HALOS madilim na nang magising ako. Medyo magaan naman na ang pakiramdam ko at hindi na katulad ng kaninang umaga. Napasarap pala ang tulog ko at hindi ko namamalayan ay ganun na kabilis ang oras na lumipas. Kumakalam na rin ang tiyan ko kaya tumayo na ako. Nagbihis na muna ako ng damit bago ako nagpunta sa kusina para magluto. May mga iilang frozen food pa naman ang nasa ref kaya iyon na lang muna ang niluto ko.
Pagkatapos kong kumain ay kinuha ko ang cellphone ko at naupo sa may sofa pagkatapos ay pinasindi ko ang tv. Wala akong magawa kaya manunuod na lang muna ako ng chinese drama. Habang inaantay kong sumindi ang tv ay binuksan ko ang cellphone ko at nagcheck na naman ako ng messenger ko. May mga chat sa gc namin na nagsasabi na magpagaling daw ako ngunit ang iba ay chat ni Philip.
Hindi ko na binasa pa ang mga laman nito sa halip ay kaagad ko na lang na blinock siya. Kahit na lumuhod pa siya sa harapan ko ay hinding-hindi ko na siya patatawarin pa. Wala na akong balak na patawarin siya.
Pagkatapos nito ay ibinaba ko na ang aking cellphone at nag-umpisa nang mamili ng panonoorin ko. Nasa kalagitnaan na ako ng pangalawang episode nang bigla na lang akong makarinig ng katok sa pinto. Awtomatiko akong napalingon dito, pinaused ko rin muna ang pinapanood ko. Napakunot ang aking noo, wala naman akong inaasahang bisita ngayon araw sino naman kaya iyon?
Dahan-dahan akong tumayo at inilapat ang tenga ko sa pinto. Natatakot akong buksan dahil mamaya ay kung sino ito. Wala pa naman akong kasama. Nagulat ako nang muli na naman kumatok ang nasa labas at handa ko na sanang buksan ito anng marinig ko mula sa labas ang tinig ni Philip na tinatawag ang pangalan ko.
“Freya! Alam kong nandiyan ka sa loob. Buksan mo ito at mag-usap tayo.” sigaw nito ngunit nanatili lang akong nakatayo sa harap ng pinto. Nag-iisip kung bubuksan ko nga ba ito o hindi.
“Freya!” kinalabog nito ang pinto kaya napaatras na lang ako ng wala sa oras at mas lalo pang inilock ito. Wala na akong balak pang makipag-usap sa kaniya kaya mas mainam na umalis na lang siya. Panigurado na kapag hindi ko siya pinagbuksan ay aalis din naman siya kaagad.
“Freya! Nagmamatigas ka ba talaga? Ako na nga itong pumunta dito para makipag-usap pagkatapos ay ayaw mo pa akong harapin? Ano, itatapon mo na lang ba ang pinagsamahan natin?” narinig kong tanong niya at hindi ko na lang maiwasang mapatingala, hindi ako makapaniwala na siya pa ang may ganang magsabi sa akin ng mga salitang iyon.
Parang ako pa yata ang nagloko? Ako ba? Gusto kong matawa. Ibang klase pala talaga ito.
“Freya! Alam kong naririnig mo ako!”
Hindi pa rin ako sumagot. “Freya ano ba!”
“Sinisigurado ko na magsisisi ka!” sabi nito at tuluyang nang umalis. Napahawak ako sa aking dibdib at napsandal sa nakasarang pinto. Siya na nga ang nagloko siya ay siya pa ang malakas ang loob na magpunta doon para manggulo. Hindi ba siya masaya na hindi na ako naghabol pa at hinayaan na lang ito? O baka ang gusto niya ay ako pa ang magmakaawa sa kaniya?
Tsk. napakawalang kwentang lalaki.
~~~~
“Sir?”
Hindi ako lumingon kahit na narinig ko ang pagtawag sa akin ni Kian. nasa harap ako ng floor to ceiling window at may hawak na isang baso ng alak sa aking kamay. Itinaas ko ang aking baso at uminom. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang paglapit niya sa akin. Well, kanina ko pa siya hinihintay dahil alam ko na pupunta siya dito at magrereport sa akin sa mga nangyari kanina.
“Anong magandang balita?” tanong ko ngunit hindi ko pa rin siya nililingon.
“Well, katulad nga po ng inaasahan ninyo sir ay naging dismayado ang pamangkin niyo nang i-turndown ko ang offer dahil iyon nga ang bilin ninyo.” sagot nito at hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Inaasahan ko na nga talaga iyon.
“At—” bago pa man niya matapos ang kanyang sasabihin ay kaagad ko na siyang pinutol.
“It’s okay now. Magpahinga ka na. Good job.” walang emosyong sabi ko habang nakatingin sa mga ilaw at sasakyan sa baba ng kanyang suite.
