“Philip, anong ibig sabihin nito?” hindi makapaniwalang tiningnan ni Amelia ang kanyang anak.Kanina ay tahimik lang siyang nagbabantay sa ospital kaya lang ay nag-umpisang tumunog ang kanyang cellphone dahilan para tingnan niya ito at doon nga niya nakita ang lahat. Idagdag pa ang napakaraming mga message sa ibat-ibang tao na nagtatanong kung ano nga ba ang nangyari.Gulat na gulat siya sa totoo lang dahil wala naman siyang kaalam-alam sa bagay na iyon. Ni hindi niya kilala ang babaeng iyon at hindi siya naniniwala na magagawa iyon ng kanyang anak. Hindi na siya nagdalawang isip pa at kaagad na nagtatakbo patungo sa presinto.“Sabihin mo sa akin na hindi totoo iyon. Hindi totoo ang paratang nila hindi ba?” sunod-sunod na tanong niya rito.Wala itong ekspresyon habang nakaupo sa kanyang harapan. Ang kanyang mga mata ay blangko. Isa pa ay hindi niya maiwasang mag-alala dahil sa itsura nito. Putok ang gilid ng labi nito.“Philip…” tawag niya rito at pagkatapos ay inabot ang pisngi ng ka
NAGSILABASAN na ang mga ugat sa noo ni Dalton dahil sa matinding galit habang nakaharap kay Philip ng mga oras na iyon. Halos sakalin ko na ito sa poot nararamdaman ko ng mga oras na iyon. “Saan mo dinala si Freya?!” nagtatagis ang mga bagang na tanong ko sa kaniya.Hindi ko alam kung pang-ilang beses ko ng tinanong sa kaniya iyon ngunit hindi lang siya sumasagot sa halip ay nakangiti lang siya sa akin na mas lalo pang nagpapatindi ng galit ko. Kung ako lang ang masusunod ay buburahin ko ang mayabang na ngiti niya sa labi pero sa dami kasi ng pulis na nagbabantay sa amin ay hindi ko iyong magawa.“Bingi ka ba?! Saan mo siya dinala?!” ulit ko na namang tanong sa kaniya. Kuyom na kuyom ang mga kamay ko habang nakapatong sa mesa at halos bumaon na rin ang mga kuko ko sa aking palad.Hindi ko na ininda pa ang hapdi ng mga sugat ko at dumiretso kaagad sa presinto dahil ang akala ko, kapag nahuli na siya ay magsasalita na siya kaagad at ituturo kung saan niya dinala si Freya pero nagkakamal
NAG-angat ako ng aking ulo nang bumukas ang pinto at pumasok si Kian. sa likod niya ay naroon ang dalawang pulis kahapon. Agad akong umayos ng upo at itiniklop ang aking laptop. “Kamusta ang imbestigasyon sir?” tanong ko kaagad.Hapon na ng mga oras na iyon at mabuti na lang, safe naman si Eros. kasama na nito sa bahay ko ang nag-aalaga ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagkikita. Sinabi ko kasi kay Kian na idiretso niya na lang ito doon dahil baka mamaya ay mahawa pa ito ng sakit sa ospital. Mainam na ang nag-iingat.“Na-trace na namin kung sino ang nagmamay-ari ng number na huling kausap niya nitong mga nakaraang araw at napag-alaman naming ito ay si Philip Angellini.” sabi sa akin ng isang pulis na ikinakuyom ng mga kamay ko.Ibig sabihin ay nagsabwatan silang dalawa para lang kidnapin si Freya? Pero bakit? Anong dahilan? Hindi ba galit si lola sa pamilyang iyon dahil sa pagpatay ng mga ito sa aking ina? Kaya bakit? Wala akong maisip na ibang dahilan. Sapat na ba ang gal
“Bakit ngayon ka lang? Saan ka ba nagpunta?” kaagad na tanong ng kanyang ina sa kaniya nang makita siya nito. Bumuntong-hininga lang ako. “May inasikaso lang ako.” sagot ko sa kaniya at pagkatapos ay tumingin sa nakahigang matanda sa kama na hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa pala nagigising. “Anong balita sa kaniya?” Huminga ng malalim ang aking ina bago sumagot. “Nairaos naman ng maayos ang operasyon kaya nga lang ay hanggang ngayon ay hindi pa siya nagigising.” Agad ko siyang nilingon. “Hihintayin mo pa ba siyang magising Mommy?” Hindi naman siya makapaniwalang napatingin sa akin habang nalalaki ang mga mata. “Anong ibig mong sabihin?” naguguluhang tanong niya sa akin.Naglakad ako palapit rito. “Well, baka mas mainam kung hindi na siya gumising pa?” tanong ko at akma ko nang tatanggalin sana ang life support nito nang bigla na lang niya akong piningilan.“Anong ginagawa mo? Ama mo pa rin siya! Nahihibang ka na ba talaga Philip? Paano kung may makaalam? Sa tingin mo ba ay
“Anong ibig niyong sabihin? Nasa state siya ng coma?” tanong ko sa doktor ng aking lola. Kanina nang mawalan siya ng malay ay agad siyang isinugod sa ICU. Tinubuhan ito at kung ano-anong aparato na ang nakalagay sa katawan niya. Mula sa labas ng ICU ay kitang-kita ko ang itsura niya. Tumango naman ang doktor. “Mahina na ang puso niya at ngayon dahil sa halo-halong emosyon ay biglang nabarahan ang ugat ng puso niya.” sabi niya sa akin dahilan para mapakuyom ng mahigpit ang aking mga kamay.So ibig sabihin ay hindi pala ito nagsisinungaling nang sabihin nito na may sakit siya sa puso. Habang nakatayo at nakatingin sa kaniya na nakahiga sa kama ay kinakapa ko ang sarili kong damdamin.Ngunit kahit na anong kapa ko ay tanging galit lang ang nararamdaman ko. Nagtagis ang mga bagang ko. Paano pa namin malalaman ngayon kung nasaan si Freya kung wala naman na itong malay? Tanging ito lang sana ang makakapagturo kung nasaan si Freya pero bigla naman itong nagkaganun.“Salamat Dok.” sabi ko na
NANGINGINIG ang buo kong katawan habang nakatayo sa tapat ng tumutulong tubig. Napakalamig ng tubig ngunit parang hindi ko ito maramdaman. Manhid ang buo kong katawan. Hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa rin tumitigil ang panginginig ng katawan ko dahil sa takot.Ang akala ko kanina ay hahalayin niya na ako ng tuluyan ngunit mabuti na lang ay tumigil siya. Kinuha niya nga lang ang aking mga damit at hinayaan niya akong magtatakbo nang wala man lang saplot sa aking katawan. Sa takot ko ay agad kong ini-lock ang pinto pagkapasok ko sa silid.Kasabay nang pagbagsak ng tubig mula sa aking ulo ay ang pagbagsak din ng aking mga luha. Napakagat-labi ako.“Dalton…”“Eros…” Naisip ko bigla ang mukha ng anak ko. Marahil tiyak na umiiyak na ito dahil hinahanap na ako. Ito pa lang ang unang beses na napalayo ako sa kaniya kaya tiyak na sobrang naninibago ito. Anong oras na. Ilang oras na ang nakalipas simula nang kidnapin ako ni Philip pero wala pa ring bakas ni Dalton.Wala ba talaga itong