MasukMukhang pumunta lang ang dalawang babae para ayusin ang kanilang makeup, at umalis na rin sila agad pagkatapos. Kinuha ni Sierra ang kanyang telepono at binuksan ang social media niya. Nang mag-scroll siya sa listahan ng mga trending lists, nakita niya ang isang balitang may pamagat na: 'She secretly meet with her first love'. Pinindot niya ang post na iyon. Ilang mga larawan na kasama niya si Lukas sa isang coffee shop. Nang pumasok siya, tumayo si Lukas at kumaway sa kanya. Ang lalaki sa larawan ay may kagalakan sa mga mata, malinaw na masaya siyang makita ang kanyang minamahal. Ang dalawa ay umupo nang magkaharap, at yumuko si Lukas para ilipat ang kape sa harap niya. Napakalakas ng atmospera na ipinakita sa larawan, nagbibigay ng impresyon na parang binabantayan ng isang boyfriend ang kanyang girlfriend. Bumaba ang tingin niya para uminom ng kape, habang mahinahon na tinitingnan siya ni Lukas. Ang pagmamahal sa mga mata ni Lukas ay parang umaapaw pa mula sa larawan, ganap
Ngumisi si Sierra. "And who told you that I don't love him? He is my husband, ang tanging sandigan ko sa buhay na ito, and I love him very much." Kumuyom ang kamao ni Lukas, gusto niyang sumigaw, subalit pinigilan niya ang sariling gumawa ng eksena. "Huwag ka nang magsinungaling sa sarili mo. Mahal mo ako, nandiyan pa rin ako sa puso mo, alam ko. Bakit ba ayaw mong aminin? Siguradong may dahilan ka kung bakit ka naging asawa ni Marco Montezides, hindi ba? Sabihin mo sa akin, makakatulong ako. Para sa'yo, handa akong ibigay ang lahat..." "Kung pumunta ka rito para lang sabihin sa akin ang mga walang kwentang bagay na iyan, I'm sorry but I don't have time for that." Matapos magsalita ay tumayo si Sierra at tumalikod para umalis. Mabilis na tumayo si Lukas at hinawakan ang kanyang pulso. "Sierra..." Bumaba ng tingin si Sierra para tingnan ang kanyang palapulsuhan. "Lukas, please give yourself some respect." Mabilis na binitawan ni Lukas ang kamay ni Sierra. "I'm sorry, nabigla lang
"Okay, three days.""What do you mean by three days?""Bibigyan kita ng tatlong araw.""Si Gwen lang ang kilala ko, hindi ko pa nakikita si A.S sa personal. Paano ko naman maaayos ang pagkikita namin sa loob ng tatlong araw? Hindi ba kailangan mo akong bigyan ng panahon para ayusin ito ng maayos?" Hindi na napigilan ni Sierra ang paglabas ng inis sa kanyang tono.Matapos mag-isip ng ilang sandali, nagsalita si Sylvio, "Ganito na lang, sagot ko na lahat ng gagastusin para sa mga tao, I will give you one week.""Okay, deal." Titingnan niya kung paano niya ito mapapa-ikot!Sa pag-iisip na maaari niyang samantalahin ang pagkakataong ito para makakuha ng pera mula sa kanya, medyo bumuti ang pakiramdam ni Sierra. "Pwede na ba tayong magpark?"Nakita ni Sylvio na nakamit na niya ang kanyang layunin, kaya inihinto niya ang kotse sa tabi ng daan. "Ayaw mo ba na ihatid kita?"Hinatid na nga, nasa harapan na sila ng Villa!Pilit ngumiti si Sierra, "Huwag na pong abalahin si Mr. Narvaez." Matapos
“Mali ako. Hindi dapat ako nangingialam sa problema ng iba. May pakiusap lang ako… huwag mo nang sabihin sa asawa ko, pwede ba?” mabilis niyang sabi. Umangat ang sulok ng labi ni Sylvio, halos hindi na makita ang mga mata sa labis na pagkakangisi. “Mukhang mabilis kang umamin ng pagkakamali,” malamig ngunit may bahid ng biro niyang tugon. “Ibig sabihin, lubos kong nauunawaan ang pagkakamali ko. Sabi nga nila, ang pag-amin sa pagkakamali ang pinakamalaking pagbabago. Mr. Narvaez, huwag mo na sanang dibdibin ang pagkakamali ko at patawarin mo na ako sa pagkakataong ito, pwede naman hindi ba?” "This is not the first time you meddled with someone else's business," ani Sylvio. Alam ni Sierra na ang tinutukoy ni Sylvio ay ang nangyari noong huli sa Luther's Club.. “Ipinapangako ko… hindi na magkakaroon ng pangatlong beses,” mariin niyang sabi. “Alam mo naman pala ang mali mo pero inuulit mo pa rin. Bakit ako maniniwala sa mga pangako mo?” Miserableng tumingin si Sierra kay Sylvio, "
Nag-angat ng tingin si Sylvio kay Sierra, saka niya itinuro ang gilid nito. "seatbelt." Nakaramdam ng pagkapahiya si Sierra. Gusto lang pala nitong ayusin ang seatbelt niya! Pero sana sinabi ka lang nito ng diretso! Hindi iyong kailangan pa lumapit ng ganoon!"Ako na." Pairap na tugon ni Sierra.Bumalik na si Sylvio sa kanyang upuan at hinintay si Sierra na makabit ang kanyang seatbelt bago niya binuhay ang makina ng sasakyan.Makalipas ang ilang sandali, hindi na napigilan ni Sierra at lumingon para tanungin si Sylvio, "Ano ba talaga ang pag-uusapan ninyo ng asawa ko?"Sinulyapan ni Sylvio ang babae na may mukhang hindi mapakali, ngunit may bahagyang ngiti namang lumitaw sa kanyang mga mata. "Why don't you guess?” "Hindi ako manghuhula, Sylvio." Inis na wika ni Sierra.Bumaling si Sierra at seryosong tiningnan si Sylvio. "Hindi ba't galit ka dahil hinayaan ko si Vior na sumama sa hapunan? Isusumbong mo ba kay Marco ang tungkol sa atin?"Tiningnan ni Sylvio ang daanan sa harapan. "P
Medyo ikinagulat iyon ni Sylvio, kapagkuwan ay sumilay ang kakaibang ngiti sa kanyang labi. "No objection."Ayaw nang pansinin ni Sierra ito, tumingin na lang kay Vior at sabi. "Vior, huwag ka masyadong mag-abala sa iba, kumain ka rin. Here," inikot niya ang mesa at kumuha ng chicken adobo at saka afritada, "try these... Since this is the must tries in the country," since ang main menu ng Luscious Taste ay Filipino food, iyon din ang in-order ni Vior. Nakaramdam ng init sa kanyang puso si Vior nang makitang ang pagboboses ni Sierra para sa kanya. "Okay, okay. I will try, thank you!"Inibaba ni Sylvio ang kanyang kubyertos at pinunasan gilid ng labi gamit ang table napkin. "Miss Sierra, pupunta muna ako sa banyo, maaari mo bang ituro sa akin saan?”Itinuro ni Sierra ang loob ng private room gamit ang kanyang nguso. "Doon."Inibaba ni Sylvio ang table napkin at lumingon kay Sierra. "Hindi ako sanay sa loob ng pribadong silid na ito."Agad na um-ekstra si Vior, "Sylvio, sasamahan na kit