NATIGILAN naman si Kian nang marinig niya ang sinabi ng kanyang boss at nagdalawang isip kung sasabihin niya ba at itutuloy ang kanyang sasabihin sana.
“Pero sir—”
“Kian, kailangan ko bang ulit-ulitin ang sarili ko sayo?” sa puntong iyon ay lumingon na ito sa kaniya at ang mga mata nito ay napakalamig na akala mo ay nagyeyelo dahilan para tumayo ang kanyang balahibo sa labis na takot kaya kahit na may sasabihin pa sana siya ay nagmamadali na siyang tumalikod at lumabas.
NAPA-HAWAK na lang sa aking ulo pagkarinig ko ng pagsara ng pinto. Bukas ng madaling araw ay lilipad na naman siya sa ibang bansa para makipag meet sa isang businessman. May plano na naman akong magtayo ng isa pang negosyo at idagdag sa kasalukuyan ko pang negosyo. Hindi ko pwedeng sayangin ang mga pagkakataon na katulad nito. Kailangan ko itong makasundo at kailangan kong masiguro na sa akin niya lang ibibigay ang quality na mga tela nito.
Umupo siya sa sofa at pagkatapos ay ibinaba ang baso bago isinandal ang ulo ko sa sofa. Simula pa kaninang umaga ay pinipilit kong mag-focus sa aking mga trabaho ngunit pauulit-ulit lang pumapasok sa isip ko ang babaeng iyon. Hindi na ako makapag-focus pa. Gusto ko tuloy isipin na ginayuma niya ako at hindi ko rin mapigilan na hindi pagalitan ang sarili ko.
Alam ko na habang nararamdaman ko ang ganung klase ng pakiramdam ay patuloy lang na makakasama sa mga ginagawa at plano ko. Hindi ako dapat nakakaramdam ng mga ganuong klaseng bagay. Napakuyom ang aking mga kamay. Tiyak na sa paglipas ng araw ay mawawala din siya sa isip ko at hindi lang iyon, kapag isinubsob ko na naman ang sarili ko sa trabaho ay hindi na siya magkakaroon pa ng puwang sa isip ko. Tama, iyon nga. Ang katulad nito ay isang balakid lang sa aking mga plano.
…
PAGOD na pagod ang pakiramdam ko nang matapos akong i-briefing ni sir Kian. akala ko ay napakadali lang ng trabaho ng isang sekretarya ngunit hindi ko akalain na mahirap din pala. Ako pala ang lahat ng kailangang mag-ayos ng schedule niya sa lahat ng araw, sa mga travels niya, sa mga tawag, sa mga meetings at mga kailangan niya na mga reports. Dapat ay alam ko ang lahat ng nangyayari sa buong kumpanya kung dahil para kapag nagtanong siya sa akin ay masasagot ko ang mga ito kaagad.Iniisip ko pa lang ang mga trabaho ko ay sumasakit na ang ulo ko. Paano ko ba napasok ito?Halos alas sais na ng gabi ng matapos ako. May mga files pa kasing itinurn over sa akin si Sir Kian para alam ko raw kung saan ko hahanapin ang mga iyon kaya inayos ko pa sinort out dahil medyo magulo ito. Nakiusap ako sa kaniya na kung pwede ay dito na lang ako sa department namin mag-stay kaya lang ay hindi daw doon ang opisina ng sekretarya sa halip ay may sarili akong mesa sa labas mismo ng opisina ng boss niya. H
ILANG sandali kong tinitigan ang aking cellphone nang tumunog ito. Nang makita ko kung sino ang tumatawag ay bigla na lang tumaas ang sulok ng labi ko. Hindi niya ako tinatawagan ng direkta noon pero ngayon ay tumatawag siya at alam niya na kung ano ang rason kaagad.Marahil ay umabot na sa kaniya ang balita na lumabas na sa lungga ang may ari ng DTA company. Napakabilis talaga ang pagkalat ng balita. Wala sana akong balak na sagutin ito ngunit gusto kong marinig kung ang sasabihin niya kaya sinagot ko na ito kaagad.“So, ikaw pala ang CEO ng DTA company huh?” puno ng panunuya niyang tanong sa akin.Ngumiti na lang ako at sumandal sa aking kinauupuan. Bakit parang sa tono ng boses niya ay iritado siya at hindi siya masaya? Dahil ba halos malapit ko ng mapantayan ang kumpanya niya?“Anong gusto mong isagot ko sa tanong mo?” walang emosyon kong tanong dito.Kahit na magkapatid kami sa ama ay wala kaming nararamdaman na affection sa isat-isa. Isa pa, alam kong labis ang pagkamuhing narar
