ログインNangangamba siyang baka mahulog ang loob ni Rianna kay Deion. Tutal, gwapo naman ito at maganda ang pinagmulan. Katulad niya ni Marco, pareho silang uri ng lalaking mahirap hindi pagpukulan ng atensyon ng mga babae. Ngunit mas hindi siya mapagkakatiwalaan kaysa kay Deion, na kahit paano ay nananatiling tapat at dalisay at lubusang nagmamahal sa kanyang asawa. Nasa mundo siya ng sining at pelikula—isang masalimuot at nakasisira na kapaligiran kung saan hindi mabilang na kabataang babae ang handang magpaalipin sa kanya araw-araw kapalit ng katanyagan at oportunidad. Kung inaalagaan lang niya si Rianna para sa kanyang sariling kapakinabangan, kaya rin niyang kumuha at mag-alaga ng ibang babae. Sobra nang pagdurusa ang pinagdaanan ni Rianna; ayaw ni Sierra na maranasan pa nito ang sakit at pagkabigo sa pag-ibig. “Mas mabuti nang ganyan ang pananaw mo. Matalas ang iyong paningin at hindi ka madaling masasaktan.” Alam ni Rianna na nag-aalala lamang si Sierra para sa kanya. “Huwag kang
Kumunot ang noo ni Sierra. “Marco.” Bumaliktad si Marco at tumalikod sa kanya. “Bumalik ka na sa kwarto mo. At isara mo ang pinto paglabas mo.” Habang nakatingin sa makinis na likod ng lalaki, napakuyom ang mga ngipin ni Sierra. Lumapit siya at niyakap ito mula sa likuran. “Sige, isusuot ko na.” “Just let it. Hindi kita pipilitin.” Napakagat-labi si Sierra. “Hindi, gusto ko naman talaga.” Humarap si Marco sa kanya, at agad na nagpilit ngiti si Sierra. Nagtanong ito, “Sigurado ka bang hindi kita pinipilit?” Umiling si Sierra. “You were the one driving and I am just a receiver, kaya paanong pinipilit iyon?” Sumilay ang multo ng ngiti sa labi ni Marco. "Hmm... ako na ang bibili ng mga ganoong damit.” Napakuyom ng mahigpit ng maliliit na kamao ni Sierra. Sinasamantala talaga siya ng lalaking ito. “Ayaw mo ba?” Pinanatili ni Sierra ang kanyang ngiti. “Kung gusto mong bumili, sige lang. Gagawin ko ang anumang sabihin mo.” “Mabuti naman.” “Kung ganoon, tawagan mo na ang kaibigan
“Hindi, ayoko, ayokong sumama sa’yo.” Biglang puno ng takot ang mukha ni Jiara, at sa isang iglap ay naging labis ang kanyang pagkabalisa. “Papatayin mo lang ako, hindi ako sasama sa’yo.” Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Rianna. “Riri, hindi tayo uuwi, hindi tayo babalik doon.” Mabilis siyang inalu ng anak. “Yes, mommy, hindi tayo uuwi. Huwag po kayong matakot.” Tila nasa sukdulan na ang pasensya ni Douglas, kaya galit siyang sumigaw. “Rianna, makinig ka sa akin! Tigilan mo na ang kakulitan mo at umuwi na kayo ng Mommy mo!” Alam ni Sierra na hindi na matutuloy ang pagbagsak ni Douglas sa araw na ito, ngunit tiyak na maghahanap siya ng ibang pagkakataon sa hinaharap. “Mr. Rodriguez, hindi pa gaanong stable ang emosyon ng iyong asawa ngayon. Sinabi niyo rin mismo na mayroon siyang matinding kalungkutan at depresyon. Kung isasama niyo siya ngayon pauwi, baka lalong lumala ang kanyang kalagayan. Paano kung dalhin ko muna siya sa bahay namin sandali para makausap ko? Kapag maayos
Napakabigat ng kabog ng dibdib ni Douglas. Paano nalaman ni Sierra ang tungkol dito? Nakawala na si Jiara sa kanyang pangangalaga, at maging ang yaya at ang mga bantay ay nawala rin. Tiyak na hindi ito kayang gawin ni Rianna nang mag-isa. Ibig bang sabihin ay isinumbat na ng anak niya kay Sierra ang lahat ng lihim ng kanilang pamilya? Si Sierra ba ang tumulong at gumawa ng paraan sa likod ng lahat ng ito ngayong araw? Tama, iyon nga siguro ang katotohanan. Bagaman, kung susumahin, sa galing at kakayahan naman ni Rianna, maaari rin naman niyang magawa ang lahat ng ito. Pero bakit naman ganoon na lang ang pagtitiwala ni Rianna kay Sierra? Masikip na ang oras at masalimuot na ang sitwasyon, kaya hindi na siya nagtagal mag-isip pa. Tinitigan niya si Sierra at nagtanong, “Mrs. Montezides, bakit ni'yo naman nasasabi ang mga bagay na iyan?” Sinenyasan ni Sierra si Reon. Naintindihan naman ito agad ni Reon at nag-utos sa kanyang mga tauhan na dalhin ang taong nagbabantay sa kanila. Ma
