Share

CHAPTER TWENTY ONE

Penulis: Winter Llerin
last update Terakhir Diperbarui: 2024-04-21 13:11:21
“Nabanggit ba ni Joan kung kailan ang balik niya?’ curious niyang tanong sa kapatid.

She heard Hazel humming with uncertainty. “Wala, Ateng, eh! Hinihingi lang iyong number mo,” mariin na sagot nito.

Napabuntong-hininga ang dalaga. Kung hindi lang nag-aral sa Manila ang unang lalaki na pinangarap, lihim na minahal at siya ring kababata niya na si Francis, ay sigurado siyang hindi niya naranasan ang matinding financial crisis noon at naisangla ang lupa niya sa step mother nito.

Sigurado siya na hindi alam ng kababata ang tungkol sa nasangla niyang lupain. Inaanak ito ng tunay niyang ama, kaya alam niya na hindi nito hahayaan na mawala sa kanya ang natatanging pamana sa kanya ng ama.

Dalawang taon ang agwat nilang dalawa. Kasa-kasama niya parate ang kababata, madalas nasa bahay nila ito noong nabubuhay pa ang kanyang ama, kalaro at tumayong kuya niya ito. Naging sandigan niya ito nang namatay ang kanyang ama, at siya din ang naging karamay nang mamatay ang ina nito.

Kilalang mag-be
Winter Llerin

This is the night na nga kaya? Sa bagong Lima po nag-add nito sa library nila kahapon, a bunch of thank you po! Shout out din po sa bagong nag-follow sa'kin, kina Madam Alona Mutong,Ely Angustia at Nelida Mampang! To Madam Rosalinda Terado a countless thanks po sa Votes, sana e-rate niyo na rin po ang story Madam :-), Salamat po sa lahat na sumusubaybay!

| 4
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Jyze
grabe tawa ko rito!... Hay naku, kakagigil ka Xander 🫣......
goodnovel comment avatar
Jengel
san ba makahanap ng isa pang xander?
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • One Night Stand With The Billionaire   One Hundred Eight

    Nakilala agad ni Marga ang lalaking tinutukoy ni Michael. Si Jay. Hindi na bago sa kanya ang presensya nito—alam niyang bahagi pa rin iyon ng tahimik na pagprotekta sa kanya. Ngunit ang lalaking kasama nito… iyon ang hindi niya kilala. Sa pagkakaalam niya, iisa lang ang bodyguard na kinuha ni Zhavie para sa kanya. “Kilala mo pala ang isang ’to?” hindi maitago ni Michael ang pagkabigla, kasunod ang isang malalim na buntong-hininga na tila ba may tinik na biglang nabunot sa dibdib nito. Tumango si Marga, sinabayan ng isang tipid at pilit na ngiti. “So, tell me, Magz,” marahang sabi ni Michael, pero seryoso ang mga mata. “I’m not judging you, okay? I just want to understand what’s really going on between you and Boss’ best friend.” Nagsalubong ang kilay ni Marga. Muli niyang tiningnan si Michael—ngayon ay masinsin, mas maingat—bago niya ikinibit ang mga balikat at marahang iniikot ang swivel chair na inuupuan. “Ano ba’ng narinig mo na tsismis?” tanong niya, walang emosyon sa

  • One Night Stand With The Billionaire   One Hundred Seven

    “Princess?” malambing nitong tawag. Kahit naka-off ang camera, ramdam niya ang bigat ng titig nito—kitang-kita sa screen kung paano naglalaro sa mukha nito ang samu’t saring emosyon. Pangungulila. Pagsisisi. Pag-aalinlangan. At isang damdaming matagal nang pilit itinatago. Agad niyang pinindot ang mute button at hinayaang manatiling patay ang camera. Ayaw niyang marinig nito ang pigil niyang hikbi. Ayaw rin niyang makita ang anyo niyang nanginginig. Kailangan muna niyang makasigurado. Kailangan niyang patunayan sa sarili na ang lalaking kaharap niya sa screen ay ang Kuya Francis na iniwan siya sampung taon na ang nakalipas… at ang unang lalaking minahal niya. Sa kabilang linya, malinaw ang paglunok nito. Kita niya ang pag-angat-baba ng Adams apple nito habang mariing nakatitig sa camera, para bang sinusubukan nitong abutin siya kahit sa pamamagitan lang ng screen. May bahid ng paghihirap ang gwapo nitong mukha—tila nahahati sa pagitan ng gusto nitong sabihin at ng takot na baka

