IBINAGSAK ko ang aking katawan sa kama nang makarating ako sa apartment. Pagod na pagod ako dahil sa apurang-apura ako na makauwi. Hiyang-hiya pa rin ako ng mga oras na iyon pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Napahilamos na lang ako sa aking mukha gamit ang dalawa kong kamay. So ganun lang? Ganun lang nawala ang napakatagal kong iningatan na pagkabirhen ko?
Napakagat labi ako. Bigla akong napatitig sa kisame at pinakikiramdaman ang sarili ko kung may pagsisisi ba akong nararamdaman pero mukhang wala naman. Siguro ay baka kase buo na ang desisyon ko nang gawin ko iyon pero… biglang nag-init ang aking mga pisngi nang malinaw kong maalala ang ginawa ko para lang isama ako ng lalaking iyon.
Nakakahiya!
May pasok ako ngayon sa office pero dahil sa napakasama ng pakiramdam ko ay nag-text na lang muna ako sa mga katrabaho ko na hindi ako makakapasok. Tumayo ako pagkalipas ng ilang sandali, sumasakit pa rin ang ulo ko marahil dahil sa pag-inom ko kagabi. Hindi naman kasi ako sanay na uminom ng ganun karami. Maliligo na lang muna ako bago ako matulog.
Nagtanggal na ako ng damit ko at pumasok sa banyo. Pinili kong maligo ng maligamgam na tubig dahil pakiramdam ko ay iyon ang kailangan ng katawan ko. Hindi ko alam kung ilang minuto akong naligo pero nagtagal ako sa banyo sigurado ako. Lumabas ako at magbibihis na sana kaya lang ay bigla kong naisip ang pumunta sa salamin upang tingnan ang katawan ko.
Hinubad ko ang suot kong roba at napatakip ako sa aking bibig nang makita ko ang mapupulang marka sa katawan ko. Mayroon ako sa leeg, sa dibdib at mas lalo na sa aking s*so. Ang sakit sa pagitan ng hita ko ay nararamdaman ko pa rin pero hindi na katulad ng kanina. Muli kong isinuot ang roba at nahigang muli sa kama. Pumikit ako para alalahanin ang mga nangyari kagabi pero wala akong maalala. Ang naalala ko lang ay noong pinipilit kong sumama sa lalaking iyon at wala na.
Napabuntong hininga na lang ako at pagkatapos ay inabot ko ang aking cellphone na nasa bedside table. Pinatay ko ang notification ng aking messenger at nang buksan ko iyon ay napakarami pa lang ipinadalang chat ni Philip sa akin. Tinatanong kung bakit hindi ako nagrereply at nakalagay sa mga chat nito na hindi na raw niya uulitin iyon. Pauulit ulit din siyang humihingi ng tawad sa akin pero habang binabasa ko ang mga chat niya ay wala na akong maramdaman.
Siya ang una kong boyfriend. Sa totoo lang ay takot na takot talaga akong makipagrelasyon dahil nga sa manloloko kong ama. Nakatatak na sa isip ko ang bawat eksena kapag umuuwi ito na galing sa ibang babae at nag-aaway sila ng aking ina. Halos gabi-gabing umiiyak ang nanay ko ng palihim ngunit hindi ako tanga at hindi ako manhid para hindi iyon maramdaman. Pilit niya lang itinatago sa amin ng kapatid ko ang sakit ng pinaggagawa ng tatay namin sa kaniya kaya bata pa lang ako, itinatak ko na sa isip ko na lahat ng lalaki ay katulad lang ng tatay ko kaya lang nang makilala ko si Philip ay nagbago ang lahat.
Nagawa niyang baguhin ang tingin ko sa mga lalaki dahil napakabait niya. Napaka-maasikaso pa at ramdam na ramdam ko na mahal naman niya ako kaya lang ay iyon nga. Hindi lang iisang beses kaming nag-away dahil lang sa iisang bagay, ang tungkol sa p********k.
Noon pa man ay gusto na niya akong makuha pero kahit na anong pilit ko sa sarili ko ay hindi ko pa rin talaga kaya. Natatakot ako. Napakaraming what ifs ang tumatakbo sa isip ko, paano kung iwan niya ako pagkatapos niya akong makuha? Paano ako?
May time pa noon na tipong as in ilalabas na lang niya ang kanyang alaga pero tinakbuhan ko siya. Galit na galit siya sa akin noon at halos ilang araw niya rin akong hindi kinausap pero sa huli ay humingin rin naman siya ng tawad sa akin, pero doon ko naramdaman ang bahagyang pagbabago niya. Hindi na siya kasing sweet ng dati at halos hindi na kami palaging lumalabas. Palagi na siyang maraming dahilan na kesyo marami daw siyang trabaho sa kumpanya at ganito. Hindi siya nagreklamo dahil naiintindihan niya naman ito, kaya lang ay masyado pala akong na kampante. Iba na pala ang trina trabaho niya, ibang babae na pala.