Kumunot ang noo ni Douglas. “Riri, anak, alam kong laging pakiramdam mo ay napakahigpit ko sa iyo, ngunit anak kita. Kahit gaano ka pa kasuwail o kakaiba, anak pa rin kita. Kahit noong napabalitang gumaya ka ng gawa ng iba, hindi ko kailanman inakalang talikuran ka. Ginawa ko ang lahat ng iyon para sa ikabubuti mo. Dugo at laman kita, at dapat ay kakampi mo ako. Bakit ka kasama nila sa pagsisinungaling laban sa akin? May sakit ang nanay mo, kaya nauunawaan kung bakit siya nagsasalita ng walang katotohanan. Ikaw naman ay matino at malinaw ang isipan, anak. Kailan ka ba tatanda at magkakaroon ng tamang pag-iisip?” Pagkasabi nito, kumuha siya ng isang medikal na ulat mula sa kanyang bulsa, binuksan ito, at ipinakita sa lahat. “Ito ang record ng karamdaman ng aking asawa. Nasa aming tahanan din ang mga gamot na iniinom niya nang mahabang panahon. Umaasa akong mapagpatawad niyo siya sa ginawa niyang eksena ngayong araw, dahil sa kanyang kalagayan. At pati ang aking anak, bata pa siya at k
Pagdating ni Sierra subdivision, siksikan na ang mga tao sa pasukan ng gusali kung saan nakatira si Douglas Rodriguez.Nakaupo si Jiara sa isang wheelchair. Sa kanyang tabi naman ay nakatayo si Rianna, habang nasa likuran nila si Reon at ilang iba pa. Nakapalibot ang mga pulis at bumubuo ng harang sa kanilang paligid.Pigil nito ang mga taong nanonood at ang mga mamamahayag na may dalang mga kamera upang hindi sila makalapit.Biglang lumabas si Douglas mula sa hagdanan.Nagkislapan ang mga ilaw ng kamera, at sunod-sunod na bumabati at nagtatanong ang mga mamamahayag.“Mr. Rodriguez, totoo po ba ang balitang kayo ay nananakit ng inyong asawa at anak?”“Mr. Rodriguez, maaari po ba ninyong ipaliwanag kung totoo ang mga paratang tungkol sa pang-aabuso sa loob ng tahanan?”“Mr. Rodriguez, pakisagot po nang diretso kung totoo ba ang mga tsismis na kayo ay marahas sa pamilya?”Tila hindi narinig ni Douglas ang mga tanong ng mga mamamahayag. Lumakad siya ng ilang hakbang palapit kay Jiara at
Nang sandaling iyon naglalakad na palapit ang Senyora Elizabeth sa kanila. “Tanggapin mo na, Sierra. Isa iyang heirloom na nagmula pa sa aming ninuno at pinapasa sa panganay na asawa sa bawat pamilya.” Nakangiti nitong sinabi. “Kung gusto mo ay pumunta tayo sa aming tindahan at pumili ka ng kung an
“Sino ang ama ng anak mo kung ganoon?” Marco asked with a gritted teeth. “Hindi ko alam.” Diretsong sagot ni Sierra. Tumaas ang sulok ng labi ni Marco para sa isang sarkastikong ngisi, nagtatagis na ang bagang nito sa irita. “Hindi mo alam? You want me to raise a child with you but you can't even
Nagkatinginan sina Ericka, Stevan at Julian Montezides sa sinabi ng Senyora. Ang unang nakabawi ay si Ericka Montezides, tumayo ito at nilagyan ng tsaa ang baso ng biyenan. “Mama, nagkamali po si Adriana kaya po dapat ay nandito siya upang humingi ng kapatawaran. Hindi naman po tama na dahil lang
Inutusan ni Stevan si Sierra na sumunod sa study nito. Kinausap pa sandali ni Sierra ang mga biyenan bago tuluyang sumunod kay Stevan Montezides. Nang buksan ni Sierra ang pintuan ng study ay nakita agad niya si Stevan na nakaupo sa swivel chair nito at nagsindi ng sigarilyo. Ibinuga muna nito ang







