na nakahanda saka nilagay ito sa harap ko at nagsimula nang magsandok ng kanin. Narinig ko pa ang paghila ni Camille ng upuan saka ang pag-upo nito sa tabi ni Junjun. Kaya naman kinuha ko muli ang pagkakataon na iyon up
Amari's Point of ViewUmagang-umaga pa lang ay agad na akong nagtungo sa banyo ng aking silid upang doon magsuka. Sa wari ko, halos lahat ng kinain ko kagabi at ang laman-loob ko ay maisusuka ko na rin. Pero wala namang ibang lumalabas mula sa aking bibig kundi purong malapot na laway lang. Tangina! Ganito ba talaga kapag buntis? Diyos ko! Pakiramdam ko ay mamatay na ako sa pagsusuka. Mahinang turan ko sa likod ng aking isip. Laking pasasalamat ko na lang nang mapatigil ako sa pagsusuka, agad akong nagmumug ng tubig at naghilamos ng mukha. Inabot ko rin ang malinis na towel na nakasabit sa pintuan saka ginamit iyon pamunas sa mukha. Pinagmasdan ko ang aking sarili sa maliit na salaming bilog na nasa banyo ng aking silid. At hindi ko maiwasang hindi napangiwi sa kabuuan ng itsura ko nang makita ito. Paano kasi ay malalim ang aking mata at maitim rin ang ilalim nito, kaya kitang-kita ang eyebag ko na halatang hindi nakatulog ng maayos. Dagdag mo pa ang pamumutla ng aking labi; masyado
Harper's Point Of View I looked at Amari's face, and I couldn't help but smile secretly. She's really beautiful; she was indeed a good catch. Mula sa kanyang hugis pusong mukha, her pinkish lips na tila ba'y nang-aakit ng halik. Ang kanyang hindi kahabaan na pilikmata, at ilong na nasa tamang tangos lang. She looks exactly like Adriana Lim in her 20s, with her fierce look. Everything about her is beautiful that I couldn't even take my eyes off her. Ngunit mabilis rin na nawala ang paghanga ko sa kanya nang magsalita siya. “Pero Harper, alam natin pareho ang totoo. Ayaw kong magsinungaling sa kanya.” Kinuyom ko ang aking kamao at napa-igting ang panga dahil sa narinig. Damn! Hearing those words didn't sound good to me. Gusto ko tuloy itapon lahat ng gamit na andito sa loob ng kwarto... but I couldn't. I'm mad! I really am. Pero kailangan kong pigilan ang galit na nararamdaman ko. Kaya naman napabuga ako ng hangin upang pakalmahin ang sarili, and when I felt like I was calm, I reac
Amari's Point Of ViewNapalaki ang mata ni Camille sa narinig na sinabi ni Harper na para bang luluwa na ang mata. Napaawang pa ng bahagya ang mga labi nito na nakatingin sa akin. Nagtatanong ang mga mata nito, na animoy inaantay ang kumpirmasyon ko sa sinabi ni Harper na aking nobyo. Gustuhin ko man sanang sumagot, hindi ko magawa. Naiinis kasi ako kay Harper, lalo na sa sinabi niya, sa ginawa niyang pag-amin at pangunguna. Ni hindi niya man lang ako tinanong muna bago sabihin ‘yon. Wala naman akong balak itago kay Camille ang bagay na iyon. At kahit sino rin namang nasa posisyon ko ay magagalit sa ginawang pangunguna ni Harper. Frustrated, I stood up from my seat without uttering a word and walked towards my room. I had lost my mood to talk and preferred to stay in my room rather than face them, especially Harper.When I reached my room, I plopped down onto my bed. I heard footsteps approaching my room and the sound of the door opening and closing, and even without looking, I kne
Amari's Point of View Kasama ko si Harper na lumabas ng kotse. Sabay kaming naglakad, at nang nasa tapat na kami ng pinto ay siya na rin mismo ang kumatok. At nang bumukas ang pinto ay ang mukha ni Camille, ang aking kaibigan, ang bumungad sa amin. Nakabusangot ang kanyang mukha nang makita si Harper. Pero nang mapadako ang tingin nito sa akin, nanlaki ang mga mata niya. Saka siya nagulat at napatingin sa akin. Inirapan ko na lang siya dahil sa naging reaksyon niya. Masyado kasing OA, gulat na gulat na akala mo ay isang dekada kaming hindi nagkita. “Hinda mo ba kami papasokin na bruha ka?” Sa sinabi ko ay agad siyang napanguso saka nagbigay-daan sa amin ni Harper upang makapasok sa loob. Diretso akong pumasok at hindi na siya nilingon at umupo sa di-kawayan na sofa. Napasandal ako roon. At kasabay ng pagsandal ko noon ay siya ring pagsalita ni Camille. “Kaloka ka, gurl. Uuwi ka pala ngayon, wala ka man lang pasabi? Or kahit text lang para at least alam ko, hindi ba?”
3rd Person's Point Of View Hindi ako nakapag-salita buhat sa ng nangyari kanina. Kaya pareho kaming walang imik ni Harper na pumasok sa loob ng sasakyan niya. Tapos na rin kami sa pagpapautrasound; si Harper na rin mismo ang nagbayad ng lahat at bumili ng mga vitamins na nirestahan ng doktor. Pagkapasok sa loob ng kotse, nabalot ng katanungan ang isip ko kung paano at bakit nasabi ni Harper ang bagay na 'yon. Hindi ko mawari, pero may malaking bahagi sa akin ang naniniwala sa sinabi niya, ngunit may bahagi rin na hindi. Naguguluhan tuloy ako bigla. Pero hindi rin naman imposible na hindi magawa ni Hudson ang bagay na 'yon. Dahil totoo naman na may galit siya sa akin at ayaw niya sa akin para sa kapatid niya. Ayaw niya sa akin dahil mahirap lang ako, at mas lalong ayaw niyang maging bahagi ako ng pamilya nila. Kaya maraming dahilan ang pwedeng maging sanhi para gawin niya ang bagay na 'yon, lalo na sa akin. Pinikit ko ang aking mga mata at napasandal sa sasakyan; naramdaman ko
Amari's Point Of View “You're really pregnant, Amari. And there's no need to deny or lie to me... now tell me, sino ang ama niyáng pinagbubutis mo?”Sa naging tanong ni Harper, hindi ako agad nakasagot. Pakiramdam ko kasi ay nanuyo ang aking lalamunan, umurong rin ang aking dila, kaya walang salitang namutawi sa aking labi. Ramdam ko ang panggigilid ng aking luha, at nang napaangat ako ng tingin kay Harper na ngayon ay nakatayo sa aking harap habang nakapamewang. Hindi ko mabakasang kahit na anong emosyon sa mga mata nito na nakatingin sa akin. Kaya agad kong iniwas ang tingin sa kanya, at sa ginawa kong iyon ay rinig ko pa ang malalim niyang pagpakawala ng buntong-hininga.Sinubukan kong kumuha ng lakas mula sa pagbuntong-hininga ng malalim upang magsalita, pero kahit makailang ulit akong subukan, wala parin akong lakas ng loob na magsalita upang sagutin ang tanong niya. Pakiramdam ko ay napipi ako sa mga sandaling iyon. Gusto ko man aminin sa kanya ang totoo, nagdalawang-isip ako