Pero kahit papano ay masasabi kong swerte pa rin ako na hindi ko iyon ibinigay sa kaniya. Base pa lang sa salita niya sa akin kagabi ay parang iyon na lang ang bumubuhay sa isang relasyon. Napangiti ako, masyado akong naging bulag kaya ganun niya ako i-trato.
Hindi ako nagreply sa kahit na anong chat niya. Tapos na kami at wala na kaming dapat pag-usapan pa, nagloko siya kaya kasalanan niya. At ang nangyari sa amin ng lalaking iyon kagabi? Ibabaon ko na lang sa limot at magiging isang alaala. Wala akong balak na hanapin siya para lang sa isang gabing iyon.
Pumikit na ako dahil hindi ko na talaga kaya. Hinihila na ako ng antok at ilang sandali pa ay tuluyan na akong nakatulog.
~~~~
MAHIGPIT akong napakuyom ng kamay nang marinig ko ang sinabi ng acting CEO ng DTA company. Anong karapatan nila para i-turn down ang offer namin na makipag sosyo ng isang mall? Hindi ba nila kilala ang aming pamilya? Sino naman sana sila sa inaakala nila?
Malamig akong napabuntong hininga. “Can you tell me the reason behind the decision of your boss?” tanong ko. Gusto kong malaman ang dahilan nito. Dapat nga ay magpasalamat ito dahil sila na mismo ang nag-offer na makipag sosyo, napakarami kayang kumpanya ang gustong mapalapit sa kumpanya namin.
“I’m sorry sir, but I can’t tell you the exact reason.” sagot nito sa akin na mas lalo lang ikinagalit niya.
Anong klaseng tao ba ang boss nito at ayaw nitong ipakita ang pagmumukha sa buong mundo? Panget ba ito masyado? O kriminal?
Ilang sandali pa nga ay tuluyan nang nagpaalam ito sa kanila, naiwan sila doon at hindi ko na naiwasan pa na mapasuntok sa mesa dahil sa sobrang inis ko. Ito pa naman sana ang simula para maging maganda ang tingin sa akin ni DAddy pero wala na naman.
Inis kong inilabas ang cellphone ko para tingnan kung nagreply na ba sa akin si Freya pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang reply. Mas lalo pang nadagdagan tuloy ang inis ko. Ayaw ko na sana siyang kulitin pa pero hindi makaya ng ego ko na basta na lang niya akong iniwan. Pwede pa kung ako ang mang-iwan sa kaniya kaya sa halip ay tumayo ako sa aking kinauupuan at lumabas ng restaurant pagkatapos ay sumakay sa kotse.
Pupuntahan ko na lang siya kung ayaw niya akong replayan. Isa pa, kailangan ko pa siya.
…
PAGOD na pagod ang pakiramdam ko nang matapos akong i-briefing ni sir Kian. akala ko ay napakadali lang ng trabaho ng isang sekretarya ngunit hindi ko akalain na mahirap din pala. Ako pala ang lahat ng kailangang mag-ayos ng schedule niya sa lahat ng araw, sa mga travels niya, sa mga tawag, sa mga meetings at mga kailangan niya na mga reports. Dapat ay alam ko ang lahat ng nangyayari sa buong kumpanya kung dahil para kapag nagtanong siya sa akin ay masasagot ko ang mga ito kaagad.Iniisip ko pa lang ang mga trabaho ko ay sumasakit na ang ulo ko. Paano ko ba napasok ito?Halos alas sais na ng gabi ng matapos ako. May mga files pa kasing itinurn over sa akin si Sir Kian para alam ko raw kung saan ko hahanapin ang mga iyon kaya inayos ko pa sinort out dahil medyo magulo ito. Nakiusap ako sa kaniya na kung pwede ay dito na lang ako sa department namin mag-stay kaya lang ay hindi daw doon ang opisina ng sekretarya sa halip ay may sarili akong mesa sa labas mismo ng opisina ng boss niya. H
ILANG sandali kong tinitigan ang aking cellphone nang tumunog ito. Nang makita ko kung sino ang tumatawag ay bigla na lang tumaas ang sulok ng labi ko. Hindi niya ako tinatawagan ng direkta noon pero ngayon ay tumatawag siya at alam niya na kung ano ang rason kaagad.Marahil ay umabot na sa kaniya ang balita na lumabas na sa lungga ang may ari ng DTA company. Napakabilis talaga ang pagkalat ng balita. Wala sana akong balak na sagutin ito ngunit gusto kong marinig kung ang sasabihin niya kaya sinagot ko na ito kaagad.“So, ikaw pala ang CEO ng DTA company huh?” puno ng panunuya niyang tanong sa akin.Ngumiti na lang ako at sumandal sa aking kinauupuan. Bakit parang sa tono ng boses niya ay iritado siya at hindi siya masaya? Dahil ba halos malapit ko ng mapantayan ang kumpanya niya?“Anong gusto mong isagot ko sa tanong mo?” walang emosyon kong tanong dito.Kahit na magkapatid kami sa ama ay wala kaming nararamdaman na affection sa isat-isa. Isa pa, alam kong labis ang pagkamuhing narar
