Share

CHAPTER SIXTY-SEVEN

Author: Winter Llerin
last update Last Updated: 2024-07-04 23:51:29
Nagningning sa tuwa ang kanyang mga mata sa narinig. Hindi kasi iyon nabanggit sa kanya ni Zhavie kagabi. Hindi na rin siya nagkaroon ng pagkakataon na matawagan ito kanina dahil sa sobrang busy na niya sa trabaho.

“Hindi ba pupunta si Xander ngayon?” curious nitong tanong.

Gayun na lamang ang biglang paglaho ng ngiti niya sa labi sa naging katanungan nito. Mula nang naging malamig ang pakikitungo sa kanya ni Xander ay hindi na pumasok sa isip niya na makikita itong muli.

Ibinulsa niya ang mga kamay sa suot na slim fit skinny denim pants, upang maitaboy ang bumabangon na naman na kakaibang emosyon sa kanyang dibdib na tanging si Xander lamang ang dahilan.

Pinilit niyang ngumiti upang maitago ang pakikipaglaban niya sa sariling emosyon. “Hi-hindi ko al—niya nabanggit, Mayor. Pareho kami naging abala nitong mga nakaraang araw,” utal-utal niyang sabi.

Hindi niya maitindihan kung bakit pa siya nito tinatanong tungkol sa binata, gayung, sigurado siya na alam nito ang balita tungkol sa engag
Winter Llerin

Oops, sino kaya ito? Bitin ba iyong sa pagitan nina Miguel, Pebbles, Mayor at Marga? Please let me know! A bunch of unlimited thanks po sa lahat ng sumusubaybay!

| 4
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jyze
Hoy! Kaka excite talaga! ako kinakabahan sa susunod na kabanata!
goodnovel comment avatar
Ely Angustia
Sna c xander n...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • One Night Stand With The Billionaire   One Hundred Nine

    Napahigpit ang hawak niya sa cellphone. Mahigit tatlong oras na ang lumipas mula nang i-chat niya si Xander, ngunit wala pa ring sagot. Seen lang—walang paliwanag, walang kahit anong mensahe. Pangatlong beses na itong nangyari. Una, noong nalaman nitong kasama niya si Miguel sa mall. Pangalawa, matapos ang pribado nilang pag-uusap sa private villa ni Miguel. At ngayon—isang katahimikang mas masakit pa kaysa anumang salita. Nagpa-picture siya kay Chasty sa pagdating ng mga bisita ng kanilang amo. At gaya ng unang balita nito, totoo nga—kasama ng Boss nila ang girlfriend nitong si Pebbles. May dalawa pang lalaki at babae, mukhang nasa early fifties, at naroon din si Xander… kasama ang babaeng nakita niya sa social media noong nakaraang buwan—ang fiancée nito. Sa isang kuha, malinaw ang mukha ni Xander. Nakangiti. Masaya. Walang bahid ng alinlangan. At doon tuluyang tumibay ang pasya ni Marga. If the two best friends think they can toy with her—that she’s nothing more than a si

  • One Night Stand With The Billionaire   One Hundred Eight

    Nakilala agad ni Marga ang lalaking tinutukoy ni Michael. Si Jay. Hindi na bago sa kanya ang presensya nito—alam niyang bahagi pa rin iyon ng tahimik na pagprotekta sa kanya. Ngunit ang lalaking kasama nito… iyon ang hindi niya kilala. Sa pagkakaalam niya, iisa lang ang bodyguard na kinuha ni Zhavie para sa kanya. “Kilala mo pala ang isang ’to?” hindi maitago ni Michael ang pagkabigla, kasunod ang isang malalim na buntong-hininga na tila ba may tinik na biglang nabunot sa dibdib nito. Tumango si Marga, sinabayan ng isang tipid at pilit na ngiti. “So, tell me, Magz,” marahang sabi ni Michael, pero seryoso ang mga mata. “I’m not judging you, okay? I just want to understand what’s really going on between you and Boss’ best friend.” Nagsalubong ang kilay ni Marga. Muli niyang tiningnan si Michael—ngayon ay masinsin, mas maingat—bago niya ikinibit ang mga balikat at marahang iniikot ang swivel chair na inuupuan. “Ano ba’ng narinig mo na tsismis?” tanong niya, walang emosyon sa

