“Napaka walang silbi mo talaga!” galit na sigaw sa akin ng aking ama. Kanina pagkagaling ko sa apartment ni Freya ay agad akong umuwi para magpahinga sana pero naghihintay na pala ito sa sala at hinihintay niya ako para sermonan lang.
Napakuyom na lang ang kamay ko ng mahigpit. Sa tanang buhay ko, ni minsan ay ni hindi ko pa naranasan na purihin ako ng aking ama kahit na minsan lang. Kapag nakikita niya ay puno ng pagkamuhi ang kanyang mga mata na para bang ibang tao ako. Madalas nga ay iniisip ko na rin na baka hindi niya ako anak kaya ganun na lang siya sa akin.
Nanatili lang akong nakatayo sa harap niya at nakayuko. Hindi ko siya magawang sagutin dahil wala akong karapatan na sumagot. Tiyak na katakot-takot na sermon ang matitikman ko kapag sinagot ko siya at higit pa doon ay baka putulin na naman niya ang mga atm card ko, ayokong mangyari iyon kaya titiisin ko na lang at lulunukin ang lahat ng masasakit na sasabihin niya.
“Napaka-simple lang ng pinapagawa ko sayo pero hindi mo pa magawa! Wala ka talagang silbi katulad ng ina mo!” muling sigaw nito sa kaniya at pagkatapos ay tuluyan nang tumayo at iniwan ako.
Biglang nagtagis ang aking mga ngipin sa labis na galit. Nang mag-angat ako ng ulo ay nakita ko si Mommy sa sulok at nakatingin sa amin. Narinig niya ang sinabi ni DAddy pero nanatili lang na walang ekspresyon ang mukha niya na mas lalo pang nagpagalit sa akin.
Simula bata ako ay ganito na ang ugali ng Daddy ko. Wala itong pakialam sa amin ng Mommy ko na para bang itinuturing niya lang kaming mga hangin sa napakalaking mansyon. Naiintindihan ko naman na ang relasyon nila ay dahil lang sa negosyo. Dahil ang siste daw ay ipinagkasundo sila ng kani-kanilang mga magulang sa isat-isa pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ni ang irespeto ang Mommy ko ay hindi niya magawa.
Palagi kong tinatanong ang aking Mommy tungkol doon ngunit pauulit-ulit niya lang sinasabi sa akin na intindihin ko na lang siya, pero sumusobra na siya.
Hindi ko namamalayan ay nakalapit na pala sa akin si Mommy dahil sa paglipad ng aking isip. “Galingan mo na lang sa susunod, huwag mo na sana siyang galitin pa Philip.” mahinang sabi niya sa akin.
Malamig ang mga mata kng tumingin sa kaniya, punong-puno ng pagtataka. Mayaman naman ang pamilya niya pero bakit siya nagtitiis sa ganitong klaseng buhay kasama ang ama ko na hindi naman siya itinuring na asawa?
Hindi ko siya sinagot. Sa halip ay tinalikuran ko siya na nakakuyom ang mga kamay ng mahigpit at lumabas ng bahay. Sumakay ako ulit sa aking kotse ngunit hindi ko pa ito pinaandar at nanatili lang doon ng ilang minuto hanggang sa tuluyan ko nang pinaandar ang sasakyan.
Habang nagmamaneho ay bigla na lang pumasok sa isip ko si Freya na mas lalo lang nagpainis sa akin lalo.
~~~~~
DAHIL nga halos maghapon akong nagtulog ay hindi ako dalawin ng antok kaya kinuha ko ang aking laptop at nagtrabaho na lang muna. Mas mainam na rin iyon dahil panigurado na dahil sa pag-absent ko kanina ay napakarami ko na namang natambak na trabaho.
Napabuntong hininga na lang ako pagkalipas ng ilang oras na nakaharap sa laptop ko. Hindi ko alam pero bigla na lang akong na-burnout bigla at napatanong sa isip ko na bakit nga ba ako trabaho ng trabaho? Para kanino?
Wala na ang nanay ko na gusto ko sanang ibigay sa kaniya ang buhay na deserve niya. Napaka- aga naman niya kasing nawala, ni hindi man lang ako nakabawi kahit na konti man lang.
Nawala siya noong bago pa lang ako sa DTA company, mabuti na lang at noong panahong iyon ay meron si Philip na nasandalan ko. Kahit papano ay napakalaking tulong naman ni Philip sa buhay ko kaya lang ay hindi ko kayang i-tolerate ang ginawa niyang panloloko sa akin.
Napa- sandal ako at napatitig sa aking laptop. Ilang sandali pa ay muli akong napabuga ng hangin at naisip na naman ang lalaking nakaniig ko kagabi at napatakip sa aking mukha dahil sa kahihiyan na unti-unti na namang bumabalot sa aking buong pagkatao.