THIRD PERSON P.O.VNANG makita ni Kian na lumabas na si Miss Cortez ay pumasok na rin siya sa loob ng opisina ng kanyang boss. Hindi siya umalis sa tabi ng pinto. Ang naging usapan ng mga ito sa loob ay hindi niya narinig dahil nakasara ng mabuti ang pinto ngunit may ideya na siya kung ano iyon.Nang lumabas si Miss COrtez mula sa loob ay hindi maipinta ang mukha nito kaya alam niya at sigurado siyang sinabi na ni sir Dalton rito ang tungkol sa pag-assign nito bilang personal niyag sekretarya.Sa totoo lang ay hindi niya alam kung anong rason nito. Ni hindi niya magawang magtanong dahil mukhang personal ang dahilan nito at higit sa lahat ay wala siya sa lugar. Wala siyang karapatan dahil isa lang siyang empleyado nito.Pagdating nga nito galing sa Rome ay ang tungkol na kaagad kay Miss COrtez ang tinanong nito sa kaniya na noong bago pa sana ito umalis niya sasabihin ang tungkol dito kaya lang ay parang hindi ito interesadong marinig ang tungkol dito. Ngunit pagdating nito ay para ban
DAHIL sa sobrang takot ko kagabi at sa labis na pag-iyak ay tanghali na akong nagising. Ni halos ayaw ko pa nga sanang bumangon sa totoo lang dahil anong oras na kagabi nang makatulog ako, o mas tamang sabihin na halos prang nakaidlip lang ako.Para akong zombie na bumangon, mabagal at halos walang kagana-gana at tamad na tamad na bumaba sa aking kama. Ngunit sa halip na pupunta na sana ako sa banyo upang maligo na ay ilang sandali muna akong napatulala.Ang aking mga mata ay halos ayaw pa sanang dumilat ngunit bigla ko na lang naisip na lunes nga pala ngayon. Malamang na nakatambak na naman ang mga naiwan kong trabaho. Inabot ko ang aking cellphone na nasa tabi ng aking kama upang tingnan ang oras ngunit nang makita ko kung anong oras na ay halos pumanaw ang kaluluwa ko sa aking katawan dahil tanghali na!Pabagsak kong binitawan ang aking cellphone at ibinaba ito sa kama bago tuluyang nagtatakbo patungo sa banyo. Shit! Shit! Tanghali na! Lunes na lunes na naman ay male-late na naman
Magaan ang loob kong naglalakad pauwi na kaya lang ay bigla na lang akong napatigil nang makita ko si Philip na nakasandal sa kotse niya. Mukhang hinihintay niya ako sa labas ng aking apartment. Napahigpit na lang ang hawak ko sa aking bag. Bakit ba hindi na lang niya ako tigilan? Ako nga ay nagmomove on na e. Bakit siya ay hindi niya magawa?Nag-angat siya ng tingin at tumingin sa akin. Sa sumunod na sandali ay nasa harapan ko na siya. Nang tamaan ng malamlam na ilaw ang mukha nito na galing sa poste ay agad kong napansin ang namumula nitong mukha. At nang magsalita siya ay mas lalo kong nakumpirma ang aking hinala. “Saan ka galing huh?” napatakip ako sa aking bibig dahil sa amoy ng alak.Hindi naman siya lasing, medyo nakainom lang sa tingin ko. Agad ko siyang nilampasan. Wala akong balak na kausapin siya. Ni hindi ko nga siya sinagot e kaya lang ay mabilis niyang hinawakan ang aking braso kaya napatigil ako sa paglalakad. Pilit kong tinatanggal ang kamay niya ngunit hindi ko ito ma
“Freya!” sigaw ni Astrid habang kumakaway sa akin, nasa kabilang kalsada ito. Nginitian ko naman siya kaagad at kinawayan din pabalik.Ilang sandali pa ay dali-dali na siyang tumawid papunta sa akin. Kaagad niya akong niyakap, mahigpit na para bang napakatagal nilang hindi nagkita. Mas lalo lang lumawak ang aking pagkakangiti ng wala sa oras. Mabuti na lang talaga at naging kaibigan ko pa siya.“Hindi na ako makahinga Astrid.” natatawa kong reklamo sa kaniya pagkalipas ng ilang sandali.“Ay sorry, sorry.” paghingi naman niya kaagad ng paumanhin. “Namiss lang kasi kita.” sabi niya pa. “Kamusta ang naging bakasyon mo? Okay ba? Naging masaya ka naman ba?” sunod sunod na tanong niya sa akin na ikinailing ko na lang. Paano ko ba sasagutin ang mga tanong niya? Syempre ay wala naman akong balak na sabihin o ni ikwento man lang sa kanila ang mga nangyari sa ibang bansa. Natatakot ako, natatakot na baka husgahan nila ako.“Okay naman syempre, masaya.” alanganin akong ngumiti sa kaniya. Sana l