  • One Night Stand With The Billionaire   One Hundred Seven

    “Princess?” malambing nitong tawag. Kahit naka-off ang camera, ramdam niya ang bigat ng titig nito—kitang-kita sa screen kung paano naglalaro sa mukha nito ang samu’t saring emosyon. Pangungulila. Pagsisisi. Pag-aalinlangan. At isang damdaming matagal nang pilit itinatago. Agad niyang pinindot ang mute button at hinayaang manatiling patay ang camera. Ayaw niyang marinig nito ang pigil niyang hikbi. Ayaw rin niyang makita ang anyo niyang nanginginig. Kailangan muna niyang makasigurado. Kailangan niyang patunayan sa sarili na ang lalaking kaharap niya sa screen ay ang Kuya Francis na iniwan siya sampung taon na ang nakalipas… at ang unang lalaking minahal niya. Sa kabilang linya, malinaw ang paglunok nito. Kita niya ang pag-angat-baba ng Adams apple nito habang mariing nakatitig sa camera, para bang sinusubukan nitong abutin siya kahit sa pamamagitan lang ng screen. May bahid ng paghihirap ang gwapo nitong mukha—tila nahahati sa pagitan ng gusto nitong sabihin at ng takot na baka

  • One Night Stand With The Billionaire   One Hundred Six

    “I’m not interested in whatever story you’re trying to sell, Ms. Pebbles,” Marga said evenly, her voice calm but firm. “Pinuntahan mo ba kami rito dahil hinahanap na kami ni Boss?” The question sounded innocent—but there was a deliberate edge beneath it. A subtle poke. A test. She wanted to see how far Pebbles would go… and how much control she herself could keep without crossing the line. Pebbles’ brows snapped together. Her eyes narrowed, sharp and calculating, lips pressing into a thin line before curling upward again. Anger flashed across her beautiful face—raw, unmasked. She lifted her chin and slowly looked Marga up and down, head to toe, like she was assessing something beneath her. “Miguel would never allow me to do work for him, bitch,” Pebbles shot back, her voice dripping with confidence and sarcasm. She took a step closer, invading Marga’s space just enough to assert dominance. “Careful with your expectations,” she continued mockingly. “You might hurt yourself.” Her

  • One Night Stand With The Billionaire   One Hundred Five

    “Tell me, Miguel, is she the reason why we had to travel here the moment the sun rose?” Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ni Marga ang mga salitang iyon ni Pebbles—matatalim, puno ng galit—kahit ilang minuto na ang lumipas mula nang iwan niya ang dalawa sa loob ng opisina. Galit na galit si Pebbles. Matindi ang selos na ipinakita nito. At alam ni Marga na kabisado ni Miguel ang ugali ng girlfriend nito. Kaya hindi na siya nagtaka nang, sa kabila ng tensyon, nanatiling kalmado ang boses ni Miguel nang humarap ito sa kanya. “Marga,” mahinahon ngunit may bigat ang pagkakasabi nito ng pangalan niya, “can you step out for a moment? I need to talk to her… alone.” Hindi na siya tumutol. Hindi na rin siya nagtanong. Tahimik siyang tumango, kinuha ang phone sa mesa, at walang lingon-likod na lumabas ng opisina—bitbit ang isang pakiramdam na hindi niya maipangalan. Pagkasara ng pinto sa likod niya, saka lang niya naramdaman ang bigat sa dibdib. Boses ni Michael ang pumukaw sa kanya mul

  • One Night Stand With The Billionaire   One Hundred Four

    Halos sabay silang napalingon ni Michael sa pagbukas ng pinto. Sa gilid ng kanyang paningin, nakita ni Marga ang paninigas ng katawan ni Michael—ang gulat na hindi nito naitago nang makita kung sino ang pumasok.“Go–good morning, Boss,” garalgal ang boses nitong bumati. Mula sa kinatatayuan niya ay agad na tumuwid ang tindig ni Marga nang magtagpo ang kanilang mga mata.“Good morning, Boss,” kalmado niyang sagot. Sinubukan niyang ngumiti, ngunit nabigo siyang itago ang pagiging blanko ng kanyang ekspresyon.Hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lamang sumulpot si Miguel sa Nabunturan Branch. Wala siyang natanggap na kahit anong abiso mula kay Jhadie—ni wala ring indikasyon na may isyu sa kanyang distrito na nangangailangan ng biglaang pagbisita.Matalim ang tingin ni Miguel sa kanya, pero hindi iyon galit. Isa iyong titig na mas nakakatakot—kontrolado, sinusukat, at puno ng mga tanong na hindi binibigkas.“Let Marga and me have a moment, Michael,” diretsong utos nito, puno ng a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status