Sana ay hindi siya nito matandaan at higit sa lahat ay sana ay huwag na muling mag- krus pa ang landas naming dalawa dahil hindi ko alam kung may mukha ba akong ihaharap sa kaniya kapag nagkataon. Sana lang talaga ay hindi na kami magkita pa.
Napapikit ang aking mga mata. Noong isang araw lang ay iniisip ko na ang buhay ko kasama si Philip, ang future naming dalawa na masayang magkasama. Ang akala ko pa naman talaga ay magpo-propose na siya ngayon dahil ngayon ang anniversary namin.
Napangiti ako ng mapait, excited pa naman akong sorpresahin siya sana kaso ako ang nasorpresa. Iyon kaya ang unang beses na ginawa niya iyon o hindi na? Kailan pa kaya siya nagsimulang gawin iyon?
Napakaraming tanong na tumatakbo sa isip ko at alam kong tanging si Philip lang ang makakasagot ng mga ito pero wala pa siyang lakas ng loob na muling harapin ito. Dahil ang totoo ay natatakot siya, natatakot siya na baka kapag tuluyan itong nagmakaawa sa harap niya ay muli niya itong patawarin at tanggapin muli.
Ayokong maging katawa-tawa. Kaya iniiwasan ko siya. Ayaw ko siyang harapin at sana lang ay hindi siya magpunta sa kumpanya. Napakalaking pag-aadjust ang gagawin ko dahil sa paghihiwalay namin pero ano nga ang magagawa ko? Ganun talaga ang buhay, wala yatang forever at higit sa lahat ay baka nga ganun talaga ang lahat ng lalaki. Katawan at s3x lang ang mahalaga sa kanila.
Napahawak ako sa aking dibdib dahil unti-unti na naman itong kumikirot. Normal lang naman ang masaktan hindi ba? Lalo na at minahal ko talaga siya.
Isa pang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago tuluyang tumayo at nahiga na. Inaantok na rin ako.
…
NANG iparada ko ang kotse ko sa underground parking lot ay napabuga ako ng malamig na hangin. Ang mga kamay ko ay napakuyom ng mariin at kung ako lang ang masusunod kanina ay lumabas na ako ng kotse doon pa lang sa tinitirhan ni Freya at sinuntok niya si Philip.Hindi man niya direktang sinabi sa akin ngunit kitang-kita ko sa mga mata niya ang matinding takot kanina na may kasama pang trauma. Hindi ko maiwasang tanungin sa isip ko kung ano ang ginawa ng tarantad0ng iyon sa kaniya at bakit ganun na lang ang reaksyon niya noong makita niya ito.Ngayon pa lang tuloy ay gusto na niyang tawagan si Kian at ipa-salvage na lang ito ngunit syempre ay hindi ko pwedeng gawin iyon lalo pa at ang gusto ko ay ang maghirap siya ng sobra. Ayoko yung mamatay na lang siya agad agad.Nang lingunin ko siya ay mahimbing na ang tulog niya. Hindi napigilan na hindi hawiin ang mga nahulog na buhok sa mukha niya at habang tinitingnan ko siya ay mas lalo lang akong nakakaramdam ng labis na galit. Anong ginawa
HALOS dalawang oras ang itinagal ng dinner ng boss ko at ng artista. Nakapagpa-picture din ako pagkatapos dahil ayokong umuwi na hindi man lang ako makapagpa-picture syempre. Hindi ko naman gaano inintindi ang mga pinag-usapan nila dahil nahihiya naman akong pakinggan ang mga ito.Pagkatapos ng meeting ay sabay na kaming lumabas ng aking boss patungo sa parking lot nang mapansin ko na wala na pala si sir Kian at tanging kami na lang dalawang ang naroon. Dahil dito ay kaagad ko siyang hinarap. “Magta-taxi na lang po akong uuwi sir.” magalang kong sabi sa kaniya ngunit natigil ito bigla sa pagbukas ng pinto ng kotse at nilingon ako.“Alam mo ba kung gaano kadelikado ang pag-uwi kapag ganitong oras?” malamig na tanong niya sa akin.Napakagat labi ako. Ano bang pakialam niya? Napabuntong hininga na lang ako pagkalipas ng ilang sandali dahil sa totoo lang ay malayo-layo doon ang kanyang apartment. Ilang sandali pa ay narinig niya ang pagpapakawala nito ng isang mahabang buntong hininga.“K
