Share

Chapter 63- She's Pregnant?

last update Last Updated: 2025-09-05 17:02:22

NAPATAYO ako nang pumasok ang doktor sa loob ng silid kung saan naroon si Freya. Wala pa rin siyang malay at halos mamatay na ako sa pag-aalala dahil napakaputla ng mukha niya habang walang malay at nakahiga sa kama kaya hindi ko maiwasang hindi mag-alala.

Ngumiti ito sa akin. “Congratulations sir. She was 5 weeks pregnant, turning six.” sabi nito sa akin at nang marinig ko ang sinabi ng babaeng doktor at hindi ako makapaniwalang napatingin dito.

Buntis siya? Buntis si Freya? Agad na bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ko maipaliwanag na saya ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon. Agad akong lumapit sa wala pa ring malay na si Freya at pagkatapos ay hinawakan ng mahigpit ang mga kamay nito.

Alam kaya niya na buntis siya at iyon ba ang dahilan kung bakit gusto niyang makipaghiwalay sa akin? Kung bakit gusto niyang lumayo sa akin?

Nilingon kong muli ang doktor. “Salamat po.” sabi ko rito at ngumiti lang naman ito sa akin.

“Well, kailangan niyang magpahinga at kumain ng marami. Medy
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • One Night Stand With My Domineering Billionaire Boss   Chapter 104- Pag-aresto

    NAG-angat ako ng aking ulo nang bumukas ang pinto at pumasok si Kian. sa likod niya ay naroon ang dalawang pulis kahapon. Agad akong umayos ng upo at itiniklop ang aking laptop. “Kamusta ang imbestigasyon sir?” tanong ko kaagad.Hapon na ng mga oras na iyon at mabuti na lang, safe naman si Eros. kasama na nito sa bahay ko ang nag-aalaga ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagkikita. Sinabi ko kasi kay Kian na idiretso niya na lang ito doon dahil baka mamaya ay mahawa pa ito ng sakit sa ospital. Mainam na ang nag-iingat.“Na-trace na namin kung sino ang nagmamay-ari ng number na huling kausap niya nitong mga nakaraang araw at napag-alaman naming ito ay si Philip Angellini.” sabi sa akin ng isang pulis na ikinakuyom ng mga kamay ko.Ibig sabihin ay nagsabwatan silang dalawa para lang kidnapin si Freya? Pero bakit? Anong dahilan? Hindi ba galit si lola sa pamilyang iyon dahil sa pagpatay ng mga ito sa aking ina? Kaya bakit? Wala akong maisip na ibang dahilan. Sapat na ba ang gal

  • One Night Stand With My Domineering Billionaire Boss   Chapter 103- Walang nakakaalam na ako ang dumukot kay Freya

    “Bakit ngayon ka lang? Saan ka ba nagpunta?” kaagad na tanong ng kanyang ina sa kaniya nang makita siya nito. Bumuntong-hininga lang ako. “May inasikaso lang ako.” sagot ko sa kaniya at pagkatapos ay tumingin sa nakahigang matanda sa kama na hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa pala nagigising. “Anong balita sa kaniya?” Huminga ng malalim ang aking ina bago sumagot. “Nairaos naman ng maayos ang operasyon kaya nga lang ay hanggang ngayon ay hindi pa siya nagigising.” Agad ko siyang nilingon. “Hihintayin mo pa ba siyang magising Mommy?” Hindi naman siya makapaniwalang napatingin sa akin habang nalalaki ang mga mata. “Anong ibig mong sabihin?” naguguluhang tanong niya sa akin.Naglakad ako palapit rito. “Well, baka mas mainam kung hindi na siya gumising pa?” tanong ko at akma ko nang tatanggalin sana ang life support nito nang bigla na lang niya akong piningilan.“Anong ginagawa mo? Ama mo pa rin siya! Nahihibang ka na ba talaga Philip? Paano kung may makaalam? Sa tingin mo ba ay

  • One Night Stand With My Domineering Billionaire Boss   Chapter 102- Hihintayin ko siya, ililigtas niya ako