THIRD PERSON P.O.VNANG makita ni Kian na lumabas na si Miss Cortez ay pumasok na rin siya sa loob ng opisina ng kanyang boss. Hindi siya umalis sa tabi ng pinto. Ang naging usapan ng mga ito sa loob ay hindi niya narinig dahil nakasara ng mabuti ang pinto ngunit may ideya na siya kung ano iyon.Nang lumabas si Miss COrtez mula sa loob ay hindi maipinta ang mukha nito kaya alam niya at sigurado siyang sinabi na ni sir Dalton rito ang tungkol sa pag-assign nito bilang personal niyag sekretarya.Sa totoo lang ay hindi niya alam kung anong rason nito. Ni hindi niya magawang magtanong dahil mukhang personal ang dahilan nito at higit sa lahat ay wala siya sa lugar. Wala siyang karapatan dahil isa lang siyang empleyado nito.Pagdating nga nito galing sa Rome ay ang tungkol na kaagad kay Miss COrtez ang tinanong nito sa kaniya na noong bago pa sana ito umalis niya sasabihin ang tungkol dito kaya lang ay parang hindi ito interesadong marinig ang tungkol dito. Ngunit pagdating nito ay para ban
DAHIL sa sobrang takot ko kagabi at sa labis na pag-iyak ay tanghali na akong nagising. Ni halos ayaw ko pa nga sanang bumangon sa totoo lang dahil anong oras na kagabi nang makatulog ako, o mas tamang sabihin na halos prang nakaidlip lang ako.Para akong zombie na bumangon, mabagal at halos walang kagana-gana at tamad na tamad na bumaba sa aking kama. Ngunit sa halip na pupunta na sana ako sa banyo upang maligo na ay ilang sandali muna akong napatulala.Ang aking mga mata ay halos ayaw pa sanang dumilat ngunit bigla ko na lang naisip na lunes nga pala ngayon. Malamang na nakatambak na naman ang mga naiwan kong trabaho. Inabot ko ang aking cellphone na nasa tabi ng aking kama upang tingnan ang oras ngunit nang makita ko kung anong oras na ay halos pumanaw ang kaluluwa ko sa aking katawan dahil tanghali na!Pabagsak kong binitawan ang aking cellphone at ibinaba ito sa kama bago tuluyang nagtatakbo patungo sa banyo. Shit! Shit! Tanghali na! Lunes na lunes na naman ay male-late na naman
Magaan ang loob kong naglalakad pauwi na kaya lang ay bigla na lang akong napatigil nang makita ko si Philip na nakasandal sa kotse niya. Mukhang hinihintay niya ako sa labas ng aking apartment. Napahigpit na lang ang hawak ko sa aking bag. Bakit ba hindi na lang niya ako tigilan? Ako nga ay nagmomove on na e. Bakit siya ay hindi niya magawa?Nag-angat siya ng tingin at tumingin sa akin. Sa sumunod na sandali ay nasa harapan ko na siya. Nang tamaan ng malamlam na ilaw ang mukha nito na galing sa poste ay agad kong napansin ang namumula nitong mukha. At nang magsalita siya ay mas lalo kong nakumpirma ang aking hinala. “Saan ka galing huh?” napatakip ako sa aking bibig dahil sa amoy ng alak.Hindi naman siya lasing, medyo nakainom lang sa tingin ko. Agad ko siyang nilampasan. Wala akong balak na kausapin siya. Ni hindi ko nga siya sinagot e kaya lang ay mabilis niyang hinawakan ang aking braso kaya napatigil ako sa paglalakad. Pilit kong tinatanggal ang kamay niya ngunit hindi ko ito ma
“Freya!” sigaw ni Astrid habang kumakaway sa akin, nasa kabilang kalsada ito. Nginitian ko naman siya kaagad at kinawayan din pabalik.Ilang sandali pa ay dali-dali na siyang tumawid papunta sa akin. Kaagad niya akong niyakap, mahigpit na para bang napakatagal nilang hindi nagkita. Mas lalo lang lumawak ang aking pagkakangiti ng wala sa oras. Mabuti na lang talaga at naging kaibigan ko pa siya.“Hindi na ako makahinga Astrid.” natatawa kong reklamo sa kaniya pagkalipas ng ilang sandali.“Ay sorry, sorry.” paghingi naman niya kaagad ng paumanhin. “Namiss lang kasi kita.” sabi niya pa. “Kamusta ang naging bakasyon mo? Okay ba? Naging masaya ka naman ba?” sunod sunod na tanong niya sa akin na ikinailing ko na lang. Paano ko ba sasagutin ang mga tanong niya? Syempre ay wala naman akong balak na sabihin o ni ikwento man lang sa kanila ang mga nangyari sa ibang bansa. Natatakot ako, natatakot na baka husgahan nila ako.“Okay naman syempre, masaya.” alanganin akong ngumiti sa kaniya. Sana l