PAGOD na pagod ang pakiramdam ko nang matapos akong i-briefing ni sir Kian. akala ko ay napakadali lang ng trabaho ng isang sekretarya ngunit hindi ko akalain na mahirap din pala. Ako pala ang lahat ng kailangang mag-ayos ng schedule niya sa lahat ng araw, sa mga travels niya, sa mga tawag, sa mga meetings at mga kailangan niya na mga reports. Dapat ay alam ko ang lahat ng nangyayari sa buong kumpanya kung dahil para kapag nagtanong siya sa akin ay masasagot ko ang mga ito kaagad.Iniisip ko pa lang ang mga trabaho ko ay sumasakit na ang ulo ko. Paano ko ba napasok ito?Halos alas sais na ng gabi ng matapos ako. May mga files pa kasing itinurn over sa akin si Sir Kian para alam ko raw kung saan ko hahanapin ang mga iyon kaya inayos ko pa sinort out dahil medyo magulo ito. Nakiusap ako sa kaniya na kung pwede ay dito na lang ako sa department namin mag-stay kaya lang ay hindi daw doon ang opisina ng sekretarya sa halip ay may sarili akong mesa sa labas mismo ng opisina ng boss niya. H
ILANG sandali kong tinitigan ang aking cellphone nang tumunog ito. Nang makita ko kung sino ang tumatawag ay bigla na lang tumaas ang sulok ng labi ko. Hindi niya ako tinatawagan ng direkta noon pero ngayon ay tumatawag siya at alam niya na kung ano ang rason kaagad.Marahil ay umabot na sa kaniya ang balita na lumabas na sa lungga ang may ari ng DTA company. Napakabilis talaga ang pagkalat ng balita. Wala sana akong balak na sagutin ito ngunit gusto kong marinig kung ang sasabihin niya kaya sinagot ko na ito kaagad.“So, ikaw pala ang CEO ng DTA company huh?” puno ng panunuya niyang tanong sa akin.Ngumiti na lang ako at sumandal sa aking kinauupuan. Bakit parang sa tono ng boses niya ay iritado siya at hindi siya masaya? Dahil ba halos malapit ko ng mapantayan ang kumpanya niya?“Anong gusto mong isagot ko sa tanong mo?” walang emosyon kong tanong dito.Kahit na magkapatid kami sa ama ay wala kaming nararamdaman na affection sa isat-isa. Isa pa, alam kong labis ang pagkamuhing narar
THIRD PERSON P.O.VNANG makita ni Kian na lumabas na si Miss Cortez ay pumasok na rin siya sa loob ng opisina ng kanyang boss. Hindi siya umalis sa tabi ng pinto. Ang naging usapan ng mga ito sa loob ay hindi niya narinig dahil nakasara ng mabuti ang pinto ngunit may ideya na siya kung ano iyon.Nang lumabas si Miss COrtez mula sa loob ay hindi maipinta ang mukha nito kaya alam niya at sigurado siyang sinabi na ni sir Dalton rito ang tungkol sa pag-assign nito bilang personal niyag sekretarya.Sa totoo lang ay hindi niya alam kung anong rason nito. Ni hindi niya magawang magtanong dahil mukhang personal ang dahilan nito at higit sa lahat ay wala siya sa lugar. Wala siyang karapatan dahil isa lang siyang empleyado nito.Pagdating nga nito galing sa Rome ay ang tungkol na kaagad kay Miss COrtez ang tinanong nito sa kaniya na noong bago pa sana ito umalis niya sasabihin ang tungkol dito kaya lang ay parang hindi ito interesadong marinig ang tungkol dito. Ngunit pagdating nito ay para ban
DAHIL sa sobrang takot ko kagabi at sa labis na pag-iyak ay tanghali na akong nagising. Ni halos ayaw ko pa nga sanang bumangon sa totoo lang dahil anong oras na kagabi nang makatulog ako, o mas tamang sabihin na halos prang nakaidlip lang ako.Para akong zombie na bumangon, mabagal at halos walang kagana-gana at tamad na tamad na bumaba sa aking kama. Ngunit sa halip na pupunta na sana ako sa banyo upang maligo na ay ilang sandali muna akong napatulala.Ang aking mga mata ay halos ayaw pa sanang dumilat ngunit bigla ko na lang naisip na lunes nga pala ngayon. Malamang na nakatambak na naman ang mga naiwan kong trabaho. Inabot ko ang aking cellphone na nasa tabi ng aking kama upang tingnan ang oras ngunit nang makita ko kung anong oras na ay halos pumanaw ang kaluluwa ko sa aking katawan dahil tanghali na!Pabagsak kong binitawan ang aking cellphone at ibinaba ito sa kama bago tuluyang nagtatakbo patungo sa banyo. Shit! Shit! Tanghali na! Lunes na lunes na naman ay male-late na naman