    “Anong ibig niyong sabihin? Nasa state siya ng coma?” tanong ko sa doktor ng aking lola. Kanina nang mawalan siya ng malay ay agad siyang isinugod sa ICU. Tinubuhan ito at kung ano-anong aparato na ang nakalagay sa katawan niya. Mula sa labas ng ICU ay kitang-kita ko ang itsura niya. Tumango naman ang doktor. “Mahina na ang puso niya at ngayon dahil sa halo-halong emosyon ay biglang nabarahan ang ugat ng puso niya.” sabi niya sa akin dahilan para mapakuyom ng mahigpit ang aking mga kamay.So ibig sabihin ay hindi pala ito nagsisinungaling nang sabihin nito na may sakit siya sa puso. Habang nakatayo at nakatingin sa kaniya na nakahiga sa kama ay kinakapa ko ang sarili kong damdamin.Ngunit kahit na anong kapa ko ay tanging galit lang ang nararamdaman ko. Nagtagis ang mga bagang ko. Paano pa namin malalaman ngayon kung nasaan si Freya kung wala naman na itong malay? Tanging ito lang sana ang makakapagturo kung nasaan si Freya pero bigla naman itong nagkaganun.“Salamat Dok.” sabi ko na

  • One Night Stand With My Domineering Billionaire Boss   Chapter 101- Paalam?

    NANGINGINIG ang buo kong katawan habang nakatayo sa tapat ng tumutulong tubig. Napakalamig ng tubig ngunit parang hindi ko ito maramdaman. Manhid ang buo kong katawan. Hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa rin tumitigil ang panginginig ng katawan ko dahil sa takot.Ang akala ko kanina ay hahalayin niya na ako ng tuluyan ngunit mabuti na lang ay tumigil siya. Kinuha niya nga lang ang aking mga damit at hinayaan niya akong magtatakbo nang wala man lang saplot sa aking katawan. Sa takot ko ay agad kong ini-lock ang pinto pagkapasok ko sa silid.Kasabay nang pagbagsak ng tubig mula sa aking ulo ay ang pagbagsak din ng aking mga luha. Napakagat-labi ako.“Dalton…”“Eros…” Naisip ko bigla ang mukha ng anak ko. Marahil tiyak na umiiyak na ito dahil hinahanap na ako. Ito pa lang ang unang beses na napalayo ako sa kaniya kaya tiyak na sobrang naninibago ito. Anong oras na. Ilang oras na ang nakalipas simula nang kidnapin ako ni Philip pero wala pa ring bakas ni Dalton.Wala ba talaga itong

  • One Night Stand With My Domineering Billionaire Boss   Chapter 100- Wala akong alam!

    “Paano nangyari iyon?” malamig na tanong ni Dalton kay Kian.Halos ilang oras na ang nakakaraan nang mag-umpisa silang maghintay kay Freya ngunit wala pa rin ito at hindi pa bumabalik. Dahil dito ay wala na kaming choice kundi ipa-check ang cctv dahil hindi naman naman siya matawagan at iniwan naman nito ang cellphone niya.Sa kuha ng cctv ay nakita itong lumabas ng ospital bandang alas dos ng madaling araw. Sa labas ay palingon-lingon ito na para bang may hinahanap at ilang sandali pa ay may lumapit sa kanyang lalaki. Dahil medyo madilim at may takip ang mukha nito ay hindi kaagad makilala ang mukha nito.Agad na napakuyom ang aking mga kamay. Sino naman kaya ang lalaking iyon at ano ang pakay niya kay Freya?“Wala ka pa rin bang lead kung sino ang taong iyon?” tanong ko kay Kian na puno ng pagkainip. Kung pwede lang akong bumangon ngayon dito sa kama ko at lumabas ay gagawin ko na kasi ay pinagbabawalan pa ako ng doktor na umalis dahil hindi pa magaling ang sugat ko at maging si Kia

  • One Night Stand With My Domineering Billionaire Boss   Chapter 99- Tulungan mo ako!

    NANG magising ako ay agad akong napahawak sa aking sentido. Medyo nahihilo pa ako at malabo pa ang mga mata ko. Dahan-dahan kong inilibot ang aking mga mata sa loob at isang hindi pamilyar na silid ang bumungad sa akin.Bigla akong napabangon nang maalala ko ang huling tagpo bago ako mawalan ng malay. Nasaan ako? Saan ako dinala ng tarantad0ng Philip na iyon?Bumangon ako mula sa kama. Sa nakabukas na bintana ay pumapasok ang malakas na simoy ng hangin at halos manlamig ang aking katawan nang tuluyan akong tumayo sa harap ng bintana at makita ang nasa labas.Walang katapusang tubig ang nakikita ng aking mga mata. Nasaan ako?Lumapit ako sa bintana at kinusot ko pa ang mga mata ko dahil baka nananaginip lang ako o kung tama ba ang nakikita ko ngunit ganun pa rin. Totoo nga! Nasa isla kami?Dali-dali akong tumakbo palabas hanggang sa maramdaman ng mga paa ko ang buhangin. Halos manlambot ang tuhod ko at napasalampak sa buhanginan habang nakatanaw sa walang katapusang dagat. Ang anak ko.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status