  • One Night Stand With The Billionaire   One Hundred Six

    “I’m not interested in whatever story you’re trying to sell, Ms. Pebbles,” Marga said evenly, her voice calm but firm. “Pinuntahan mo ba kami rito dahil hinahanap na kami ni Boss?” The question sounded innocent—but there was a deliberate edge beneath it. A subtle poke. A test. She wanted to see how far Pebbles would go… and how much control she herself could keep without crossing the line. Pebbles’ brows snapped together. Her eyes narrowed, sharp and calculating, lips pressing into a thin line before curling upward again. Anger flashed across her beautiful face—raw, unmasked. She lifted her chin and slowly looked Marga up and down, head to toe, like she was assessing something beneath her. “Miguel would never allow me to do work for him, bitch,” Pebbles shot back, her voice dripping with confidence and sarcasm. She took a step closer, invading Marga’s space just enough to assert dominance. “Careful with your expectations,” she continued mockingly. “You might hurt yourself.” Her

  • One Night Stand With The Billionaire   One Hundred Five

    “Tell me, Miguel, is she the reason why we had to travel here the moment the sun rose?” Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ni Marga ang mga salitang iyon ni Pebbles—matatalim, puno ng galit—kahit ilang minuto na ang lumipas mula nang iwan niya ang dalawa sa loob ng opisina. Galit na galit si Pebbles. Matindi ang selos na ipinakita nito. At alam ni Marga na kabisado ni Miguel ang ugali ng girlfriend nito. Kaya hindi na siya nagtaka nang, sa kabila ng tensyon, nanatiling kalmado ang boses ni Miguel nang humarap ito sa kanya. “Marga,” mahinahon ngunit may bigat ang pagkakasabi nito ng pangalan niya, “can you step out for a moment? I need to talk to her… alone.” Hindi na siya tumutol. Hindi na rin siya nagtanong. Tahimik siyang tumango, kinuha ang phone sa mesa, at walang lingon-likod na lumabas ng opisina—bitbit ang isang pakiramdam na hindi niya maipangalan. Pagkasara ng pinto sa likod niya, saka lang niya naramdaman ang bigat sa dibdib. Boses ni Michael ang pumukaw sa kanya mul

  • One Night Stand With The Billionaire   One Hundred Four

    Halos sabay silang napalingon ni Michael sa pagbukas ng pinto. Sa gilid ng kanyang paningin, nakita ni Marga ang paninigas ng katawan ni Michael—ang gulat na hindi nito naitago nang makita kung sino ang pumasok.“Go–good morning, Boss,” garalgal ang boses nitong bumati. Mula sa kinatatayuan niya ay agad na tumuwid ang tindig ni Marga nang magtagpo ang kanilang mga mata.“Good morning, Boss,” kalmado niyang sagot. Sinubukan niyang ngumiti, ngunit nabigo siyang itago ang pagiging blanko ng kanyang ekspresyon.Hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lamang sumulpot si Miguel sa Nabunturan Branch. Wala siyang natanggap na kahit anong abiso mula kay Jhadie—ni wala ring indikasyon na may isyu sa kanyang distrito na nangangailangan ng biglaang pagbisita.Matalim ang tingin ni Miguel sa kanya, pero hindi iyon galit. Isa iyong titig na mas nakakatakot—kontrolado, sinusukat, at puno ng mga tanong na hindi binibigkas.“Let Marga and me have a moment, Michael,” diretsong utos nito, puno ng a

  • One Night Stand With The Billionaire   One Hundred Three

    Napapikit si Marga sa higpit ng yakap nito. Kusang umangat ang mga kamay niya at kumapit sa likod ni Xander, parang doon lang siya muling humuhugot ng lakas. Gusto niyang magsalita, may gustong umapaw sa dibdib niya—pero pinili niyang manahimik. Dahil minsan, mas mabigat ang mga salitang hindi binibigkas. Xander rested his chin lightly on top of her head, his arms firm around her as if anchoring himself. “If I had my way,” he continued quietly, voice low and honest, “I’d keep you where I can see you every morning. Every night. No distance. No countdowns.” Bahagyang humigpit ang yakap niya bago ito dahan-dahang lumuwag, sapat lang para maharap siya ni Marga. Hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya, thumbs brushing softly—isang haplos na walang hinihingi, walang tinutulak. “But I won’t,” he said quietly, eyes never leaving hers. “This isn’t about possession. It’s about knowing when to step back and let you live the life you’re building, babe.” Naramdaman ni Marga ang biglang pag

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status